• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 24th, 2025

Ads July 24, 2025

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

24 – 4-merged

Pagsuspinde sa SONA dahil sa masungit na panahon, depende sa Kongreso- OCD

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Office of Civil Defense (OCD) officer-in-charge Raffy Alejandro na nakadepende sa Kongreso ang mga ‘contingency measures’ kung magkakaroon ng masamang panahon na matataon sa pang-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa susunod na linggo.

Ang fourth SONA ng Pangulo ay nakatakda sa July 28 sa Batasang Pambansa compound sa Quezon City.

”Of course, we will depend on the protocol ng Congress po if they will suspend iyong SONA. But kami po… we are closely coordinating with the PNP po na magkaroon tayo ng orderly conduct ng flow ng mga pupunta sa SONA,” ayon kay Alejandro.

”So, kami po, ang mga areas na surrounding Congress ay hinahanda pa rin natin in case na magkaroon ng hindi magandang weather. So, in the event po na—or magkaroon ng suspension ng work or classes, tuluy-tuloy pa rin naman ang ating mga emergency responders na naka-standby in case na kailangan ng assistance during the SONA po,” dagdag na wika nito.

Ilang araw bago pa ang SONA, may ilang bahagi na ng bansa ang nakaranas ng malakas na pagbuhos ng ulan matapos na lumabas at iwan ng tropical cyclone Crising (international name: Wipha) ang Philippine Area of Responsibility nito lamang weekend.

Ang klase at trabaho sa gobyerno ay sinuspinde ng hanggang araw ng Miyerkules sa Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon at Visayas dahil sa matinding epekto ng Southwest Monsoon (Habagat).

Nauna rito, ipinag-utos ni Pangulong Marcos na suspendihin ang pre-SONA preparations at inatasan ang mga tanggapan ng gobyerno na ituon ang pansin at tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng masamang panahon.

(Daris Jose)

Unahin ang ‘ flood response’, hindi ang SONA- PBBM

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KAAGAD na ipinatigil ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng paghahanda para sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (Sona) na nakatakda sa araw ng Lunes, Hulyo 28 kasunod ng ulat na namataan na abala ang ilang DPWH personnel sa pagkakabit ng mga tarpaulins para sa nasabing event sa kahabaan ng ilang kalsada sa Metro Manila.

Sa isang kalatas na ipinalabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sa ngalan ni Pangulong Marcos, na nasa Estados Unidos para sa kanyang three-day official visit, nagpahayag ng pagkadismaya si Pangulong Marcos sa sitwasyon. Binigyang diin na ang lahat ng mga pagsisikap ng pamahalaan ay dapat na ituon sa ‘flood response at relief operations.’

“Let me be clear: all Sona-related preparations are hereby ordered immediately suspended. The Department of Public Works and Highways (DPWH), along with all concerned agencies, must put full attention and exclusive focus on flood response and relief operations,” ayon kay Bersamin.

“The Presiden’s directive is to focus all efforts on ensuring the safety and welfare of the Filipino people, especially during times of crisis. All government agencies are expected to act accordingly,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sa isang recorded video message, tiniyak ni Pangulong Marcos sa mga naapektuhan ng matinding pagbuhos ng ulan at mataas na pagbaha na paparating na sa kanila ang tulong mula sa gobyerno.

Hinikayat din ni Pangulong Marcos ang mga ito na sumunod lamang sa instructions mula sa kani-kanilang local government units (LGUs) para manatiling ligtas.

“To my fellow Filipinos, before we left Manila to go to the United States for an official visit with the President of the United States, President Trump, I had already given instructions to all our agencies to prepare for the flooding caused by the heavy rains,” ayon sa Pangulo.

Inanunsyo rin ng Chief Executive na inihahatid na ang relief goods at naka-standby naman ang medical team upang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

“We are also making sure that transportation is available and of course, that there is an adequate supply of water and electricity—all of this is to meet the needs of those affected by the flooding and heavy rains,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“My only request is that you please listen to the advisories issued by your LGU and the national government and kindly follow them so we can ensure that you are not put in danger,” aniya pa rin.

Samantala, mahigit sa 1.27 milyong pinoy ang apektado ng masamang panahon sa lahat ng 17 rehiyon sa buong bansa simula pa Hulyo 16. (Daris Jose)

Mga ospital, evacuation centers prayoridad para sa power restoration- DOE

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ng Department of Energy (DOE) na iprayoridad ang ‘power restoration at maintenance activities’ sa mga mahahalagang lugar gaya ng mga ospital at evacuation centers habang nananalasa ang Tropical Depression Dante sa pinaigting na ulan nito bitbit ng southwest monsoon (habagat).

