• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 15th, 2025

PBBM, nais na buksan pa ang Pinas sa international community para palakasin ang turismo, ekonomiya

Posted on: July 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng kanyang intensyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas buksan pa ang Pilipinas sa international community para palakasin ang turismo na sa kalaunan ay makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ipinahayag ito ng Pangulo matapos pangunahan ang groundbreaking ceremony para sa Caticlan Passenger Terminal Building (PTB) sa Caticlan Airport sa Aklan, pangunahing gateway patungong Boracay.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang naging development ng PTB ay pagpapakita lamang na ang gobyerno ay “putting together the building blocks” ng polisiya nito upang “open up the country to international travelers without having to go through the Manila airport.”

“The influx of people, of travelers, is going to be a big boost to the local economy and, I might add, the national economy,” ayon sa Pangulo.

“Tourism right now contributes close to 8 percent to our GDP (Gross Domestic Product), and that is something that we want to increase, and that is why these projects that we have are also very important,” aniya pa rin.

Winika pa rin ng Chief Executive na ang kahalintulad na kasunduan na nauwi sa konstruksyon ng PTB ay tinalakay na para sa ibang regional airports, kabilang na ang nasa Iloilo, Bohol, at Siargao.

“[But] I don’t want to let that cat out of the bag because they are still in discussions. But the idea is to open up the Philippines, not necessarily only through Manila, but on international flights coming from Europe, coming from Southeast Asia, coming directly to the tourist destinations,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

Samantala, ang tinatarget na makumpleto na two-story Caticlan PTB sa 2027—ay dinisenyo upang magkaroon ng floor area na 36,470 square meters, tampok ang six passenger boarding bridges at 36 individual check-in counters.

Inaasahan naman na makakaya nito ang hanggang 7 milyong pasahero taun-taon, na may sabay-sabay na kapasidad na 3,000 pasahero sa anumang ibinigay na oras. (Daris Jose)

PBBM, suportado ang ‘anti-conflict of interest’ memo ng BOC

Posted on: July 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsisikap ng Bureau of Customs’ (BOC) na alisin ang korapsyon at paigtingin ang transparency sa pamamagitan na ipag-utos sa lahat ng mga tauhan at empleyado na ihayag ang anumang ‘family relationship’ sa mga indibidwal na konektado sa customs brokerage industry.

Nauna rito, nagpalabas si Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ng Office of the Commissioner (OCOM) Memo No. 39-2025 noong Hulyo 10, na mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng mga opisyal, empleyado at tauhan mula sa pag-asikaso at paghawak ng anumang ‘business o financial interest’ sa customs brokerage operations.

“The policy aims to strengthen good governance and transparency in the agency,” ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro.

“The President has ordered that it is time to put an end to the system that enables corruption and other undesirable practices within the agency. The bureau will prioritize the welfare of the people and not the personal interests of a few,” ang sinabi ni Castro ayon kay Nepomuceno.

Ang naging kautusan ni Nepomuceno ay tinawag na “a historic step towards restoring integrity and public trust” sa BOC, na inilarawan ng marami na kasingkahulugan ng malawakang katiwalian.

Ipinag-uutos ng memo ang isang categorical ban sa anumang pagkakasangkot, direkta man o hindi, sa Customs Brokerage businesses. Kabilang na rito ang papel bilang ‘may-ari incorporator, stockholder, partner, consultant, advisor, o anumang iba pang kapasidad na maaaring magtaas ng mga alalahaning etikal.

Ang lahat ng BOC personnel ay kinakailangan na magsumite ng beripikadong affidavit sa OCOM hanggang Hulyo 20 para ihayag ang anumang familial relationship, sa pamamagitan ng ‘consanguinity o’ affinity’ sa loob ng fourth civil degree, may indibidwal na sangkot sa customs brokerage businesses, maging anuman ang kanilang paper o katayuan sa nasabing entity.

Dapat ding tukuyin sa affidavit ang pangalan, address at contact information ng brokerage na sangkot, kasama ang iba pang mahalagang detalye.

“The disclosure obligation remains mandatory even to personnel who have not been affiliated with the BOC within the last five years,” ayon sa ulat.

