• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

Financial compensation sa mga batang biktima ng bayolenteng krimen, suportado ni Leyte Rep. Romualdez  

Posted on: July 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng suporta si reelected Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa inisyatibo ng gobyerno na maglaan ng financial compensation sa mga batang biktima ng bayolenteng krimen upang makatulong na manumbalik at maitayo ang kanilang buhay.

Una ng inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Justice (DOJ) ang isang kasunduan para sa pagkakaroon ng referral system na tutulong sa mga batang biktima ng krimen na magkaroon ng access sa monetary remuneration para sa kanilang pangunahing pangangailangan at iba pang recovery-related expenses.

“Our young ones deserve to be cared for, nurtured, and protected. When they become victims of cruel, violent crimes, it becomes the government’s duty to ensure that they are properly supported on the way to healing and recovery,” ani Romualdez.

Sa pamamagitan aniya na gawing madali para agad ma-ang access financial compensation na makakatulong sa gastusin para sa treatment, therapy, legal support, at edukayon ay mabibigyan ang mga ito ng tiyansa para sa panibagong pamumuhay.

“Ang mga batang biktima ng mga marahas na krimen ay aming kinakatawan sa Kongreso. Nararapat lamang na mabigyan sila ng sapat na suporta para sa kanilang pagbangon at paghilom,” giit nito.

Sa ilalim ng memorandum of agreement na ilagdaan nitong Martes, magagawa ng DSWD na makatulong at mag-refer child-victims sa residential care facilities (RCFs) nito sa DOJ’s Victim Compensation Program (VCP).

Layon ng VCP na makapaglaan ng monetary compensation sa biktima ng violent crimes.

Sakop ng kasunduan ang mga batang biktima ng rape, torture, enforced and involuntary disappearance, trafficking in persons at online sexual abuse and exploitation, at iba pa.

“By helping them jumpstart their recovery and reintegration into society, we are not only fulfilling our duty as public servants — we are also giving these children the chance to dream again and reach for a better future,” pagtatapos ni Romualdez.  (Vina de Guzman)

 

Barangay Tanod Empowerment and Protection Act of 2025, inihain sa kongreso ni Cong. Erice

Posted on: July 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BILANG kaagapay ng Pambansang Kapulisan ng bansa sa pagpapanatili  ng kapayapaan at kaayusan ng kani-kanilang nasasakupan, inihain ni Caloocan City 2nd District Representative  Edgar “Egay” Erice ang House Bill No. 1676 na kilala rin bilang “Barangay Tanod Empowerment and Protection Act  of 2025”.

Nitong Hulyo 9, 2025, nang ihain ni Cong. Erice ang naturang panukalang batas na naglalayong gawing normal na auxiliary police personnel ang mga barangay tanod nang sa gayon ay maitaas ang kanilang katayuan at pahusayin ang kanilang gampanin sa peace and order situation sa kanilang lugar.

“Ang mga barangay tanod ang mga frontliner ng kapayapaan at kaayusan sa ating mga komunidad. Panahon na upang bigyan natin sila ng mga kagamitan, pagsasanay, at suporta na kailangan nila upang maisagawa ang kanilang mga tungkulin nang epektibo at may dignidad,” pahayag ni Rep. Erice.

Bukod sa kikilalaning Auxiliary Police Personnel ang mga Brgy tanod, tampok din sa inihaing batas na ito na magiging kwalipikado ang mga may edad na mula 21 hanggang 60 taong gulang, malusog, isasailalim sa pagsasanay upang mapahusay ang kasanayan at kahandaan.

Makatatanggap din sila ng buwanang pinansyal na suporta na halagang P2,000.00 na subsidiya bukod pa sa anumang kasalukuyang honoraria o lokal na insentibo, tiyak na seguridad o proteksyon sa pagtupad ng tungkulin iskolarship para sa hanggang dalawang anak ng bawat tanod, uniform at kumpleto at tamang  kagamitan para sa ligtas sa pagganap ng tungkulin.

Pagtitibayin ng panukalang batas na ito na itaas sa lipunan ang katayuan at kapakanan ng mga Barangay Tanod sa buong bansa.

Kikilalanin din sila  hindi bilang mga boluntaryo, kundi bilang mahalaga at may kapangyarihan lingkod ng bayan. (Richard Mesa)

Shooting site binatikos dahil sa iniwang basura

Posted on: July 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINATIKOS mula sa mga opisyal, residente at netizens ang production team ng pelikulang Salvage Land na dinirek ni Lino Cayetano matapos mag-iwan ng basura sa kanilang shooting site sa Zambales.

