KUKUNSULTAHIN muna ng Department of Transportation (DOTr) ang economic team ng pamahalaan dahil sa kahilingan ng sektor ng transportasyon tungkol sa hinihingi nila na magkaroon ng P1 provisional fare hike.
Ayon sa sektor, dahil sumipa ng mataas ang presyo ng krudo at produktong
petrolyo kung kaya’t kailangan magkaroon din ng pagtaas ng pamasahe,
“We are weighing the concerns of public utility drivers and operators while also
protecting the riding public from additional burden. We have to discuss that, because we need to balance the impact of any fare hike on our commuters and fellow citizens,” wika ni
DOTr Secretary Vince Dizon.
Ang mga grupo ng transportasyon na humihingi ng taasan ang pamasahe ay ang Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association (Altodap), at Alliance of Concerned Transport Organizations.
Tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Iran na nagsimula kamakailan lamang, ito ay ayon na rin sa Department of Energy (DOE).
Upang mabawasan ang epekto ng tumataas na produktong petrolyo, ang pamahalaan ay may planong magkaroon ng P2.5 bilyon na programa sa fuel subsidy para sa mga jeepneys, buses, taxis, at ride-hailing services kasama ang mga delivery vehicles.
Sinabi ni Dizon na may kabuohang 1,132,407 na mga drivers ang inaasahang mabibigyan ng nasabing plano mula sa nasabing programa sa subsidy na may 258,712
na public utility vehicles, 723, 695 na tricycle drivers, at may 150,000 na delivery drivers.
Sa ahensya naman ng Land Transportation Office (LTO), sinuspende ang lisensya ng isang driver ng motor-hailing taxi dahil sa kasong overcharging kung saan ang isang
pasahero ay sumakay mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) papuntang Cainta, Rizal at sinisingil ng P2,000.
Dahil na rin sa utos ni President Ferdinand Marcos, Jr. na bigyan ng proteksyon ang publiko mula sa mga mapagsamantalang mga drivers kung kaya’t sinuspende ng LTO ang lisensya ng nasabing driver.
“Our President is leading the charge against these abusive PUV drivers since that viral incident at the NAIA. He already learned about this another case and he wants to impose the sanctions on this rider,” wika ni Dizon.
Ang nasabing insidente sa overcharging ay nag viral at nabigyan ng atensyon ni
Dizon at ng LTO social media monitoring team kung saan binigyan agad ng aksyon ang nasabing insidente mula sa pamunuan ng DOTr at LTO.
Sa isang Show Cause Order na nilagdaan ni Intelligence and Investigation Division
chief Renante Melitante hiningi sa may-ari ng motor-hailing taxi ang kanyang paliwanag kung bakit hindi siya magiging liable sa nasabing overcharging na insidente.
Iniimbestigahan din upang malaman kung ang registered na may-ari ay siyang
driver ng nasabing motorcycle taxi ng nangyari ang insidente.
Kung magkanoon, ang driver ay haharap sa isang kaso ng “Improper Person to
Operate a Motor Vehicle” (Sec. 27 of RA No. 4136) na may maximum penalty na revocation ng kanyang lisensya. LASACMAR