Unlike before na parang walang kinahihinatnan ang mga pinaghihirapan at puyatan nila, natuto from the past ang mga artista ngayon.
Si Belle Mariano ay isa na nga rito na sa edad na 23, nakapagpatayo na ng isang napaka-bonggang bahay para sa kanyang pamilya.
Ang ganda ng modern house ni Belle na pinto pa lang, alam mong mamahalin na. Obvious din na pinag-isipan ang interior design ng bahay.
Ngayong buwan pala lumipat si Belle sa bagong bahay. Hectic man daw ang sched niya, pero grateful siyempre siya sa mga nangyayari.
Sey nga niya, “It’s been a hectic month moving into our new place, but we’re finally settling in. Feeling so grateful for this new chapter. Here’s a glimpse of our new home.”
Ang bongga ni Belle!
***
GARY V, nagbalik muli sa teatro
NAGBALIK muli sa teatro si Gary Valenciano.
Although, hindi na bago sa kanya ang “Joseph the Dreamer, The Musical” at ang pag-portray ng ama ni Joseph na si Jacob.
Before pandemic was the last staging of Joseph the Dreamer at ngayon muli with Sam Concepcion as Joseph.
Habang pinapanood namin si Gary, naa-amaze kami seeing him on stage, performing. Ilang beses na nga ba manganib ang buhay niya pero hindi ito nagiging hadlang para hindi siya magpatuloy.
Nakita naming natuwa siya nang sabihin namin na naalala namin ang sinabi niya when he announced his final concert at big venue, pero after that, it’s more on giving back na ang mga gagawin niya.
At ang Joseph the Dreamer nga is one. Sabi niya, marami pa raw siyang naka-line-up na gagawin. Though, napag-alaman namin na yung gawing musical play ang mga kanta niya ay never pa palang nag-materialize.
Ang ganda no’n at isa sa siya sa deserve na deserve na gawan ng musical.
Sa isang banda, sa mga hindi nakakaalam, Gary came full circle na from playing Joseph to Jacob.
Ngayong Linggo ay pwede pang mapanood ang Joseph The Dreamer sa RCBC Plaza.
(ROSE GARCIA)