Nag-ugat ito dahil sa larawang kumalat sa social media noong June 21, 2025, kung saan makikita ang tambak na mga karton, plastic at papel na ginamit sa production ang iniwang nakakalat sa tabing ilog sa Sto. Tomas River na sakop ng Barangay Rabanes, San Marcelino Zambales.

Ayon sa mga residente, hindi ito ang inaasahang magiging asal mula sa isang professional film crew na nag-taping sa kanilang bayan.

Inatasan naman ni Mayor Elmer Soria ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) na imbestigahan ang insidente.

Iginiit ng LGU na ito ay paglabag sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act at sa mga umiiral na ordinansa ng bayan tungkol sa solid waste management.

Agad namang pinuntahan ni Vice Mayor Rogadio Gongora at nakumpirma ang nasabing reklamo sa social media at agad na ipinaabot sa production team anh panawagan para linisinbang lugar at magsumite ng paliwanag.

Pagkatapos, makikita sa kanyang official na Facebook page ang mga larawan ng crew na nagsagawa ng paglilinis sa lugar.

Bagama’t may naipakitang permit ang production team ng Rein Entertainment mula sa LGU, iginiit ng mga residente at lokal na opisyal na hindi ito lisensya upang balewalain ang mga patakarang pangkalikasan.

Ayon pa sa mga komentaryo online, kulang umano sa konsiderasyon ang production team pagdating sa epekto ng kanilang aktibidad sa komunidad at kalikasan.

Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na bagama’t bukas ang San Marcelino sa mga proyekto sa larangan ng sining at pelikula, hindi dapat isinasantabi ang responsibilidad sa kapaligiran.

Tiniyak ng LGU na magpapatupad ito ng mas mahigpit na alituntunin sa mga susunod na proyekto upang masigurong hindi na mauulit ang ganitong insidente. (Gene Adsuara)

Para iwas baha sa Maynila: Floodgate binuksan, trash trap inilagay ng MMDA

Posted on: July 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UPANG maiwasan ang mga pagbaha sa Kalakhang Maynila, binuksan na ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ang floodgate kasabay ng paglalagay ng mga trash traps sa bahagi ng Yacht Club sa Maynila.

Pinangunahan nina MMDA Chairman Don Artes at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagbubukas ng floodgate na inaasahang ­makakabawas ng pagbaha sa ilang lugar sa Maynila.

“Trash traps serve as barriers to prevent the flow of garbage thrown in waterways and stop it from reaching the pumping stations and eventually into the Manila Bay,” ani Artes.

Binigyan diin naman ni Domagoso na ang paglalagay ng trash trap sa Manila Yatch Club sa Roxas Blvd ay upang makontrol ang mga basurang papunta sa mga sewerage. Nanggagaling ang mga basura sa Dolomite beach.

Ani Domagoso, kailangang handa ang Maynila sa posibleng pagbaha na dulot ng mga pag-ulan at bagyo.

Umapela ito sa publiko na magtulungan at maging disiplina sa pagtatapon ng basura. (Gene Adsuara)

Maghanda sa pagresponde sa bagyo… PBBM, inatasan ang mga gov’t agencies na maging alerto para kay ‘Crising’  

Posted on: July 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na maging alerto habang napapanatili ng Tropical Depression Crising ang lakas nito at pagtataya na magdadala ito ng matinding pag-ulan sa ilang lugar sa Hilagang Luzon.

“Meron pong mga direktiba ang ating Pangulo sa mga concerned agencies,” ang sinabi ni Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro nang tanungin hinggil sa paghahanda ng gobyerno para sa bagyong Crising.

“At patuloy pa rin ang pag-monitor at pagbibigay ng advisories sa mga stakeholders sa ating mga kababayan,”  aniya pa rin.

Sinabi pa ni Castro na itinaas na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa blue alert para mapabilis ang heightened monitoring at mas mapabilis ang pagtugon sa hanay ng mga ahensiya habang tinatanggap ng bansa ang pangatlong tropical cyclone.

Winika pa ni Castro na patuloy naman ang ginagawa ng Department of Science and Technology (DoST) na weather monitoring at mga probisyon sa weather updates sa lahat ng stakeholders.

Ang iba pang ahensiya gaya ng Department of the Interior and Local Government at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakahanda rin na tumugon upang matiyak ang maayos na tulong sa mga typhoon-hit areas. (Daris Jose)

Kasanayan sa CPR na nagliligtas-buhay sa mga sitwasyong pang-emergency

Posted on: July 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

oppo_32

oppo_0

oppo_0

SA PAGDIRIWANG ng National Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Day tuwing (July 17 ) isinagawa kahapon sa Nangka High School, Marikina City ang 2nd National CPR Day at Nationwide Mass CPR Training, na inorganisa ng Philippine Heart Association (PHA) Council sa pakipag-ugnayan sa Marikina City Government.

