• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

Centralized patient records sa bawat munisipalidad at siyudad sa bansa  

Posted on: July 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN si 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan ng panukalang batas na nagmamandato sa pagbuo ng isang Centralized Patient Record System (CPRS) sa lahat ng munisipalidad at siyudad sa bansa upang mapabuti ang pagbibigay ng healthcare sa publiko.

Sa ilalim ng House Bill No. 1907 o panukalang Local Health Record System Act of 2025, ang bawat pasyente na nagpatingin sa barangay health centers, rural health units (RHUs), at iba pang local primary care facilities ay magkakaroon ng comprehensive, accessible, at secure medical record.

“In many underserved communities, a patient’s medical history often vanishes with each consultation. Our health workers do their best, but without a reliable record-keeping system, they’re often forced to work blindly,” ani Libanan.

Ayon sa mambabatas, ang pagkakaroon ng centralized record system ay hindi lamang makakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng misdiagnosis at medical duplication kundi makakatulong din sa pagligtas ng buhay dala na rin sa pagbibigay sa health professionals ng impormasyon sa kondisyon ng pasyente.

Nakapaloob sa panukala na ang mga local governments ay kailangang magmentina ng isang unified patient database na naglalaman ng impormasyon kanilang na ang dating diagnoses, medications, treatments, at lab results.

Sa pamamagitan nito, naniniwala ang mambabatas na mabibigyan ng sapat na imporasyon at datos ang mga frontliners para maibigay ang tamang gamutan.

“This is about fairness, access, and dignity in healthcare. Every Filipino, regardless of their income or location, deserves a documented medical history that follows them—not the other way around,”dagdag nito.

Sa ilalim ng panukala, ang bawat municipality o city ay naatasang mag-develop at magmentina ng sistema sa loob ng kanilang RHUs o kahalintulad na health facilities.

Ang Department of Health (DOH) ay maglalaan ng kinakailangang technical guidelines, training, at financial assistance upang masiguro ang malawakang implementasyon nito sa loob ng dalawang taon.

(Vina de Guzman)

Batang nalunod sa Caloocan, patuloy na pinaghahanap

Posted on: July 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa rin natatagpuan ang katawan ng 11-taong gulang na batang lalaki na iniulat na nalunod sa ilog sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan sa Caloocan City, Sabado ng hapon.

Inatasan ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) na huwag tigilan ang paghahanap sa biktima hangga’t hindi natatagpuan ang kanyang katawan.

Sa nakarating na ulat sa tanggapan ng alkalde, nadulas at nahulog umano ang 11-anyos na bata na nakasuot ng asul na t-shirt at asul na short sa Creek Side na malapit sa NHC Elementary School sa  Brgy. 186 sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Kaagad na pinakilos ng alkalde ang CDRRMD upang magsagawa ng search, rescue, at retrieval operation kasabay ng paggamit ng dalawang drone upang maging mapabilis at mapalawak ang kanilang paghahanap.

Gayunman, naging pahirapan ang paghahanap ng mga awtoridad, kasama na ang Philippine Coast Guard (PCG) at Barangay Rescue, bunga ng pabugso-bugsong pagbuhos ng malalakas na ulan na dahilan upang mag-zero visibility sa ilog.

Tiniyak naman ng CDRRMD na hindi sila titigil sa paghahanap sa katawan ng bata hangga’t hindi nila ito nakikita. (Richard Mesa)

Mister na wanted sa homicide sa Valenzuela, isinelda  

Posted on: July 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LAGLAG sa selda ang 40-anyos na mister na wanted sa kasong homicide matapos maaresto ng pulisya sa pinaigting na operation laban sa mga wanted na puganti sa Valenzuela City.

          Sa ulat ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Gerson Bisayas kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, ang akusado ay kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person sa Valenzuela CPS.

          Nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela CPS na naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar sa Brgy. Malinta, agad ikinasa ng mga ito ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-10:40 ng gabi.

          Maayos naman umanong sumama ang akusado nang isilbi sa kanya ng mga tauhan ni Col. Bisayas ang arrest warrant na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 282, para sa kasong Homicide (Article 249 of the Revised Penal Code).

          Matapos nito, dinala ang akusado sa Valenzuela City Health Department para sa medical examination bago tinurnover sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS kung saan siya pansamantalang ipiniit habang hinhintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.

          Pinuri naman ni NPD Director Gen. Protacio ang operating team para sa kanilang mabilis at mapagpasyang aksyon na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto sa isa sa mga most wanted na puganti sa lugar.

