• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

Inflation, personal health mga ‘top urgent concerns’ para sa mga pinoy- Pulse Asia

Posted on: July 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ANG pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang nananatiling ‘top urgent national concern’ ng bansa habang ang manatiling malusog ang ‘pangunahing personal concern’ para sa mas maraming Pinoy.

Resulta ito ng pinakabagong survey ng Pulse Asia.

Ayon sa Pulse Asia’s June 2025 Ulat ng Bayan survey, 66% ng mga Pilipino ang hindi sang-ayon sa paraan ng paghawak ng administrasyon sa inflation ang pangunahing pambansang alalahanin para sa 62% ng populasyon.

Umaasa naman ang mga Filipino na isasama ng Pangulo sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (SONA) sa July 28 ang nasabing usapin.

Samantala, may 1,200 adult Filipino ang nagpartisipa sa face-to-face surveys na isinagawa mula June 26 hanggang June 30. Mayroon itong 95% confidence level at ±2.8% margin of error.

Sa pangkalahatan, ang umento sa sahod ang nakakuha naman ng pangalawang alalahanin sa buong bansa na may 51% ng mga Filipino adults ang nagsabi na ito ay ‘urgent national concern.’

Ipinahihiwatig lamang nito ang 17% na pagtaas mula sa last quarter, habang ang alalahanin naman sa inflation ay guminhawa o gumaan ng 8%.

Ang Inflation ay “the rate at which the general level of prices of goods and services increases. Its computation is based on the Consumer Price Index (CPI).”

“Across geographic and socio-economic subgroupings, the only urgent national concern cited by most adults is the need to control the rising prices of basic commodities,” ayon sa Pulse Asia survey.

“Of the remaining issues in the list, only workers pay is identified as urgent by majorities in any of these subgroupings,” ang sinabi pa rin nito.

Samantala, ang iba pang urgent national issues para sa mga Filipino adults ay poverty reduction (26%); job creation (25%); at paglaban sa graft and corruption sa gobyerno (24%). Ang pinaka-least naman sa kanilang concerns ay ang national territorial integrity (5%); kapakanan ng mga OFWs (4%); at terorismo (1%).

Samantala, ang manatiling malusog ay nananatili namang ‘urgent personal concern’ para sa mas maraming adult sa Pilipinas, may 64% ng mga respondents ang tumukoy na ito ang kanilang top issue. Ang pigura, gayunman ay nananatiling mas mababa kaysa sa 71% na naiulat noong 2024.

Mahigit sa kalahati o 53% ng mga respondent ang nagsabi rin na labis silang nag-aalala na makakuha ng well-paying job, habang 45% naman ang nagpahayag ng pag-aalala na magkaroon ng ipon.

Ang least concern para sa mga pinoy ay ang pagkakaroon ng sarili nilang bahay at lupa, mayroon lamang 23% ng mga respondents ang tumukoy dito bilang kanilang ‘most urgent personal concern.’

“Small to big majorities in every geographic area and most socio-economic classes are concerned about staying healthy. Class E is the exception,” ang sinabi sa survey.

“Having a good job or source of income is a majority urgent personal concern in nearly all areas and classes, except in Metro Manila and Class ABC. Most of those belonging to either Class ABC or Class E would like to have some savings of their own. Personal food security is mentioned as an urgent personal concern by bare to small majorities in the Visayas and Class E,”ayon pa rin sa survey.

Sa kabilang dako, mayorya o 66% ng mga Filipino ang dissatisfied o hindi nasisiyahan sa inisyatiba ng administrasyong Marcos para tugunan ang tumataas na inflation.

Makikita sa survey na 48% ng mga respondents ang hindi sang-ayon sa aksyon ng administrasyon na itaas ang sahod; 54% ang bawasan ang kahirapan; 50% sa paglaban sa korapsyon; at 40% sa pagtugon sa problema ng involuntary hunger.

“A different pattern may be observed when it comes to year-on-year movements,” ayon sa survey.

“Levels of disapproval go up for the administration’s efforts to address 12 issues while disapproval eases on the issue of inflation. The change posted on the issue of poverty reduction is marginal in nature. As for indecision figures, these decline in relation to 13 issues, with inflation being the exception,” ayon pa rin sa survey.

