PERSONAL na nagsagawa ng inspeksiyon si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagaso sa Infanta Bridge sa Velasquez, Tondo, Manila kung saan nasaksihan nito ang mga inanod na mga basura na nagmumula sa mga estero at kanal sa paligid ng Velasquez.
Inabutan ni Mayor Isko ang mga tauhan ng Department of Public Safety (DPS) na siyang namimingwit sa mga basura na karamihan ay mga plastic, styro, mga basyo ng bottled water at iba pa.
Ayon sa alkalde nalaking tulong ang inilagay na trash trap gayundin sa mga DPS na nakatutok sa paglilinis sa ilog upang hindi na tuluyang anurin sa Manila Bay ang mga basura.
Sinabi ng alkalde na sa mga susunod na panahon sa pamangitan ng pagsisikap ng Department of Environment and Natural Resources (DEBR) ang water waste na nakalagay sa Infanta bridge ay ikakabit sa barge na nagsisilbing STP o Sewage Treatment Plant.
‘Floating STP , paglabas ng tubig diyan , malinis na, Yan ang purpose niyan kung bakit meron ‘to (STP)’ anang alkalde.
Pagkatapos nag-inpeksyon ay nagtungo naman ang alkalde sa kahabaan ng Lacson Street sa Espana, Maynila kung saan isang rider ang kanyang nilapitan at sinita dahil lumagpas ito sa inya.
Bagama’t hindi hinuli ay uman naman ng sermon mula sa Alkaldeat pinaalalahanan na kapag nasa Maynila ay sumunod sa batas na pinaiiral ng pamahalaang lungsod. (Gene Adsuara)
ININSPEKSYON ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paghahanda ng food packs na ipamamahagi sa lugar na apektado ng pananalasa ng Tropical Storm Crising.

SINIBAK ang dalawang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos na nangotong sa isang truck sa kahabaan ng A.H Lacson Avenue sa España, Maynila.