• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

Malabon LGU, nakahanda kay “Crising”

Posted on: July 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BILANG paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Crising, nagsasagawa na  ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng pagbuo ng lahat ng kinakailangang mapagkukunan upang matiyak ang kaligtasan at kahandaan ng lungsod.

Isang pagpupulong ang ipinatawag ni Mayor Jeannie Sandoval mula sa grupo ng emergency  response ng lungsod at mga kinatawan ng iba’t ibang departamento kabilang  ang Malabon DRRMO, at iba pang national at lokal na ahensya.

Kabilang sa mga tinalakay ang mga komprehensibong estratehiya sa pagtugon at mga contingency measures sakaling maapektuhan ng bagyo ang ilang bahagi ng lungsod at upang matiyak ang maayos na komunikasyon sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan upang maprotektahan ang mga residente sa anumang banta ng sakuna sa panahon ng malakas ng malakas na pag-ulan.

“Sa mga ganitong panahon, maipapakita at maipapamalas natin ang bayanihan, ang ating pagkakaisa para sa kapakanan ng lahat. Lahat ng kagamitan para sa kaligtasan ng mga Malabueño sa panahon ng mga sakuna ay inihanda na, pati na rin ang ating mga tauhan sa pagtugon sa sakuna. Binabantayan namin ang Bagyong Crising at ang posibleng epekto nito sa ating lungsod. Mangyaring makipag-ugnayan, makipagtulungan, at manatiling mapagbantay at handa upang matiyak ang mabilis at epektibong operasyon at ang inyong kaligtasan,” ani Mayor Jeannie.

Tiniyak naman ng MDRRMO sa publiko na ang kanilang Command and Communication Center, ay handa  upang  subaybayan ang lahat ng bahagi ng lungsod sa panahon ng masamang lagay ng panahon.

Nakipagpulong din ang MDRRMO sa mga konseho ng disaster risk reduction and management ng 21 barangay ng lungsod upang palakasin ang kahandaan at koordinasyon habang in-update naman ng pamahalaang lungsod ang mga lugar na madalas bahain at landslide-prone, kasama ang bilang ng mga pamilyang posibleng maapektuhan.

Nakahanda na rin ang mga sasakyang pang-rescue, bangka, mga sistema ng maagang babala, backup na kuryente at suplay ng tubig, kagamitan sa komunikasyon, at mga relief goods.

Bukod dito, 47 na evacuation center sa lungsod ang nakahandang tumanggap sakaling may mga pamilya na maaaring ilikas habang ipinaalala sa publiko na isasagawa ang sapilitang paglilikas kung kinakailangan, alinsunod sa City Ordinance No. 11-2012, na nagbibigay ng pahintulot para sa pre-emptive evacuation sa panahon ng mga emerhensiya.

Kaugnay nito, hinimok naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete ang mga Malabueño na manatiling mapagbantay at updated sa pamamagitan ng opisyal na social media channels ng lungsod.

Para naman sa agarang tulong, gamitin ng mga residente ang All Hazards One Network (AHON) Alert 24/7 Application o makipag-ugnayan sa Malabon Command and Communication Center sa 8921-6009 / 8921-6029 / 0942-372-9891. (Richard Mesa)

LTO, naresolba na ang backlog sa plaka na halos isang dekada ng problema

Posted on: July 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MATAGUMPAY nang naresolba ng Land Transportation Office (LTO), sa pamumuno ni Atty. Vigor D. Mendoza II at sa patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ang backlog na naging suliranin ng pamahalaan sa loob ng halos isang dekada.

Pinalakas ng LTO ang produksyon ng mga plaka sa nakalipas na dalawang taon, at batay sa datos noong Hunyo 30 ng kasalukuyang taon, umabot sa kabuuang 18,578,612 ang nalikhang plaka na nagsilbing mahalagang hakbang upang tuluyang mabura ang naipong backlog mula pa noong 2014.

Si Asec. Mendoza mismo ang nangako kay Pangulong Marcos na lulutasin ang backlog sa plaka, sa isang pagpupulong sa Palasyo ng Malacañang noong nakaraang taon, matapos tiyakin ng Pangulo ang kanyang buong suporta para sa layuning ito.

Sa naturang pagpupulong, tiniyak ni Asec. Mendoza kay Pangulong Marcos na tuluyang matatapos ang backlog sa plaka pagsapit ng Hunyo 2025.

