• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 24th, 2025

PBBM, ipinag-utos ang mas mabilis na flood relief, rescue; mas mahigpit na price watch

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang agarang mobilisasyon ng lahat ng kaugnay na ahensiya ng gobyerno para paigtingin ang ‘rescue, relief, at flood control operations’ habang nagpapatuloy ang monsoon rains at sunud-sunod na weather systems para maapektuhan ang maraming lugar sa bansa.

Sa isang virtual press briefing, araw ng Huwebes, sinabi ni Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Camp Crame, Quezon City, nagbigay ng serye ng agarang aksyon para mapagaan ang epekto ng malalang weather conditions.

Ipinag-utos din ni Pangulong Marcos ang pagde-deploy ng ‘search, rescue, at retrieval teams’ mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fire Protection upang magbigay ng agarang tulong mga lugar na lubog pa rin sa tubig-baha.

Inatasan din nito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tiyakin ang mabilis na distribusyon ng family food packs at iba pang uri ng tulong ‘bago, habang at pagkatapos’ ng matinding weather events.

Ang road clearing operations ay isinasagawa na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maibalik ang access sa mga pangunahing lansangan.

Direktang ipinag-utos din ng Pangulo sa mga ahensiya na ipagpatuloy lamang ang flood control efforts, kabilang na ang operasyon ng lahat ng pumping stations at floodgates ng buong kapasidad at ang paglilinis ng mga baradong daluyan ng tubig.

Ipinag-utos din aniya ni Pangulong Marcos ang pag-a-update sa flood control at drainage masterplans para sa Metro Manila, mayroong 18 pangunahing river basins, at iba pang vulnerable areas, sa pakikipagtulungan sa DPWH at MMDA.

At para naman mapanatiling matatag ang presyo ng mga bilihin sa mga apektadong lugar, inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Agriculture at Department of Trade and Industry (DTI) na paigtingin ang supply monitoring at pigilan ang price manipulation, lalo na sa mga lalawigan na nasa ilalim ng state of calamity.

“Binigyang-diin naman ni Pangulong Marcos Jr. na sinisiguro na ngayon ng DA at DTI na may sapat na supply ng pagkain at pangunahing bilihin,” ang sinabi ni Castro.

Samantala, umapela naman si Pangulong Marcos sa publiko na makinig sa mga advisories mula lokal na pamahalaan at mag-ingat laban sa mga karaniwang sakit na nakukuha kapag panahon ng tag-ulan gaya ng leptospirosis at dengue. (Daris Jose)

PBBM, binisita ang flood-hit area, pinangunahan ang aid distribution sa bayan ng Rizal

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga pamilyang labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa San Mateo, Rizal.

Sa kanyang naging pagbisita sa Maly Elementary School sa bayan ng San Mateo, tsinek ng Pangulo ang kondisyon ng mga residente na pansamantalang nanunuluyan sa evacuation site.

May kabuang 3,899 pamilya o 14,390 indibdwal, sa San Mateo, Rizal ang apektado ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Crising (international name Wipha) na pinalakas ng southwest monsoon o “habagat.”

Mayroon namang 546 pamilya, o 2,102 indibidwal, ang kasalukuyang nasa Maly Elementary School, may ilang lugar naman sa San Mateo ang lumubog sa tubig-baha dala ng patuloy na pag-ulan.

Sa kabilang dako, pinangunahan naman ni Pangulong Marcos ang distribusyon ng family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanyang naging pagbisita sa Maly Elementary School.

Ang San Mateo ang inilagay sa ilalim ng state of calamity, habang patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Samantala, nakatakda namang bisitahin ni Pangulong Marcos ang iba pang evacuation center sa nasabing bayan.

Pangungunahan din nito ang situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council’s office sa Camp Aguinaldo, Quezon City para i- assess ang pinagsamang epekto ng Crising at southwest monsoon.