Sa isinagawang miting ng inter-agency Task Force on Energy Resiliency (TFER), inatasan ni Energy Secretary Sharon Garin ang Manila Electric Company (Meralco) na tumulong na tiyakin ang power supply, lalo na sa apat na ospital na tinukoy bilang ‘vulnerable’ sa matinding pagbaha.

Ang mga ospital na ito ay ang San Lorenzo Ruiz General Hospital sa Malabon, Tondo Medical Center sa Maynila, Valenzuela Medical Center, at Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina.

Ipinag-utos naman ni Garin sa Electric Power Industry Management Bureau (EPIMB) ng DoE na makipag-ugnayan sa Meralco “to conduct site inspections of the four high-risk hospitals and provide technical assistance to improve their flood-related electrical resiliency.”

Inatasan ang Meralco na tumulong na magbigay ng kailangang power supply sa Roman Tantiongco Memorial Elementary School sa Sitio Wawa, Barangay San Juan sa Morong, Rizal, ngayon ay ginagamit bilang isang evacuation center at nangangailangan ng isang generator set.

Upang masiguro na sapat ang fuel supply sa Metro Manila, hiniling naman sa Toll Regulatory Board (TRB) na tumulong na siguraduhin na ang tollways ay hindi magiging sagabal para sa paghahatid ng mga kakailanganing suplay mula sa storage facilities sa Subic, sa Zambales at Bataan.

Pinakilos naman ang National Electrification Administration (NEA) para imonitor at i-validate ang power status sa mga lugar na apektado ng weather disturbances.

“Off-grid areas were also checked and are continuously being monitored, including small communities that may face limited access to emergency services,” ayon sa DoE.

Pinaalalahanan naman ang National Power Corporation’s (Napocor) dam operations unit na magkaroon ng “proof of its compliance with existing dam spilling protocols, including but not limited to visual documentation that upholds safety thresholds.” (Daris Jose)

Marcos sa Pentagon: Thanks for help vs threats

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang security alliance ng Pilipinas sa Washington bilang pangunahing dahilan sa “preserving the peace and stability of the South China Sea.”

Ang pahayag na ito ni Pangulong Marcos ay inulit naman ni US Defense Secretary Pete Hegseth nang mainit na tanggapin nito ang una sa Pentagon.

Pinasalamatan ng Pangulo ang administrasyong Trump para sa “continuing support that we feel and that we need in the face of the threats our country is facing.”

Ani Pangulong Marcos, ang alyansa ng Maynila sa Washington ay nagkaroon ng “formed a great part in terms of preserving the peace, in terms of preserving the stability of the South China Sea.”

Bilang tugon, sinabi naman ni Hegseth na ang dalawang allied nations, “under President Trump and your leadership, [have] made rapid progress in enhancing real deterrence and upholding a free and open Asia-Pacific.”

Tinukoy na halimbawa ang suporta na ipinagkaloob ng Washington nitong mga nakaraang taon, ani Hegseth sabay sabing “We’re also deploying new cutting-edge missiles and unmanned systems and revitalizing our defense industrial bases.”

“Together, we must forge a strong shield of real deterrence for peace, ensuring the long-term security and prosperity for our nations,” aniya pa rin.

Kapwa naman walang binanggit sina Pangulong Marcos at Hegseth hinggil sa Tsina kahit pa tinukoy nila ang tensyon sa South China Sea dahil sa ‘expansionist claims’ ng Beijing, pagbuo ng artificial islands at pagpapatibay ng strategic reefs, at agresibong aksyon ng Tsina sa Philippine civilian, naval at coast guard vessels.

Muli namang tinukoy nina Pangulong Marcos at Hegseth ang 1951 Mutual Defense Treaty, nagbubuklod sa Pilipinas at Estados Unidos sa tanggulan ng bawat isa sa pagkakataon na may armadong pag-atake.

Sinabi ni Hegseth “This pact extends to armed attacks on our armed forces, aircraft or public vessels, including our Coast Guards anywhere in the Pacific, including the South China Sea.”

Binanggit din nito ang pinakabagong Balikatan joint military exercises noong May at nagpapatuloy na Talisman Saber exercise sa Australia na sinalihan ng puwersa ng Estados Unidos at Pilipinas.

