• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

Paghuhukay bawal kung walang drainage master plan sa Maynila, utos ni Yorme Isko

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WALANG papayagan si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na roadwork o infrastructure project sa kabisera ng bansa maliban kung ito ay sumusunod sa drainage master plan ng lungsod.

Ito ang nilinaw ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos ang isang coordination meeting kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa  kanyang pagbisita sa  matagal nang naantala na drainage blueprint ng lungsod.

Ang drainage master plan—na unang sinimulan noong unang termino ni Domagoso noong 2021 at natapos bago siya bumalik sa City Hall—ay nakatakda na ngayong ganap na maipatupad sa ilalim ng kanyang ikalawang termino sa pagka-alkalde.

Babala ng alkalde, hindi aaprubahan ang mga permit kapag hindi aligned sa City Drainage Master Plan ng pamahalaan. ‘May mga contractor kayo na tamad, pati manhole, na-aspalto,” sabi ni Domagoso.

Ginawa ng alkalde ang pahayag sa ginanap na inter-agency meeting na dinaluhan ng mga opisyal mula sa DPWH, MMDA, Maynilad, Manila Water, ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at ang Department of Engineering and Public Works (DEPW).

Sa pagpupulong na ito, pinuna ni Domagoso ang patuloy na pagbaha sa mga pangunahing kalsada ng Maynila at tinawag ang mga proyektong hindi maganda ang pagpapatupad na nakaapekto sa mga drainage ng lungsod.

Ikinalungkot ni Domagoso na ang mga lugar na dati nang nanatiling walang baha sa panahon ng bagyo ay regular na ngayong binabaha, binanggit ang mga pagbabagong ipinakilala ng mga pambansang ahensya.

Sinabi rin ng alkalde na base sa kanyang obserbasyon base sa dekadang karanasa– kahit may bagyo noong araw aniya ay hindi nagbabaha ang kanto ng Kalaw at Taft Avenue ay wala talaga.

Bagama’t mabilis na tiniyak ng alkalde sa mga kinatawan ng mga pambansang ahensya na ang kanyang mga pahayag ay hindi tungkol sa paninisi kundi isang panawagan sa pagkilos, upang matiyak na maiiwasan ang mga katulad na insidente, sa pasulong.

Binigyang-diin niya na ang bagong diskarte sa drainage ng lungsod ay batay sa ebidensya.

Pinaalalahanan din ng alkalde ang DPWH at opisyal ng MMDA na lagi itong nakasubaybay at patuloy na hinikayat ang kanyang nasasakupan na magreklamo, magsuhestyon tungkol sa isyu ng imprastraktura. (Gene Adsuara)

Babala ng mga eksperto: Pagbabawal ng Online Gaming, Maaaring Magresulta sa Mas Malaking Black Market   

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang isang kilalang legal na eksperto na maaaring lalong lumala ang epekto ng iresponsableng pagsusugal kung isasabatas ang pagbabawal sa online gaming, at maaaring magresulta ng ilegal na operasyon ng sugal.

Sa 15-pahinang memorandum na inilabas ni Atty. Tonet Quiogue, pinuno ng kilalang technology consulting firm na Arden Consult, sinabi niyang kung tuluyang ipagbabawal ang online gaming, isinusuko rin ang kakayahang kontrolin ang ilegal na pagsusugal at mga negatibong epekto nito.

“Alam ng mga may malalim na pag-unawa sa industriya na ang tunay na kalaban ay ang ilegal na pagsusugal, gaya ng mga operasyong walang regulasyon, mga hindi nagbabayad ng buwis, at walang proteksyon sa mga manlalaro,” paliwanag ni Quiogue sa kanyang memorandum.

 “Kung nais talagang wakasan ng mga mambabatas ang mga suliraning dulot ng pagsusugal, ang lohikal na hakbang ay ang eksaktong pagtugis sa mga ilegal na operasyon, hindi ang pagbuwag sa buong industriya at pagpaparusa sa mga lehitimong kalahok.”

Nababala si Quiogue matapos ang sunud-sunod na panukalang batas mula sa ilang mambabatas, kabilang ang pinakahuling Senate Bill na inihain ni dating Senate President Migz Zubiri. Ngunit tinutukan ni Quiogue ang mga panukala nina Senators Pia at Alan Cayetano, Joel Villanueva, at Sherwin Gatchalian.

Ayon kay Quiogue, inilalarawan ng mga preambular at mga whereas clause ng mga naturang panukala ang pagsusugal bilang likas na ilegal na aktibidad, na tuwirang iniuugnay sa pandaraya, money laundering, at human trafficking. Binigyang-diin ni Quiogue na walang sapat na ebidensiya upang patunayan ang mga paratang na ito.

