• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

Ads July 25, 2025

Posted on: July 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

25 – 4-merged

2 mangingisda sa Iloilo City na 2 araw na nawawala, natagpuan na 

Posted on: July 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NATAGPUAN na ang dalawang iniulat na nawawalang mangingisda sa karagatan ng Sibunag sa Iloilo City matapos ang dalawang araw na search and retrieval operations.

Unang narekober ng search and rescue team ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Guimaras ang katawan ni Vincent Paul Valles, 30, sa pagitan ng Inampulungan at Natunga Islands pasado alas -7:00 ng umaga at sumunod namang narekober ang katawan ni Ryan Galfo, 32 ,malapit sa parehong lugar dakong alas -11:00  ng umaga, ayon sa ulat ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon sa ulat, umalis ang dalawa kasama ang dalawa pang mangingisda sakay ng fishing boat “Jen-Jen and Rowen” noong Lunes.

Dahil maalon at sa sama ng panahon, natangay ng malakas na agos ang dalawa habang sinusubukang kunin ang fishing boat.

Inilunsad ang rescue operation gabi ng nasabing araw sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) sub-station Sibunag at Sibunag Municipal Police Station. (Gene Adsuara )

SONA, huwag gawing magarbo kasabay na rin ng bagyong Crising at habagat

Posted on: July 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KASUNOD na rin ng malawakang pagbaha at pagkasira sa ari-arian dala ng bagyong Crising at malakas na pagbuhos ng ulan dala na rin ng habagat, nanawagan ang Akbayan Partylist sa dalawang kapulungan ng kongreso at kay Presidente Bongbong Marcos na huwag gawing magarbo o ‘magtipid’ sa pagsagawa ng State of the Nation Address (SONA).

Iginiit ng grupo na dapat isaalang-alang sa gagawing SONA ngayon taon ang dinaras ng libong komunidad na naapektuhan ng matinding pag-ulan at pagbaha dulot na rin ng bagyo at habagat.

Para kay Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña, ang magarbo o marangyang preparasyon sa taunang sona ng pangulo ay maihahambing sa paghindi pagdinig sa problema ng mga naapektuhang pamilya.

“This is not the time for pomp. This is the time for empathy, humility, and decisive action. Ang panawagan ko sa mga kapwa ko mambabatas na kusa na nating gawing payak ang pagdaos ng SONA. It is the height of insensitivity if we will roll out the red carpet for SONA when our constituents and their families don’t even have roofs over their heads,” ani Cendaña.

Aniya, trabaho ng Kamara na makinig at himayin ang report ng pangulo at hindi fashion gala.

“Malaki ang inaasahan ng mamamayan sa SONA ng Pangulo. Marami silang tanong na nangangailangan ng agarang sagot sa Pangulo. Isa na riyan kung nasaan ang agarang tulong sa mga nasalanta at kung bakit tila lumalala ang problema ng pagbaha sa kabila ng bilyun-bilyong piso na ginugugol natin taon-taon sa mga flood control projects,” pagtatapos ni Cendaña.

(Vina de Guzman)

DOTr nanawagan sa kontraktor ng MRT 7, Skyway

Posted on: July 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang Department of Transportation sa kontraktor ng ginagawang Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7) dahil sa alegasyon na ito ang naging sanhi ng mga baha sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Tinawag din ng DOTr ang pamunuan ng Skyway dahil sa umanoy isa rin ito sa

naging sanhi ng mga pagbaha sa kalakhang Maynila.

“I spoke to all the MRT 7 contractors and told them that they need to clear

everything that blocks  the  drainage   along   Commonwealth Avenue.  The   San   Miguel Corporation has committed to addressing the concerns in the MRT 7 project,” wika ni DOTr Secretary Vince Dizon.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang ginagawang MRT 7 Commonwealth na estasyon ay partially nakakaharang sa daloy ng ulan na siyang

dahilan kung bakit nagkakaroon ng malalang pagbaha sa lugar. Sinabi rin ng MMDA na ang kontraktor ay naglagay ng isang manholde na derecho sa ibabaw ng dating drainage pipe culverts.

