• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

REALMS WILL COLLIDE. WATCH THE TRAILER FOR “MORTAL KOMBAT II”

Posted on: July 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
 
It’s called Mortal Kombat (II). “Mortal Kombat II” stars Karl Urban as Johnny Cage, alongside Adeline Rudolph, Jessica McNamee, Josh Lawson, Ludi Lin, Mehcad Brooks, Tati Gabrielle, Lewis Tan, Damon Herriman, with Chin Han, Tadanobu Asano as Lord Raiden, Joe Taslim as Bi-Han, and Hiroyuki Sanada as Hanzo Hasashi and Scorpion. It opens only in cinemas October 22. #MortalKombatMovie
Watch the trailer: https://youtu.be/4ke1aQHfUGc
About “Mortal Kombat II”
From New Line Cinema comes the latest high-stakes installment in the blockbuster video game franchise in all its brutal glory, “Mortal Kombat II.” This time, the fan favorite champions – now joined by Johnny Cage himself – are pitted against one another in the ultimate, no-holds barred, gory battle to defeat the dark rule of Shao Kahn that threatens the very existence of the Earthrealm and its defenders.
Karl Urban stars as Johnny Cage, alongside Adeline Rudolph, Jessica McNamee, Josh Lawson, Ludi Lin, Mehcad Brooks, Tati Gabrielle, Lewis Tan, Damon Herriman, with Chin Han, Tadanobu Asano as Lord Raiden, Joe Taslim as Bi-Han, and Hiroyuki Sanada as Hanzo Hasashi and Scorpion.
Director Simon McQuoid returns to helm the follow up to his explosive 2021 cinematic adventure, from a screenplay by Jeremy Slater, based on the videogame created by Ed Boon and John Tobias. The film is produced by Todd Garner, James Wan, Toby Emmerich, E. Bennett Walsh and McQuoid, and executive produced by Michael Clear, Judson Scott, Slater and Lawrence Kasanoff.
Joining McQuoid behind the camera are director of photography Stephen F. Windon, production designer Yohei Taneda, editor Stuart Levy and costume designer Cappi Ireland, with casting by Rich Delia and music by Benjamin Wallfisch.
New Line Cinema Presents an Atomic Monster/Broken Road Production, a Fireside Films Production, Mortal Kombat II. The film will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures, only in theaters and IMAX® across North America on October 24, 2025, and internationally beginning 22 October 2025.
Join the conversation online and use the hashtag #MortalKombatMovie (Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”)
(ROHN ROMULO)

