• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

Wala silang sasantuhin at bibigyan nila ng hustisya ang mga nawawalang sabungero… ‘Totoy’ hawak na ni Torre

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III na nasa ilalim ng kanilang protective custody si alyas “Totoy” o Julie “Dondon” ­Patidongan na naging whistleblower sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Kasalukuyan din aniyang nag-a-apply sa Witness Protection Program si “Totoy” para matiyak ang kanyang seguridad.

“‘Pag siya ay nag-qualify sa (Witness Protection Program), itu-turn over namin siya sa [Department of Justice],” ayon kay Torre.

Ayon kay Torre, kilala at mayayamang tao ang sangkot sa ibinulgar ni “Totoy” kaya kailangan ang mahigpit na seguridad dito.

Sinabi rin ni Torre na nasa kustodiya na nila ang 15 pulis na sangkot umano sa pagpatay sa mga nawawalang sabungero, na ang pinakamataas na ranggo ay isang Lt. Colonel.

“We are doing this with NAPOLCOM to ensure transparency and impartiality… para siguraduhin na ang hustisya ay makakamit,” ani Torre.

Sa katunayan, halos lahat na mga sangkot ay nasa active status.

“Lahat sila active… except for one na due for retirement at tatlong na-dismiss na dati,” dagdag ni Torre.

Tiniyak niya na wala silang sasantuhin at layunin lamang nila na mabigyan hustisya ang mga nawawalang sabungero.

Inamin ni Torre na matagal na niyang hawak ang ­impormasyon noong siya pa ang Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa katunayan, ­kinilabutan umano siya sa mga salaysay ni “Totoy”. (Daris Jose)

Negosyante, binaril ng kainuman sa Malabon, sugatan

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SUGATAN ang isang 49-anyos na negosyante matapos barilin ng kapwa negosyante makaraan ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nakaratay sa Ospital ng Malabon habang ginagamot ang tinamong tama ng bala sa kanang binti ang biktimang si alyas “Ricky”, ng Gabriel Compound, Brgy. Catmon, ng lungsod.

Mahaharap naman sa kasong Attempted Homicide at paglabag sa R.A10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang suspek na si alyas “Arnel”, 53, at kapitbahay ng biktima.

Ayon kay Malabon Police OIC chief P/Col. Allan Umipig, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng suspek habang nag-iinuman ang mga biktima at ang suspek, kasama ng dalawa pa nilang kakilala.

Lumabas sa imbestigasyon na matapos umanong makaubos ng ilang bote ng alak ay nauwi sa mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek sa hindi nabanggit na kadahilanan.

Kaagad umanong sinapak ng biktima ang suspek na naglabas naman ng baril at pinutukan sa kanang binti si ‘Ricky’ na naging dahilan upang isugod sa nasabing pagamutan.

Naaresto naman ng rumespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 4, kasama ang SWAT Team ang suspek at nakumpiska sa kanya ang ginamit na baril na isang kalibre .45 pistol na may dalawang bala sa magazine na rehistrado sa kanyang pangalan. (Richard Mesa)

Coast Guard sisisid para sa mga nawawalang sabungero

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 

TUTULONG ang Philippine Coast Guard (PCG) sakaling ipag-utos ang pagsisid sa Taal Lake para mahanap ang mga nawawalang sabungeros.

Ayon kay PCG spokesperson Captain Noemie Cayabyab, hinihintay na lamang ang go signal para tumulong sa pagsisid ang kanilang technical divers bagama’t aminado siyang may mga hamon pa rin sa kakaharapin sa isasagawang retrieval operation.

Isinaalang-alang kasi rito ang lalim at lawak ng Taal Lake , ang kasalukuyang kondisyon ng Bulkang Taal at ang tagal ng panahon na nasa ilalim ng lawa ang mga labi.

Sakali namang matukoy na ang eksaktong lokasyon sa lawa sa kinaroroonan ng mga labi handa na aniya ang remote-operated vessel ng PCG para sa operasyon.

Ang pahayag ng PCG ng kahandaan na tumulong ay kasunod ng pahayag kahapon ni Justice Sexretary Jesus Crispin Remulla na posibleng simulan ang technical diving operation sa lawa ngayong linggo. (Gene Adsuara)

Pagpapalawak ng VAT exemptions sa essential medicines, welcome kay Tiangco

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MALUGOD na tinanggap ni Navotas Representative Toby Tiangco ang pagpapalawak ng VAT exemptions sa essential medicines, na nagpapatunay lang aniya na ang mga patakaran sa buwis sa ilalim ng administrasyong Marcos ay naghahatid ng tunay at makabuluhang benepisyo sa mamamayang Pilipino.