“A constructed footing wall of the ongoing MRT 7 construction was also observed, which may have partially obstructed the flow of water,” sabi naman ng MMDA.

Sa Skyway naman ay inutusan din ni Dizon ang San Miguel Corp. na ayusin ang Skyway’s downspouts na hindi derechong konektado sa drainage na ayon naman sa SMC ay kanila ng nabigay ang trabaho sa Department of Public Ways and Highways

(DPWH).

Dahil dito ay sinabihan din ni Dizon ang SMC na makipagusap sa DPWH-NCR at

huwag ng magturuan at ayusin na lamang ang problema tungkol sa pagbagsak ng tubig mula sa itaas ng Skyway.

“I told the NCR regional director of the DPWH and San Miguel to talk and stop

pointing fingers at each other and to fix the water falling from above,” saad ni Dizon.

Samantala, tinanggi at kinalro naman ng pamunuan ng SMC at sinabi ng MRT 7

Project Management Office na ang mga pasilidad na malapit sa istasyon ng Batasan sa Commonwealth ay hindi siya ang sanhi ng pagbabaha sa nasabing lugar.

“All MRT 7 structures in the area, including columns and footings, were  built outside existing drainage lines and do not obstruct the natural flow of water. Those were constructed with full consideration of the drainage layout and in compliance with approved

engineering plans,” dagdag ng SMC.

Tungkol naman sa manhole  na nilagay  sa kahabaan ng drainage line, ito ay

nirepaso rin at tiningnan ng SMC at based sa design, simulation at on-site inspection, ang nasabing manhole ay hindi naman nakakasagabal sa daloy ng tubig sa loob ng pipe culverts.

At kahit naapektuhan ng konstruksyon ang drainage sa unang bahagi, ito naman

ay fully coordinated sa DPWH.

“The affected segment was restored upon completion, and on March 3, 2025, the DPWH Quezon City 1st District Engineering Office certified that the drainage was 100 percent completely restored in accordance with standard plans and specifications,” saad

ng SMC.

Dagdag   ng   SMC   na   ang   pagbabaha   sa   kalakhang   Maynila   ay   matagal   ng

problema at isang mabigat na issue na ang sanhi talaga ay poor waste disposal at inadequate maintenance ng mga drainage systems.

Kamakailan lamang ay nagkaron ng inspeksyon ang mga MRT 7 engineers sa

nasabing lugar at kanilang nakita matapos ang nakalipas na mga pagbaha ay may madaming plastic waste at basura sa mga drainage.

“This significantly reduced the system’s capacity to carry rainwater, which likely

contributed to surface flooding,” ayon sa SMC.  LASACMAR

Motornaper, nasabat sa ‘Oplan Sita’ sa Valenzuela

Posted on: July 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TIMBOG ang isang lalaki na tumangay sa motorsiklo ng 47-anyos na security guard nang masabat ng mga pulis sa Oplan Sita dahil sa pagpasok sa one-way road at hindi pagsuot ng helmet sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela Police OIC chief P/Col. Gerson Bisayas, mahaharap ang suspek na si alyas “Ariel”, 42, residente ng Zaragoza, Nueva Ecija sa kasong paglabag sa R.A 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016.

Ayon kay Col. Bisayas, dakong alas-11:30 ng gabi nang iparada ng security guard na alyas “Romeo”, 47, ang kanyang sa motorsiklo sa kanyang binabantayang lugar sa Ever Memorial Garden sa East Service Road, Barangay Lawang Bato.

Pagbalik ng sekyu mula sa kanyang pagpapatrulya, nadiskubre niya na wala na ang kanyang motorsiklo at sa tulong ng mga bystander na nakasaksi sa insidente, nasundan ng biktima ang lugar na tinahak ng suspek hanggang makahingi ng tulong sa pulisya na agad inalarma sa mga kasama ang pangyayari.