(Daris Jose)

Las Piñas-Zapote River Drive Flood Watch, isusulong

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISUSULONG ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos ang pagpapatupad ng malawakang “Las Piñas-Zapote River Drive Flood Watch” sa lahat ng 20 barangay ng lungsod.

Ito ay bilang tugon na rin sa patuloy na problema ng matinding pagbaha, partikular sa mga mabababang lugar at mga komunidad na nakapaligid sa mga daluyan ng tubig.

Ayon kay Santos, ang naturang programa ay bahagi ng isang mas malawak na estratehiya para sa disaster prevention at flood mitigation, na layuning gawing mas epektibo, organisado, at makatao ang pagtugon ng lokal na pamahalaan at mga mamamayan sa mga epekto ng pagbaha.

Isa sa mga pangunahing bahagi ng programa ay ang kampanya kontra basura sa ilalim ng proyektong “Zero Basura, Zero Baha” na ilulunsad sa mga pampublikong paaralan at barangay.

Layunin nitong palakasin ang edukasyon sa tamang pagtatapon ng basura at hikayatin ang partisipasyon ng komunidad sa pagpapanatiling malinis ang mga kanal at estero.

Magkakaroon din ng dedikadong mga enforcer na tututok sa paghuli sa mga lumalabag sa illegal dumping at pagtatayo ng mga istrukturang nakahahadlang sa natural na daloy ng tubig, partikular sa mga floodways at gilid ng ilog.

Bilang bahagi ng long-term solution, ipatutupad ang isang Komprehensibong Flood Management Master Plan na gagamit ng siyentipiko at batay-sa-datos na flood mapping.

Gagamitin ang impormasyon mula rito bilang gabay sa pagpaplano ng urban development, disenyo ng drainage systems, at rehabilitasyon ng mga daluyan ng tubig sa lungsod.

Nitong Marters, nilamon na ng baha ang kalye matapos umapaw ang tubig sa Zapote River Drive sa Brgy. Pulanglupa Dos.  Ang proyekto, inilunsad noong 2012 bilang bahagi ng ₱2.5-B flood control plan.

Ngunit kahit natapos na ito noong 2022, patuloy pa ring binabaha ang mga residente malapit sa ilog tuwing malalakas ang ulan at may bagyo.

Nakatuon din si Rep. Santos sa river dredging at rehabilitasyon ng Las Piñas at Zapote River. Bahagi nito ang malawakang paglilinis at paglalalim ng mga ilog upang mapabilis ang agos ng tubig at maiwasan ang pagbaha.

Kasabay nito, aalisin ang mga illegal structures at informal settlements sa mga floodways, katuwang ang mga apektadong komunidad.

Magtatatag din ng mga riparian buffer zones o mga protektadong lugar sa gilid ng ilog upang maiwasan ang pagguho ng lupa at pagbabara ng mga estero.

“Ang pagbaha ay hindi lamang suliranin ng imprastruktura kundi usapin din ng disiplina, urban planning, at pangmatagalang pag-iisip,” ayon kay Santos. “Dapat simulan ang pagbabago sa antas ng komunidad, paaralan, barangay, at tulong ng mga pambansang ahensya.”

Inaasahan ng mambabatas na sa pamamagitan ng inter-agency coordination, aktibong pakikilahok ng mga residente, at sapat na pondong nakalaan mula sa pambansang pamahalaan, ay tuluyang mababawasan—at sa kalaunan ay masolusyunan—ang matagal nang suliranin sa pagbaha sa Las Piñas.

“Hindi sapat ang mga panandaliang solusyon. Kailangan nating pagplanuhan ito ng masinsinan at sabay-sabay kumilos. Ang paglutas sa problema ng pagbaha ay responsibilidad nating lahat,” dagdag ng ni Santos.

(Vina de Guzman)

Halos 4 sa 10 students nagdo-drop out, panahon na para palakasin ang free college law

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IKINAAALARMA ni reelected Leyte  Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang tumataas na dropout rates sa mga public colleges and universities.

Dahil dito, hinikayat nito ang agarang akayon para palakasin ang Free Higher Education Law at pigilan na maapektuhan ang milyong estudyante.

“Free tuition was a landmark achievement, but the work is far from over. Nearly four out of 10 students in state universities and colleges are still dropping out. In some regions, the situation is even more alarming,” ani Romualdez.

Base sa datos mula sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), sinabi ni Romualdez na ang national dropout rate sa school year 2023 hanggang 2024 ay umabot na sa 39%.

Sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ay nasa 93.4%.