“Ang tagumpay na ito, na lumagpas pa sa inaasahan ng marami, ay bunga ng sama-samang pagsisikap, lalo na ng dedikasyon at tiyaga ng ating Plate Making Plant,” ani Acting Assistant Secretary at LTO Chief Atty. Greg G. Pua.

Nagsimula ang problema sa backlog ng plaka noong 2014 at lalo pang lumala dahil sa iba’t ibang factors, na nagresulta sa milyun-milyong pending na plaka para sa parehong motorsiklo at sasakyan.

Ngayon na natapos na ang napakalaking hamong ito, sinabi ni Pua na sisimulan na ng LTO ang mas mabilis na paghahatid ng mga plaka sa mga motorista na naapektuhan ng backlog.

“Sa ngalan ng buong Team LTO, taus-puso po kaming nagpapasalamat kay Pangulong Marcos sa kanyang buong suporta at pagtutok upang maresolba ang problemang ito, at kay Secretary Dizon sa kanyang mahahalagang mungkahi na nakatulong upang mapabilis ang aming trabaho,” ani Pua.

“At ngayong naisakatuparan na ang gawaing ito, sinisiguro namin sa milyon-milyong kliyente ng LTO na bibilisan din namin ang proseso ng pamamahagi ng mga plaka, at patuloy kaming hahanap ng paraan upang ito ay maisagawa ng mas epektibo,” dagdag pa ni Pua.

Batay sa pinakahuling datos, mahigit pitong milyong plaka na ang naipamahagi sa kani-kanilang mga may-ari. (PAUL JOHN REYES)

Paghahanda sa SONA pinalalakas ng NCRPO

Posted on: July 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAS pinalakas ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang paghahanda, dalawang linggo bago ang ika-apat na State of the National Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagsasagawa ng civil disturbance management competition nitong umaga ng Huwebes, Hulyo 17.

Ang pagsasanay habang may hawak na shields ang kapulisan ay sumabak sa iba’t ibang chaotic at peace scenarios para sa pagtugon sa posibleng kaliwa’t kanang protesta, na ginanap sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig.

Ang event ay dinaluhan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas D. Torre Ill, upang masiguro na handa na ang mga pulis sa posibleng gulo kabilang ang mga protesta sa SONA.

“In all these scena­rios, iisa ang ating iisipin, kung puwede natin ide-escalate ang situation para hindi umabot sa paggamit ng puwersa, sa paggamit ng lakas ay gagawin natin,” ani Torre.

Nasa 12,000 hanggang 13,000 tauhan ng NCRPO ang ipakakalat sa seguridad ng SONA.

Sa ngayon aniya, walang anumang “probable threat” ang kanilang na-monitor.

Ads July 19, 2025

Posted on: July 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

19 – page 4-merged

Nilinaw na walang permiso para manghingi ng donasyon: IAN, nagbabala sa mga grupong gumagamit sa pangalan ni NORA