Nagkataon naman na nagsasagawa ng “Oplan Sita” malapit sa naturang lugar ang mga tauhan ng Valenzuela Police Patrol Base 1, nang maispatan nila ang pagpasok ng isang rider sa one-way road at walang suot na helmet kaya sinita nila ito.

Nang hanapan ng ownership documents ay wala siyang naipakita hanggang sa dumating ang biktima sa lugar at positibong kinilala kanyang motorsiklo na tinangay ng suspek dahilan upang arestuhin siya nina PMSg Ivan James  Gillegao at PMSg Rodel  Villar.

Pinuri naman ni NPD District Director P/BGen. Jerry Protacio ang arresting team sa kanilang pagbabantay at koordinasyon.

“This arrest demonstrates our unrelenting commitment to justice and public safety. Our operatives, together with our partner agencies, continue to work tirelessly to locate and apprehend individuals who attempt to evade the law,” pahayag niya. (Richard Mesa)

PBBM, ipinag-utos ang mas mabilis na flood relief, rescue; mas mahigpit na price watch

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang agarang mobilisasyon ng lahat ng kaugnay na ahensiya ng gobyerno para paigtingin ang ‘rescue, relief, at flood control operations’ habang nagpapatuloy ang monsoon rains at sunud-sunod na weather systems para maapektuhan ang maraming lugar sa bansa.

Sa isang virtual press briefing, araw ng Huwebes, sinabi ni Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Camp Crame, Quezon City, nagbigay ng serye ng agarang aksyon para mapagaan ang epekto ng malalang weather conditions.

Ipinag-utos din ni Pangulong Marcos ang pagde-deploy ng ‘search, rescue, at retrieval teams’ mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fire Protection upang magbigay ng agarang tulong mga lugar na lubog pa rin sa tubig-baha.

Inatasan din nito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tiyakin ang mabilis na distribusyon ng family food packs at iba pang uri ng tulong ‘bago, habang at pagkatapos’ ng matinding weather events.

Ang road clearing operations ay isinasagawa na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maibalik ang access sa mga pangunahing lansangan.

Direktang ipinag-utos din ng Pangulo sa mga ahensiya na ipagpatuloy lamang ang flood control efforts, kabilang na ang operasyon ng lahat ng pumping stations at floodgates ng buong kapasidad at ang paglilinis ng mga baradong daluyan ng tubig.

Ipinag-utos din aniya ni Pangulong Marcos ang pag-a-update sa flood control at drainage masterplans para sa Metro Manila, mayroong 18 pangunahing river basins, at iba pang vulnerable areas, sa pakikipagtulungan sa DPWH at MMDA.

At para naman mapanatiling matatag ang presyo ng mga bilihin sa mga apektadong lugar, inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Agriculture at Department of Trade and Industry (DTI) na paigtingin ang supply monitoring at pigilan ang price manipulation, lalo na sa mga lalawigan na nasa ilalim ng state of calamity.

“Binigyang-diin naman ni Pangulong Marcos Jr. na sinisiguro na ngayon ng DA at DTI na may sapat na supply ng pagkain at pangunahing bilihin,” ang sinabi ni Castro.

Samantala, umapela naman si Pangulong Marcos sa publiko na makinig sa mga advisories mula lokal na pamahalaan at mag-ingat laban sa mga karaniwang sakit na nakukuha kapag panahon ng tag-ulan gaya ng leptospirosis at dengue. (Daris Jose)

PBBM, binisita ang flood-hit area, pinangunahan ang aid distribution sa bayan ng Rizal

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga pamilyang labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa San Mateo, Rizal.

Sa kanyang naging pagbisita sa Maly Elementary School sa bayan ng San Mateo, tsinek ng Pangulo ang kondisyon ng mga residente na pansamantalang nanunuluyan sa evacuation site.