Ipinag-utos naman ng Pangulo ang pinag-isang pagtugon ng lahat ng kinauukulang ahensiya upang masiguro ang kaligtasan ng mga apektadong komunidad.

Ipinag-utos din niya ang agarang deployment ng relief goods at medical teams, at paghahatid ng mahahalagang serbisyo gaya ng transportasyon, tubig, at electricity supply, lalo na sa mga binahang lugar. (Daris Jose)

Muling pinagtibay ang ugnayan ng Pinas at Estados Unidos… PBBM, balik-Pinas na bitbit ang $21-B investment pledges  

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-PILIPINAS na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Miyerkules ng gabi, bitbit ang mahigit sa USD21 billion na investment pledges at binagong strategic commitments mula Estados Unidos kasunod ng isang high-level three-day official visit sa Washington, D.C.

Lumapag ang eroplanong nagsakay sa Pangulo at sa kanyang delegasyon sa Maynila ng alas-10:07 ng gabi, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Ang Pangulo, sa kanyang arrival message, nagpahayag na ang kanyang pagbisita bilang tugon sa naging imbitasyon ni US President Donald Trump, muling pinagtibay ang “breadth and depth” ng Philippines–US alliance sa aspeto ng ‘security, economic, at geopolitical cooperation.’

“We reaffirmed our mutual commitment to further strengthening our longstanding alliance and growing our economies for the benefit of the people and in pursuit of our national interest,” ayon sa Pangulo.

Sa pakikipagpulong ng Pangulo kina Trump, Secretary of State and National Security Adviser Marco Rubio, at Defense Secretary Pete Hegseth, binigyang diin ng Chief Exeuctive ang papel ng alyansa na panindigan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea at mas pinalawak na Indo-Pacific, sa gitna ng nagpapatuloy na pag-angkin at pagpupumilit ng Tsina.

“We reaffirmed our ironclad commitment to the Mutual Defense Treaty,” ang sinabi ni Pangulong Marcos, tinukoy ang naging pag-uusap hinggil sa ‘cybersecurity, infrastructure resilience, at energy security.’

“I thank the United States for its consistent support for the preservation of regional peace and stability and for upholding the rule of law in the South China Sea,” aniya pa rin.

Nangako ang Estados Unidos ng USD15 million na bagong suporta para sa private sector development sa ilalim ng Luzon Economic Corridor, at USD48 million sa karagdagang foreign assistance.

Nakapulong din ng Pangulo ang mga top executives sa semiconductors, healthcare, at infrastructure, nag-uwi ng pledges na nagkakahalaga ng mahigit sa USD21 billion—investments.

Ayon sa Pangulo, makalilikha ito ng libo-libong trabaho para sa mga Filipino at makatutulong sa pagbuo ng “economic security and resilience.”

Binigyang diin naman ni Pangulong Marcos ang makatarungan at reciprocal trade bilang isang ‘cornerstone ‘ ng ugnayan sa hinaharap.

“We remain positive about the future of PH-US trade, including investment relations, especially in the context of economic security and fair, balanced, reciprocal trade,” dagdag na wika ng Pangulo.

Samanala, tinapos naman ni Pangulong Marcos ang kanyang pagbisita sa pamamagitan ng pagpapabot ng imbitasyon kay Trump na dumalo sa ASEAN Summit sa Maynila sa susunod na taon, na makakasabay naman ng 80th anniversary ng PH-US diplomatic relations at 75th anniversary ng Mutual Defense Treaty. (Daris Jose)

₱2.5-B flood control project sa Las Piñas-Zapote River Drive, paiimbestigahan

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PAIIMBESTIGAHAN ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos ang kontrobersyal na ₱2.5-bilyong flood control project sa kahabaan ng Las Piñas-Zapote River Drive.

Ito ay matapos muling bahain ang Brgy. Pulanglupa Dos sa kasagsagan ng malakas na ulan kamakailan.