Ito’y matapos ipahayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na 19 pang gamot ang nadagdag sa listahan ng mga gamot na exempted sa value-added tax (VAT), kabilang ang para sa cancer, diabetes, at iba pang kritikal na sakit.

“Lagi pong sinasabi ng ating Pangulo na walang maiiwan sa Bagong Pilipinas, and this VAT exemption is proof that the government is taking steps to ensure that all Filipinos have equal access to life-saving medication,” ani Tiangco.

Tinukoy ng solon kung paano ang batas na CREATE MORE na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay nag-utos sa Food and Drug Administration (FDA) na tukuyin at ipadala ang VAT-exempt na mga produktong pangkalusugan sa iba pang ahensya tulad ng BIR, Bureau of Customs (BOC), at Department of Trade and Industry (DTI).

“Tax policies should always be designed with the people’s well-being at the center. What we’re seeing today are the results of tax reforms that truly prioritize the needs of ordinary Filipinos,” dagdag niya.

Hinimok din ni Tiangco ang publiko na ang pharmaceutical companies at drugstore na hindi sumunod ay iulat sa BIR sa pamamagitan ng contact_us@bir.gov.ph(Richard Mesa)

LTO paiigtingin ang operasyon laban sa mga colorum vehicles, 252 nahuli noong June 2025

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Land Transportation Office (LTO) acting chief, Atty. Greg G. Pua Jr., sa ilalim ng patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ang lahat ng enforcers ng ahensya na lalo pang paigtingin ang operasyon laban sa mga colorum na sasakyan.

Ito ay matapos lumabas sa ulat ng operasyon noong Hunyo 2025 na umabot sa kabuuang 252 colorum na sasakyan ang nahuli sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Dalawang bagay lang ito: maaaring epektibo na ang ginagawa nating pagpigil sa mga colorum operators, o kaya’y nakahanap na sila ng paraan para makaiwas sa hulihan,” ani Pua.

Aniya, maaga pa lamang ay nakatatanggap na sila ng positibong feedback hinggil sa kampanya laban sa colorum, lalo na nang simulan ng LTO ang pagkumpiska sa mga ito at ang pagsasampa ng kaso laban sa mga operator at driver na sangkot.

Bilang karagdagang hakbang, naglabas si Pua ng isang memorandum na nagsasaad na kahit mabayaran ang multa para sa colorum violation, tanging court order lamang ang maaaring maging batayan para palayain ang impounded na sasakyan.

Gayunpaman, tiniyak ni Pua na patuloy na palalakasin ng LTO ang pakikipagtulungan sa iba pang law enforcement agencies para labanan ang colorum.

Ngunit binigyang-diin din ni Pua ang kahalagahan ng pakikiisa ng publiko, lalo na ng mga netizen, sa kampanya laban sa colorum.

“Malaking papel ang ginagampanan ng ating mga netizens sa disiplina sa kalsada. Maramin tayong na-suspend at na-revoke na lisensya dahil sa mga viral posts at kami po ay taos-pusong nagpapasalamat,” ani Pua.

“Hinihikayat namin ang publiko na gawin din ito pagdating sa colorum at simulan natin sa simpleng hindi pagtangkilik sa kanila,” dagdag pa niya.

Paliwanag pa ni Pua, walang insurance ang mga colorum na sasakyan sakaling masangkot sa aksidente, kaya’t ang mga pasahero ang sasalo ng lahat ng gastos. Samantalang ang mga lehitimong PUV ay may insurance coverage na umaabot sa P400,000 para sa pagkasawi at P100,000 para sa mga pinsala.

Layunin din ng kampanya laban sa colorum na tulungan ang mga lehitimong operator ng pampasaherong sasakyan na nawawalan ng hanggang 30% ng kanilang kita araw-araw dahil sa mga colorum na kalaban nila sa lansangan. (PAUL JOHN REYES)

DOH, may sapat na pondo para bayaran ang mga sinisingil ng mga pribadong ospital

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAY sapat na pondo ang Department of Health (DOH) para bayaran ang claims o mga sinisingil ng mga pribadong ospital para sa serbisyo at paggamot na ibinigay sa mga indigent patients.

Dahil dito, itinanggi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na may ilang health facilities ang itinigil na ang pagtanggap ng government guarantee letters saklaw ang mga hospital bills ng mga pasyente na walang pinansiyal na kakayahan na magbayad.

Sa katunayan, may 39 hospitals sa Batangas ang nahaharap sa isyu na may guarantee letters dahil sa ‘incomplete o missing documentation.’

“Hindi naman po nagkakaproblema ang gobyerno patungkol po sa pagbabayad ng mga bills po ng ating mga kababayan na covered po ng guarantee letters,” ayon kay Castro.