5 GRUPO, SUPORTADO KAY FL LIZA ARANETA MARCOS

Posted on: July 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANINIWALA ang limang grupo hinggil sa akusasyon kay First Lady Liza Araneta Marcos ay isang malaking kasinungalingan, paninirang puri at isang malawakang pag-atake sa isang public servant.
Ayon kay Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, Ph.D., Chairman Emeritus of Four Philipinism Nationalist Democratic Advocacy groups kabilang ang People Alliance for democracy and Reform (PADER), Alyansa ng Bayan para sa KAPAYAPAAN at DEMOKRASYA (ABKD), Liga Indipendencia Pilipinas ( LIPI) at Filipinos Do Not Yield ( FDNY- Movement) na ang akusasyon laban sa FL ay isang kalkuladong hakbang upang siraan ito matapos na lumabas sa post na isinasangkot ito sa pagkamatay ni Paolo Tantoco.
Ayon pa kay Goitia na ang lumabas sa post ay hindi lamang isang malaking kasinungalingan kundi ito ay isang kalkulado at duwag na hakbang upang siraan ang isang babae na sa kabila ng lahat ay patuloy na naglilingkod sa bansa.
Dagdag pa nito na nasabing blotter na kumalat nang malawakan ay pinabulaanan na ng Konsulado ng Pilipinas sa Los Angeles at maging ng Malacañang. Wala itong sa mga opisyal na pagkakakilanlan o tanda ng isang tunay na dokumento mula sa Estados Unidos. Ito ay gawa-gawa lamang na idinisenyo upang iligaw ang publiko.
Kilala rin ni Goitia ang Unang Ginang bilang isang taong may mataas na pinanghahawakang pamantayan para sa kapakapakan ng bayan, pamilya at para sa kaniyang sarili at nakakalungkot umano na makita ang pangalan niya na nakaladkad sa putikan. Tama na nasa Estados Unidos siya noon pero wala siyang kinalaman sa pagpanaw ni Paolo Tantoco. Pawang kasinungalinan lamang na ginagamit upang magdulot ng galit at pagkalito.
Isa rin itong tsismis at direktang pag-atake, upang sirain ang kanyang reputasyon.
Ayon pa kaay Goita na may mga batas upang papanagutin ang mga taong nas alikod nito kabilang ang Cyber Libel (RA 10175) para panagutin ang mga tao sa online na paninirang-puri; Falsification of Public Documents (Article 171 Revised Penal Code) dahil ang paggawa ng mga pekeng ulat; Safe Spaces Act (RA 11313) na nagpoprotekta sa kababaihan, kabilang ang mga naglilingkod sa bayan mula sa panliligalig batay sa kasarian.
Nanawagan din siya sa Department of Justice (DOJ) DOJ at Department of Interior and Local Government ( DILG) na magsagawa ng malalalimang imbestigasyon at tukuyin ang mga taong nasa likod nito
Nakakabahala din aniya na ang pagkalat ng mga peeking balita ay tila nagiging normal at ito ay nakakabahala kaya kinakailangan umanong itaas ang antas paraa sa makatotohanang pampublikong paghahayag at tanggihan ang nakakalason na kulturang mga mapanlinlang na kasinungalingan.
Ayon pa kay Goitia, kassama ang kanyang grupo na patuloy ang kanilang pagsupornta kay FL. (Gene Adsuara)
Sent from my iPhone

Inflation, personal health mga ‘top urgent concerns’ para sa mga pinoy- Pulse Asia

Posted on: July 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ANG pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang nananatiling ‘top urgent national concern’ ng bansa habang ang manatiling malusog ang ‘pangunahing personal concern’ para sa mas maraming pinoy.

Resulta ito ng pinakabagong survey ng Pulse Asia.

Ayon sa Pulse Asia’s June 2025 Ulat ng Bayan survey, 66% ng mga Pilipino ang hindi sang-ayon sa paraan ng paghawak ng administrasyon sa inflation ang pangunahing pambansang alalahanin para sa 62% ng populasyon.

Umaasa naman ang mga filipino na isasama ng Pangulo sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (SONA) sa July 28 ang nasabing usapin.

Samantala, may 1,200 adult Filipino ang nagpartisipa sa face-to-face surveys na isinagawa mula June 26 hanggang June 30. Mayroon itong 95% confidence level at ±2.8% margin of error.

Sa pangkalahatan, ang umento sa sahod ang nakakuha naman ng pangalawang alalahanin sa buong bansa na may 51% ng mga Filipino adults ang nagsabi na ito ay ‘urgent national concern.’

Ipinahihiwatig lamang nito ang 17% na pagtaas mula sa last quarter, habang ang alalahanin naman sa inflation ay guminhawa o gumaan ng 8%.

Ang Inflation ay “the rate at which the general level of prices of goods and services increases. Its computation is based on the Consumer Price Index (CPI).”

“Across geographic and socio-economic subgroupings, the only urgent national concern cited by most adults is the need to control the rising prices of basic commodities,” ayon sa Pulse Asia survey.

“Of the remaining issues in the list, only workers pay is identified as urgent by majorities in any of these subgroupings,” ang sinabi pa rin nito.

Samantala, ang iba pang urgent national issues para sa mga Filipino adults aypoverty reduction (26%); job creation (25%); at paglaban sa graft and corruption sa gobyerno (24%). Ang pinaka-least naman sa kanilang concerns ay ang national territorial integrity (5%); kapakanan ng mga OFWs (4%); at terorismo (1%).

Samantala, ang manatiling malusog ay nananatili namang ‘urgent personal concern’ para sa mas maraming adult sa Pilipinas, may 64% ng mga respondents ang tumukoy na ito ang kanilang top issue. Ang pigura, gayunman ay nananatiling mas mababa kaysa sa 71% na naiulat noong 2024.