Samantala, naka-iskor naman ang gobyerno ng majority approval ratings sa pagtugon sa pangangailangan ng mga calamity-hit areas (63%), protektahan ang mga Overseas Filipino Workers (62%), at tulungan ang mga magsasaka (53%).  (Daris Jose)

‘Libreng Sakay’ program ni VP Sara, tatakbo hanggang matapos ang kanyang termino- OVP spox Castelo

Posted on: July 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO ang Office of the Vice President (OVP) na ang “Libreng Sakay” program, na naglalayong tulungan ang mga mananakay sa pamamagitan ng karagdagang public transportation services sa panahon ng rush hour, ay magpapatuloy hanggang sa matapos ang termino ni Vice President Sara Duterte kahit pa maliit ang budget.

Sinabi ni OVP spokesperson Atty. Ruth Castelo, na sa nagyon mahigit sa dalawang milyong mananakay na ang natulungan ng nasabing programa.

Sa katunayan, noong nakaraang taon, may isang milyong pasahero ang gumamit ng free shuttle service.

“Even if we cannot sustain it anymore itutuloy pa rin natin kasi ito yung serbisyo na pinakadirektang nakaka-affect… Alam mo yung instant benefit doon sa sasakay, di ba?,” ang sinabi ni Castelo.

“Nag-start siya ng August 3, 2022. Hanggang sa last day ng term ni Vice President Duterte, meron pa rin patatakbuhin na Libreng Sakay,” aniya pa rin.

Ipinahayag pa rin ni Castelo na gumagastos ang OVP ng P180,000 kada buwan sa bawat isang bus para sa siyam na bus na bumi-byahe sa iba’t ibang ruta sa Metro Manila at mga lalawigan.

Sakop ng nasabing halaga ang ‘operational expenses’ gaya ng gasolina at maintenance, sa mga nasabing bus—dalawa ang binili ng OP habang ang pito naman ay sa ilalim ng ‘usufruct agreement’ sa mga may-ari.

Binigyang diin pa rin ni Castelo ang pangangailangan para sa programa, tinukoy na ang mga bus terminal ay puno sa kapasidad na may waiting passengers ‘as early as 4 a.m.’

Sa katunayan aniya, nag-aplay ang OVP sa Department of Transportation (DOTr) para payagan ang mga bus na i-extend ang operasyon nito, mula 5 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 9 p.m. Mula sa orihinal na 4 a.m. hanggang 10 a.m. at 4 p.m. hanggang 10 p.m.’

“Kasi dun sa study, merong mga, marami na din pasahero ang 4 o’clock,” ang pahayag nito sabay sabing “So, yung mga gusto na earlier ang alis ng bahay, we have the 4 to 10, but we will still need the final study. It’s a recommendation.”

Idinagdag pa niya na ginagalugad at pinag-aaralan nila ang mga lungsod at mga lalawigan na nangangailangan ng free shuttle rides.

“But we encourage din the cities and municipalities and especially those in the provinces kung meron silang need for this service, magsabi sila sa OVP at (let the OVP know and) we will be very happy to coordinate with them,” ang sinabi pa rin ni Castelo.

Samantala, ang programa ay kasalukuyang may 9 na bus na naka-deploy sa iba’t ibang lugar gaya ng Metro Manila, Cavite, Bacolod, Cebu, Davao, at Tacloban. (Daris Jose)

DFA, pinaigting ang rescue efforts para sa mahigit na 100 Filipino victims na na-stranded sa Southeast Asian scam hubs

Posted on: July 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAIGTING ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ‘rescue at repatriation efforts’ nito sa mahigit na 100 Filipino human trafficking victims na na-stranded sa scam centers.

‘As of July 7’, may kabuuang 118 Filipino ang nananatiling nangangailangan na mapauwi mula sa apat na bansa kabilang na ang 75 sa Myanmar, 30 sa Thailand, 7 sa Laos, at 6 sa Cambodia.

“Among those in Myanmar, 14 individuals are being processed for transfer,” ayon sa DFA.

Tiniyak naman ng departamento sa publiko na ang Philippine embassies sa rehiyon ay nakikipag-ugnayan sa lokal na awtoridad para mapadali ang pagliligtas at mapalawig ang agarang tulong.

“We remain committed to the rescue and repatriation of all Filipino HTVs (human trafficking victims) that are working in illegal call centers in the region. We call on all our kababayans, including our Filipino communities abroad, to support all efforts to prevent all modes of recruitment and victimization of our Filipino nationals in schemes that lead to forced criminality and participation in scamming operations,” ang nakasaad sa kalatas ng DFA.

Mula January 1 hanggang July 15, 2025, sinabi ng DFA na tinugunan na nito ang 480 trafficking-related assistance-to-nationals (ATN) cases sa rehiyon.

Kabilang dito ang 304 kaso sa Thailand, 110 kaso sa Cambodia, 61 kaso sa Laos, at 5 kaso sa Myanmar.