“This arrest is a testament to our unwavering commitment to justice, public safety, and the rule of law. We will not stop until every wanted criminal is held accountable,” pahayag niya. (Richard Mesa)

Kamara handang i-welcome si VP Sara sa SONA kung sakaling dadalo

Posted on: July 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HANDA ang Kamara na i-welcome si Vice President Sara Duterte kung sakaling magbago ang desisyon nito at dumalo sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa July 28, sa kabila na nagsabi na itong hindi siya dadalo.

Sinabi ni House spokesperson Atty. Princess Abante na nananatiling bukas ang Kamara sa lahat ng government officials, kabilang na ang Vice President, at iginiit ang importansiya ng kanyang papel sa pagsaksi sa taunang ulat sa Kongreso at bayan ng Pangulo.

“Ready naman po ang House of Representatives to welcome all officials of the government to attend the SONA. Especially bilang isang Vice President, dapat din kasama sa kanyang tungkulin na makinig sa magiging report ng ating Presidente. The House of Representatives is ready to welcome her to attend and listen to the report of the President,” ani Abante.

Ang pahayag nito ay kasunod na rin sa kumpirmasyon ni House Secretary General Reginald Velasco noong nakalipas na linggo na nagpadala ng liham ang Office of the Vice President (OVP) nang hindi pagdalo ni Duterte sa SONA ni Marcos sa ikalawang pagkakataon.

Sa kabila nito, sinabi ni Velasco na magpapatuloy pa rin ang preparasyon kabilang na ang paglalaan ng designated seat sa VIP gallery at holding room para sa Vice President at kanyang staff kung sakaling nagbago ang kanyang desisyon.

Walang ibinigay na dahilan ang OVP sa hindi niya pagdalo, ngunit sinabi ni Velasco na ang lahat ng ibapang inimbitahang government officials ay nagkumpirma sa kanilang attendance.

(Vina de Guzman)

Quad Comm, ngayong 20th Congress

Posted on: July 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang mga lider ng House Quad Comm noong 19th Congress sa mga mambabatas na muling buuin ang mega panel ngayong 20th Congress para ipagpatuloy at resolbahin na ang ginagawang imbestigasyon ukol sa drug-related killings, Chinese-linked syndicates at government corruption .

Ang Quad Comm ay binubuo ng Committees on Dangerous Drugs, on Public Order and Safety, on Human Rights, at on Public Accounts ay nagsagawa ng ilang joint hearings sa nakalipas na kongreso na nagbunyag sa links sa pagitan ng offshore gaming hubs, extrajudicial killings at high-level corruption sa loob ng gobyerno.

Ngunit naputol ang trabaho nito dahil sa pulitika, banta sa mga saksi at pagtatangka umano para ilibing ang katotohanan.

“We cannot just move on. What we uncovered in those hearings was not fiction, not rumor, but fragments of a frightening reality,” pahayag ni reelected Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., na siyang nagsilbing chairman ng Committee on Human Rights noong 19th Congress.

Sinabi ni Abante na nadiskubre sa nakalipas na Quad Comm ang mga patterns ng pang-aabuso. (Vina de Guzman)

PBBM, muling hinikayat na i-veto ang panukalang batas na magpapaliban sa 2025 BSKE

Posted on: July 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING hinikayat ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na i-veto ang panukalang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE)sa Disyembre 2025 at itinutulak ang halalan sa Nobyembre 2026.

Para kay Macalintal, ang pagpapaliban sa 2025 BSKE ay pagsikil sa karapatan ng mga Filipino na bumoto.

Bukod pa sa pagiging unconstitutional nito dahil sa unang desisyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang 2022 BSKE Postponement Law (RA 11935).

Sa ilalim kasi ng panukalang niratipikahan ng Kongreso, ang mga barangay officials ay magkakaroon na ng four-year single term at puwede silang mahalal ng hanggang tatlong magkakasunod na termino.

“For President Marcos to approve this bill or allow it to lapse into law would be tantamount to abandoning the sacred right of suffrage of the Filipino electorate. Filipinos justly deserve to elect their leaders and should not be led by individuals without the people’s mandate,” ayon kay Macalintal.

Sinabi pa ni Macalintal na kung matutuloy ang halalan sa November 2, 2026, araw ito kung saan maraming pinoy ang inaalala ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay , binigyang diin ang “impracticality” ng pagdaraos ng BSKE sa nasabing petsa. Ang nasabing petsa ay bumagsak sa unang Lunes ng Nobyembre sa susunod na taon.