Mahigit sa kalahati o 53% ng mga respondent ang nagsabi rin na labis silang nag-aalala na makakuha ng well-paying job, habang 45% naman ang nagpahayag ng pag-aalala na magkaroon ng ipon.

Ang least concern para sa mga pinoy ay ang pagkakaroon ng sarili nilang bahay at lupa, mayroon lamang 23% ng mga respondents ang tumukoy dito bilang kanilang ‘most urgent personal concern.’

“Small to big majorities in every geographic area and most socio-economic classes are concerned about staying healthy. Class E is the exception,” ang sinabi sa survey.

“Having a good job or source of income is a majority urgent personal concern in nearly all areas and classes, except in Metro Manila and Class ABC. Most of those belonging to either Class ABC or Class E would like to have some savings of their own. Personal food security is mentioned as an urgent personal concern by bare to small majorities in the Visayas and Class E,”ayon pa rin sa survey.

Sa kabilang dako, mayorya o 66% ng mga Filipino ang dissatisfied o hindi nasisiyahan sa inisyatiba ng administrasyong Marcos para tugunan ang tumataas na inflation.

Makikita sa survey na 48% ng mga respondents ang hindi sang-ayon sa aksyon ng administrasyon na itaas ang sahod; 54% ang bawasan ang kahirapan; 50% sa paglaban sa korapsyon; at 40% sa pagtugon sa problema ng involuntary hunger.

“A different pattern may be observed when it comes to year-on-year movements,” ayo sa survey.

“Levels of disapproval go up for the administration’s efforts to address 12 issues while disapproval eases on the issue of inflation. The change posted on the issue of poverty reduction is marginal in nature. As for indecision figures, these decline in relation to 13 issues, with inflation being the exception,” ayon pa rin sa survey.

Samantala, naka-iskor naman ang gobyerno ng majority approval ratings sa pagtugon sa pangangailangan ng mga calamity-hit areas (63%), protektahan ang mga Overseas Filipino Workers (62%), at tulungan ang mga magsasaka (53%).

‘Libreng Sakay’ program ni VP Sara, tatakbo hanggang matapos ang kanyang termino- OVP spox Castelo

Posted on: July 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO ang Office of the Vice President (OVP) na ang “Libreng Sakay” program, na naglalayong tulungan ang mga mananakay sa pamamagitan ng karagdagang public transportation services sa panahon ng rush hour, ay magpapatuloy hanggang sa matapos ang termino ni Vice President Sara Duterte jkahit pa maliit ang budget.

Sinabi ni OVP spokesperson Atty. Ruth Castelo, na sa nagyon mahigit sa dalawang milyong mananakay na ang natulungan ng nasabing programa.

Sa katunayan, noong nakaraang taon, may isang milyong pasahero ang gumamit ng free shuttle service.

“Even if we cannot sustain it anymore itutuloy pa rin natin kasi ito yung serbisyo na pinakadirektang nakaka-affect… Alam mo yung instant benefit doon sa sasakay, diba?,” ang sinabi ni Castelo.

“Nag-start siya ng August 3, 2022. Hanggang sa last day ng term ni Vice President Duterte, meron pa rin patatakbuhin na Libreng Sakay,” aniya pa rin.

Ipinahayag pa rin ni Castelo na gumagastos ang OVP ng P180,000 kada buwan sa bawat isang bus para sa siyam na bus na bumi-byahe sa iba’t ibang ruta sa Metro Manila at mga lalawigan.

Sakop ng nasabing halaga ang ‘operational expenses’ gaya ng gasolina at maintenance, sa mga nasabing bus—dalawa ang binili ng OP habang ang pito naman ay sa ilalim ng ‘usufruct agreement’ sa mga may-ari.

Binigyang diin pa rin ni Castelo ang pangangailangan para sa programa, tinukoy na ang mga bus terminal ay puno sa kapasidad na may waiting passengers ‘as early as 4 a.m.’

