• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

DA, INALIS NA ANG IMPORT BAN SA ANIM NA ESTADO SA ESTADOS UNIDOS

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INALIS na ng Department of Agriculture (DA) ang pansamantalang pagbabawal sa importasyon ng domestic at wild birds, gayon din sa poultry meat at mga  produkto mula sa anim na estado sa Estados Unidos:  Indiana, Maryland, Missouri, New York, Ohio at Pennsylvania.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa kanyang inisyung Memorandum Order no. 32, ang pagbabawal na ipinatupad sa mga unang buwan ng taon ay dahil sa pagkalat ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) na inalis na matapos kumpirmahin ng mga veterinary authority sa US na naresolba na ang pagkalat nito. Ang report na isinumite sa World Organisation for Animal Health, ay nagsasaad na walang mga bagong kaso ng bird flu sa mga apektadong lugar simula June 9.
Ang pagbabalik ng importasyon ay inaasahang  magpapalakas sa  poultry supply ng bansa at makakatulong na mapagaan ang pressure sa presyo, alinsunod sa pagsisikap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na masiguro ang seguridad sa pagkain sa harap ng inflation. Ang tumataas na presyo ng pagkain ang nananatiling susi sa pagbilis ng inflation sa bansa.
Kabilang sa mga sakop ng pag-alis sa import ban ay ang  poultry products tulad ng itlog, day-old na mga sisiw, at semilya na ginagamit sa artificial insemination.
Gayonman, sinabi ni Secretary Tiu Laurel  na lahat ng padating na kargamento ay dapat na sumunod sa umiiral na veterinary quarantine protocols at food safety regulations ng DA. Ang pag-alis ng ban  ay mananatiling epektibo maliban na lamang kung bawiin ito sa panulat.
Ang update sa polisiya ay muling pagpapatibay sa pangako ng DA na ang mga desisyon ay nakabatay sa siyensiya at responsableng pandaigdigang  kalakalan. (PAUL JOHN REYES)

Unified ID system para sa PWDs, kasado na- DSWD

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KASADO na ang unified ID system para sa persons with disabilities (Pwds) Nationwide .
Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Information and Communications Technology and Chief Information Officer (CIO) Johannes Paulus Acuña, ipatutupad ang bagong sistema sa Oktubre sa piling local government units upang malabanan ang pagkalat ng pekeng ID para sa mga PWD.
 “May mga ginagawa na po kaming internal technical pilots tapos pinapakita na po namin sa mga katuwang po natin sa NCDA. So internal testing development na po yung ginagawa namin this July, August and September para po mapaghandaaan po namin yung actual roll out sa mga [pilot] LGUs starting po October of this year,” pahayag ni Acuña na sinabing nasa internal pilot testing stage na ang bagong sistema.
Ayon kay Acuña, ang unified ID system para sa PWD ay inisyatibo ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na base naman sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing inklusibo ang mga programa at polisiya para sa mga bulnerableng sector.

Ayon sa gustong palabasin ng content creator; DINGDONG at MARIAN, sweet lang ‘pag may camera pero halos ‘di na nag-uusap

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HANGGANG ngayon, marami pa rin ang bigla na lang naglabasan sa social media na mga negatibong ibinabato sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
May isang obviously, hindi legit na page, lalo na at kahit sino na lang, tawag na sa sarili ay content creator kahit pa fake o nakaw ang content nila.
So ‘eto na nga, ang content niya, ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera raw ay sweet lang pala kapag nasa labas, may camera o may ibang taong nakakakita. Pero sa loob daw ng tahanan nila, halos hindi nag-uusap ang mga ito or hindi sila sweet.
Ang galing, as if, nakapasok na siya at nakasama ang DongYan sa loob ng bahay nila.
Sa comment section, yung mga ewan kung ano ang pinaglalaban o g na g o baka naman mga trolls lang na pinakalat ng kung sino, umagree sa post.
Pero marami siyempre ang halos same comment na, “nakapasok ka na sa bahay nila?”
At dito namin napansin si Pokwang na kasama ngayon ni Marian sa programang “Stars on the Floor” na hindi napigilan at napa-comment. ‘Di na rin siya nagpatumpik-tumpik na murahin ang mga diumano’y “content creator.”
Sey ni Pokwang, “Susme! Lahat na lang ng isyu gagawin may pagkakitaan lang tang ina nyan!”
True naman din talaga!
***
HINDI namin napanood, pero binati raw ni Miles Ocampo si Maine Mendoza. Diumano’y binati raw ni Miles si Maine habang nasa Sugod Bahay ito ng Happy 10th Anniversary si Maine. ‘Di nga lang namin knows kung nag-reply si Maine dito.
Ang daming tanong kung ano ang nangyari, kung bakit halatang hindi na sila okay. Naka-unfollow pa rin si Maine kay Miles. Although ang huli, naka-follow pa rin.
Kung tama ang nakarating sa amin, hindi talaga sila okay. At isa sa kanila ang dahilan. Kung tama ang nalaman namin, valid ang reason ng isa sa kanil n magalit.
Kung magiging okay pa sila? May chance dahil nasa isang show sila at isang management.
Pero, hindi na rin kami magtataka kung hindi na at all…
(ROSE GARCIA)