Dagdag pa ni Quiogue, hindi isinasaalang-alang ng mga panukala ang mahigpit na legal na pamantayang ipinapatupad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) bago mabigyan ng lisensya ang isang gaming operator.

“Bago pa ilunsad, kailangang makapasa sa independent certification para sa pagiging patas at seguridad ang lahat ng software at hardware ng isang lisensyadong online platform,” ani Quiogue, binanggit ang masusing pag-audit at compliance checks ng PAGCOR. “Ang mga kahina-hinalang aktibidad gaya ng malalaking iregular na pusta o kakaibang payouts ay mabilis na natutukoy at naimbestigahan. Dahil dito, napakahirap gamitin ng mga kriminal ang mga lisensyadong platform para sa money laundering o pandaraya.”

Dahil dito, binigyang-diin ni Quiogue na ang ideya na ang mga regulated gaming platforms ay konektado sa ilegal na aktibidad ay hindi lamang maling pananaw kundi mapanganib pa, lalo na’t ang tunay na ilegal na aktibidad ay nangyayari kapag walang regulasyon at kontrol.

Obrero na No. 1 top most wanted sa murder sa Malabon, timbog

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng 32-anyos na construction worker na wanted sa kaso ng pagpatay matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad, sinabi ni Malabon Police OIC chief P/Col. Allan Umipig na pinaigting nila ang pagtugis sa mga wanted person sa lungsod, kabilang si alyas “Totoy Magic”, na nakatala bilang No. 1 Top Most Wanted Person sa NPD, ganun din sa Malabon CPS.

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon police na naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar, agad nilang ikinasa ang operation laban kay alyas Totoy Magic.

Dakong alas-2:10 ng hapon nang tuluyang makorner ng mga tauhan ni Col. Umipig ang akusado sa kanilang lugar sa Sitio 6, Barangay, Catmon, ng lungsod.

Hindi naman umano pumalag ang akusado nang bitbitin siya ng mga tauhan ng WSS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 169, noong April 11, 2025, para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)

Dating PCO Sec. Jay Ruiz, dinala sa MECO: Dave Gomez, bagong PCO Sec

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang inanunsyo ng Malakanyang ang pag-upo ng dating journalist at isang corporate communications executive na si Dave Gomez bilang bagong Kalihim ng Presidential Communications Office (PCO).

Pinalitan ni Gomez si dating PCO Sec. Jay Ruiz na inilagay bilang miyembro ng Board of Directors ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na bitbit ni Gomez ang karanasan sa pamamahayag, government and corporate communications, isang senior reporter, at itinalagang director general ng Philippine Information Agency (PIA).

Tiniyak aniya ni Gomez ang makatotohanan at malinaw na ‘government messaging’ para sa bawat mamamayang Filipino.

Sa kabilang dako, si Atty. Sharon Garin naman ay itinalaga bilang Kalihim ng Department of Energy (DOE).

Ani Castro, Atty. Garin ay isang abogado at CPA na may malawak na pampublikong karanasan, naging kinatawan ng Iloilo at Usec. ng DOE na may matibay na karanasan sa enerhiya.

(Daris Jose)

Technical site assessment isasagawa sa Taal Lake 

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISANG technical site assessment ang isasagawa ng  Department of Justice (DOJ) sa pagtutulungan ng Philippine Coast Gua rd, PNP-CIDG  sa isang bahagi ng Taal Lake.

Ayon kay DOJ Assistant Secretary Mico Clavano, sinuri muna ng team ang kundisyon ng tubig sa lawa at ang area kung saan gagawin ang search and retrieval operation.

Pero ito ay depende pa rin umano sa kundisyon ng panahon kaya naman posibleng bukas, Hulyo 11 pa simulan ang search and retrieval operations ng mga technical divers ng Philippine Coast Guard (PCG).

Base umano sa nakalap nilang impormasyon mula kay alyas Totoy at sa iba pang mga credible na mga impormante  ay nasa 30 meters ang lalim ng lake o ng eksaktong area na kanilang isi-search.

Inatasan din si Coast Guard District Southern Tagalog Commander, Commodore Geronimo Tuvilla na pamunuan ang lahat ng tactical operation kabilang ang pagbibigay ng gabay sa kaligtasan ng mga tauhan at pagsaalang-alang sa kalikasan.

Sinabi pa ni Clavano na kumpiyansa naman sila pero kailangan pa rin na i-validate ang bawat impormasyon na kanilang natatanggap lalo pa ngayon na mayroon na silang lead at hawak na testigo, bukod pa sa marami nang lumalapit pa na ibang impormante.  (Gene Adsuara)

Apela ng mambabatas matapos ibasura ng Makati City Prosecutor’s ang reklamo sa kanya  

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA si Bacolod City Rep. Alfredo Abelardo “Albee” Benitez sa publiko na isantabi na sana ang isyu laban sa kanya matapos na magdesisyon ang Makati City Prosecutor’s na ibasura ang reklamo laban dito.