Sa katunayan aniya, nag-aplay ang OVP sa Department of Transportation (DOTr) para payagan ang mga bus na i-extend ang operasyon nito, mula 5 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 9 p.m. Mula sa orihinal na 4 a.m. hanggang 10 a.m. at 4 p.m. hanggang 10 p.m.’

“Kasi dun sa study, merong mga, marami na din pasahero ang 4 o’clock,” ang pahayag nito sabay sabing “So, yung mga gusto na earlier ang alis ng bahay, we have the 4 to 10, but we will still need the final study. It’s a recommendation.”

Idinagdag pa niya na ginagalugad at pinag-aaralan nila ang mga lungsod at mga lalawigan na nangangailangan ng free shuttle rides.

“But we encourage din the cities and municipalities and especially those in the provinces kung meron silang need for this service, magsabi sila sa OVP at (let the OVP know and) we will be very happy to coordinate with them,” ang sinabi pa rin ni Castelo.

Samantala, ang programa ay kasalukuyang may 9 na bus na naka-deploy sa iba’t ibang lugar gaya ng Metro Manila, Cavite, Bacolod, Cebu, Davao, at Tacloban.

DFA, pinaigting ang rescue efforts para sa mahigit na 100 Filipino victims na na-stranded sa Southeast Asian scam hubs

Posted on: July 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAIGTING ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ‘rescue at repatriation efforts’ nito sa mahigit na 100 Filipino human trafficking victims na na-stranded sa scam centers.

‘As of July 7’, may kabuuang 118 Filipino ang nananatiling nangangailangan na mapauwi mula sa apat na bansa kabilang na ang 75 sa Myanmar, 30 sa Thailand, 7 sa Laos, at 6 sa Cambodia.

“Among those in Myanmar, 14 individuals are being processed for transfer,” ayon sa DFA.

Tiniyak naman ng departamento sa publiko na ang Philippine embassies sa rehiyon ay nakikipag-ugnayan sa lokal na awtoridad para mapadali ang pagliligtas at mapalawig ang agarang tulong.

“We remain committed to the rescue and repatriation of all Filipino HTVs (human trafficking victims) that are working in illegal call centers in the region. We call on all our kababayans, including our Filipino communities abroad, to support all efforts to prevent all modes of recruitment and victimization of our Filipino nationals in schemes that lead to forced criminality and participation in scamming operations,” ang nakasaad sa kalatas ng DFA.

Mula January 1 hanggang July 15, 2025, sinabi ng DFA na tinugunan na nito ang 480 trafficking-related assistance-to-nationals (ATN) cases sa rehiyon.

Kabilang dito ang 304 kaso sa Thailand, 110 kaso sa Cambodia, 61 kaso sa Laos, at 5 kaso sa Myanmar.

Ang mga kaso sa Myanmar ay “particularly complex due to the presence of armed groups at border zones.”

PBBM, idineklara bilang protected areas ang Guimaras, Quezon at Albay

Posted on: July 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang mga ‘protected areas’ ang mga tinatawag na ‘parcels of land’ ng Guimaras, Quezon at Albay provinces.

Sa katunayan, noong Hulyo 9 ay nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Republic Acts (RAs) 12225, 12226, at 12227, idinagdag ang ‘parcel of land’ sa Nueva Valencia, Guimaras; San Andres, Quezon; at Polangui at Oas municipalities at Ligao at Tabaco cities , lahat sa Albay sa listahan ng mga lugar na protektado sa ilalim ng National Integrated Protected Areas System (NIPAS).

Ayon sa RA 12225, ang ‘protected area’ sa Nueva Valencia, Guimaras ay klasipikado bilang national park, na kikilalanin bilang Taklong at Tandog Group of Islands Natural Park.

Idinedeklara naman sa ilalim ng RA 12226 ang Alibijaban Wilderness Area sa San Andres, Quezon bilang protected area sa ilalim ng kategoryang ‘protected landscape at seascape’, tumutukoy bilang Alibijaban Protected Landscape and Seascape (APLS).

Base sa RA 12227, ang protected area sa Polangui at Oas municipalities, at maging sa Ligao at Tabaco cities sa Albay province, ay tutukuyin bilang Mt. Masaraga Protected Landscape.