Posted on: July 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA kanyang Facebook account, naglabas ng official statement si Ian de Leon, anak ng National Artist at Superstar na si Nora Aunor tungkol sa na-discover nila na may mga grupong nananamantala para makahingi ng pera o donasyon gamit ang pangalan ng pumanaw na ina.
Panimula ni Ian, “Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa suporta ng aking pamilya, mga kaibigan, mga tagahanga  at publiko.
“Taos-puso kong pinahahalagahan ang patuloy ninyong pagmamahal at paggunita sa aking ina, ang yumaong Ms. Nora Aunor.”
Paglilinaw pa niya, “Gayunpaman, nais ko pong magbigay ng isang mahalagang paglilinaw tungkol sa mga lumalabas sa social media na  may kaugnayan sa aming ina.
“Para po sa  kaalaman ng lahat wala po akong anumang kaugnayan o pakikilahok sa anumang pundasyon, organisasyon, o grupo na nagsasabing sila ay kumakatawan sa kanyang pangalan, imahe, o pamana.
“Dahil dito, hindi ko kinikilala, sinusuportahan, o pinahihintulutan ang anumang uri ng pangangalap o pagtanggap ng donasyon—salapi man o anumang bagay—mula sa alinmang grupo na may kaugnayan sa kanyang pangalan.”
Dagdag pa niya, “Ang pahayag na ito ay inilalabas para sa kapakanan ng malinaw na impormasyon at upang mapangalagaan ang dignidad at pamana ng aming ina.
“Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.
***
SA Linggo, July 20 na ang inaabangang awards ceremony ng 8th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na gaganapin sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City.
Inaasahan na magiging matindi ang labanan para sa Best Picture na kung saan nominado ang “Green Bones”, “Hello, Love, Again”, “Isang Himala”, “Love Child”, “Outside” at “Under a Piaya Moon”.
Sa Best Actress, kaabang-abang kung sino ang magwawagi kina Jane Oineza (“Love Child”), Judy Ann Santos (“Espantaho”), Marian Rivera (“Balota”), Mylene Dizon (“The Hearing”),  Shamaine Centenera-Buencamino (“Pushcart Tales”) at Sue Prado (“Your Mother’s Son”).
Ang tindi rin ng tunggalian nina Alden Richards (“Hello, Love, Again”), Arjo Atayde (“Topakk”), Dennis Trillo (“Green Bones”), Joel Torre (“Lolo and the Kid”), Kokoy de Santos (“Your Mother’s Son”), Sid Lucero (“Outside”) at Vice Ganda (“And the Breadwinner Is…”) para Best Actor.
Hindi rin pahuhuli ang mga nominadong Best Supporting Actress na sina Chanda Romero, (“Espantaho”), Cristine Reyes (“The Kingdom”), Elora Españo (“Your Mother’s Son”), Kakki Teodoro (“Isang Himala”), Lorna Tolentino (“Espantaho”), at Nadine Lustre (“Uninvited”).
Para sa Best Supporting Actor, tiyak na aabangan din kung sino ang mag-uuwi ng tropeo kina Aga Muhlach (“Uninvited”), Joross Gamboa (“Hello, Love, Again”), Miggy Jimenez (“Your Mother’s Son”), Patrick Garcia (“A Journey”), Ronnie Lazaro (“The Gospel of the Beast”) at Ruru Madrid (“Green Bones”).
Bakbakan din ang Best Director na sina Carlo Ledesma (“Outside”), Cathy Garcia Sampana (“Hello, Love, Again”), Jonathan Jurilla (“Love Child”), Kurt Soberano (“Under a Piaya Moon”), Pepe Diokno (“Isang Himala”), Zig Dulay (“Green Bones”).
Samantala, magkakaroon ng delayed telecast ang 8th EDDYS sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at may worldwide streaming sa iWant sa July 27, Linggo.
Co-presenter ng 8th EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment na pinangu­ngunahan ni Pat-P Daza at ididirek muli ni Eric Quizon.
Major presenter ang Playtime PH sa pakikipagtulungan  Globe at Unilab.
(ROHN ROMULO)

Slashers are so back, 90s nostalgia meets modern horror in “I Know What You Did Last Summer”

Posted on: July 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
THE original I Know What You Did Last Summer is one of the most iconic slasher films in cinema, and for producer Neal H. Moritz, it was time to bring the horror to a new generation of fans. “Horror fans have always had a soft spot for this franchise, and we felt there was still something here – a great central idea that could resonate with a new generation.
We came at the new film with passion for the material, a willingness to evolve the story, and a real respect for the fans who still talk about the original,” Moritz, who also produced the original 1997 film, says.
Watch the trailer: https://youtu.be/O83Q0ewud-k
In I Know What You Did Last Summer, five friends get into a car accident, and rather than face the consequences of their actions, swore to keep the incident a secret. Their past comes back to haunt them a year later as a stalker pursues them. Someone knows what they did last summer, and they discover that the nightmare has happened before. Desperate for answers, they turn to the two survivors of the 1997 Southport Massacre for help.
Director and writer Jennifer Kaytin Robinson shares how formative the 1997 I Know What You Did Last summer as a filmmaker.  “The original was the first R-rated movie I ever snuck into,” she recalls. “My babysitter wanted to see it, and I ended up going with her. Afterwards, my mom got really angry, but I didn’t care because I was so mesmerized by it.”
Handling such a beloved franchise, Robinson feels like she wants to innovate upon what made I Know What You Did Last Summer so memorable.
“I wanted the film to be big, brash and scary, but also retain the crackly fun, clever, witty vibe of the first movie,” Robinson says. “We made certain that Kevin Williamson’s amazing tone was present, while making sure to offer a fresh take. I think the tone rides that perfect line between modern horror and throwback summer slasher.”
Robinson feels like what can get audiences hooked, no pun intended, to the film is how the premise of human error is universally relatable. “This movie is about people making a mistake, then making the wrong choice, and the consequences that follow. It’s a deeply human story. Anyone could mess up like our characters do. That’s what sucks you into the story, because you’re thinking, what would I do in this situation? For me, horror is most interesting when it’s grounded in very real stakes,” she says.
The nightmare begins as I Know What You Did Last Summer is arriving in Philippine cinemas on July 30. Connect with the hashtag #IKnowWhatYouDidLastSummer @columbiapicph
Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”
(ROHN ROMULO)

