INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na maging alerto habang napapanatili ng Tropical Depression Crising ang lakas nito at pagtataya na magdadala ito ng matinding pag-ulan sa ilang lugar sa Hilagang Luzon.
“Meron pong mga direktiba ang ating Pangulo sa mga concerned agencies,” ang sinabi ni Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro nang tanungin hinggil sa paghahanda ng gobyerno para sa bagyong Crising.
“At patuloy pa rin ang pag-monitor at pagbibigay ng advisories sa mga stakeholders sa ating mga kababayan,” aniya pa rin.
Sinabi pa ni Castro na itinaas na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa blue alert para mapabilis ang heightened monitoring at mas mapabilis ang pagtugon sa hanay ng mga ahensiya habang tinatanggap ng bansa ang pangatlong tropical cyclone.
Winika pa ni Castro na patuloy naman ang ginagawa ng Department of Science and Technology (DoST) na weather monitoring at mga probisyon sa weather updates sa lahat ng stakeholders.
Ang iba pang ahensiya gaya ng Department of the Interior and Local Government at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakahanda rin na tumugon upang matiyak ang maayos na tulong sa mga typhoon-hit areas. (Daris Jose)



DISMAYADO si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian nang mahuli sa akto ng mga kasama niyang pulis ang pitong katao, kabilang ang isang babae na sumisinghot ng shabu makaraang sorpresa siyang bumisita sa “Disiplina Village” sa Barangay Ugong, Miyerkules ng hapon.
Ayon sa datos ng LTO, mayroon ng 18, 578,612 na plaka ang nagawa mula ng
ARESTADO ang apat na indibidwal sa San Ildefonso, Bulacan sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa umano’y paggawa at pagbebenta ng mga pekeng plaka.
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng 50% discount sa pamasahe para sa senior citizens at persons with disability (PWDs) sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.