Ayon kay Santos, ang patuloy na pagbaha sa lugar, sa kabila ng pagkumpleto ng proyekto noong 2022, ay malinaw na senyales na may kailangang ipaliwanag sa paggamit ng pondo at sa kalidad ng implementasyon.

Kung totoo aniyang natapos na ang proyekto at gumastos ng ₱2.5 bilyon, nagtataka ang mambabatas kung bakit hanggang ngayon ay parang ilog pa rin ang kalsada tuwing umuulan.

Pagtatanong nito, kung epektibo ba ang flood control project, o may ibang interes itong pinagsilbihan?

Ang Las Piñas ay may dalawang pangunahing ilog: ang 12.6 kilometrong Las Piñas River at ang 18.3 kilometrong Zapote River. Ang dalawang ito ay magkaugnay at pinaghahatian ang 25.1 kilometrong mga sanga o tributaries.

Sa paglipas ng panahon, naging tapunan ng basura at dumi ang mga ilog na ito dahil sa kapabayaan, kawalan ng disiplina, at hindi maayos na pangangasiwa.

Ang proyekto ay sinimulan noong 2012 na ipinatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ngunit sa kabila ng dekadang implementasyon at multi-bilyong pondo, patuloy pa ring nagdurusa sa pagbaha ang mga komunidad sa paligid ng Las Piñas at Zapote River.

Nitong Martes, muling tumaas ang tubig at lumubog sa baha ang mga kabahayan at sasakyan sa Brgy. Pulanglupa Dos, na nagdulot ng matinding abala at panganib sa mga residente.

Kabilang sa ipabusisi ni Santos ay ang ulat ng Commission on Audit (COA), paiimbitahan din nito ang DPWH at iba pang ahensya, at konsultasyon sa mga apektadong residente.

Kasabay ng imbestigasyon, inihahanda na rin ng tanggapan ni Santos ang pagpapatupad ng Comprehensive Flood Management Plan na kinabibilangan ng flood mapping, river rehabilitation, drainage modernization, at community-based anti-flood campaigns.

(Vina de Guzman)

DOH nagpatupad ng price freeze sa ilang gamot sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPATUPAD ng price freeze ang Department of Health (DOH) sa ilang gamot sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Ayon sa DOH, ang price freeze ay epektibo sa loob ng 60 araw.

Kabilang sa mga gamot na hindi pinapayagang magtaas ng presyo sa gitna ng kalamidad ang Antiasthma Anaesthesia, Analgesics, Antidiabetic, mga bitamina at higit sa 100 iba pang uri ng gamot.

Maaaring makita ang listahan ng mga gamot na may price freeze sa official Facebook page ng DOH.

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na maaaring isumbong sa DOH hotline (02) 8651-7800 at DTI Hotline 1-384 ang mga hindi sumusunod sa price freeze o mga nag-o-over price.  (Gene Adsuara)

QC Mayor Belmonte, umaasang magtutulungan ang mga LGUs sa Metro Manila para maibsan ang pagbaha

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG si Quezon City Mayor Joy Belmonte na lubos siyang umaasa na ang mga Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila ay magtutulungan upang mabawasan ang pagbaha.

Sa isang panayam na ipinalabas sa DZMM, sinabi ni Mayor Belmonte na ang Quezon City ay nagpapatupad ng mga plano at proyekto para sa sustainable development at climate resiliency.

Idinagdag ni Belmonte na ipinagbawal ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang paggamit ng plastik, na inaasahan niyang matutularan din ng iba pang LGU sa kalakhang lungsod.

Mapapansin na ang akumulasyon ng mga plastic na basura at basura sa drainage at mga kanal ang isinisisi sa patuloy na pagbaha sa kalakhang lungsod.

Binanggit din ni Belmonte na ang pagtatayo ng ilang mga imprastraktura ng National Government ay maaaring nag-ambag sa matinding pagbaha sa ilang lugar sa Quezon City dahil sa malamang na pagbalewala sa natural na terrain ng mga daluyan ng tubig. Kabilang sa mga lugar na labis na naapektuhan ng pagbaha ay ang Commonwealth Avenue kung saan ginagawa ang MRT Line 7 at ang Araneta Avenue kung saan itinayo ang Skyway Stage 3.