Maraming natuwa at na-touch sa ginawa ng sexy actress: IVANA, ipinag-shopping to the max ang anak ni KATRINA na si KATIE

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MARAMI ang natuwa at na-touch sa ginawa ni Ivana Alawi sa ‘shopping blowout’ sa anak ni Katrina Halili, na uploaded sa kanyang vlog at may pamagat na ‘Can’t Say No Challenge with Katie.’
Hindi naman ganun ka-close si Ivana kay Katrina. Nakilala lamang niya ang aktres dahil sa kapatid niyang si Mona at nagkasama ang Dallas sa isang project.
Humanga  raw si Ivana kay Katrina, lalo na sa pagiging single mom kaya naman na-excite raw siyang makilala ang mag-ina.
“Wala lang, gusto ko lang reward-an ‘yung bata kasi ang bait-bait, nakapaka-sweet na bata. (Si) Miss Katrina Halili siyempre, gusto ko siyang makausap, napakagaling na nanay at artista,” pahayag pa  ni Ivana.
Niyaya niya sa isang mall ang mga ito at talagang spend to the max si Ivana para sa mga laruan at iPhone plus candies para sa anak ni Katrina na meron palang AST (autism spectrum disorder).
Sey pa ni Katrina, two years old si Katie nang ma-diagnose ng AST at sumailalim sa therapy.
Samantala, walang paki si Ivana sa mga nagmalisya sa closet nila.
Parang intentional daw kasi ang pagpo-post ng natalong pulitiko para pag-usapan.
Walang naging confirmation noon from Ivana at kahit sa dating pulitiko na naging sila kahit may mga nagsasabi na naging magkarelasyon talaga sila, huh!
(JIMI C. ESCALA)

Dahil sa spoof bilang Manny Pacquiao: DENNIS, kinaaliwan ng netizens kaya nag-viral na naman ang video