Ang panawagan ay ginawa ng mambabatas matapos na i-dismiss ng Makati Prosecutor ang kasong isinampa laban sa kanya ng dating asawa.

Sa resolution ng Makati City Prosecutor’s Office na ipinalabas nitong Hunyo 23, 2025, ang reklamo ni Dominic “Nikki’ Lopez laban kay Benitez sa paglabag ng Section 5(e) (2) and (1) ng Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children Act of 2004; ay ipinag-utos na i-dismiss dahil sa kakulangan ng ebidensiya o lack of merit.

Matapos ang masusing rebyu, nakita ng prosekusyon na walang basehan ang ikinaso laban sa mambabatas na economic abuse o psychological violence.

Walang ebidensiyang naipakita na sumusuporta sa alegasyon at hindi rin nito napunan ang legal standards para sa criminal prosecution.

Sa kabuuan ng proseso, nanatili aniya ang Kongresista na manahimik bilang respeto na rin sa kanyang pamilya at kumpiyansa sa legal system.

“This resolution confirms what I have maintained from the beginning—that the accusations were baseless and malicious. I ask that this matter now be laid to rest, and that innocent individuals, especially my children, be given the privacy to move forward away from this controversy,” pahayag ni Benitez. (Vina de Guzman)

Constitution, hindi survey, ang dapat magsilbing guide sa VP Sara impeachment trial

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni House prosecutor Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na dapat ituloy ng Senado ang impeachment trial ni VP Sara Duterte, dahil ang proseso ay isang constitutional duty na hindi dapat maapektuhan ng public opinion.

“Well, I have said this earlier, regardless of the result of the survey, we have a constitutional duty that we really have to face. There is nothing which is more supreme than the Philippine Constitution. Sapagkat ito ang mandato ng taong bayan,” ani Luistro.

Anuman ang naging resulta ng survey, mataas man ang porsyento ng sumusuporta sa impeachment o mababa ay mandatoryo para sa kanila na ituloy ang pagsasagawa ng trial.

Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod na rin lumabas na pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey kung saan 59% ng mga Filipino respondents ang boto sa impeachment complaint laban kay Duterte.

Sa mga na-survey, 42% ay hindi pabor sa complaint, 32% ang pabor at 18% ang undecided. Habang ang natitirang 7% ay nagsabing walang sapat na kaalaman sa para magbigay ng opinyon.

Lumitaw din sa June 25 to 29 survey na 44% ng respondents ang naniniwala na ang Senado, bilang impeachment court, ay sinasadyang dini-delay ang trial. Nasa 25% naman ang hindi niniwala dito at 22% ang undecided, at 9% ang ‘lacked sufficient knowledge to answer.’

Sinabi ni Duterte na ang impeachment complaint ay isang political persecution at harassment. Hinahanda na aniya ng kanyang legal team ang solidong argumento para maipabasura ang kaso.

Kontra naman si Luistro sa pahayag ni Duterte na nagsabing ang proseso ay dapat husgahan sa pamamagitan ng lakas ng ebidensiya at hindi political rhetoric.

“Kung walang ebidensiya, that is political prosecution. Pero kung may ebidensya, that is a legitimate prosecution. As far as we are concerned, we have ample and strong evidence supporting the seven Articles of Impeachment,”ani Luistro.

(Vina de Guzman)

2 tulak sa Taguig, nalambat sa Caloocan

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa mahigit P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVIs) nang matiklo sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Caloocan Police OIC chief P/Col. Joey Goforth ang naarestong suspek na sina alyas “Bossing”, 23, mangingisda ng Ususan, at 24-anyos na tricycle driver, ng Hagonoy, kapwa ng Taguig City.

Sa kanyang report kay Northern Police Distict (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad, nagawa umanong makipagtransaksyon ng isa sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa mga suspek kaya ikinasa ng SDEU ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA.

Dakong ala-1:29 ng madaling araw nang makipagtagpo umano ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo sa Phase 4, Package 4 St., Brgy. 176, Caloocan City at bintahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggp na buyer na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 55 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P374,000, buy bust money na binubuo ng isang P500 bill at anim P1,000 boodle money, at gamit nilang PCX motorcycle.

Sasamahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng Article II ng R.Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa pamamagitan ng Inquest Proceeding sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Renewal ng lisensya, available na sa eGovPH APP; LTO nanawagan na gamitin ang online na serbisyo

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ng Land Transportation Office (LTO) sa patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ang publiko na gamitin ang online driver’s license renewal sa pamamagitan ng eGovPH app.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, layunin ng integrasyon ng driver’s license renewal sa eGovPH app na mapabilis at maging mas maginhawa ang proseso para sa publiko, saan man sila naroroon.

