• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

3 sasakyan, pinagbabaril at sinilaban sa Maynila  

Posted on: July 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAGBABARIL at sinilaban ang tatlong sasakyan habang nakaparada sa Barrio Obrero partikular sa bahagi ng G.Santiago at R.Papa Street sa Tondo, Maynila.

Sa kuha ng CCTV ng Brgy.189 bandang alas- 4:20 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa kasagsagan ng buhos ng ulan .

Base sa kuha ng  CCTV footage,  na ang mga suspek ay sakay ng dalawang motorsiklo ang may gawa ng krimen.

Isa sa kanila ay binasag pa ang salamin bago sinilaban ang itim na kotse na may plate number na NIM-2624.

Patuloy na inimbestigahan ng MPD Station-7 ang insidente habang inaalam na ang motibo sa krimen maging ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

(Gene Adsuara)

Posibleng ma-recover pa ang mga buto ng nawawalang sabungero  

Posted on: July 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI ng Department of Science and Technology (DOST) na posibleng ma-recover pa ang mga buto ng nawawalang sabungero kung itinapon talaga ang kanilang mga katawan sa Taal Lake.

Una nang sinabi ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan na inilubog umano ang mga katawan sa malalim na bahagi ng lawa sa Talisay, Batangas.

Ipinaliwanag ni DOST Secretary Renato Solidum na ang laman ng katawan ay mabilis ma-decompose, pero ang mga buto ay maaaring ma-preserve, depende sa lalim at dami ng oxygen sa tubig.

Una na ring sinabi ng mga otoridad ang kahilingan sa Japan para sa tulong sa paghahanap gamit ang teknikal na kagamitan. (BOY MORALES SR.)

PAGCOR, bukas sa paghihigpit ng mga regulasyon vs illegal online gambling

Posted on: July 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na bukas sila sa panukalang higpitan pa ang mga regulasyon laban sa illegal online gambling.

Ang pahayag ng PAGCOR ay kasunod ng inihaing panukalang batas ni Senator Sherwin Gatchalian na nagsusulong sa pagbabawal ng paggamit ng e-wallets para sa online gambling.

Sinabi ng Pagcor na discretion ng mga mambabatas na magpanukala ng mga batas na magbebenepisyo sa publiko.

Tiniyak naman ng Pagcor sa publiko na kaagapay ang mga ahensiya at orga­nisasyon, mananatili silang fully committed sa pagpapaigting pa ng kanilang mga ginagawang hakbang para malabanan ang paglaganap ng illegal online gaming activities.

Base sa Malacañang, nasa 7,000 na hindi awtorisadong online ga­ming sites na natukoy ng Pagcor ang napatanggal na ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Pumangalawa ang tandem nina Ralph at Will: BRENT at MIKA, dineklara na big winner duo ng ‘PBB Celebrity Collab Edition’