Ang mga kaso sa Myanmar ay “particularly complex due to the presence of armed groups at border zones.” (Daris Jose)

Pacquiao bigong makuha ang kampyonato matapos ang ‘majority draw’ kontra kay Barrios

Posted on: July 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BIGO ang People’s champ, Manny Pacquiao na isulat muli ang kasaysayan matapos magtapos sa majority draw ang laban niya kontra kay WBC welterweight champion Mario Barrios na ginanap sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas —ang parehong venue kung saan siya unang nagpasiklab sa Amerika 24 taon na ang nakalilipas.

Nabatid na dalawang hurado ang nagtala ng 114-114, habang isa ang nagbigay ng 115-113 pabor kay Barrios, dahilan upang mapanatili ni Barrios ang kanyang titulo. Sa harap ng 13,107 tagasuporta na karamihan ay Pilipino, hindi naging sapat ang ipinakitang sigla ni Pacquiao sa unang bahagi ng laban.

Si Pacquiao (62-8-3, 39 KOs), na bumalik sa ring matapos ang apat na taong pagreretiro at kamakailang pagkakahirang sa International Boxing Hall of Fame, ay nagpakita ng mainit na simula. Bumalik ang kanyang dating porma —mabilis, agresibo, at kombinasyon ng kaliwang suntok na paborito ng mga fans.

Ngunit hindi maikakaila ang pagod at edad habang umuusad ang laban. Sa mga huling rounds, unti-unting nakabawi si Barrios (29-2-2, 18 KOs), na 16 na taon na mas bata kay Pacquiao.

Habang si Barrios ay pinili ni Pacquiao bilang katunggali sa kanyang pagbabalik. Ayon sa patakaran ng WBC, maaaring humiling ng title shot ang isang dating kampeon na bumabalik mula sa pagreretiro — bagay na sinamantala ng kampo ni Pacquiao.

Bagama’t hindi nagwagi, sinabi ng magkabilang panig na bukas sila sa isang rematch, na maaaring maging huling pagkakataon ni Pacquiao na makamit ang kasaysayang hinahangad niya bilang pinakamatandang kampeon sa kasaysayan ng welterweight boxing.

Malakanyang, nirerepasong mabuti ang pagbabawal sa online gambling

Posted on: July 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING nirerepasong mabuti ng gobyerno ang mas malawak na implikasyon sa pagbabawal sa lahat ng uri ng online gambling, sa gitna ng lumalakas na panawagan na magpatupad ng ‘total ban’ bunsod ng maraming kaso ng mga Filipino na lubog sa utang dahil sa “gambling addiction.”

Sa isang panayam, tinanong si Executive Secretary Lucas Bersamin kung maga-anunsyo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng “total ban’ sa online gambling sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (SONA) bago matapos ang buwan gaya ng kanyang ginawa noong nakaraang SONA noong nakaraang taon kung saan ipinagbawal ang Philippine offshore gaming operators (POGOs).

“Well, the policy remains the same… the President is very strong about POGOs, banned na ‘yan,” ayon kay Bersamin.

Nilinaw nito na habang nananatiling ban ang POGOs, ang iba pang uri ng online gaming na hindi nauugnay sa scams o online fraud ay patuloy na pinag-aaralan.

“We are still looking into it because we have to see all the ramifications that gaming of that method may be allowed to operate,” dagdag na pahayag ni Bersamin.

Samantala, sinabi ni Bersamin na ‘hands- on’ si Pangulong Marcos sa paglikha ng kanyang taunang pag-uulat taumbayan.

“The President has been involved very personally in the preparation of the SONA because that is the report to the people,” anito.

“Alam niyo si Presidente, masyadong malakas ang focus niyan sa mga ganitong bagay because he really loves to communicate to the people the work that he has been doing, that the Cabinet has been doing, that the entire government has been doing,” aniya pa rin.

Samantala, nakatakdang ihayag ng Pangulo ang kanyang pang-apat na SONA sa darating na Hulyo 28 sa Batasan Pambansa. (Daris Jose)

Pacman, naniniwalang naipanalo niya ang laban kontra Barrios

Posted on: July 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Pambansang Kamao at 8 Division World Boxing Champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao na naipanalo niya ang laban kontra kay Mario Barrios sa kabilang ng resulta nito na majority draw.

Sa isang panayam, inihayag ni Pacquiao ang kanyang pinagdaanang ensayo sa loob ng dalawang buwan at ipinakita na kahit papaano ay masaya siyang makabalik sa ring at makalaban si Barrios.