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KINAALIWAN nang husto ng netizens ang latest viral video ni Kapuso Drama King Dennis Trillo sa kanyang TikTok account, na kung saan in-spoof niya ang boxing legend at dating senador na si Manny Pacquiao na title na ‘Mario Barrios, this one is for you!
Gamit ang AI effect na ‘Manny Good Looking’, nagmukha talagang si Pacquiao si Dennis, na kung saan kuhang-kuha niya ang tono ng pagsasalita, paggalaw at nagpa-sample ng kanta na ‘Sometimes When We Touch’ ni Dan Hill, na sa bandang huli ay ginaya rin ang pagsuntok-suntok ni Manny.
Tawang-tawa rin kami nang mapanood ang video na pampa-good vibes patio na sa mga komento ng netizens na sobrang naaliw sa kanyang post.
Say ng sobrang humanga sa kanyang pelikula, “Paiyak-iyak pa ako sa Greenbones teh.
“GMA utang na loob bigyan nyo pa po to ng sunod sunod na projects para maging busy.
“Puwede na siyang mag-stand-up comedy, promise!”
Hindi naman kinaya ng iba at nag-comment ng…
“Nagkulong ka na naman sa CR huhu.”
“May special course ba para aralia takbo ng utak mo?”
“Doc gising na po siya.”
“Lakas ng trip mo pareng Dennis!
Kaya naman pati ang asawang si Jennylyn Mercado, ay binulabog rin ng netizens
“Jennylyn pls lang wag mo na ibiza yung charger nito, laging tuloy fully charged e.”
“Jen nakahawak na naman siya ng phoneeeee!”
“At this point, baka puwedeng I-lock na lang ni Jen yung pinto sa CR.”
Dagdag pa ng netizens
“Jusko Dennis dapat kinanta mo ‘para sayo ang laban na ‘to’.
“Lupit mo Dennis pati si Pambansang Kamao, di nakaligtas sau.”
“Napa-double check tuloy ako, baka page nga ni pacman ang na-follow ko.
“Daming artista ngayon, pero si Dennis kaya kahit anong role, from kabit to boksingero.”
“Pambansang Green Bones.”
Samantala, ang ‘Green Bones’ na pinagbidahan nina Dennis at Ruru Madrid ay nakakuha ng siyam na nominasyon sa 8th EDDYS ng SPEEd na ang awards night ay sa July 20 na at gaganapin sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.
Malakas ang laban si Dennis bilang Best Actor at katunggali ang anim pang aktor na nominado.
Nominated din ang ‘Green Bones’ sa Best Picture, Best Director, Best Screenplay, Best Cinematography, Best Production Design, Best Editing, Best Musical Score, at Best Supporting Actor para kay Ruru.
Goodluck Team Green Bones and see you all at the EDDYS!
***
NAGLULUKSA na naman ang showbiz industry dahil sa pagpanaw ng kilalang columnist, talent manager at TV host na si Manay Lolit Solis nitong July 3, 2025. 
Ilang taon din nakipaglaban si Manay Lolit są kanyang karamdaman.
At ang isa sa pinakamalapit sa kanya at anak-anakan na si Sen. Bong Revilla ang unang nagparamdam ng labis kalungkutan sa kanyang Facebook post ng isang praying hands emoji, na labis na ikinabahala ng kanyang mga followers.
Kinaumagahan ng July 4, nag-post na nang mapusong pamamaalam si Sen. Bong sa itinuring na ikalawang ina…
Kasama ang series of photos nila, mababasa ang
“Paalam Nanay Lolit.
“Pahinga ka na. Wala nang sakit; wala nang hirap.
“Sobra kitang mami-miss.
“Maraming salamat sa pagmamahal at pagkalinga. You have been a solid rock for me, a staunch defender, and most importantly – a mother who took care of me and my family up to your last days with us.
“Para akong nawalan ulit ng nanay.
“Napakalaki mong kawalan sa napakaraming taong nahaplos ng iyong pagmamahal, gayundin sa industriya to which you dedicated your entire life.
“Ang aming taus-pusong pakikiramay sa lahat ng iyong naiwan. Lahat kami ay nagluluksa.
“Mahal na mahal ka namin.
Kinumpirma rin ito ng anak ni Manay Lolit na si Sneezy sa pamamagitan ng isang mensahe.
Ilan pa sa agad nagbigay ng tribute sa beteranong showbiz personality ay sina Niño Muhlach, Jolo Revilla, Yasmien Kurdi, Rhea Anicoche-Tan at marami pang iba.
Marami rin ang mga kaibigan niya ang nag-post ng kani-kanilang larawan 
kasama si Manay Lolit at mga ‘di makalilimutang kuwento.
Mula rito sa People’s Balita, ang aming taus-pusong pakikiramay sa kanyang naiwang pamilya.
May she rest in paradise!
(ROHN ROMULO)

A NEW WORLD IS WAITING TO BE UNLOCKED IN THE OFFICIAL TRAILER FOR “THE CAT IN THE HAT”

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TODAY is going to be THE. BEST. DAY. EVER! Bill Hader is “The Cat in the Hat” – only in cinemas February 2026.
Watch the trailer: https://youtu.be/PcZxHX6pU5Y
About “The Cat in the Hat”
Meet the Cat in the Hat you don’t know! In the wonderfully whimsical tradition of Dr. Seuss, “The Cat in the Hat” comes to the big screen in his animated theatrical feature film debut, an all-new, epic adventure with an edge, where mischief, magic and mayhem reign supreme. Doing what he does best, the Cat – voiced by Bill Hader – spreads joy to kids in his hilarious, signature and singularly irreverent way, transporting them and audiences on a fantastical journey through a world they’ve never seen before.
In the film, our hero takes on his toughest assignment yet for the I.I.I.I. (Institute for the Institution of Imagination and Inspiration, LLC): to cheer Gabby and Sebastian, a pair of siblings struggling with their move to a new town. Known for taking things too far, this could be this agent of chaos’s last chance to prove himself… or lose his magical hat!
Starring alongside Hader are Xochitl Gomez, Matt Berry, Quinta Brunson, and Paula Pell, and featuring Tiago Martinez, Giancarlo Esposito, America Ferrera, Bowen Yang and Tituss Burgess.
Directed by Alessandro Carloni and Erica Rivinoja, Warner Bros. Pictures Animation’s first full-length feature film, “The Cat in the Hat,” comes to theaters and IMAX® February 2026.  It will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures.
Join the conversation online and use the hashtag #TheCatInTheHat
Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”
(ROHN ROMULO)