Balik-audition para sa ‘America’s Got Talent Season 20’… Fil-Am singer na si JESSICA SANCHEZ, nabigyan ng Golden Buzzer  

Posted on: July 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MARAMI ang namangha sa pagsasalita ng Korean ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa pinagbibidahan niyang serye na ‘Beauty Empire’, na mula sa GMA, Viu, at CreaZion Studios.
Sa eksena ni Barbie, na gumaganap bilang Noreen sa serye, bigla siyang nagbitiw ng mga linya sa wikang Koreano matapos siyang sitahin ni Alex, ginagampanan ng South Korean actor na si Choi Bo-min, habang nasa bar kung saan kinompronta niya si Shari, ginagampanan ni Kyline Alcantara, dahil sa pagnanakaw ng serum formula.
Pasado kay Bo-min ang pagko-Koreano ni Barbie.
“Sobrang na-appreciate ko no’n si Choi Bo-min kasi kino-correct n’ya naman ako kung mali ako pero ‘yung umere, na very good n’ya ko no’n.”
Pag-amin pa ng Kapuso star, 15 minuto lamang ang ibinigay sa kanya para makabisado ang kanyang linya at ma-practice ang kanyang diction sa dayuhang lenggwahe.
“I just had to learn it 15 minutes before take. Yung mga Korean lines ko, laging surprise e.”
***
NABIGYAN ng Golden Buzzer ang Filipino-American singer na si Jessica Sanchez sa pagbalik nito to audition for ‘America’s Got Talent Season 20’.
Noong una siyang mag-audition sa AGT in 2005 sa edad na 10, na-eliminate siya at nasaktan daw siya noon.
“I did get eliminated, it was devastating. But it really did help me realize, like I wanna sing. ‘AGT’ was the beginning of that fire sparked inside of me. I was really young and I was so swayed by what everybody wanted me to be, who they wanted me to be.
“Maybe it took me 20 years but I know exactly who I am, I know exactly what I want. I’m excited to be back,” sey ni Jessica na sabay reveal na pregnant siya with her first child.
Nabigyan siya ng standing ovation sa rendition niya ng Benson Boone’s “Beautiful Things” with a live band.
Sey ng AGT judge na si Sofia Vergara: “Something very special happened on the stage with you. This was a special moment and I think that you deserve this,” sabay pindot ng ‘Modern Family’ star sa Golden Buzzer.
Mula naman may Judge Simon Cowell: “You’re an absolute star!”
At 16, sumali sa ‘American Idol Season 11’ si Jessica at naging first runner-up siya. Lumabas din siya sa series na ‘Glee’ in 2013.
(RUEL J. MENDOZA)

First episode ng ‘House of D’, naka-1.2M views agad: DINA, inamin na dream ng yumaong asawa na magbalik-talk show