  Ang layunin ng aktibidad na ito ay magtulungan upang itaas ang kamalayan ng publiko ukol sa kahalagahan ng tamang CPR sa mga oras ng pangangailangan.

Tinutukan ng mga eksperto mula sa PHA ang pagpapalaganap ng tamang kaalaman hinggil sa Hands-Only CPR, isang simpleng pamamaraan na maaaring magligtas ng buhay sa mga pagkakataong kinakailangan. Ang pagsasanay ay idinisenyo hindi lamang para sa mga healthcare workers kundi pati na rin sa mga indibidwal na nais maging handa sa mga hindi inaasahang sitwasyon gaya ng mga estudyante, guro, pulis, bumbero, DRMMO field staff, Barangay Health Workers, media people, at mga Barangay Tanod.

Ipinakita sa mga kalahok ang tamang paraan ng pagbibigay ng CPR, kabilang na ang mga mahahalagang hakbang tulad ng tamang compression at pagpapalakas ng epekto nito sa mga indibidwal na nangangailangan ng agarang tulong. Ang mga dumalo sa training ay binigyan din ng mga gabay at rekomendasyon sa kung paano mapapabuti ang emergency response sa kanilang komunidad.

Ang kaganapan ay bahagi ng Philippine Heart Association Council on Cardiopulmonary Resuscitation ng ‘ZapPinas 2025’ First Responder Team, sa CPR Win na Win! (CPR -ready na ba ang Barangay mo?) nationwide CPR awareness campaign.

Ang inisyatiba ay naglalayon na turuan ang publiko at bigyang kapangyarihan ang mga frontliner na may mga kasanayan sa CPR na nagliligtas-buhay sa mga sitwasyong pang-emergency. (MARY ROSE G. ANTAZO)

 

7 huli sa aktong sumisinghot ng shabu nang sorpresang bumisita si Mayor WES sa ‘Disiplina Village’

Posted on: July 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DISMAYADO si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian nang mahuli sa akto ng mga kasama niyang pulis ang pitong katao, kabilang ang isang babae na sumisinghot ng shabu makaraang sorpresa siyang bumisita sa “Disiplina Village” sa Barangay Ugong, Miyerkules ng hapon.

Batay sa ulat, dumalaw sa nasabing lugar si Mayor Wes upang personal na makita ang sitwasyon ng mga residente kung saan inasistehan siya ng mga tauhan ng Valenzuela City Police Station sa pangunguna ni P/Col. Gerson Bisayas, kasama si P/Capt. Joan Dorado, OIC chief ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), Station Intelligence Section (SIS), at Ugong Patrol Base-8.

  Ayon kay Capt. Dorado, habang nag-iikot si Mayor Wes sa mga unit ng itinayong pabahay, nasilip ng kanyang mga tauhan sa nakasiwang na pinto ng isang unit ang nagaganap na pot-session ng anim na kalalakihan at isang babae.

Dito na pinasok ng pulisya ang unit at inaresto ang anim na kalalakihan na may edad 31 hanggang 41 at isang babae na edad 49, at residente ng Purok Cerily Aguilar, Pangasinan, na dumayo lang umano para suminghot ng shabu.

    Nakuha sa mga suspek ang dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5,576, dalawang plastic sachets na may bakas ng umano’y shabu at drug paraphernalias.

Nagpaalala naman si Col. Bisayas sa publiko na tumigil na sa paggamit ng droga at makipagtulungan na lamang aniya ang mga ito sa kampanya laban sa droga para sa ligtas na komunidad.

Ang ‘Disiplina Village’ ay proyektong pabahay ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela, katuwang ang ilang pribadong sektor na itinayo noong taong 2009 para sa mga residenteng naging biktima ng bagyong ‘Ondoy’, pati ang mga nakatira sa mga peligrosong lugar na karaniwan na umanong binibisita ni Mayor Wes ng walang abiso sa naturang lugar.

Kasong paglabag sa Sections 11 (possession of dangerous drugs), 12 (possession of drug paraphernalia), at 15 (use of dangerous drugs) sa ilalim ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa ng pulisya sa mga suspek Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

LTO: Plate backlog ubos na PINAHAYAG ng Land Transportation Office (LTO) na wala ng backlog sa produksyon ng license plates kung saan maraming dekada ang natapos bago nagawan ng paraan na maayos ang problema dito.

Posted on: July 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Ayon sa datos ng LTO, mayroon ng 18, 578,612 na plaka ang nagawa mula ng

pabilisin nila ang produksyon nito sa loob ng nakaraang dalawang taon kung saan

naresolba ang problema ng backlog na nagkapatong-patong  simula ng taong 2014.