Posted on: July 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ANG BreKa Duo nina Brent Manalo and Mika Salamanca, was declared the Big Winner Duo of GMA and ABS-CBN’s collaboration project Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Ang Big Night at ginanap lang Saturday, July 5, sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.
Sina Brent at Mika ang nakakuha ng highest votes with 33.03 percent and became the big winners of the hit reality show
As the Big Winner Duo, Brent and Mika received P1 million cash prize each.
Sumunod sa BreKa as the Second Big Placer is the duo of Ralph de Leon and Will Ashley, or RaWi, with 25.88 percent.
The duo of Charlie Fleming and Esnyr, CharEs, took the Third Big Placer spot, receiving 22.91 percent of votes.
AZVer, composed of AZ Martinez and River Joseph, became the Fourth Big Placer of this edition with 8.77 percent.
Ang duo na BreKa ang nagtagumpay sa huling Big Jump Challenge sa Bahay Ni Kuya kaya’t sila ang nakakuha ng huling slot para sa Big 4.
Puwedeng ulit-ulitin at balikan ng viewers at fans ang best moments sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa GMANetwork.com and other GMA’s social media platforms.
***
EXCITED na si Mark Bautista sa pagganap niya bilang prince ni Rapunzel sa Philippine production ng musical na Into The Woods ng Theatre Group Asia (TGA) kunsaan kabilang sa cast sina Lea Salonga, Nic Chien, Eugene Domingo, Nyoy Volante at marami pang iba.
“I’ve never played the role of a prince before, so this is going to be exciting for me. Falling in love with a princess is quite interesting as well. It’s a musical with so many intriguing characters and loads of references and elements in the story,” sey ni Mark sa kanyang feature sa Vogue Philippines.
Hindi bago sa musical theater si Mark dahil lumabas na siya sa mga local productions ng ‘The Full Monty’, ‘Noli Me Tangere’, ‘Bituing Walang Ningning’ at sa London and Seattle production ng ‘Here Lies Love.’
***
DALAWANG Hollywood actors ang magkasunod na pumanaw. Ito ay sina Julian McMahon (July 2) at Michael Madsen (July 3).
Nakilala ang 56-year old Australian actor na si Julian McMahon sa mga American TV shows na Another World, Profiler, Charmed, Nip/Tuck at FBI: Most Wanted.
Siya ang original na gumanap as Dr. Doom sa Marvel film version ng Fantastic Four (2005) and Fantastic Four: Rise of the Silver Surfer (2007).
Pumanaw ang aktor sa Clearwater, Florida after a private battle with cancer.
Si Michael Madsen naman ay naging paboritong aktor ng Oscar-winning film director na si Quentin Tarantino. Ginawa nila ang mga pelikulang Reservoir Dogs, Kill Bill: Vol. 1 & 2, The Hateful Eight and Once Upon a Time in Hollywood.
Lumabas din siya sa mga pelikulang War Games, Free Willy, The Getaway, The Natural, The Doors, Thelma & Louise, Species, Donnie Brasco, Die Another Day at Mulholland Falls.
The 67-year old Chicago born actor was found unresponsive sa kanyang Malibu home dahil sa cardiac arrest.
Madsen also was also a published poet and accomplished photographer. May natapos siyang book na ilalabas next year titled Tears For My Father: Outlaw Thoughts and Poems.
(RUEL J. MENDOZA)

“SO MANY TALENTED PEOPLE,” RIHANNA SAYS OF THE “SMURFS” VOICE CAST. WATCH THE NEW “IT TAKES A SMURFS VILLAGE” FEATURETTE

Posted on: July 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
 
#SmurfsMovie
Photo credit: Paramount Pictures
 
IT takes a Smurf Village to make #SmurfsMovie. Meet the ⭐ stars ⭐ behind the Smurfs! Get tickets now to see them in theaters July 16. 💙
 
Directed by Chris Miller (Shrek the Third, Puss in Boots) and featuring an all-star cast that includes Rihanna, James Corden, Nick Offerman, Daniel Levy, Amy Sedaris, Natasha Lyonne, Sandra Oh, Octavia Spencer, Nick Kroll, Hannah Waddingham, Alex Winter, Maya Erskine, Billie Lourd, Xolo Maridueña, with Kurt Russell and John Goodman, Smurfs opens only in cinemas July 16.
 
Watch the “It Takes a Smurf Village” featurette: https://youtu.be/pVveC54dfJY
 
Synopsis:
When Papa Smurf (John Goodman) is mysteriously taken by evil wizards, Razamel and Gargamel, Smurfette (Rihanna) leads the Smurfs on a mission into the real world to save him. With the help of new friends, the Smurfs must discover what defines their destiny to save the universe. SMURFS features an all-star voice cast including Rihanna, James Corden, Nick Offerman, JP Karliak, Daniel Levy, Amy Sedaris, Natasha Lyonne, Sandra Oh, Octavia Spencer, Nick Kroll, Hannah Waddingham, Alex Winter, Maya Erskine, Billie Lourd, Xolo Maridueña, with Kurt Russell and John Goodman.

 

Paramount Animation Presents In Association with Domain Entertainment A Ty Ty and Jay Brown Production, “SMURFS”

 

Executive Produced by Pete Chiappetta, Anthony Tittanegro, Andrew Lary, Produced by Jay Brown, Ty Ty Smith, Robyn Rihanna Fenty, Ryan Harris, p.g.a.