Pilipinas napiling host ng FIBA Women’s Asia Cup 2027

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAPILI ang Pilipinas para maging host ng FIBA Women’s Asia Cup sa 2027.

Ayon kay FIBA Executive Director-Asia Hagop Khajirian na sabik sila na makabalik sa Pilipinas para sa FIBA Asia event.

Ito ang unang pagkakataon na anc continental-level basketball event ay iho-host ng Pilipinas mula noong 2013.

Dagdag pa ni Khaijirian na naniniwala sila na ang pag-host ng Pilipinas ng FIBA Women’s Asia Cup ay makakatulong sa promosyon nila na lalong magkainterest ang mga babae sa sports na basketball.

Sinabi naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio na masaya sila sa pagkapili ng Pilipinas para maging host ng FIBA Women’s Asia Cup 2027.

Mula pa aniya noon ay naging mahigpit nilang kasama na ang FIBA sa pagpaprioritize ng paglago ng basketball sa mga kababaihan.

Nasa momentum na ang Pilipinas sa basketball ng kababaihan dahil may ilang mga manlalarong Pinay ay kinukuha ng ibang mga bansa.

Magugunitang noong 2013 ng maging host ang Pilipinas sa FIBA Asia Championship kung saan naging runner-up ang Pilipinas at nakapasok sa 2014 FIBA Basketball World Cup.

Alex Eala nabigo sa doubles sa Wimbledon

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN nang natapos ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Wimbledon.

Ito ay matapos na mabigo siya sa doubles kasama si Eva Lys laban kina Ingrid Martens at Quinn Gleason sa score na 4-6, 2-6.

Ang kaniyang pagkatalo ay ilang araw matapos na mabigo ito sa unang round ng nasabing torneo laban kay defending singles champion Barbora Krejcikova.

Kahit na nabigo ito ay nagtala naman si Eala sa kasaysayan ng Wimbledon na tanging Pinay na naglaro sa Wimbledon.

Pasinaya sa bagong business offices ng NCH

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Taingco ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa bagong business offices ng Navotas City Hospital para sa mas mabilis at mas convenient na serbisyo sa mga pasyente na bahagi ng pagdiriwang ng ika 18th Navotas Cityhood. Ani Mayor Tiangco, mas maayos na ngayon ang daloy ng transaksyon dahil nasa iisang lugar na ang mga kailangan puntahan para sa social services, Malasakit Center, at iba pa. (Richard Mesa)

Impeachment trial ni VP Duterte Senate, hindi optional, dapat ituloy ngayong 20th Congress

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AYON kay reelected Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores, isa sa miyembro ng House prosecutors sa kaso, na hindi optional ang pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at dapat matuloy ito ngayong 20th Congress kapag pormal na itong magbukas.

“No, it is not optional. As soon as it is filed, ang understanding ko, ang obligasyon ng Senado is to hear and decide the case,” ani Flores.

Nang tanungin ukol sa posibilidad na madismis ang kaso, umaasa ito na huwag naman sana dahil obligasyon ng senado sa ilalim ng konstitusyon na dinggin at magdesisyon sa usapin,

“Yun naman ang nakasabi doon sa Constitution. So, kung i-follow lang nila ‘yung Constitution, there is really going to be a trial,” pahayag ni Flores.

Hinihintay na lamang ng Kamara ang pormal na organisasyon ng 20th Congress bago ito magdesisyon kung kukumpletuhin ang hinihinging sertipikasyon ng Senate impeachment court para magpatuloy sa trial.

“Wala pang certification or compliance na magagawa until the 20th Congress is organized and starts. So that’s technically after the SONA pa,” anang mambabatas.

(Vina de Guzman)