Posted on: July 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
FOR the first time, nagbigay na rin ng pahayag si Dina Bonnevie tungkol sa kanyang saloobin, makalipas ang anim na buwan mula nang pumanaw ang mister niyang si Deogracias Victor “DV” Davellano.
Lahad ni Dina na may bagong talk show sa Youtube, ang ‘House of D’, “When my husband was alive, si DV, ang dream niya na magkaroon kami ng talk show, na magbalik-talk show host ako.
“Kasi hindi niya masyadong gusto yung nagpupuyat ako sa taping, nasa bahay na siya tapos wala pa ako.
“So sabi niya, ‘Sana nga matuloy na magka-talk show kayo.'”
Nabanggit ni Dina na ang paghu-host niya ngayon ay paraan rin, ayon nga sa kanya, “to pick up the pieces and to start all over again” mula sa pagkawala ng kanyang mister.
Kaya kinumusta na rin naman siya ngayon…
“Ahhh well I can say na more or less medyo… siguro na-exhale ko na lahat ng grief ko, parang for a time I was really, iyak ako ng iyak.
“As in I kept asking God, parang, ‘Bakit?’
“Marami pa naman sanang magagawa yung asawa ko. Because I never considered him as a politician, he was a public servant! And a good public servant at that.
“So parang for a while nagtampo ako kay God na, ‘Bakit Mo siya kinuha andami niya pang magagawa? Bakit siya? ‘Marami namang walang silbi sana iyon ang kinuha Mo. Bakit itong asawa ko?'”
Naglingkod si DV bilang Agriculture Undersecretary for Livestock at sumakabilang buhay noong January 7, 2025.
Pagpapatuloy ni Dina…
“But well, you can never question naman God’s wisdom. “God’s wisdom is supreme and above all. Di ba sabi nga natin God can see our lives from beginning to end, it’s like a parade.
“Di ba? He sees the beginning of the parade, the middle of the parade and the end of the parade.
“So only He knows what his plans are for you, so wala tinanggap ko nag-grieve ako, I gave myself time to grieve and then I said it’s about time I pick up the pieces and do something.
“And iyon na nga yung sinabi ni Shyr, ‘Why don’t you do something that you like?’
“So nandun kami andun si Atty., ‘Why not’, ganyan ganyan, ‘Do a talk show’, ganyan-ganyan.”
Matalik na kaibigan ni Dina ang character actress na si Shyr Valdez at iisa naman ang abogado nila, si Atty. Mark Julius Estur.
“Sabi ko iyon ang dream ko, makabalik sa pagto-talk show kasi that’s close to my heart. Why? Doing a talk show is close to my heart because when I was doing a talk show I would answer all the questions of the viewers myself!
“I would answer their emails myself, I would read yung mga poems na pinapadala nila, yung mga suggestions nila.”
Ang show na tinutukoy ni Dina ay ang Ms. D! na umere sa GMA mula November 1996-February 1999.
Anyway, nagsimula nang umere ang Episode 1 noong July 11 na meron na ngayong 1.2 million views. Napapanood ito tuwing Biyernes, alas singko ng hapon, sa ‘House of D’ official YouTube channel.
Co-host at co-producer ni Dina sa talk-show ang mga anak niyang sina Oyo at Danica Sotto at mga in-laws niyang sina Kristine Hermosa , misis ni Oyo, at Marc Pingris, mister ni Danica.
 
 
(ROMMEL L. GONZALES)

Pacquiao hindi ininda ang init ng panahon sa Las Vegas para mag-ensayo

Posted on: July 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI inalintana ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao ang init na panahon para makapag-ensayo sa Las Vegas.

Nagsagawa ito ng shadow boxing at ab workout sa Raiders training facility sa Las Vegas.

Sa labas naman ng gym ay bahagyang nag-jogging ito ilang mga outdoor exercise.

IIan lamang ito sa huling workout na isasagawa ni Pacquiao ilang araw bago ang laban kay Mario Barrios na gaganapin sa araw ng Sabado.

Pinangunahan ng beteranong boxing coach Freddie Roach ang nagsasanay kay Pacquiao.

Pinagbigyan naman ng Pinoy boxing icon ang ilang mga fans niya na nag-abang sa labas ng gym para makapagpapicture.

Samantala,  nasa Las Vegas Nevada na ang pamilya Paquiao, ilang araw bago ang nakatakdang laban ng nag-iisang 8-Division world champion sa Hulyo-20.

Kasama ni Manny ang kanyang maybahay na si Jinkee at ang kanilang limang anak. Sa isang post sa kanyang social media account, tinukoy ng Filipino boxing legend ang pamilya bilang pinakamahalaga sa lahat, bagay na kaniya umanong ikinagagalak na makumpleto silang lahat sa Vegas.

Gilas Women nalusutan ang Lebanon 73-70 sa 2025 FIBA Women’s Asia Cup

Posted on: July 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PASOK na sa pre-qualifying tournament ng FIBA Basketball Women’s World Cup 2026 ang Gilas Pilipinas Women.

Ito ay matapos na malusutan nila ang Lebanon 73-70 sa kanilang paghaharap sa 2025 FIBA Women’s Asia Cup na ginanap sa China.

Nanguna sa panalo ng koponan si Naomi Panganiban na nagtala ng 15 points, apat na rebounds at tatlong assists habang mayroong 14 points ang naitala ni Jack Animan.

Nag-ambag naman ng 14 points si Sumayah Sugapong, 13 points kay Vanessa de Jesus at 10 points para kay Kacey Dela Rosa.

Mayroong isang puntos na lamang ang Gilas 71-70 sa natitirang 8.3 segundo ng maipasok ni Panganiban ang dalawang free-throws sa foul line at mapalawig ang kalamangan 73-70.

Ito ang unang panalo ng Gilas Women dahil natalo sila sa kamay ng Australia at Japan.

Abanse na ang playoffs ang at makakaharap ang number 2 ranked team sa Group A.