Sinabi ni Belmonte na dapat isaalang-alang ng mga engineering company ang natural na terrain ng mga daluyan ng tubig bago pa man magsagawa ng kani-kanilang proyekto.

Idinagdag niya na hindi ito magagawa ng Quezon City nang mag-isa, idiniin na dapat magkaroon ng isang buong metropolis approach upang matugunan ang patuloy na pagbaha sa pamamagitan ng sustainable development na may nature resiliency at climate adaptation. (PAUL JOHN REYES)

Upcoming movies in cinema on August 20 and 27, 2025

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DON’T miss these titles, opening in cinemas in August 2025!
#DemonSlayer #KimetsunoYaiba #Crunchyroll
Photo credit: Columbia Pictures
August 20 – Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba Infinity Castle (Columbia Pictures)
Cast: Natsuki Hanae, Akari Kitō, Hiro Shimono, Yoshitsugu Matsuoka
Directed by: Haruo Sotozaki
While growing stronger and deepening his friendships and bonds with fellow Demon Slayer Corps members, Tanjiro Kamado has battled many demons. As the Demon Slayer Corps members and Hashira engaged in a group strength training program, the Hashira Training, in preparation for the forthcoming battle against the demons, Muzan Kibutsuji appears at the Ubuyashiki Mansion.
With the head of the Demon Corps in danger, Tanjiro and the Hashira rush to the headquarters but are plunged into a deep descent to a mysterious space by the hands of Muzan Kibutsuji. The destination of where Tanjiro and Demon Slayer Corps have fallen is the demons’ stronghold – the Infinity Castle. And so, the battleground is set as the final battle between the Demon Slayer Corps and the demons ignites.
Life of Chuck
Photo credit: Neon / Ayala Malls Cinemas
August 20 – Life of Chuck (Ayala EXCLUSIVE)
Cast: Tom Hiddleston, Chiwetel Ejiofor, Karen Gillan, Jacob Tremblay, Mark Hamill
Directed by: Mike Flanagan
From the hearts and minds of Stephen King and Mike Flanagan comes “The Life of Chuck,” the extraordinary story of an ordinary man. This unforgettable, genre-bending tale celebrates the life of Charles “Chuck” Krantz as he experiences the wonder of love, the heartbreak of loss, and the multitudes contained in all of us.
#CaughtStealingMovie
Photo credit: Columbia Pictures
August 27 – Caught Stealing (Columbia Pictures)
Cast: Austin Butler, Regina King, Zoë Kravitz, Matt Smith, Liev Schreiber
Directed by: Darren Aronofsky
Hank Thompson (Austin Butler) was a high-school baseball phenom who can’t play anymore, but everything else is going okay. He’s got a great girl (Zoë Kravitz), tends bar at a New York dive, and his favorite team is making an underdog run at the pennant. When his punk-rock neighbor Russ (Matt Smith) asks him to take care of his cat for a few days, Hank suddenly finds himself caught in the middle of a motley crew of threatening gangsters. They all want a piece of him; the problem is he has no idea why. As Hank attempts to evade their ever-tightening grip, he’s got to use all his hustle to stay alive long enough to find out…
*Schedules are subject to change without prior notice.*
(ROHN ROMULO)

May heart condition at naka-maintenance since 2003: SHARON, pinabulaanan na gumamit ng anti-diabetic prescription drug para pumayat

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA isang vlog interview, pinabulaanan ni Megastar Sharon Cuneta ang rumors na ginamit niya ang anti-diabetic prescription drug na Ozempic para sa kanyang weight loss. Ayon kay Shawie, ‘di raw niya aabusuhin ang katawan niya sa paggamit ng naturang gamot dahil meron siyang heart condition at naka-maintenance medication siya since 2003. “I never went on Ozempic. I tried another medication once. I could not handle it. Anything that I couldn’t do for my own willpower and anything that made me feel artificially stopped. You know, my brain was like floating. I could not. 
 