Aniya, alam niya na ang kanyang oras sa pag-eensayo ay maikli kumpara sa kaniyang mga nagdaang laban.

Bagamat maikling panahon lamang ang kanyang ginugol sa training bunsod ng kanyang mga naunang commitments sa mga nagdaang buwan, ay binigyang diin ni Pacquiao na naging masaya siya sa kanyang naging performance sa kanyang laban kontra sa mexican boxer.

Samantala, taos puso namang nagpasalamat ang boksingero sa mga sumuporta sa kaniyang naging laban.

Aniya, binigay niya ang kaniyang lahat ng makakaya para maipanalo ang laban at naniniwala siya na naipanalo niya ito sa iskor na 8 rounds out of 4 rounds.

Pacquiao bigong makuha ang kampyonato matapos ang ‘majority draw’ kontra kay Barrios

Posted on: July 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BIGO ang People’s champ, Manny Pacquiao na isulat muli ang kasaysayan matapos magtapos sa majority draw ang laban niya kontra kay WBC welterweight champion Mario Barrios na ginanap sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas —ang parehong venue kung saan siya unang nagpasiklab sa Amerika 24 taon na ang nakalilipas.

Nabatid na dalawang hurado ang nagtala ng 114-114, habang isa ang nagbigay ng 115-113 pabor kay Barrios, dahilan upang mapanatili ni Barrios ang kanyang titulo. Sa harap ng 13,107 tagasuporta na karamihan ay Pilipino, hindi naging sapat ang ipinakitang sigla ni Pacquiao sa unang bahagi ng laban.

Si Pacquiao (62-8-3, 39 KOs), na bumalik sa ring matapos ang apat na taong pagreretiro at kamakailang pagkakahirang sa International Boxing Hall of Fame, ay nagpakita ng mainit na simula. Bumalik ang kanyang dating porma —mabilis, agresibo, at kombinasyon ng kaliwang suntok na paborito ng mga fans.

Ngunit hindi maikakaila ang pagod at edad habang umuusad ang laban. Sa mga huling rounds, unti-unting nakabawi si Barrios (29-2-2, 18 KOs), na 16 na taon na mas bata kay Pacquiao.

Habang si Barrios ay pinili ni Pacquiao bilang katunggali sa kanyang pagbabalik. Ayon sa patakaran ng WBC, maaaring humiling ng title shot ang isang dating kampeon na bumabalik mula sa pagreretiro — bagay na sinamantala ng kampo ni Pacquiao.

Bagama’t hindi nagwagi, sinabi ng magkabilang panig na bukas sila sa isang rematch, na maaaring maging huling pagkakataon ni Pacquiao na makamit ang kasaysayang hinahangad niya bilang pinakamatandang kampeon sa kasaysayan ng welterweight boxing.

DHSUD, SHFC AGARANG IPATUTUPAD ANG COMMUNITY MORTGAGE PROGRAM

Posted on: July 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan, ipinapatupad ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang Community Mortgage Program (CMP) sa buong bansa.

Inaprubahan ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling ang mungkahi ni SHFC President Federico Laxa na muling buhayin ang 34 on-site CMP projects sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.

Tinatayang 5,000 benepisyaryo ang makikinabang sa mga proyektong ito.

Ayon kay Secretary Aliling, ang pagpapatupad ng CMP ay magpapalakas sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.

Target na maipamahagi ang mga lote sa Oktubre. Maaari itong palawigin sa incremental housing kung saan makakagawa ng mga pagpapabuti sa tahanan ang mga benepisyaryo sa tulong ng gobyerno.

Layunin nito na gawing mas transformative ang mga CMP site kasama ang mga aspeto ng community development.

Matatandaang pansamantalang itinigil ang CMP nang simulan ang 4PH Program na nakatuon sa vertical housing.

Ngayong ibinalik ito, binibigyang halaga muli ang on-site at community-based na mga solusyon sa pabahay. (PAUL JOHN REYES)

Fernando, iginuhit ang kurso sa pangmatagalang legasiya sa kanyang ikatlong termino

Posted on: July 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Hindi lamang maglilingkod sa panibagong termino si Gobernador Daniel R. Fernando; lumilikha siya ng legasiya.

Sa pagsisimula ng kanyang ikatlong termino, inilatag ng gobernador ang malinaw na bisyon, na nakatutok sa limang mahalagang aspeto na idinisenyo upang siguruhing may pangmatagalang epekto sa hinaharap ng Bulacan ang kanyang mga nakalipas na pagpupunyagi.