Central Visayas ay napaulat na 60.7%; Zamboanga Peninsula, 59.5%; Cordillera, 54.9%; Metro Manila, 52.4%; Soccsksargen, 51.2%; at Western Visayas, 50.2%.

“These are not just statistics. They are shattered dreams and interrupted futures, often because students cannot afford transportation, food, rent, books or internet. We need to protect and build on the gains of the Free Higher Education Law by ensuring students have the means to actually finish school,” dagdag nito.

Nagpahayag naman ito ng suporta sa

 House Resolution (HR) No. 61 na inihain ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, na nagsusulong sa pagsasagawa ng full review sa implementation at long-term sustainability ng Republic Act (RA) 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Dapat din isama aniya sa rebyu ang pagtukoy sa support mechanisms na lagpas pa sa  tuition coverage upang makapagtapos ang mga estudyante sa kanilang kurso.

(Vina de Guzman)

Malakanyang, sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa MM at 35 lalawigan; Non-vital government employees sa mga parehong lugar

Posted on: July 24th, 2025 by people's balita No Comments
DAHIL sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan, sinuspinde ng Malakanyang ang klase sa lahat ng antas sa Zambales, Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bataan, Bulacan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Rizal, Metro Manila, Laguna, Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon, Palawan, Cagayan, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Antique at Iloilo, araw ng Huwebes, Hulyo 24, 2025.
Nakasaad sa Mermorandum Circular No. 91, tinintahan ni Executive Secretary Luicas Bersamin, na may pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., may petsang July 23,  ito’y bunsod na rin ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Mangementy Council (NDRMMC).
Ang mga ahensiya ng mga nasabing lugar na responsable sa pangunahin, mahalaga at health services, paghahanda at mga tungkulin sa pagtugon ay dapat na magpatuloy para manatiling operational upang matiyak na nagpapatuloy ang mahalagang government functions.
Ang Non-vital government employees na saklaw ng ahensiya at lahat ng iba pang government employees sa parehong mga lugar ay “not required to physically report to work.”
“However, where practicable and as determined by the respective heads of agencies, the said government employees shall be on alternate work arrangement, subject to applicable laws, rules and regulations,” ayon sa MC 91.
Idagdag pa rito, ang localized cancellation o suspensyon ng klase at/o trabaho sa government offices sa ibang rehiyon ay maaaring ipatupad ng kani-kanilang Local Chief Executives, alinsunod sa kaugnay na batas, rules and regulations.
Ang suspensyon at/ o adopsyon ng alternatibo o kahaliling work arrangements sa pribadong kompanya at tanggapan ay ipinauubaya naman na ng Malakanyang sa diskresyon ng kani-kanilang pinuno.
Ang nasabing Circular ay kagyat na magiging epektibo. (Daris Jose)

Pinsala sa Agri dahil kay Crising, Habagat pumalo na sa P323.15M — DA

Posted on: July 24th, 2025 by people's balita No Comments
UMABOT na sa mahigit na P300 milyong piso ang pinsala sa ‘crops at livestock sectors’ dahil sa matinding epekto ng masamang panahon dala ng nagsanib na epekto ng Severe Tropical Storm Crising at Southwest Monsoon o “Habagat”.
Sa report ng DA, sinabi ng Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center na ang pinsala at pagkalugi sa bigas, mais, cassava, high value crops, palaisdaan, livestock at manukan, at agricultural infrastructure ay pumalo sa P323.15 milyong piso na may dami ng production loss na 10,595 metric tons (MT).
Ang nagsamang ‘weather disturbances’ ay nakaapekto sa 14,772 magsasaka at mangingisda at 15,868 ektarya ng agricultural areas sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, at Socckskargen.
“The values reported are subject to validation as further damage and losses are expected in affected regions as assessment and validation are ongoing,” ayon sa DA.
Winika ng Agriculture Department na ang mga sumusunod na tulong ay available:
P545.56 milyong halaga ng agricultural inputs (bigas, mais, at vegetable seeds) mula DA Regional Field Offices I, II, III, IV-A, IV-B, VI, at XII
500 bag ng rice stocks mula sa National Food Authority (NFA) ay inisyu sa Local Government Unit of Palawan para sa distribusyon.
Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga apektadong lugar.
P400 milyong piso para sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) na may hanggang P25,000 loanable amount, payable sa tatlong taon na may zero interest
Ang inisyal na halaga ay P268 milyong piso para sa indemnification ng 45,980 insured affected farmers sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC)
Sa kabilang dako, inatasan naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sina officer-in-charge Undersecretary for Operations Roger Navarro at Undersecretary Chris Morales, na nangangasiwa sa National Rice Program ng bansa, na kaagad na bisitahin ang nasirang lugar dahil kay Crising at Habagat upang mabigyan ng agarang suporta ang mga apektadong magsasaka at mangingisda.
“We want our farmers and fisherfolk to know that the government is fully committed to supporting them, especially during these challenging times,” ayon kay Tiu Laurel.
“Essential resources, including seeds and financial aid, are readily available to help our stakeholders recover swiftly,” dagdag na wika nito.
Samantala, sinabi ng DA na ang regional field offices ay nagsasagawa ng mga sumusunod:
pagsasagawa ng field validation at kailangang assessment sa mga lugar na apektado ng Southwest Monsoon at Crising;
pakikipagtulungan sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno local government units, at iba pang DRRM-related offices sa epekto ng kalamidad kabilang na ang road obstructions na maaaring makaapekto sa food supply chain, at pagbaha na magiging dahilan ng karagdagang pinsala at pagkalugi; at patuloy na pagmo-monitor ng presyo para sa anumang pagbabago nito( presyo) at galaw ng agricultural commodities. alinsunod dito, ang price ceiling sa agricultural commodities ay may bisa sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity, bilang ipinag-uutos ng Republic Act 7581 o “The Price Act.” (Daris Jose)