Sinabi pa ni Macalintal na hindi na dapat pang paalalahanan ang legal team ni Pangulong Marcos hinggil sa Supreme Court (SC) 2022’s ruling sa Macalintal vs. Comelec.

“The Court held that any postponement of a barangay election, or any election for that matter, must be supported by a valid government interest to ensure a “free and meaningful exercise of the right to vote requiring the holding of genuine periodic elections,” ani Macalintal.

Idinagdag pa ni Macalintal “[t]he reconciled bill that Congress wants Marcos to sign lacks any valid reason or government interest to support its passage, making it another bill that postpones an election in a manner that is “unduly arbitrary or oppressive of the electorates’ right of suffrage,” as echoed by the Court in the Macalintal case.”

Dagdag pa ni Macalintal, hindi dapat ulitin ng Pangulo ang pagkakamaling ginawa sa paglagda ng RA 11935.

“The President must avoid repeating the error of endorsing what the Supreme Court has already declared unconstitutional: an act that deprives voters of their right to elect local leaders and instead subjects them to appointed incumbents through legislative fiat,” amg pahayag ni Macalintal.

Sa kabilang dako, hinikayat ni Macalintal si Pangulong Marcos na sumunod sa ruling Korte Suprema sa kaso ng Macalintal vs. Comelec alinsunod sa pagpapaliban ng BSKE.

“The Court warned that election postponement “could foster a government that is not democratic and republican as mandated by the Constitution,” ang pahayag ni Macalintal.

“RA 11935, which the President previously signed, was declared unconstitutional for “unreasonably and arbitrarily infringing on the people’s right of suffrage,” ani Macalintal. (Daris Jose)

First Lady Liza, nagbitbit ng tulong, kaginhawaan sa mga OFW’s sa Riyadh  

Posted on: July 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na ipinadama ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang pangangalaga at pagdamay ng Pilipinas sa mga inang OFWs, sa kanilang mga anak at kababaihan na nagpahayag ng kanilang pagkabalisa at pag-aalala.

Binisita ng Unang Ginang ang Bahay Kalinga sa Riyadh nito lamang Hulyo 19, 2025.

Sa isang Facebook post, araw ng Lunes, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na binisita ng Unang Ginang ang Bahay Kalinga 1 at 2, kung saan nakita, nakilala at pinakinggan ng Unang Ginang ang mga kuwento ng 154 kababaihan at 70 iba pa, kabilang na ang 28 mga bata o kanilang mga anak, kasalukuyang nasa ilalim ng pangangalaga ng gobyerno.

“Tinatayang nasa 154 na kababaihan ang nasa pangangalaga ng Bahay Kalinga 1, habang may 70 (42 matanda o nasa hustong gulang at 28 bata) naman sa Bahay Kalinga 2 (tinatayang 154 kababaihan ang nasa ilalim ng pangangalaga ng Bahay Kalinga 1, habang 70 (42 ang nasa gustong gulang at 28 mga bata) are in Bahay Kalinga 2,” ayon sa post ng DMW.

Namahagi rin ang Unang Ginang ng mga ‘luggage, care kits na naglalaman ng gatas diapers, vitamins, at mga damit para sa mga ina at mga anak at maging financial assistance upan tulungan ang mga ito na muling magsimula.

Sinabi naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ang tulong ay bahagi ng layunin ng administrasyong Marcos na walang Filipino ang maiiwan o hindi kasama lalo na iyong nasa ‘distressful at vulnerable situations.’

Kapwa naman tiniyak ng DMW at OWWA na patuloy na magtatrabaho para makapagbigay ng kanlungan, proteksyon at reintegration support para sa mga Filipino na balisa.

“Alam naming may mga kababayan tayong naghihintay pa rin ng tulong, kaya’t hindi kami titigil hangga’t hindi naipararating ang Serbisyong May Saya sa bawat OFW, saan mang panig ng mundo,” ang sinabi ng OWWA.

Samantala, nauna nang inanunsyo ng Malakanyang na nasa isang opisyal na pagbisita sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia si Unang Ginang Liza upang makipagpulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at pangasiwaan ang mga inisyatiba para sa kanilang kapakanan.

Lumipad patungong Riyadh ang Unang Ginang nitong Huwebes, Hulyo 17 at inaasahang babalik ngayong araw ng Lunes, Hulyo 21. (Daris Jose)

PBBM, dumating na sa Estados Unidos para makapulong si Trump

Posted on: July 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DUMATING na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Washington, DC, araw ng Lunes, alas- 2:48 ng madaling araw (Manila time).