“Dito lamang po sa 39 hospitals na kinakailangan po ng DOH iyong ibang mga dokumento para po sila’y mabayaran. So doon po sa maniningil na mga hospitals, kumpletuhin lang po iyong inyong mga dokumento dahil po ang DOH ang sinasabi sa atin ay may sapat na pondo,” aniya pa rin.

Winika pa ni Castro na sa ilalim ng Universal Health Care Act at isang memorandum of agreement (MOA sa pagitan ng DOH at mga pribadong ospital, ang huli ay kinakailangan na maglaan ng 10% ng kanilang authorized bed capacity para sa mga mahihirap na pasyente.

Aniya, ang mga indigent patients ay “entitled to zero hospital billing through the Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).”

Sinabi pa ni Castro na maaari ring bisitahin ng mga ito ang DOH hospitals na hindi na kailangan pa ang guarantee letters mula sa mga government official.

(Daris Jose)

10 NAIA drivers suspendido ng LTO

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 

SINUSPINDE ng Land Transportation Office (LTO) ang sampung (10) drivers ng

Transport   Network   Vehicle   Service   (TNVS)   sa   loob   ng   90   araw   dahil   sa   kasong overcharging.

Ayon kay LTO assistant secretary Vigor Mendoza na kanilang binigyan ng show-

cause orders ang nasabing 10 drivers matapos ang naganap na surprising inspeksyon na ginawa noong June 25 sa NAIA terminals.

“We have informed these drivers of the suspension of their licenses for 90 days. In other words, they have no wo4rk during that period because they took advantage of commuters,” wika ni Mendoza.

Sinabi ni Mendoza na ang mga crackdown na ginagawa sa mga abusadong drivers ng taxi at TNVS ay tuloy-tuloy upang ang ating main gateway ay maging isang disiplinadong terminals at ng mabigyan din ng proteksyon ang mga pasahero.

Inutos ni Mendoza ang regular na deployement ng mga LTO enforcers sa NAIA dahil na rin sa mga insidente ng overpriced taxi fares na naging viral sa social media.

Sa isang kaso, isang taxi driver ay sumingil ng P1,300 sa pagitan lamang ng

Terminals 2 at 3. Ang isa naman ay humingi ng bayad na mataas pa sa P5,000 na  pupunta lamang sa Terminal 2 galing sa Terminal 1.

Mayron din na isang motorcycle taxi driver ay humingi ng P2,000 mula sa NAIA papuntang Cainta sa Rizal.

Samatala, inahayag naman ng pamunuan ng NAIA Infra Corp. (NNIC) na may

libreng shuttle service loop sa 3 airport terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals 1, 2, at 3.

Tuloy-tuloy  ang   serbisyo  ng   libreng  sakay   sa  loob   ng  maghapon   na  may   15 minutong interval ang bawat bus.

“This service ensures convenient, safe, and cost-free transfers without the need to book or pay for separate vehicle. It is available every 15 minutes and operate on a continuous loop throughout the day,” wika ng NNIC.

Ang nasabing serbisyo ay upang maiwasan din ang nangyayaring overcharging ng mga taxis sa mga pasahero na lilipat lamang sa kabilang airport terminals.

Sinabi ng NNIC na tangging ang mga accredited na Transport Network Vehicle

Services (TNVS) lamang tuland ng Grab at Joyride Super Taxi ang pinapayagan na

kumuha ng pasahero sa NAIA. Ang mga TNVS ay may centralized terminal hub sa

Terminal 3.

Habang ang mga pasahero ng Terminals 1 at 2 ay pinapayuhan na sumakay

lamang sa official at accredited transport services na may booths sa arrival curbside ng nasabing terminals. Maaari rin na mag book sa mga ride-hailing app at pumunta sa mga designated pickup points ng terminals.

Ang mga metered taxis naman ay pinapayagan lamang na pumasok sa terminals para sa drop-offs upang masigurado ang access sa airport subalit hindi pinapayagan na kumuha ng o mag pick-up. LASACMAR

DFA, ipinatawag ang Chinese envoy kaugnay sa pagpapataw na ‘bawal na tumuntong at pumasok ng Tsina’ si dating senador Francis Tolentino

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 

 

IPINATAWAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Ambassador Huang Xilian hinggil sa pagpapataw ng Tsina kay dating senador Francis Tolentino na bawal tumuntong at pumasok ng Tsina.

Matatandaang, pinagbawalan ng Tsina si dating Senator Tolentino na makapasok sa kanilang mga teritoryo gaya ng mainland China, Hongkong, at Macau dahil sa umano’y inasal nito kaugnay sa mga isyung may kinalaman sa China.