PBBM, ipinagtanggol ang naging ‘ anunsyo’ ni DILG Remulla

Posted on: July 24th, 2025 by people's balita No Comments
IPINAGTANGGOL ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si DILG Secretary Jonvic Remulla mula sa pambabatikos laban dito kaugnay ng istilo ng kanyang departamento sa pag-anunsyo ng ‘class at work suspensions.’
At nang tanungin ang Panguo sa bagay na ito, ang naging tugon niya ay hindi siya huwes ng ‘literary style.’
“As long as he gets the message across, that’s what it’s for. That’s what all of these postings are for and get some information across,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
”People criticize me for the way I speak, criticize him for the way he speaks. But that’s the way he speaks,’ dagdag na wika nito.
Ipinaliwanag din ng Pangulo ang tungkulin ng pag-anunsyo ng class suspension ay ibinigay kay Remulla para maiwasan ang paglaganap ng ‘fake information.’
“Which website do you consult? So, pagka ganito, basta’t sinabi na, the SILG will make the announcement… Wala ng fake news. Iyon na ‘yung katotohanan. Iyon na ‘yung totoo,” ayon sa Chief Executive.
“So that the dissemination of information is better. That is very simple,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.
Nauna rito, humingi na ng paumanhin si Remulla para sa “humorous posts” ng kanyang departamento sa pag-anunsyo ng ‘class at work suspensions’ na may ilang netizens ang nagsabi na wala silang pakialam.
Sinabi pa ni Remulla na hindi niya minamaliit ang paghihirap ng publiko at sinusubukan lang naman niya na pagaanin ang kanilang kalagayan.
Sa isang post sa DILG’s Facebook account, araw ng Martes, sinabi ni Remulla, “Mga abangers, may inaabangan ba kayo? Mamaya na kain muna ko.”
Matapos ito, nag-post na muli ang DILG kung saan sinabi naman ni Remulla na “Mga abangers, sarap ng bogchi ko. Sa kabusugan ay nakaidlip nang sandali. Oh eto na inaabangan niyo!”
Sa ulat, 12 katao ang nasawi dahil sa epekto ng Tropical Cyclone Crising at Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Samantala, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na mahigit sa 1.4 milyong katao sa bansa ang apektado ng  Tropical Cyclone Crising, Southwest Monsoon, at low pressure area (LPA).
Dalawang bagyo, Emong at  Dante ang kasalukuyan ngayong nananalasa sa ilang bahagi ng bansa.
Sa 11 a.m. bulletin nito, sinabi ng PAGASA na ang mga sumusunod na lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 1 ay ang :
Ilocos Norte,  Kanlurang bahagi ng Ilocos Sur (Sinait, San Juan, Cabugao, Santo Domingo, Magsingal, Bantay, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Caoayan, Santa, Narvacan, Santa Maria, San Esteban, Santiago, City of Candon, Santa Lucia, Santa Cruz, Tagudin)
   Hilagang kanlurang bahagi ng La Union (City of San Fernando, San Juan, Bacnotan, Luna, Balaoan, Bangar, Bauang)
    Kanlurang bahagi ng Pangasinan (Dasol, Burgos, Agno, Bani, Bolinao, City of Alaminos, Mabini, Anda) (Daris Jose)