Nakatakdang makapulong ni Pangulong Marcos si US President Donald Trump sa White House.

Nakatakda ring bisitahin ni Pangulong Marcos ang Pentagon para makapulong naman si Defense Secretary Pete Hegseth at Secretary of State Marco Rubio.

Sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na nakatakdang pag-usapan nina Pangulong Marcos at Trump ang ‘defense at security.’

“Essentially, it’s really the reaffirmation of all these agreements that we have with the United States specifically surrounding the Mutual Defense Treaty. So, it will be more on discussions on how we can continue to cooperate with the United States, our major ally.” ayon kay Romualdez.

Inaasahan din na tatalakayin sa pulong ang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).

“At the same time, I think President Marcos would like to see how we can work with the United States and other countries that have the same mindset as far as the West Philippine Sea is concerned. So, it will be on those general subjects of discussion,” ang pahayag ni Romualdez.

Nakatakda ring makapulong ng Chief Executive ang mga business leaders.

“Generally, he’ll be talking to semiconductor industry which is very important for us. One of our biggest industries that we’re having economic ties with the United States. I think the President of the Semiconductor Association will be meeting with the President,” ang sinabi pa rin ni Romualdez.

“And then we have other business leaders particularly those who have already invested in the Philippines or planning to expand their investments in the healthcare,” dagdag na pahayag ni Romualdez sabay sabing pati ang mga grupo na interesado na i-develop ang Luzon Economic Corridor ay dadalo sa miting.

Sa kabilang dako, inaasahan din na pag-uusapan nina Pangulong Marcos at Trump ang 20% taripa sa Philippine goods na pumapasok sa Estados Unidos.

Umaasa naman ang Piipinas na mauuwi sa isang trade agreement na kapaki-pakinabang kapuwa sa dalawang bansa

Sinabi ni Romualdez na wala naman sa agenda ng miting ang kontrobersiyal na immigration policy ni Trump.

Samantala, tinatayang may 3,772 Pinoy na tukoy ng US Immigration and Customs Enforcement na hindi naman naka-ditine subalit “with final orders of removal.”

(Daris Jose)

Disaster relief operations, pinasimulan para sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo

Posted on: July 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BILANG tugon sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos, pinasimulan ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez kasama ang Tingog Party-list ang disaster monitoring at relief efforts para tulungan ang mga lugar na naapektuhan ng bagyong Crising at pag-uulan dala ng southwest monsoon (Habagat).

“Hindi tayo maaaring manahimik habang lumulubog ang mga komunidad at nangangamba ang ating mga kababayan. Public service doesn’t stop when Congress is out of session. Ngayon mismo, dapat tayong kumilos,” ani Romualdez.

Ayon sa mambabatas, batid niya ang nararanasan ng mga lugar na naapektuhan ng bagyo at habagat dala na rin sa naging karanasan nito ng tamaan ng kalamidad ang probinsiya ng ng tamaan ng bagyong Yolanda.

“Kaya ramdam ko ang bigat na dinaranas ng mga pamilya ngayon. Sa oras ng sakuna, hindi dapat nag-iisa ang sinuman. My staff and Tingog Party-list are reaching out to House Members whose districts are overwhelmed,” pahayag nito,

Muling binuksan ng kanyang congressional office at Tingog Party-list ang Relief Coordination Desk, na nagsilbing lifeline sa mga mambabatas noong panahon ng bagyo at COVID-19 pandemic.

Ang naturang team ay magsisilbing one-stop hub para sa urgent requests at field coordination.

Umapela rin ito sa publiko na magbigay tulong sa anumang pamamaraan.

“Kahit hindi ka kongresista, kahit hindi ka opisyal—lahat tayo may papel sa pagtulong, kasama

ang pagdarasal para sa kaligtasan ng mga nasalanta,” pagtatapos ni Romualdez. (Vina de Guzman)

DAR, patuloy pinalalakas ang seguridad sa lupa at itinataguyod ang pag-unlad ng mga magsasaka  

Posted on: July 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA PANGUNGUNA ni DAR Secretary Conrado M. Estrella III, halos ₱800-milyong utang nang mahigit 16,380 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ang nakansela sa Soccsksargen region dahil sa pamamahagi ng 10,799 Certificates of Condonation with Release of Mortgage (CoCROMs). Ang mga naturang ARB ay nakatanggap din ng 3,789 e-Titles at 1,131 Certificates of Landownership Award (CLOAs).

Ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng DAR na palakasin ang seguridad sa lupa at itaguyod ang pag-unlad ng mga magsasaka. (BOY MORALES SR.)