• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 21st, 2025

Mayor Jeannie, bumisita at nagbigay ng tulong sa 24 pamilya Tinajeros ES

Posted on: July 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na bumisita si Mayor Jeannie Sandoval sa Tinajeros Elementary School para kamustahin at magbigay ng tulong sa may 24 pamilya o 85 indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa lugar matapos ang preemptive evacuation bilang pag-iingat sa posibleng panganib dulot ng masamang panahon na dala ng bagyong Crising.

Pinasalamatan naman ni Mayor Jeannie ang Malabon City Disaster Risk Reduction Management Office, City Social Welfare and Development Department, at pamunuan ng Brgy. Tinajeros sa kanilang mabilis at maagap na pagtugon para sa kaligtasan ng kanilang mga kababayan. (Richard Mesa)

Facebook sa ‘Pinas posibleng masuspinde – DICT

Posted on: July 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa pagkalat ng deep fakes, posib­leng suspindihin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang operasyon ng Facebook sa Pilipinas.

Ito ang banta ni DITC Secretary Henry Rhoel Aguda matapos na lumiham sa Facebook founder at Meta Platforms contro­ling shareholder Mark Zuckerberg dahil nais nilang malinis ang social media platform mula sa fakes news.

Sa nasabing liham, humingi rin ng kagyat na pakiusap si Aguda kay Zuckerberg na aksyunan ang pagkalat ng fake news at iba pang nakakasamang nilalaman tulad ng AI o Artificial Intelligence na siyang nagge-generate ng deepfakes sa Facebook.

Ang Meta ay siyang mother company ng ­Facebook at Instagram.

Reklamo pa ni Aguda, na ang pagkalat ng fake news sa Facebook ay naging platform na nang sana’y nagkokonekta sa mga tao sa toxic online space.

Napuna rin ng Kalihim na kumakalat na ang deep fakes mula sa Facebook at sa iba pang social media platforms o maging sa direct messaging platforms tulad ng Viber.

“We explained our position. That it’s better if we cooperate in the takedown of these content,” pahayag pa ni Aguda.

Nag-apply ng fiance visa papuntang Amerika:  CHECHE, tuluyan nang tatalikuran ang showbiz dahil mag-aasawa na

Posted on: July 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TULUYAN na palang tatalikuran ng isa sa mga orihinal na miyembro ng Sexbomb girls na si Cheche Tolentino ang showbiz at pupunta na sa Amerika.
Pahayag niya nang makausap namin sa official launch ng “MamaMo” kamakailan, “Kasi po ngayon, ako, nag-apply na ako sa fiancé visa… tayo’y magpapakasal na. Wow! Ha! Ha! Ha!”
Isang Fil-Am ang kasintahan ni Cheche at doon na sila maninirahan sa Amerika matapos silang ikasal.
“Yes po.”
Aminado na mahirap para sa kanya na iwanan ang Pilipinas.
“Iyon nga po. Pero babalik-balik po tayo.”
Isa sa maaaring maging dahilan para bumalik si Cheche sa Pilipinas ay ang posibleng reunion concert ng Sexbomb group ngayong taon na ito.
Huling raket na ni Cheche sa Pilipinas ang pagiging isa sa miyembro ng “MamaMo” ang All-Mama P-pop girl group ng Surf2Sawa kasama ang kapwa niya original Sexbomb girls na sina Rochelle Pangilinan at Sunshine Garcia, Jopay Paguia, kasama pa ang Kapamilya comedienne/host na si elai Cantiveros.
Dapat pala ay nasa Amerika na si Cheche pero dahil sa commitment niya sa Surf2Sawa ay idinelay niya ang pag-alis sa Pilipinas.
“Yes! Dahil mahal na mahal ko po ang Surf2Sawa mag-i-stay po ako hanggang merong event ang Surf2Sawa,” sambit pa ni Cheche.
Hindi pa ina si Cheche pero kabilang siya sa mga “moms” na kinuha upang maging celebrity endorser ng Surf2Sawa na prepaid fiber internet ng Converge.
“Of course kailangan ng internet lalo na kapag nagtitipid ka,” bulalas ni Cheche.
“Preferably ang Surf2Sawa internet, in-offer niya po ang very affordable internet, very affordable data promo and no lock in period po iyan kaya naman very important sa ating mga fur moms.”
May alagang apat na pusa si Cheche na may name na Sony, Midnight, Mini at Happy.
(ROMMEL L. GONZALES)

Kaya misleading ang pinakakalat na ‘fake news’: KRIS, never na nagka-cancer dahil autoimmune illnesses ang nilalabanan

Posted on: July 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
WALANG katotohanan ang sinasabi nilang “cancer free” na si Kris Aquino.
Kumbaga isang malaking “fake news” ang ikinalat ng iba na ligtas na sakit na kanser ang tinaguriang Queen of all Media.
May mga naglalabas kasi sa social media ng mga report na magaling na sa sakit niyang cancer ang ina nina Joshua at Bimby.
Ayon pa kay Bossing Dindo Balares at confidante ni Kris a hindi raw tama ang lumalabas na balitang cancer-free na raw ang premyadong TV host at aktres.
Sa latest update nga niya, patuloy daw ang pakikipaglaban ni Kris sa kanyang autoimmune diseases at hindi cancer.
Ayon pa rin kay Boss Dindo ay napansin nilang may “regeneration” daw sa balat ni Kris, na maaaring sign daw ng magandang pagbabago.
Dagdag pa niya na tama lang ang naging desisyon ni Kris na pansamantala munang manirahan sa tabing-dagat kung saan sariwa ang hangin at maganda ang kapaligiran.
Kasabay din ang paglinaw ni Dindo ang impormasyon na kumakalat sa social media tungkol sa cancer daw ni Kris.
“Misleading po ang posts na cancer-free na raw si Kris. Wala po siyang cancer eversince. Hindi po cancer ang ginagamot ng mga doktor kay Kris kundi autoimmune illnesses,” banggit pa ni Dindo.
***
SA kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda ay deretsahang binanggit ni Ryza Cenon na wala raw naman siyang pinagsisisihan sa ginawa niyang pag-alis noon sa GMA 7 para lumipat sa ABS-CBN.
Kumbaga kahit daw sunod-sunod naman daw ang mga ibinigay na projects sa kanya ng Kapuso Network ay nagdesisyon ang aktres na lumipat sa Dos.
Masasabing isang malaking success ang afternoon series niyang “Ika-6 na Utos” kasama sina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion pero after na matapos niyang gawin ito ay lumipat na siya sa Kapamilya Network.
“May mga ganoong feeling po habang ginagawa siya. Ibig sabihin hindi siya ganoon kadali. Mahirap po siyang gawin,” pagbabalik-tanaw pa ni Ryza.
“Sinabi ko naman po na parang gusto kong mag-explore. Gusto kong lumaki pa po, lumawak pa po ‘yung mundo ko. Like, gusto ko pong gumawa ng pelikula. Gusto ko pa pong makakilala, makatrabaho pa po ng ibang artista,” dagdag paliwanag pa ng aktres.
“Pero hindi naman po ako umalis ng GMA na basta umalis na lang. Nagpaalam po ako nang maayos. Umakyat po ko sa itaas. Inisa-isa ko po sila para magpaalam po,” sabi pa rin niya kay Kuya Boy.
Dagdag paliwanag pa rin naman ni Ryza na hindi raw naman ganun kadaling lumipat ng network pero, may mga pangangailangan din naman siya at ang kanyang pamilya.
(JIMI C. ESCALA)