Kasama sa bilang ang may 11.8 milyon na plaka ng motorcycles at 6.7 milyon na

plaka para sa mga four-wheeled na sasakyan ang nagawa na.

“We are elated and excited to announce that your LTO was able to comply with the commitment of President Ferdinand Marcos, Jr. that there will be no backlog for both motorcycle and four-wheeled vehicles plates by June 2025,” wika ni LTO acting assistant secretary Greg Pua.

Sinabi ni Pua na nagawa nila ang nasabing hakbang dahil na rin sa dedikasyon, pagpupunyagi, at kooperasyon ng planta sa paggawa ng mga plaka sa LTO.

“And with this task finally completed, we assure our millions of clients that we will

also fast-track the process of delivery and will continue to find ways to do so,” saad ni Pua.

Noong nakaraang December 2024, ang Commission on Audit (COA) ay na audit ang “huge accumulated balance of 9,115,374 pieces of motorcycle plate backlogs for 2023 and prior years.”

Matapos na maupo si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ay kanyang inutusan ang LTO na mag release ng mga bagong plaka sa loob lamang ng 72 hours.

Ito ay matapos makita ni Dizon ang mabagal na roll out ng mga plaka na naging isang hamon sa kanya upang gawan niya ng paraan upang maging mabilis ang paggawa at pag release ng mga plaka.

Dahil dito  hinamon   ni   Dizon ang  LTO   na  mag-move  forward   upang   hindi na mangyari ang ganitong problema sa produksyon ng plaka para sa mga motorcycles at four-wheeled na sasakyan. Kayat binigyan niya ng deadline ang LTO na magawa lahat ng

backlog. LASACMAR

LTO AT PNP-CIDG, nagsanib puwersa para mahuli ang gumagawa at nagbebenta ng mga pekeng plaka

Posted on: July 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang apat na indibidwal sa San Ildefonso, Bulacan sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa umano’y paggawa at pagbebenta ng mga pekeng plaka.

Isinagawa ang operasyon noong Hulyo 12 ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na tugisin ang mga manloloko at iba pang kriminal sa sektor ng transportasyon.

Ayon kay Acting Assistant Secretary at LTO Chief Atty. Greg G. Pua, nagsimula ang operasyon matapos makatanggap ng kumpirmadong impormasyon mula sa Investigation and Intelligence Division (IID) ng ahensya hinggil sa ilegal na gawain ng mga suspek.

“Agad kaming nakipag-ugnayan sa CIDG para ikasa ang operasyon laban sa mga ito, na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto at pagkakakumpiska ng mga pekeng plaka,” ani Pua.

“Pinasasalamatan natin ang LTO-IID sa pangunguna ni Renante Melitante, gayundin ang ating mga katuwang sa CIDG, para sa matagumpay na operasyon na ito. Asahan ng publiko na patuloy ang laban ng LTO laban sa ganitong uri ng iligal na aktibidad,” dagdag pa niya.

Kabilang sa mga nakumpiska sa operasyon ang marked money, 51 pekeng plaka, mga makinang pang-imprenta, mga computer unit, isang machine press, apat na cutting machine, vinyl reflectorized film, isang hole machine, 14 tray ng acrylic letters, tatlong acrylic borders, at isang cold laminate machine.

Tinatayang aabot sa P400,000 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang kagamitan.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng CIDG ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1730 at Artikulo 2, Seksyon 31 ng Republic Act 4136. (PAUL JOHN REYES)

Seniors, PWDs 50% discount sa LRT, MRT handog ni PBBM

Posted on: July 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng 50% discount sa pamasahe para sa senior citizens at persons with disability (PWDs) sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.

Ang paglulunsad ng Pangulo ay ginawa sa MRT-3 Santolan-Anna­polis southbound station kung saan sinalubong siya ni Transportation Secretary Vince Dizon at MRT-3 general Manager Michael Capati.

“Nandito po tayo ngayong umaga para i-highlight yung ­ating bagong gagawin na nagbibigay tayo ng diskwento. Noong nakaraan nakapagbigay tayo ng diskwento sa ating mga students basta’t magpakita ng student ID ay makakakuha sila ng 50% na discount,” ayon kay Marcos.

Nauna nang inilunsad ng Presidente noong Hunyo ang 50% discount sa mga estudyante na naglalayong mapagaan ang gastusin ng mga mananakay.

Sinabi pa ng Pangulo na makikinabang sa nasabing programa ang 13 milyon senior citizens at 7 milyon na PWDs.

Ang discount ay nadagdagan ng 30% mula sa 20% diskwento kung saan maaari nilang i-avail araw-araw.

Pinag-aaralan na rin aniya ng gobyerno kung maaari rin magbigay ng iba pang diskwento sa pamasahe sa iba pang pampublikong transportasyon.