Kabilang dito ang customs brokerages na ipinatigil ang operasyon, iyong mga shares ay inalis na o inilipat, o iyong mga indibiduwal na dating nakalista bilang isang incorporator sa kabila ng hindi na humahawak ng interes.

Binalaan naman ni Nepomuceno ang mga BOC personnel na mabibigong tumugon sa polisiya na “will be met with sanctions in accordance with applicable laws.”

Ayon kay Nepomuceno, ang kanyang memo ay pag-uulit lamang sa batas, lao na sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, at ang Revised Civil Service Rules, at maging ng mga dating BOC memorandum orders.

Naka-angkla rin ito sa Section 12 ng BOC Integrity Action Plan, “which prohibits BOC officials from engaging in business transactions with brokers, importers, or exporters under circumstances that could compromise their duties, and forbids them from holding interests or positions in any private enterprise regulated or supervised by the BOC.”

Samantala, tinawag naman ni Nepomuceno ang ipinalabas na kautusan bilang isang ‘defining step’ sa journey o paglalakbay ng BOC tungo sa ‘institutional integrity.’

“This is more than policy. It is a public declaration that the Bureau of Customs will no longer tolerate practices that breed corruption, favoritism, or undue influence. We are placing public interest above personal gain,” aniya pa rin. (Daris Jose)

May bago nang tanggapan ang MCHPC

Posted on: July 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAY bago nang tanggapan ang Manila City Hall Press Club (MCHPC) makaraang i-turn over ni Manila City Administrator Atty. Eduardo “Wardee” Quintos XIV ang susi nito bilang hudyat na puwede ng lipatan.

Tinanggap ni Jocelyn Tabangcura Domenden, pangulo ng MCHPC, at kanyang mga opisyales at miyembro ang susi sa bago nilang tanggapan sa Room 213 na nasa ikalawang palapag ng gusali ng City Hall, katabi ng Office of the Vice Mayor.

Lubos naman ang pasasalamat na ipinaabot ng mga opisyal at miyembro ng pinakamatagal ng samahan ng mga mamamahayag na nangangalap ng balita sa City Hall kina Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Chi Atienza, City Administrator Atty. Quintos, Chief of Staff Cesar Chavez at Secretary to the Mayor Letlet Zarcal.

Nauna nang naipangako ni Mayor Domagoso sa grupo ng MCHPC na ililipat at bibigyan sila ng bago nilang tanggapan upang magamit ng Special Mayor’s Action and Response Team (SMART) ang kanilang press office sa mezzanine floor ng unang palapag ng gusali, sa itaas lang ng palikuran ng lalaki. (Gene Adsuara)

Moderno, dekalidad na healthcare services matatanggap ng Navoteños

Posted on: July 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG makakatanggap na ang mga Navoteño ng mas moderno at dekalidad na healthcare services, kasunod ng paglagda sa isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas at Okada Foundation, Inc. (OFI) para sa donasyon ng P130 milyong halaga ng medical equipment sa Navotas City Hospital (NCH).

Ang MOA ay nilagdaan ni Vice Mayor Tito Sanchez, na kumakatawan kay Mayor John Rey Tiangco, at Okada Foundation President James Lorenzana na sinaksihan nina Congressman Toby Tiangco at OFI Trustee Mitsukazu Nakata.

“Everyone deserves the same standard of care, whether they are in a private or public hospital. This donation from Okada Foundation will allow us to fast-track projects that enhance public healthcare through modern medical technology,” ani Tiangco.

“We are thankful to the Okada Foundation for believing in our vision to provide Navoteños with reliable, advanced medical care. This donation will further elevate the quality of care we provide,” dagdag niya.

Kinilala rin ni Tiangco ang kanyang asawa na si Michelle Tiangco, sa pagsisimula nito sa mga talakayan sa OFI na humantong sa donasyon.

Ang donasyon ay inaasahang mapapalaki ang kapasidad ng Navotas City Hospital, ang una at tanging pampublikong ospital ng lungsod, na binuksan noong 2015.

Ang NCH ay kasalukuyang may 120-bed capacity, kabilang ang 15 intensive care unit (ICU) beds. Mayroon itong sariling yunit ng hemodialysis, departamento ng radiology, at seksyon ng laboratoryo at patolohiya na nag-aalok ng mga serbisyo ng hematology, microbiology, blood chemistry, immunology, at serology.