“And like I said, I have a heart condition. My resting heart rate is like that of a jogger, presently jogging. So I’ve had maintenance meds since 2003. And I have two cardiologists who can attest to that. I can’t abuse my body that way.” Taong 2016 nang magsimula si Mega sa kanyang weight-loss journey. Lahat na raw ng diet na nauso ay sinubukan niya. “I made the decision to lose weight when I turned 50 in 2016. And because I had ruined my metabolism over so many years by going on crash diet after crash. Name the crash diet, I’ve done it and I ruined my metabolism because you would really drop weight so fast and then you don’t really want to accept it’s just water weight, and sometimes when it’s too much muscle, it’s too much muscle mass, and then the rebound would be more than what you lost and so fast. I really ruined my metabolism.” Ngayon at na-reach na niya ang target weight niya, sunod na pinaayos niya ay ang excess skin sa kanyang mga braso. “My problem was, I had already lost quite a bit of weight by then. Not like this, but I had lost now. And I had skin with absolutely no use. It was hanging like flags. I had two large flags here that I had to compress whenever I wore long-sleeved garments. 
 
“Not garments, outfits. I never, you know, parang I would only wear shapewear inside, never here and never on top.”
 
(RUEL J. MENDOZA)

Bukod sa ginawang pagpapa-sexy sa Vivamax: NICO, kasama sa ‘Quezon’ at bida sa isang international film

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KASAMA pala si Nico Locco sa historical drama film na ‘Quezon’. 
Si Jericho Rosales ang gumanap na Manuel Quezon at si Mon Confiado naman ay si Emilio Aguinaldo sa pelikulang mula sa TBA Studios.
Ayon kay Nico, “I just finished a really big project called Quezon, with Jericho, yeah, and the guy from Game of Thrones, Iain Glen.
“I play Sergeant Johnson, who is the right hand of Iain Glen, who is Leonard Wood.”
Totoo ang karakter niya sa pelikula at hindi fictional.
“For real, he was his right hand talaga, so yung parang amazing part dito is lahat ng scenes ko was with Iain Glen.”
Ang pakiramdam ni Nico na makatrabaho sa maraming eksena ang isang Hollywood star?
“Amazing!”
“I had…ang dami e, ang dami naming scenes together.”
Kumusta ang first shooting day nila?
“It was medyo parang surreal in a way, pero sobrang down-to-earth si Iain, e.
“Very professional siya and very open siya sa collaboration, walang yabang or anything like that. Kasi akala ko Hollywood star yan e, Game of Thrones, baka medyo mahirap to work with kasi big time na, but actually open siya lahat.”
Napanood ni Nico ang ‘Game of Thrones.’
“Yeah, love ko yung character niya. It was surreal talaga and the amazing part is…actually nainggit yung buong cast sa akin kasi I have the most scenes with him. Si Jericho had one scene lang with Iain, si Mon had one scene with Iain. Lahat sila one scene lang.”
Nagkuwento rin ang male star tungkol sa bago niyang international film na ang shooting ay ginawa sa Toronto sa Canada.
Lahad niya, “It’s called The World Treated Me Kindly”. Yeah, it’s a feature film with a full Canadian cast, kasi part Canadian ako, hindi ako Canadian pero meron akong Canadian passport.”
“I am Italian, yeah, pure Italian. Well actually, I say that I’m pure Italian pero yung mom ko has a little bit of Filipino blood, half Filipino siya.” 
Romantic drama ang bagong pelikula ni Nico na siya ang male lead star.
“The female is Sierra Farnham. She’s a Canadian actress, sobrang magaling. 
“Nag-audition ako. It’s a pure Canadian production. Nag-self-tape ako dito sa Pinas. So sinend ko yung audition ko sa kanila and then, kasi iba sa ibang bansa e, it’s very higpit, e. 
“They have…ang daming steps. So nag-self-tape na parang general for everyone, tapos I had to do another self-tape na parang shortlist and then, once na-shortlist ako after that, nag-zoom ako with the director.
So one-on-one with the director at si Sierra, kasama siya. So parang scene work, zoom-to-zoom and then, parang it’s very regimented. 
“Not like here in the Philippines where one audition, you have the role na di ba, especially sa US or Canada, you have to zoom.
Tapos the director will give you a direction para makita nila if okay ka sa mga directions nila, kasi siyempre hindi mo nakita yung buong script, right? “Certain scenes lang, so yun, nag-zoom audition. 
“Ang haba ng process. Siguro it was a four-month process kasi big budget yung film. 
“So we shot…we just finished shooting, I was there for 17 days, so in April, so we started January.” 
Tapos na ang pelikula. 
“It’ll be shown later this year and then, they’re hoping to put it on W Network, it’s called sa Canada, streaming network sa Canada at Netflix, sana.”
“Wala sa Pinas. Walang plan sa Pinas. Walang Tagalog, international talaga.” 
Contract star ng Viva si Nico.
“Well, kasi yung contract ko is meron akong film contract with Viva, hindi siya specific to Vivamax, so it can be in general.”
Ano ang huli niyang VMX project?
“Last VMX was Kolektor, released in March this year, recent lang. With Aiko Garcia, Salome Salvi, Candy Veloso, sexy film siya.”
Ano ang mga sexiest scenes na nagawa na niya sa kanyang showbiz career?
“Siguro sa film na yan, sa Kolektor, puwet sa mukha, as in binuksan ko yung mga bintana,” at tumawa si Nico.
Bukod sa mga butt exposures niya ay nakagawa na rin ng frontal nudity si Nico.
“Nag-butt exposure, nag-frontal ako sa BL series dati, Love at the End of the World.”
May lumabas na tsika na fake ang eksena, na hindi sa kanya mismo ang ipinakita niya…
“Sabi fake? Sino maysabi? Totoo yun,” bulalas ni Nico. “Kung fake siya, bakit may eksena sa movie na yan na umiihi ako? Totoo yun, kasi may back shot tapos umiihi ako.” 
So iyon ang sexiest scene na ginawa niya.
“Yeah, iyon yung only frontal ko, BL with Markki Stroem and Gold Aceron.”