Sa press briefing sa Malakanyang, binasa ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro Castro ang kalatas ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, na nagsasaad na ”punitive” measure of China was inconsistent with the norms of mutual respect and dialogue ”that underpin relations between two equal sovereign states.”

”The Department reminded the Ambassador that as a democracy, the Philippines values freedom of expression. In the Philippines’ adherence to the constitutional separation of powers among the three branches of government, it is the mandate of senators and other elected officials to inquire on the matter of national and public interests,” ang sinabi ni Castro.

Sa ulat, ipinatawag ang envoy noong Hulyo 4, araw ng Biyernes.

Sa kabilang dako, sinabi ng DFA na nananatiling committed ang departamento na tugunan ang hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng diplomasiya at dayalogo.

Looking forward naman ito na magpapatuloy ang ‘constructive engagement’ sa Tsina para i-promote ang mutual understanding.

Samantala, hindi na maaaring makapasok sa mainland China maging sa Hong Kong at Macao si dating senator Francis Tolentino bilang parusa sa kanyang pagbanat sa nasabing bansa dahil sa isyu ng West Philippine Sea.

Ginawa ng tagapagsalita ng Chinese foreign ministry ang anunsyo isang araw matapos ang termino ni Tolentino.

Tinawag na “egregious conduct” ang ginawa ni Tolentino na nagtaguyod sa Senado ng Philippine Maritime Zones Act.

Binigyang-diin ng tagapagsalita na ipagtatanggol ng gobyerno ng China ang pambansang soberanya, seguridad, at interes sa pag-unlad sa kabila ng mga pahayag ng mga tinaguriang anti-China politician mula sa Pilipinas.

“For quite some time, driven by selfish interests, a handful of anti-China politicians in the Philippines have made malicious remarks and moves on issues related to China that are detrimental to China’s interests and China-Philippines relations,” naka-post sa website ng Chinese Ministry of Foreign Affairs.

(Daris Jose)

2 Vintage bomb nahukay sa UP Manila  

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Bukod dito, nahukay din ang isang Japanese grenade sa ground floor ng  Salcedo Hall ng nasabing unibersidad, ayon sa post ng official publication ng Unibersidad— The Manila Collegian.

Ayon sa mga awtoridad, ang nasabing bomba ay maaaring ginamit noong World War II .

Nasa pag-iingat na ng Manila Police District – District Explosive and Canine Unit ang nadiskubreng pampasabog ng mga kontraktor na gumagawa ng gusali sa unibersidad. (Gene Adsuara)

Technical Diving Operation sa Taal Lake para mahanap ang labi ng ‘missing sabungeros’, mag-uumpisa na – DOJ

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 

KINUMPIRMA ng Department of Justice na mag-uumpisa na ang nais nitong maisakatuparan na planong technical diving operation sa Taal Lake.

Ito’y upang mahanap ang posibleng labi ng mga nawawalang sabungero na sinasabing inilibing umano sa naturang bahagi ng lawa.

Ayon mismo kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang pagsasagawa ng naturang pagsisid sa Taal Lake ay mag-uumpisa na anumang araw ngayong linggo.

Pangungunahan ito ng mga ahensiya ng gobyerno sa tulong ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard na siyang una ng inihayag ang kanilang kahandaan para sa operasyon.

Ngunit kanyang nilinaw naman na ito’y hindi kaugnay sa kanilang hininging asiste mula sa gobyerno ng bansang Japan para sa karagdagang kagamitan.

Paliwanag ng naturang kalihim na kakapadala pa lamang ng sulat noong nakaraang linggo kaya’t ngayon pa lamang nila inaasahan na matanggap ang ipapadala naman nitong kasagutan.

Dagdag pa ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi maisasantabi ang posibilidad na maaring may ibang lokasyon din kung saan inilibing ang mga nawawalang sabungero.

Ngunit sa kabila nito’y kanyang binigyang diin na malakas at matibay ang kanilang pinanghahawakan na impormasyon kung saan dapat isagawa ang technical diving operation.

Maaalala na una ng ibinunyag ng lumantad na testigong si alyas ‘Totoy’ na may pangalang Julie ‘Dondon’ Patidongan ang naturang rebelasyon hinggil sa mga nawawalang sabungero.

Kanya kasing isinawalat na inilibing umano ang mga biktimang sabungero sa bahagi ng Taal Lake matapos patayin.

Kaya’t bunsod nito’y nais ng Department of Justice na matukoy kung mayroon nga bang mga labi na maaring matagpuan sa lokasyon ng naturang lawa. (Daris Jose)