May kabuang 3,899 pamilya o 14,390 indibdwal, sa San Mateo, Rizal ang apektado ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Crising (international name Wipha) na pinalakas ng southwest monsoon o “habagat.”

Mayroon namang 546 pamilya, o 2,102 indibidwal, ang kasalukuyang nasa Maly Elementary School, may ilang lugar naman sa San Mateo ang lumubog sa tubig-baha dala ng patuloy na pag-ulan.

Sa kabilang dako, pinangunahan naman ni Pangulong Marcos ang distribusyon ng family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanyang naging pagbisita sa Maly Elementary School.

Ang San Mateo ang inilagay sa ilalim ng state of calamity, habang patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Samantala, nakatakda namang bisitahin ni Pangulong Marcos ang iba pang evacuation center sa nasabing bayan.

Pangungunahan din nito ang situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council’s office sa Camp Aguinaldo, Quezon City para i- assess ang pinagsamang epekto ng Crising at southwest monsoon.

Ipinag-utos naman ng Pangulo ang pinag-isang pagtugon ng lahat ng kinauukulang ahensiya upang masiguro ang kaligtasan ng mga apektadong komunidad.

Ipinag-utos din niya ang agarang deployment ng relief goods at medical teams, at paghahatid ng mahahalagang serbisyo gaya ng transportasyon, tubig, at electricity supply, lalo na sa mga binahang lugar. (Daris Jose)

Muling pinagtibay ang ugnayan ng Pinas at Estados Unidos… PBBM, balik-Pinas na bitbit ang $21-B investment pledges  

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-PILIPINAS na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Miyerkules ng gabi, bitbit ang mahigit sa USD21 billion na investment pledges at binagong strategic commitments mula Estados Unidos kasunod ng isang high-level three-day official visit sa Washington, D.C.

Lumapag ang eroplanong nagsakay sa Pangulo at sa kanyang delegasyon sa Maynila ng alas-10:07 ng gabi, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Ang Pangulo, sa kanyang arrival message, nagpahayag na ang kanyang pagbisita bilang tugon sa naging imbitasyon ni US President Donald Trump, muling pinagtibay ang “breadth and depth” ng Philippines–US alliance sa aspeto ng ‘security, economic, at geopolitical cooperation.’

“We reaffirmed our mutual commitment to further strengthening our longstanding alliance and growing our economies for the benefit of the people and in pursuit of our national interest,” ayon sa Pangulo.

Sa pakikipagpulong ng Pangulo kina Trump, Secretary of State and National Security Adviser Marco Rubio, at Defense Secretary Pete Hegseth, binigyang diin ng Chief Exeuctive ang papel ng alyansa na panindigan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea at mas pinalawak na Indo-Pacific, sa gitna ng nagpapatuloy na pag-angkin at pagpupumilit ng Tsina.

“We reaffirmed our ironclad commitment to the Mutual Defense Treaty,” ang sinabi ni Pangulong Marcos, tinukoy ang naging pag-uusap hinggil sa ‘cybersecurity, infrastructure resilience, at energy security.’

“I thank the United States for its consistent support for the preservation of regional peace and stability and for upholding the rule of law in the South China Sea,” aniya pa rin.

Nangako ang Estados Unidos ng USD15 million na bagong suporta para sa private sector development sa ilalim ng Luzon Economic Corridor, at USD48 million sa karagdagang foreign assistance.

Nakapulong din ng Pangulo ang mga top executives sa semiconductors, healthcare, at infrastructure, nag-uwi ng pledges na nagkakahalaga ng mahigit sa USD21 billion—investments.

Ayon sa Pangulo, makalilikha ito ng libo-libong trabaho para sa mga Filipino at makatutulong sa pagbuo ng “economic security and resilience.”

Binigyang diin naman ni Pangulong Marcos ang makatarungan at reciprocal trade bilang isang ‘cornerstone ‘ ng ugnayan sa hinaharap.