Sa ginanap na Pasinayang Pagpupulong ng Ika-12 Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Bise Gob. Alexis C. Castro kahapon sa Benigno Aquino, Jr. Session Hall, ipinahayag ni Fernando ang kanyang Ulat sa Lalawigan kung saan ibinaba niya ang pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon: kalusugan, edukasyon, kabuhayan at kaunlaran, kapaligiran at basura, at pagbaha.

“Sa pagtatapos ng aking panunungkulan, ang adhikain ko ay simple ngunit makapangyarihan: makita ng bawat Bulakenyo na matatag na nakatayo sa sariling paa, may disenteng hanapbuhay, may pagkain sa hapag, ligtas, masaya, at may dignidad ang pamumuhay,” anang gobernador.

Pinalawig niya ang kanyang mga plano kabilang ang modernisasyon ng Bulacan Medical Center at mga district hospital upang makapaghatid ng makabagong serbisyong pangkalusugan; itaas ang pamantayan sa edukasyon sa pamamagitan ng mga scholarship mula junior high hanggang board exams, talakayin ang isyu ng job mismatch, turuan ang mga mag-aaral ng iba’t ibang mga kakayahan, at itayo ang parehong Bulacan Sports Academy para sa umuusbong na atleta at Go-Koop College para sa mga batang negosyante.

“Ang Bulacan ay handa ng makipagsabayan sa makabagong panahon. Katuwang natin ang pribadong sektor sa pagpapatupad ng mga proyekto na magbubukas ng oportunidad sa ating mga mamamayan,” dagdag niya.

Ibinida rin ni Fernando ang ilan sa mga malalaking proyekto na nakatakdang panibaguhin ang lalawigan, kabilang ang Bulacan Mega City Project, Technohub and Innovation Center, Farmers’ Productivity Center, at ang Animal Breeding and Multiplier Farm.

Kinilala rin niya ang mahahalagang inisyatibang pang-nasyunal na makakaapekto sa Bulacan, kabilang ang North-South Commuter Railway, MRT-7, at ang New Manila International Airport.

Hindi rin nakalimutang talakayin ng People’s Governor ang patuloy na problema ng lalawigan sa basura, at tinawag itong ugat ng sakit, polusyon, at pagbaha.

“Kasado na rin po ang plano nating first Bulacan Environment Summit ng Pamahalaang Panlalawigan upang magkaroon tayo ng malawakang pagkilos laban sa problema natin sa basura at pagbaha sa Bulacan,” anunsyo ng gobernador.

Sa kabila ng kanyang pang-hinaharap na adyenda, sinamantala rin ng gobernador ang pagkakataon upang iulat ang mga pangunahing kahanga-hangang napagtagumpayan ng kanyang nakalipas na dalawang termino, na naka-angkla sa kanyang People’s Agenda 10.

OPERASYON KONTRA DROGA SA PANGASINAN, NAGRESULTA SA MALAKING HULI NG SHABU

Posted on: July 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM ng pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency – Pangasinan Provincial Office (PDEA LUPO), PDEA Seaport Interdiction Unit 2 (PDEA SIU 2), Calasiao Police Station, at Pangasinan 3rd District Explosive and Canine Unit (DECU) ang malaking dami ng shabu sa bisa ng search warrant sa Barangay Gabon, Calasiao, Pangasinan.

Kinilala ni PDEA Regional Office 1 Regional Director Atty. Benjamin G. Gaspi ang suspek na si alyas Larry Bird, 47 taong gulang, residente ng nasabing barangay, na naaresto dakong alas-1:25 ng hapon noong Hulyo 17, 2025.

Nasamsam sa operasyon ang 17 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na substansiyang pinaghihinalaang shabu na tinatayang may timbang na humigit-kumulang 60 gramo; isang granada; isang Cal. 9mm na baril (Tanfoglio) na may magazine at leather holster; 31 piraso ng bala ng 9mm; dalawang itim na lalagyan ng salamin; isang lata; iba’t ibang drug paraphernalia; isang kahong gawa sa kahoy; tatlong improvised burners; at isang improvised aluminum sealer.

Isasampa laban sa suspek ang mga kasong paglabag sa Section 11 (Pag-aari ng Mapanganib na Droga), Section 12 (Pag-aari ng Drug Paraphernalia), sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002; Republic Act 9516 o ang batas laban sa ilegal na pag-iingat ng pampasabog; at Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa PDEA Pangasinan Provincial Office jail facility sa Lungsod ng Urdaneta, Pangasinan. (PAUL JOHN REYES)