NAGBABALA si Manila Mayor Isko Moreno -Domagoso sa mga tauhan ng manila traffic and Parking Bureau (MTPB) na magtino na at huwag puro panghuhuli ang ginagawa.
Binigyang babala ni Domagoso ang ilang MTPB na mahilig magtago saka susulpot at haharangan ang mga motorista na nakila nilang lumabag sa batas trapiko.
Ayon kay Mayor Isko, dapat ng baguhin ang istilo ng mga traffic enforcers na ito kung saan maiging tumulong sila sa mga nangangailangan motorista.
Giit ng alkalde, dapat tumulong sa publiko hindi ang paghuhuli lamang ang ginagawa na madalas puro reklamo pa ang natatanggap.
Maigi rin na aniya na umalalay sila sa daloy ng trapiko hindi lamang sa mga pangunahing kalsada kungdi sa iba pang lugar sa Maynila na nakakaranas ng pagsikip ng trapiko.
Sa usapin naman ng naantalang sweldo ng ilang mga tauham ng MTPB, sisikapin din ng Alkalde na maibigay ito hanggang sa makumpleto lahat.
Samantala, ang oras ng trabaho sa pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon makaraang nagdesisyon ang mga empleyado ng tanunging ni Mayor Isko sa ginanap na flag raising ceremony.
Ang pagnanais ng mga empleyado na maibalik sa maagang pasok at pag-uwi ay upang makaiwas na rin na makasabay sa matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko o rush hour.
Ang mga J.O. (job order) employees na hindi na nagpapakita ay hinihimok din ng alkalde na bumalik, magreport at mag-trabaho ng nararapat upang hindi sila matatanggal sa serbisyo.
Nakikiusap naman si Mayor Isko sa lahat ng empleyado na tumulong at gawin ang nararapat na trabaho para makaahon ang lungsod ng Maynila sa pagkakabaon sa utang. (Gene Adsuara)

INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) na nakatakda nitong baguhin ang national curriculum para maisama ang pagsasanay hinggil sa paggamit ng artificial intelligence (AI).
PAG-AARALANG mabuti ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang panukala ng Department of Finance (DoF) na patawan ng buwis ang online gaming.
BAGSAK sa kulungan ang dalawang drug suspects matapos makuhanan ng hindi linsensyadong baril at mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City.
BINUKSAN na sa publiko ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang bagong Tanza Multi-purpose Building sa NavotaAs Homes II, Brgy. Tanza 2, 0bilang bahagi ng ika-18th cityhood anniversary celebration nito.