“We remain positive about the future of PH-US trade, including investment relations, especially in the context of economic security and fair, balanced, reciprocal trade,” dagdag na wika ng Pangulo.

Samanala, tinapos naman ni Pangulong Marcos ang kanyang pagbisita sa pamamagitan ng pagpapabot ng imbitasyon kay Trump na dumalo sa ASEAN Summit sa Maynila sa susunod na taon, na makakasabay naman ng 80th anniversary ng PH-US diplomatic relations at 75th anniversary ng Mutual Defense Treaty. (Daris Jose)

₱2.5-B flood control project sa Las Piñas-Zapote River Drive, paiimbestigahan

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PAIIMBESTIGAHAN ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos ang kontrobersyal na ₱2.5-bilyong flood control project sa kahabaan ng Las Piñas-Zapote River Drive.

Ito ay matapos muling bahain ang Brgy. Pulanglupa Dos sa kasagsagan ng malakas na ulan kamakailan.

Ayon kay Santos, ang patuloy na pagbaha sa lugar, sa kabila ng pagkumpleto ng proyekto noong 2022, ay malinaw na senyales na may kailangang ipaliwanag sa paggamit ng pondo at sa kalidad ng implementasyon.

Kung totoo aniyang natapos na ang proyekto at gumastos ng ₱2.5 bilyon, nagtataka ang mambabatas kung bakit hanggang ngayon ay parang ilog pa rin ang kalsada tuwing umuulan.

Pagtatanong nito, kung epektibo ba ang flood control project, o may ibang interes itong pinagsilbihan?

Ang Las Piñas ay may dalawang pangunahing ilog: ang 12.6 kilometrong Las Piñas River at ang 18.3 kilometrong Zapote River. Ang dalawang ito ay magkaugnay at pinaghahatian ang 25.1 kilometrong mga sanga o tributaries.

Sa paglipas ng panahon, naging tapunan ng basura at dumi ang mga ilog na ito dahil sa kapabayaan, kawalan ng disiplina, at hindi maayos na pangangasiwa.

Ang proyekto ay sinimulan noong 2012 na ipinatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ngunit sa kabila ng dekadang implementasyon at multi-bilyong pondo, patuloy pa ring nagdurusa sa pagbaha ang mga komunidad sa paligid ng Las Piñas at Zapote River.

Nitong Martes, muling tumaas ang tubig at lumubog sa baha ang mga kabahayan at sasakyan sa Brgy. Pulanglupa Dos, na nagdulot ng matinding abala at panganib sa mga residente.

Kabilang sa ipabusisi ni Santos ay ang ulat ng Commission on Audit (COA), paiimbitahan din nito ang DPWH at iba pang ahensya, at konsultasyon sa mga apektadong residente.

Kasabay ng imbestigasyon, inihahanda na rin ng tanggapan ni Santos ang pagpapatupad ng Comprehensive Flood Management Plan na kinabibilangan ng flood mapping, river rehabilitation, drainage modernization, at community-based anti-flood campaigns.

(Vina de Guzman)

DOH nagpatupad ng price freeze sa ilang gamot sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPATUPAD ng price freeze ang Department of Health (DOH) sa ilang gamot sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Ayon sa DOH, ang price freeze ay epektibo sa loob ng 60 araw.

Kabilang sa mga gamot na hindi pinapayagang magtaas ng presyo sa gitna ng kalamidad ang Antiasthma Anaesthesia, Analgesics, Antidiabetic, mga bitamina at higit sa 100 iba pang uri ng gamot.

Maaaring makita ang listahan ng mga gamot na may price freeze sa official Facebook page ng DOH.

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na maaaring isumbong sa DOH hotline (02) 8651-7800 at DTI Hotline 1-384 ang mga hindi sumusunod sa price freeze o mga nag-o-over price.  (Gene Adsuara)