Sinisikap din ng ospital na ma-secure ang Level 2 accreditation nito mula sa Department of Health (DOH), na magbibigay-daan dito na mag-alok ng mas espesyal na serbisyo at makapaglingkod sa mas maraming pasyente.

Nagpahayag din si Tiangco ng pag-asa na ang pakikipagtulungan sa Okada Foundation ay magbibigay inspirasyon sa mga katulad na partnership sa buong bansa.

“As public servants, it is our duty to pursue initiatives and collaborations that expand access to quality healthcare. We welcome more partners who share our commitment to putting the welfare of our people first,” aniya. (Richard Mesa)

ALICE GUO NG METRO, INARESTO

Posted on: July 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng pinagsamang mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Immigration (NBI) ang isang babaeng Chinese na nagpapakilalang Filipino na may pagkakahalintulad sa kaso ng dating Bamban Mayor Alice Guo.

Kinilala ang naaresto nitong July 13 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na si Wang Xiujun, 43, na gumagamit ng alyas na Cassia Palma Poliquit.

Ipinag-utos naman ni BI Commissione Joel Anthony Viado ang pag-monitor sa kanyang mga biyahe at ang pagkakaaresto sa kanya ay matapos na nakatanggap ng tawag ang ahensiya mula sa NBI hinggil sa kaduda-dudang pagkatao ni Wang.

Base sa cross examination sa mga record ni Poliquit, lumalabas na magkaparehas ng fingerprint nila Wang na sinasabing iisang tao lang sila.

Si Wang ay dumating sakay ng Air Asia flight mula Manila galing Kuala Lumpur kung saan agad na inaresto ng mga operatiba ng BI border control and intelligence unit (BCIU).

Si Wang ay maituturing na ‘Alice Guo’ ng Metro, matapos na nakatanggap ng impormasyon ang BI dahil sa pakakasangkot nito sa pagbebenta at pagdi-distrubute ng electric vehicles sa Metro Manila, dahil sa paggamit nito ng pekeng Filipino identity.

Siya ang mayroong Philippine passport at birth certificate na nakuha nito sa late registration sa kabila ng may Chinese national holding nito bilang na investor’s visa.

“The BI and the NBI have been strongly working together, leading to the arrest of key figures in identity theft and illegal use of Philippine documents,” ayon kay Viado.

“We commend our partners in law enforcement, and vow to further work together to rid the country of these undesirables,” ayon pa sa BI Chief. (Gene Adsuara)

Ayudang pangkabuhayan, ipinamahagi ni Cong. Egay sa Caloocan

Posted on: July 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT 600 pamilya mula sa iba’t ibang barangay ng ikalawang distrito ng Lungsod ng Caloocan ang nabiyayaan ng programang pangkabuhayan ni Congressman Egay Erice.

Sa nasabing programa, sa halip na cash ang ayudang ibinibigay sa mga karapat-dapat na pamilya ay negosyo package ang ipinagkakaloob.

Tinutulungan ni Erice ang mga kinakapos na pamilya na residente ng distrito 2 na makapag-umpisa ng kahit maliit na sari-sari store kung saan sa halip na cash ay produktong maaring itinda ang kanyang ibinibigay ng sa ganung paraan ay magkaroon ng pagkakitaan ang mga ito.

Ayon kay Cong. Erice, ang ganitong paraan ay mas makakatulong sa kinakapos na pamilya ng hindi laging aasa sa bigay na ayuda.

Layunin din ng nasabing programa na matuto o maturuan ang mga ito na mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

“Gusto ko na dumating ang panahon na hindi na kailangan lumapit sila sa akin o sa ibang pulitiko dahil kinakapos sila, mas masarap sa pakiramdam na pasyalan nila ako at ibalitang maayos na sila at hindi na kinakapos dahil sa ayudang ating naipagkaloob.” ani Erice.

Hinikayat din ni Erice ang mga may bahay na walang hanapbuhay na bumuo ng limang ginang ng tahanan na magkakapitbahay at kanyang tutulungan ang mga ito na makapagtayo ng laundry shop kung saan sya na ang bahala sa mga machine na kakailanganin.