“Mas maginhawa itong alternatibo kaysa sa pagpunta pa sa mga tanggapan ng LTO dahil wala ka nang kailangang gastusin sa pamasahe, at hindi mo na rin kailangang pumila,” ani Asec. Mendoza.

Upang magamit ang serbisyong ito, kailangang i-download at i-install ng mga kliyente ang eGovPH app sa kanilang smartphone, na available sa parehong App Store at Google Play. Kailangan munang dumaan sa security verification ang app upang matiyak na ligtas ang iyong account.

Ayon kay Asec. Mendoza, ang matagumpay na transaksyon ay nangangahulugang renewed na ang lisensiya ng aplikante, at awtomatikong lalabas ang Electronic Driver’s License (e-license) sa loob ng eGov app.

Binigyang-diin din ni Asec. Mendoza na ang e-license ay may bisa gaya ng physical card. Maaari rin aniyang pumili ang kliyente ng courier provider para sa delivery ng physical license, o kaya’y magpa-schedule ng pick-up sa pinakamalapit na district office.

“Lahat ng mga hakbang na ito ay bahagi ng digitalization efforts ng LTO upang gawing mabilis at maginhawa ang bawat transaksyon, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos sa pamamagitan ni Secretary Dizon. Patuloy naming pinapabuti ang aming mga digital na serbisyo upang mapagsilbihan ang bawat Pilipino saan mang dako ng mundo,” ani Asec. Mendoza.

Matatandaang noong nakaraang taon, pinangunahan ni Asec. Mendoza ang paglulunsad ng online driver’s license application para sa mga Pilipino sa Taiwan. (PAUL JOHN REYES)

Pahayag mula sa mga lisensyadong online gaming operator sa Pilipinas

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPINUPUNTO ng industriya ang mga aral mula sa mundo na nagpapatunay ng panganib ng ganap na pagbabawal. Sa 195 bansa sa buong mundo, 177 ang pumili na isailalim ang online gaming sa regulasyon. Ang natitirang 18 na bansa, kasama ang North Korea, Iran, at Somalia ay mayroong mga ganap na pagbabawal, at walang nagtagumpay sa pagpigil sa underground o ilegal na gaming. Noong 2006, nagkaroon ng pagbabawal sa Estados Unidos, at nahikayat lamang ang mga Amerikanong manlalaro na mga offshore sites na hindi sumailalim sa regulasyon. Noong 2013, trinabaho ng Estados Unidos na gawing legal ang online gaming upang makontrol muli ang industriya, at nakapagbigay ito ng US$ 71.9 bilyon na kita, at higit US$ 15 bilyon na buwis. Nakita rin ito ng mga bansang Sweden, Brazil, Colombia at Argentina: ang pagbabawal ay nagsisilbing mitsa ng mas malaking krimen; habang susi naman ang regulasyon sa pagkontrol at paggamit nito tungong pang-unlad.

Ang kaso ng Pilipinas

Pareho ang kuwento ng mga numero sa Pilipinas. Mula nang palawaking ang mga legal na online gaming platform at isailalim ang mga ito sa regulasyon noong 2022, umakyat mula P12.3 bilyon tungo sa P54 bilyon ang kinolektang license fees ng PAGCOR noong 2024. Ang pondong ito ay direktang napunta sa mga proyektong pambansa na pinakikinabangan ng bawat Pilipino. Umabot naman sa P112 bilyon ang kabuoang kita ng PAGCOR, at halos kalahati nito ay mula sa online gaming. Mahigit 50,000 na Pilipino ang nagtatrabaho na ngayon sa sektor, karamihan sa mga matataas at mahahalagang posisyon sa teknolohiya, cybersecurity, creative design, at artificial intelligence.

Babala ng mga lisensyadong operator, ang hindi-pinag-isipang pagbabawal, o ang pag-alis ng mga lehitimong payment channel ay sisira lamang sa mga tagumpay na ito, bubura sa libo-libong trabaho, at ibibigay ang buong merkado sa ilegal na mga site. Sa mga ilegal na espasyong ito, mawawala ang lahat ng proteksyon ng mga manlalaro: hindi masisigurong edad 21 pataas lamang ang makakapaglaro, walang seguridad sa data, walang suporta sa problematikong pagsusugal, at walang kontribusyon sa pambansang ekonomiya.

Panawagan sa balanse at matalinong regulasyon.

Sa halip na mga pagbabawal na magtutulak sa mga manlalaro na magtago, nanawagan ang industriya sa mga mambabatas na patatagin ang mga patakarang epektibo: maging mas mahigpit.