MALUBHANG nasugatan ang isa sa dalawang kelot na tumangay sa motorsiklo ng isang babae matapos umanong makipagbarilan sa humahabol na mga pulis sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad, sinabi ni Caloocan Police OIC chief P/Col. Joey Goforth na tinangay umano ng dalawang lalaki ang Yamaha NMAX motorcycle ng 34-anyos na bebot na residente ng Malabon City habang nakaparada sa A. Mabini St., Brgy. 13, Caloocan City.
Humingi ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 3 na agad namang nagsagawa ng follow-up operation hanggang maispatan nila ang mga suspek sa kahabaan ng Baltazar St., Brgy. 69, dakong alas-10:35 ng gabi sakay ng tinangay na motorsiklo.
Nang tangkain nilang harangin, naglabas umano ng baril ang backrider na si alyas “Amir”, 28, at pinaputukan ang mga pulis subalit, hindi ito tumama na dahilan upang mapilitang gumanti ng putok ang mga parak.
Sapul sa tiyan at kanang binti si alyas Amir na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya at nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng apat na bala at isang spent cartridge.
Matapos nito, isinugod si alyas Amir sa Tondo General Hoslpital kung saan ginamot ang tinamo niyang tama ng bala habang naaresto naman sa patuloy na follow-up operation ng pulisya ang kanyang kasabwat na si alyas “Brazil”, 27, at nabawi rin ang tinangay na motorsiklo ng biktima.
Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016), at Direct Assault. (Richard Mesa)






INIHAHANDA na para sa darating na Setyembre 20 hanggang 21, 2025, isang world-class pole vault tournament sa Ayala Triangle, Makati City.
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahigit sa P500 milyong piso ang inilaan para maibalik ang load limit ng San Juanico Bridge sa 12 hanggang 15 metriko tonelada sa December 2025.