“Ang gagawin lang nila ay pagtulungan nilang mapaunlad ang maitatayong laundry shop na ibibigay sa bawat grupo ng mga misis na mapagkukunan nila ng pagkakakitaan, kung cash kasi ang ibibigay natin sandali lang maubos yun dahil walang pinagkakakitaan, hindi tulad ng ganitong paraan mas matututo sila kung paano kumita.” dagdag ni Erice. (Richard Mesa)

Online Driver’s License Renewal System ng LTO dinumog

Posted on: July 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 10,000 ang bilang ng mga bumisita sa online driver’s license renewal system ng Land Transportation Office (LTO) sa loob lamang ng unang isang oras matapos itong maging available sa publiko sa pamamagitan ng eGovPH app.

Ang online platform para sa renewal ng lisensya ay bahagi ng pagsusumikap ng Department of Transportation (DOTr), sa pangunguna ni Secretary Vince Dizon, na pagandahin ang serbisyo sa publiko, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na ilipat sa digital platform ang lahat ng transaksyon sa pamahalaan.

Ayon kay Acting Assistant Secretary at LTO Chief Atty. Greg G. Pua, Jr., ipinapakita ng dami ng bumisita na unti-unti nang nagbabago ang paraan ng pag-avail ng mga serbisyo ng gobyerno, at mas pinipili na ng marami ang kaginhawaan ng digital platforms.

“Ginagawa namin ang lahat upang maging mabilis at maginhawa ang lahat ng transaksyon sa LTO para sa milyun-milyon naming kliyente. Wala na ang panahong kailangan pang mag-absent o mag-leave sa trabaho para lamang mag-transact sa LTO dahil ngayon, maaari na nila itong gawin kahit nasa bahay, opisina, o saanmang bahagi ng bansa,” ani Pua.

“Malaking tulong din ito hindi lang sa mga abalang empleyado rito sa Pilipinas kundi lalo na sa ating milyun-milyong OFWs sa iba’t ibang panig ng mundo,” dagdag pa niya.

At nang ilunsad ang app noong Huwebes, naitala ng LTO ang hindi bababa sa 10,000 na access sa loob lamang ng unang isang oras matapos itong ianunsyo.

“Hindi po magsasawa ang inyong LTO na maghanap ng lahat ng paraan upang patuloy na mapabuti ang serbisyo sa ating mga kababayan,” ani Pua. (PAUL JOHN REYES)

‘Padrino system’ sa gobyerno pinabubuwag

Posted on: July 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISINULONG sa Kamara ang panukalang buwagin ang padrino system o palakasan sa mga ahensiya ng gobyerno at idaan ang promotion o pagkuha ng empleyado base sa kanilang kakayahan.

Sa ilalim ng “Gob­yernong Walang Padrino” Act ni Bagong Henerasyon (BH) Partylist Rep. Robert Nazal, giniit na dapat pairalin ang meritocracy at transparency sa mga appointments, promosyon at distribus­yon ng benepisyo sa mga tanggapan ng gobyerno.

Binigyang-diin ni Nazal na ang panukala  ang tutuldok sa mga referrals, loyalty, familial o koneksiyon ng pagkakaibigan para uma­ngat sa mga puwesto sa gobyerno.

Nilalayon ng panukala na magtatag ng Anti-Padrino Oversight Unit sa ilalim ng Civil Service Commission at magpataw ng parusa mula P10-M multa at 10 taong kulong sa mga lalabag dito.

“Patronage politics is one of the oldest and most deeply embedded ills in Philippine governance. For decades, public office has too often been treated as a reward for loyalty rather than a trust for merit,” saad ni Nazal.

Inihayag pa ni Nazal na ang nasabing hindi magandang praktis sa mga tanggapan ng gobyerno ay sumisira sa pagiging episyente at nade-demoralisado ang career ng mga public servants.

Nakasaad pa sa panukalang batas na ipagbabawal na ang paggamit ng political endorsements sa anumang appointment o proseso ng promosyon na gagawing mandato sa lahat ng ahensiya ng gobyerno, Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs), LGUs, State universities gayundin sa mga government-funded programs.

Ads July 15, 2025

Posted on: July 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

15 – 4-merged