• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 19th, 2025

LTO, naresolba na ang backlog sa plaka na halos isang dekada ng problema

Posted on: July 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MATAGUMPAY nang naresolba ng Land Transportation Office (LTO), sa pamumuno ni Atty. Vigor D. Mendoza II at sa patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ang backlog na naging suliranin ng pamahalaan sa loob ng halos isang dekada.

Pinalakas ng LTO ang produksyon ng mga plaka sa nakalipas na dalawang taon, at batay sa datos noong Hunyo 30 ng kasalukuyang taon, umabot sa kabuuang 18,578,612 ang nalikhang plaka na nagsilbing mahalagang hakbang upang tuluyang mabura ang naipong backlog mula pa noong 2014.

Si Asec. Mendoza mismo ang nangako kay Pangulong Marcos na lulutasin ang backlog sa plaka, sa isang pagpupulong sa Palasyo ng Malacañang noong nakaraang taon, matapos tiyakin ng Pangulo ang kanyang buong suporta para sa layuning ito.

Sa naturang pagpupulong, tiniyak ni Asec. Mendoza kay Pangulong Marcos na tuluyang matatapos ang backlog sa plaka pagsapit ng Hunyo 2025.

“Ang tagumpay na ito, na lumagpas pa sa inaasahan ng marami, ay bunga ng sama-samang pagsisikap, lalo na ng dedikasyon at tiyaga ng ating Plate Making Plant,” ani Acting Assistant Secretary at LTO Chief Atty. Greg G. Pua.

Nagsimula ang problema sa backlog ng plaka noong 2014 at lalo pang lumala dahil sa iba’t ibang factors, na nagresulta sa milyun-milyong pending na plaka para sa parehong motorsiklo at sasakyan.

Ngayon na natapos na ang napakalaking hamong ito, sinabi ni Pua na sisimulan na ng LTO ang mas mabilis na paghahatid ng mga plaka sa mga motorista na naapektuhan ng backlog.

“Sa ngalan ng buong Team LTO, taus-puso po kaming nagpapasalamat kay Pangulong Marcos sa kanyang buong suporta at pagtutok upang maresolba ang problemang ito, at kay Secretary Dizon sa kanyang mahahalagang mungkahi na nakatulong upang mapabilis ang aming trabaho,” ani Pua.

“At ngayong naisakatuparan na ang gawaing ito, sinisiguro namin sa milyon-milyong kliyente ng LTO na bibilisan din namin ang proseso ng pamamahagi ng mga plaka, at patuloy kaming hahanap ng paraan upang ito ay maisagawa ng mas epektibo,” dagdag pa ni Pua.

Batay sa pinakahuling datos, mahigit pitong milyong plaka na ang naipamahagi sa kani-kanilang mga may-ari. (PAUL JOHN REYES)

Paghahanda sa SONA pinalalakas ng NCRPO

Posted on: July 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAS pinalakas ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang paghahanda, dalawang linggo bago ang ika-apat na State of the National Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagsasagawa ng civil disturbance management competition nitong umaga ng Huwebes, Hulyo 17.

Ang pagsasanay habang may hawak na shields ang kapulisan ay sumabak sa iba’t ibang chaotic at peace scenarios para sa pagtugon sa posibleng kaliwa’t kanang protesta, na ginanap sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig.

Ang event ay dinaluhan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas D. Torre Ill, upang masiguro na handa na ang mga pulis sa posibleng gulo kabilang ang mga protesta sa SONA.

“In all these scena­rios, iisa ang ating iisipin, kung puwede natin ide-escalate ang situation para hindi umabot sa paggamit ng puwersa, sa paggamit ng lakas ay gagawin natin,” ani Torre.

Nasa 12,000 hanggang 13,000 tauhan ng NCRPO ang ipakakalat sa seguridad ng SONA.

Sa ngayon aniya, walang anumang “probable threat” ang kanilang na-monitor.

Ads July 19, 2025

Posted on: July 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

19 – page 4-merged