Waging-wagi sa ‘8th EDDYS’ at ‘di nakalimutan ang dapat pasalamatan: DENNIS, pinapangarap na makatrabaho sina PIOLO at JOHN LLOYD

Posted on: July 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI nakalimutang pasalamatan ni Dennis Trillo na nagwaging Best Actor sa katatapos lang na 8th EDDYS ng SPEEd noong Linggo, July 20, ang bumubuo ng ‘Green Bones’ sa pangunguna ng kanilang na si Zig Dulay nagwagi rin ng Best Director.
Pinasalamatan din niya ang mga manonood ng pelikula na patuloy na sumusuporta, kahit na alam nating mahirap na ang panahon.
Inialay din niya ang pagkapanalo sa kanyang pamilya, lalo na sa asawa na si Jennylyn Mercado at kanyang management.
Kasama rin si Dennis sa pinarangalan bilang Box Office Hero dahil sa kinita ng ‘Green Bones’ sa 50th MMFF last year.
Samantala, natanong si Dennis kung sino ang wish o dream niyang makasama na susunod na movie, lalo na ‘yun taga-Kapamilya…
“Hindi ko pa nakakatrabaho si Piolo Pascual at saka si John Lloyd Cruz,” pag-amin niya.
“Sila yun mga pangarap kong makatrabaho balang araw. Sana makakuha kami ng magandang materyal.”
Muli ang aming pagbati sa lahat ng nagwagi sa ‘8th EDDYS’, lalo na sa Team Green Bones na humakot ng awards.
Samantala, ang delayed telecast ng awards night ay mapapanood sa Kapamilya Channel at Jeepney TV, na may international streaming sa iWantTFC simula Hulyo 27 (10:45 p.m.)
Ang event ay inihatid ng Playtime PH sa pakikipagtulungan sa Newport World Resorts at ABS-CBN. Kasama rin ang Globe at Unilab bilang mga co-presenters.
***
TIEZA, ipinagdiriwang ang mga partnership at kooperasyon
 