 

Based on the Characters and Works of Peyo, Written by Pam Brady and Directed by Chris Miller.

 

Cast: Rihanna, James Corden, Nick Offerman, JP Karliak, Daniel Levy, Amy Sedaris, Natasha Lyonne, Sandra Oh, Octavia Spencer, Nick Kroll, Hannah Waddingham, Alex Winter, Maya Erskine, Billie Lourd, Xolo Maridueña, Marshmello, with Kurt Russell and John Goodman

 

#SmurfsMovie @paramountpicsph (Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”)

(ROHN ROMULO)

Anti-political dynasty bill, inihain

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INIHAIN ng Makabayan bloc sa kamara ang panukalang anti-political dysnasty bill na naglalayong mapigilan o maipagbawal ang pagtakbo o maka-upo sa kapamilya ng halal na opisyal sa posisyon maging ito ay sa national o lokal ng magkasunod.
Nakasaad sa House Bill 209 na iihain nina Act Teachers Party List Rep. Antoio Tinio at Kabataan Party List Rep. Renee Co na ang political dysnasty ay isang “family or clan that cocentrates, consolidates or perpetuates their politicak power by holding public offcie simultaneously o successively.”
Layon nitong ipagbawal ang sinumang kaanak o kapamilya na humawak o kumandidatio sa isang elective national o local na tangapan ng magkasunod o simultaneously hanggang sa ika-apat na ‘degree consanguinity or affinity, whether legitimate or illegitimate, full or half blood.’
Nangangahulugan na walang sinuman na nasa loob ng civil degree of relationship sa incumbent relected official ang agad na makakaupo o makakatakbo sa posisyon na papalitan o iiwan ng kapamilya nito.
Kapag naging ganap na batas, maipapatupad ito sa susunod na mga eleksyon.
(Vina de Guzman)

Crop insurance bill na panawagan ni PBBM suportado ni Speaker Romualdez 

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KAISA si re-elected Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez sa panawagan ni Presidente Bongbong Marcos na mas malawak na crop insurance coverage, na nagsaad na iisa ang kanilang layunin, ang protektahan ang magsasakang pinoy at masiguro ang food security ng bansa.
“We are one with the President in putting farmers front and center in our development agenda. His call to expand crop insurance is not just timely—it is necessary. It’s about giving our farmers peace of mind when they plant, and hope when disaster strikes,” ani Romualdez.
Bilang suporta, inihain nito ang House Bill No. 14, na naglalayong mapalakas ang mapalawig ang serbisyo ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at mabuksan ang pinto sa mas malaking partisipasyon ng private sector sa agricultural insurance.
“This bill is my personal commitment to every farmer who risks everything each planting season. With better insurance, we’re not just protecting crops—we’re protecting lives, dreams, and the future of our food supply,” anang mambabatas.
Sa ilalim ng HB 14, kasama na awtor sina Tingog Party-list Reps. Jude Acidre at Andrew Julian Romualdez, ang PCIC coverage ay palalawigin pa sa bigas at mais kung saan isasama ang high-value commodities, livestock, aquaculture, farm machinery at maging ang post-harvest infrastructure. (Vina de Guzman)

Open bicam sa budget suportado

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPAHAYAG ng buong suporta si Re-elected Tingog Party-list Rep. Jude Acidre sa panukalang nuksan sa publiko ang bicameral conference committee deliberations sa national budget.
Kaisa ang mambabatas kay Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa pagsuporta sa pagbubukas ng traditional na closed-door bicam sa publiko.
“Nauna na pong nagpahayag ng suporta si Speaker Martin Romualdez tungkol po sa kanyang suporta sa open bicam, and I think it resonates well with many of the members of Congress. Kaya po ako, buo ang suporta natin sa panawagang maging transparent, accountable, at bukas ang proseso ng bicameral conference committee sa kadahilanang ito ay pamamaraan para mas maintindihan ng ating mga kababayan ang kabuuan ng proseso ng pagpapanday ng mga batas at polisiya natin,” dagdag nito.
Una nang inihayag ni Romualdez ang pagsuporta nito sa mas bukas at transparent na bicameral conference process para sa national budget, na nagsabing nararapat na batid ng publiko kung saan inilalaan ang kanilang pera.
(Vina de Guzman)