“As such, the State shall ensure the conservation, protection, management, and rehabilitation of the area. It is likewise recognized that effective administration of this area is possible only through cooperation among the national government, local government units (LGUs), concerned non-governmental organizations (NGOs) private entities, and local communities,” ayon sa batas.

“The use and enjoyment of this area must be consistent with the principles of biological diversity and sustainable development,” ayon pa rin sa batas.

Nilikha ng mga bagong batas ang Protected Area Management Boards (PAMBs) upang pangasiwaan at pamahalaanan ang mga lugar sa tatlong lalawigan.

Ang PAMBs ay binubuo ng mga opisyal mula sa Department of Environment and Natural Resources, mga mambabatas, government agencies, local government units (LGUs), indigenous people’s groups, at non-government organizations.

Isang trust fund ang itatatag din para sa financing projects ng mga protected areas.

Ipananatili naman ng PAMB ang 75% ng lahat ng nalikom na kinita, idedeposito sa Protected Area-Retained Income Account sa anumang awtorisadong government depository bank sa loob ng lokalidad.

Ang pondo ay maaaring lumaki o madagdagan sa pamamagitan ng ‘grants, donations, at endowment’ mula domestic o foreign sources.

“The fund shall be deposited in full as a special account in the National Treasury and disbursements therefrom shall be made solely for the protection, maintenance, administration, and management of the NIPAS and duly approved projects endorsed by the PAMB in accordance with existing accounting, budgeting, and auditing rules and regulations,” ayon sa batas.

Ang fund, ayon sa RA ay hindi maaaring gamitin para sa ‘personal services expenditures.’

Sa kabilang dako, inatasan naman ang LGUs na ipagpatuloy ang pagpapataw ng buwis at koleksyon ng lahat ng iba pang bayarin na tradisyonal nilang kinokolekta kabilang na ang business permits, property tax at rentals ng local governments’ facilities.

Ang batas ay magiging epektibo, 15 araw matapos na mailathala sa Official Gazette o sa aumang pahayagan na may general circulation.

PBBM, hangad ang mas malaking PH-US security, economic ties sa Washington trip

Posted on: July 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng kanyang intensyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa “greater” security at economic relations sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa kanyang magiging byahe sa Washington, D.C. mula July 20 hanggang 22.

“The purpose of this visit is to further strengthen the Philippines-United States alliance, to proactively engage the US in all aspects of the relations and seize opportunities for greater security and economic cooperation,” ang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary for American Affairs Raquel Solano sa press briefing sa Malakanyang.

“We will continue to underscore that for the Philippines to be a truly strong partner for the United States, we need to be stronger economically as well,” aniya pa rin.

Ang official visit ng Pangulo sa Washington D.C., ay tugon na rin sa imbitasyon ni US President Donald Trump.

Si Pangulong Marcos ang unang ASEAN head of state na inimbitahan para bumisita sa Estados Unidos at magdaos ng pulong kasama si Trump matapos na umupo ang huli bilang halal na Pangulo ng Estados Unidos noong Enero ngayong taon.

Ang pagbisita ni Pangulong Marcos ay matapos ang negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ukol sa 20-percent tariff na ipinataw ng administrasyong Trump sa Philippine exports.

“Marcos, during his visit to the US, also aims to discuss the tariff rate that will be levied on Philippine exports starting Aug. 1,” ayon kay Solano.

“Right now, there is a team, Filipino group of Philippine trade officials who are in Washington, D.C., and they’re conducting these negotiations. And we hope, of course, to arrive at a bilateral trade agreement or a deal on the reciprocal trade that is mutually acceptable, mutually beneficial for both our countries,” aniya pa rin.

At nang tanungin kung kasama ang free trade agreement para sa kabuuang elimination ng taripa, sinabi ni Solano na umaasa ang gobyerno na ang dalawang bansa ay darating sa “mutually acceptable” trade deal.

Sinabi ni Solano na inaasahan na pag-uusapan nina Pangulong Marcos at Trump ang ‘closer cooperation’ sa economic, defense, at security matters na karaniwang interes.

Sinabi pa na nakatakdang talakayin ng dalawang lider ang West Philippine Sea (WPS) issue, at maging ang iba pang ‘regional at international issues na karaniwang alalahanin.