PINANGUNAHAN ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang kanilang kauna-unahang “2025 TIEZA-TEZMS Partners and Stakeholders Appreciation Night: Champions of Sustainable Tourism” noong Hulyo 21, 2025 sa Manila Hotel.
Layunin ng event na kilalanin ang matibay na ugnayan ng pampubliko at pribadong sektor sa pagsusulong ng sustainable tourism sa bansa.
Dumalo ang halos 200 panauhing tagapagtangkilik mula sa TIEZA Registered Business Enterprises (RBEs), ahensiya ng gobyerno, LGUs, at tourism stakeholders upang gunitain ang mga tagumpay at pagtutulungan.
Binuksan ang programa ni TIEZA Chief Operating Officer Mark T. Lapid sa pamamagitan ng isang mensahe ng pasasalamat at pagkilala sa mga katuwang na organisasyon. Binigyang-diin niya ang lumalawak na papel ng TIEZA bilang Infrastructure and Investment arm ng Department of Tourism.
“Ipinagmamalaki naming iulat na umabot na sa ₱225.7 bilyon ang kabuuang nakuhang investment commitments, at 131,805 ang inaasahang malilikha nitong trabaho. Patunay ito ng tumataas na tiwala ng mga mamumuhunan sa sektor ng turismo sa Pilipinas,” ayon pa kay COO Lapid.
Tampok sa gabi ang paggawad ng Plaque of Appreciation sa mga RBE sa ilalim ng Tourism Enterprise Zone Management Sector (TEZMS), kabilang ang Alphaland Balesin, Bravo Hotel, Enchanted Kingdom, Global-Estate Resorts, at iba pa. Pinarangalan din ang mga katuwang na institusyon tulad ng LGU ng San Vicente, Palawan; Department of National Defense; at Provincial Government of Bataan.
Pinasalamatan din ng TIEZA ang mga katuwang sa regulatory, technical, at digital support gaya ng Silay City Government, FIRB, InterCommerce Network Services, at DENR-EMB Regions IVA at V.
Kasama rin sa mga highlight ng gabi ang Ceremonial Signing ng MOA sa Bureau of Immigration at Zamboanga City Special Economic Zone Authority at ang Registration Agreement ng Puerto Princesa para sa Sta. Lucia Tourism Enterprise Zone.
Nagbigay rin ng mga video testimonial ang RBEs at partner agencies bilang patunay ng kanilang epekto at inobasyon sa tourism zones.
Sa kanyang closing remarks, binigyang-diin ni Assistant COO Karen Sarinas-Baydo ang pangako ng TIEZA na magpatuloy sa pagsusulong ng sustainable tourism:
“Ang gabing ito ay higit pa sa selebrasyon. Ito ay pagpapatunay na kaya nating makamit ang progreso kung tayo ay nagtutulungan. Naninindigan ang TIEZA bilang Investment Promotion Agency para sa turismo — upang ang kaunlaran ay maging makabuluhan para sa lahat.”
Inilunsad din ang RBE Performance Awards na opisyal na ipatutupad sa susunod na taon — bilang pagkilala sa mga RBE na nagsusulong ng inclusive employment, community programs, at environmental sustainability.
Sa patuloy nitong pakikipag-ugnayan, nananatiling nakatutok ang TIEZA sa layunin nitong maghatid ng sustainable tourism na kapaki-pakinabang hindi lamang sa mga mamumuhunan kundi sa mga komunidad at kalikasang bumubuo sa karanasang Pilipino.
(ROHN ROMULO)