Iregularidad ng PrimeWater i-imbestigahan na sa Kamara

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKATAKDANG imbestigahan ng House of Representatives ang umano’y iregularidad ng Prime Water.
Ito’y matapos inihain ngayon araw ni Zambales Rep. Jay Khonghun ang House Resolution 22 na humihimok na imbestigahan ng Kamara ang mga reklamo kaugnay sa mga iregularidad sa Joint Venture Agreements (JVAs) na pinasok ng mga local water districts at PrimeWater Infrastructure Corporation.
Ayon kay Khonghun na ang tubig ay buhay at hindi lamang negosyo, kaya marapat lang na maisulong ang mas maigting na regulasyon sa mga pinapasok na joint venture ng mga local water districts para maprotektahan ang publiko mula sa hindi maayos na serbisyo.
Nilinaw naman ni Khonghun na ang pag-imbestiga sa Prime Water ay walang halong politika dahil ito ay local issue na matagal na rin naman idinadaing ng kanilang mga kababayan.
Umaasa ang mga mambabatas na sa gagawing investigation in aid of legislation ay matukoy kung ano ang nangyari kung bakit hindi nasunod ng Prime ang parte nila sa kasunduan na makapagbigay ng maayos na serbisyo ng tubig at ano ang mga batas na maaaring ipasa o amyendahan upang hindi na maulit ang ganitong sitwasyon.
Wala rin silang nakikitang problema kahit pa mayroon nang isinagawang imbestigasyon ng Local Water Utilities Administration o LWUA at kasalukuyan nang pinag-aaralan ng Office of the President. ( Vina de Guzman)

Ilang senador, may napipisil ng Senate President sa 20th Congress

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA OPISYAL na pagbubukas ng 20th Congress sa Hulyo 28, maghahalal o pipili ang 24 na mga senador ng bagong uupong Senate President.
Tatlong pangalan ang matunog na magtatagisan sa pagkapangulo ng Senado — na kinabibilangan ni Senador Francis “Chiz” Escudero na kasalukuyang Senate President; Vicente “Tito” Sotto III na dati nang nagsilbing Senate President noong 2018 hanggang 2022;ang reelectionist na si Imee Marcos na itinutulak na tumakbo bilang pangulo ng Senado.
Kasabay nila, may ilang senador na rin ang nagpahayag ng kanilang susuportahan na uupong Senate President.
Sa isang panayam kay Senador Alan Peter Cayetano, sinabi nito na kung ngayon ang magiging botohan, tiyak na panalo na si Escudero bilang pangulo ng Senado sa 20th Congress.
Isiniwalat nitong mayroong suporta si Escudero mula sa mahigit 13 mga senador o majority votes.
Naniniwala naman si Senador Joel Villanueva na mananatili pa rin si Escudero bilang Senate President sa 20th Congress.
Aniya, aabot sa 13 ang bilang ng mga senador na boboto kay Escudero sa pagka-Senate President.
Aminado rin ito, na marami na raw sa mga senador ang nagpahayag ng suporta kay Escudero bilang pangulo ng Senado.
Wala naman daw pinapaikot na resolusyon para lumagda ang mga senador ng suporta ngunit naguusap-usap silang mga mambabatas.
Ang magkapatid na Tulfo naman na sina Senador Raffy at Erwin ay susuportahan ang magiging pasya ng mayorya sa pagka-Senate President.
Sinabi pa ng senador na posibleng kasama siya sa 13 senador na susuporta kay Escudero na unang sinabi ni Villanueva.
Paliwanag ni Tulfo, kaya sa mayorya sila sasama ay dahil madalas ito ang tumutulong sa mga iniuutos o nais na mga ipasang panukala ng administrasyon. ( Daris Jose)