“Well, in the agenda of the meetings, there’s going to be an exchange of views on regional issues and concerns. So ultimately, this issue on the West Philippine Sea would be discussed,” ang sinabi ni Solano.

“And as to the possible agreements, well, we’re hoping to secure the assistance or support of the US government in enhancing the capabilities of our AFP and the Coast Guard in terms of the capabilities of our armed forces,” aniya pa rin.

“Aside from a bilateral meeting with Trump, Marcos is also scheduled to meet with US State Secretary Marco Rubio and Defense Secretary Pete Hegseth,” dagdag na wika nito.

Winika pa ni Solano na may ilang US businesses ang nag-request para makapulong si Pangulong Marcos para pag-usapan ang investment opportunities sa Pilipinas.

Tumanggi naman si Solano na ihayag ang pangalan ng mga kompanya na nais na makapulong ang Pangulo subalit tiniyak nito na “they are in line with the priorities of the Philippine government with respect to the promotion of our development objectives.”

“The objective of the visit is also to strengthen economic cooperation with the U.S., and these meetings with the business leaders is part of it. So, we are interested, of course, in getting these potential investors to invest here in the country. And actually, these companies that I mentioned earlier are already in the process of investing in the Philippines,” ayon kay Solano.

Samantala, hindi naman magagawang makita at makapulong ni Pangulong Marcos ang Filipino community sa Estados Unidos, dahil sa kanyang “very short visit.”

kaya hindi mabibitbit ni PBBM sa Washington: FL Liza nasa Riyadh, Saudi Arabia

Posted on: July 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG katuwiran ng Malakanyang ang hindi pagsama ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa nakatakdang pagbyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Washington, sa Estados Unidos para makapulong si US President Donald Trump.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang Unang Ginang ay nasa kanyang working visit sa Riyadh, Saudi Arabia para makapulong ang mga overseas Filipino workers doon.

“First Lady Maria Louise Araneta-Marcos will travel to Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia on the 17th kahapon to 20thJuly 2025 on a working visit to meet overseas Filipino workers,” ayon kay Castro.

Kabilang naman sa itinerary ng Unang Ginang ang pagbisita sa mga OFW atOWWA Serbisyo Caravan, isang one-stop government outreach na nag-aalok ng government services sa OFWs kabilang na ang legal aid, financial support at welfare counselling sa OFWs at kanilang pamilya.

Bibisitahin din ng Unang Ginang ang shelters o kanlungan paa sa mga ‘distressed Filipino women, mga manggagawa at kabataan.

“The trip originally proposed and scheduled on the first week of July will highlight the steadfast commitment of the Marcos administration to the welfare of OFWs and their families. She will be back on July 21st,” ang sinabi pa rin ni Castro.

“At kung napansin ninyo po, sinabi po, nabanggit din po ni DICT Usec. Dave Almirol na ilo-launch din po ng Unang Ginang itong one-stop shop po dito po sa Kingdom of Saudi Arabia. So, iyon po ang dahilan kung bakit hindi po makakasama ang Unang Gitnang sa US trip po ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,” ayon pa rin kay Castro na malinaw na malabo talagang makasama ang Unang sa US trip ni Pangulong Marcos dahil ang pagbabalik sa Pilipinas ng Unang Ginang ay ang pag-alis naman ng Pangulo patungong Estados Unidos.

Sa kabilang dako, nakatakdang lumipad patungong Washington si Pangulong Marcos sa Hulyo 20 hanggang 22.

Makasasama n Pangulo ang ilan sa kanyang cabinet secretaries gaya nina Secretary of Foreign Affairs Maria Theresa Lazaro, Secretary of National Defense Gilberto Teodoro Jr., Secretary of Trade and Investments Christina Roque, National Security Adviser Eduardo Año, Acting PCO Secretary Dave Gomez, Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go at Ambassador Jose Manuel Romualdez.

