NAGULAT kami nang tanungin namin sina JC Santos at Rhian Ramos kung ano ang masasabi nila sa isa’t-isa.
Unang beses pa lang na nagkasama sina JC at Rhian sa romance-drama movie nila na “Meg and Ryan” na dinirek ni Catherine Camarillo under Pocket Media Productions.Si JC ay isang known Kapamilya while Rhian naman is a solid Kapuso.Sey ni Rhian, “I really enjoyed the whole experience. Sobra talagang totoo yung sinabi ni Tita Ces (Quesada) na napaka-generous niya as an actor.”Ang nagulat kami ay ang tinuran ni JC na kasama sa bucket list niya si Rhian. As if si Rhian ay napakatagal o isa ng beterana para rito.Sey ni JC, “Working with Rhian, isa siya sa checked sa bucket list na sana maka-trabaho ko.“At nakita ko ang process niya, nakita ko kung paano siya mag-trabaho at dedication niya.”Base naman din sa trailer, kita na agad ang chemistry nilang dalawa. Not to mention na pareho pang malalim na aktor ay aktres.Ang “Meg and Ryan” ay ipalalabas na sa mga sinehan simula sa August 6.***INAMIN ni Dina Bonnevie na kinakabahan siya. At ang kaba niya ay dahil sa pagbabalik niyang muli sa hosting.Bagong medium kasi kay Ms. D ang online kunsaan, mapapanood ang “House of D” simula ngayong araw, July 11 at 5pm.Sey niya, “Yeah, sina Rams (David) nga, ano ba, kaya mo. Ako naman, hay naku Rams, paano kung hindi tanggapin ng tao? Paano kung i-bash ako? Tapos yung mga bata, nao-overwhelm sila sa response ng mga tao.“Gaya nga niyan, lumabas na 1.9 million views.”Pero aminado si Ms. D na hindi pa raw talaga siya marunong sa social media. Kadalasan kapag nakakapag-post siya, may tumutulong sa kanya o nasa tabi niya ang mga anak. Marunong lang daw siya mag-reply.”Tatlumpung minuto ang itatagal ang kada-episodes nila. Parang maikli lalo na at lima silang pwedeng magbahagi ng kanya-kanyang opinyon.Katwiran niya rito, “Hihintayin namin ang mga tao na magsabi na, i-one hour niyo na. Pero honestly, kung halimbawa maganda ang response ng mga tao, more appreciation for the show than bashers, tuloy kami.“Pero siyempre, wala namang reason na ituloy kung hindi naman tinanggap ng mga tao. Parang it all depends on the people. Siyempre kami, we’re here to share whatever we have.“In the beginning, kami-kami na muna. Parang pinapakilala muna namin sa mga tao yung pamilya namin.”Kasama ni Ms. D bilang mga co-hosts niya ang mga anak na sina Danica Sotto at Oyo Sotto at ang kanilang mga asawa na sina Marc Pingris at Kristine Hermosa.Sa pagiging very candid, intelihente ni Ms. D, sure kami na aabangan ang bagong show na ito sa YouTube. Plus, sa mga fan, lalo na ni Kristine na very rare kung mapanood na siya. Plus yung mag-iina na you don’t get to see naman palagi in one frame.Every Friday at 5pm ang drop ng mga episodes kaya ngayon pa lang ay mag-subscribe na sa kanilang YouTube channel.(ROSE GARCIA)
Iikot ang kwento ng serye kay Patpat (Joshua), isang psychiatric caregiver na inaalagaan ang kanyang nakatatandang kapatid na si Matmat (Carlo) na may autism.
Mababago ang takbo ng kanilang buhay nang makilala nila si Mia (Anne), isang sikat pero problemadong manunulat ng mga librong pambata. Habang unti-unting lumalalim ang relasyon ni Mia at Patpat kasama si Matmat, haharapin nila ang mga sugat ng nakaraan at matutuklasan kung paano sila maghihilom mula rito.
Samantala, natanong si Joshua tungkol sa pakikipagtambal niya kay Anne for the first time…“Nandoon ang kaba, nandoon ang excitement, siyempre Anne Curtis ‘yun, sino ba naman ako,” pahayag pa ng aktor.“So, in-enjoy ko lang every moment na nasa set ako ni Direk Mae (Cruz-Alviar) at tuwing kaeksena ko si Ate Anne, ay si Anne, dahil magagalit siya pag in-Ate ko siya.“Pati si Kuya Carlo (Aquino), lahat ng moments ko with other actors like Tita Rio (Locsin), ang saya!”Kinunan daw ang intimate scenes noong comfortable na sa isa’t-isa sina Anne at Joshua, ayon kay Direk Mae.Kuwento naman ni Joshua, meron daw siyang nakakahiyang experience…“Nasa dagat kasi kami, kaya mga fish-fish ang kinakain namin, nag-lunch kami.“Noong kinagabihan, may intimate scene kami ni Anne, ‘yun naghahabulan kami sa bed.“Napa-dighay ako, tapos naamoy ni Anne, sabi niya, ‘dumighay ka ba?’ Sabi ko oo. Sabi niya, ‘ang baho!’“Sobrang nakakahiya, pero atleast sobrang kumportable na namin sa isa’t-isa. Pero, oh my God, sobrang nakakahiya nun, pero share ko lang, pag marinig na ‘yun, matatawa rin siya at isi-share din niya rin ‘yun,” natatawang kuwento pa ni Joshua na isa sa pararangalan bilang Box Office Hero sa 8th EDDYS ng SPEEd na ang awards night ay sa July 20 sa Ceremonial Hall ng Marriot Grand Ballroom sa Pasay City.
Kasama rin sa cast sina Rio Locsin, Bobot Mortiz, Michael De Mesa, Maricel
Laxa, Agot Isidro, Enchong Dee, Kaori Oinuma, Bodjie Pascua, Ana Abad Santos, Sharmaine Suarez, Xyriel Manabat, Louise Abuel, Francis
Magundayao, Alora Sasam, Alyssa Muhlach, Bianca De Vera, Aljon Mendoza, at Mark Oblea.
Ang serye ay sa direksyon nina Mae Cruz-Alviar at Raymond Ocampo, at sa pangunguna nina creative producer Henry Quitain at Star Creatives business unit head Des M. De Guzman.
Mapapanood ang “It’s Okay to Not Be Okay” simula Hulyo 21, gabi-gabi simula 8:45 PM, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5. Tunghayan din ito nang mas maaga sa Netflix (Hulyo 18) at iWant (Hulyo 19).
(ROHN ROMULO)





IPAGPAPATULOY lang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtatrabaho ng mabuti para sa progreso at pag-unlad ng bansa.