Samantala, sa patuloy na pagsisikap nito na dalhin ang mahalagang government services direkta sa mga tao, kabilang na ang overseas Filipino workers (OFWs), ang unang Middle East leg ng Bagong Bayani ng Mundo: OFW Serbisyo Caravan ng gobyerno ng Pilipinas ay nakarating na sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ang Serbisyo Caravan sa Riyadh, pinangunahan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sa pakikipag-ugnayan sa Migrant Workers Office in Riyadh at Philippine Embassy sa Kingdom of Saudi Arabia, ay isinagawa sa Makka, Mukaranmah Br. Road on Friday.

“Under the directive of President Ferdinand Marcos Jr. to bring whole-of-government services closer to OFWs overseas, the Serbisyo Caravan gathers 12 government agencies in order to provide efficient, faster, and essential government services and programs to OFWs in Riyadh,” ang sinabi ng DMW.

Maliban sa DMW at OWWA, ang mga OFWs sa Riyadh ay magagawang madaling maka-access sa mga serbisyo ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang Department of Social Welfare and Development, Department of Trade and Industry, Public Attorney’s Office, PhilHealth, Social Security System, PAG-IBIG Fund, Land Bank of the Philippines, the Philippine Statistics Authority, Department of Information and Communications Technology, at Philippine Embassy – Kingdom of Saudi Arabia.

Nag-aalok ang one-stop caravan sa mga OFWs ng iba’t ibang serbisyo kabilang na ang free legal consultations, psychosocial counseling, contract verification, OWWA e-card processing, passporting, national ID registration, livelihood at reintegration programs, at business support assistance.

Matapos ang Caravan, magho-host naman ang OWWA ng isang ‘outreach at wellness event’ para sa mga OFWs at kanilang pamilya sa pamamagitan ng “Serbisyong May Saya” sa Greenhall Bowling Center.

Tinitiyak naman ng Serbisyo Caravan na sa ilalim ng Bagong Pilipinas administration, ang mga OFWs ay mabibigyan ng lahat ng available na serbisyo at programa sa maabt ito upang kilalanin ang kanilang sakripisyo bilang ‘modern-day heroes’ ng bansa.

Ang first leg ng Serbisyo Caravan sa Riyadh ay tanda ng una mula sa ilang one-stop caravan na nakatakda sa iba’t ibang lugar sa Gitnang Silangan sa Hulyo at Agosto , kasunod ng matagumpay na paglulunsad sa Hong Kong nitong Hunyo.

HIGH-VALUE TARGET HULI SA BUY-BUST OPERATION NG PDEA 7 AT PNP SA CEBU CITY

Posted on: July 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TIMBOG ang isang high-value target sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA 7 Regional Special Enforcement Team (RSET), katuwang ang PNP Drug Enforcement Group/Special Operations Unit 7 at Cebu City Police Office Station 5, dakong alas-2:39 ng hapon noong Hulyo 16, 2025, sa kahabaan ng Noli Me Tangere Street, Barangay Ermita, Cebu City.

Kinilala ni PDEA 7 Regional Director Dir. III Joel B. Plaza ang suspek sa alyas na Warren, 40 anyos, may asawa, isang cellphone technician, at residente ng nasabing lugar.

Nasamsam sa operasyon ang apat (4) na pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 150 gramo, marked money, at isang (1) digital weighing scale.

Ang mga nakumpiskang pakete ng hinihinalang shabu ay isinumite na sa PDEA 7 Regional Office Laboratory upang sumailalim sa chemical analysis at tamang disposisyon.

Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5 (sale of dangerous drugs) at 11 (possession of dangerous drugs), Article II ng Republic Act 9165.

Ang pagbebenta ng ipinagbabawal na droga ay may kaakibat na pinakamabigat na parusang habangbuhay na pagkakakulong at multang P500,000 hanggang P10 milyon. (PAUL JOHN REYES)

Valenzuela DRMMO, nakahanda na kay ‘Crising’

Posted on: July 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHANDA na ang mga tauhan ng Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO) ang iba’t ibang kagamitan sa pang-resuce, kabilang na ang mga rescue boat na ilalagay sa iba’t ibang barangay sa lungsod bilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng bagyong Crising habang ayon kay Mayor Wes Gatchalian, ay full operation naman ang lahat ng mga pumping station sa lungsod. (Richard Mesa)