• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 14th, 2025

Pinalakas lang ang loob ng kanyang co-housemates: WILL, muntik nang lumabas ng Bahay ni Kuya dahil sobrang na-homesick

Posted on: July 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
FOR the first time ay naglabas ng mga nararamdaman sa kanyang pinagdaanan na heartbreak ang Sparkle actress na si Kyline Alcantara.
Sa gitna raw ng mga panghuhusga na natanggap niya sa social media dahil sa huli niyang nakarelasyon na si Kobe Paras, sinubukan ng 22-year old ‘Beauty Empire’ kontrabida na maka-move on at pinasasalamatan niya ang mga taong nakapaligid sa kanya na patuloy na sinusuportahan siya.
“My heart is good. It’s better now, definitely, with the help of everyone around me,” panimulang pahayag ng aktres tungkol sa mga pinagdaanan niyang pagsubok.
May dahilan si Kyline kung bakit nanahimik lang siya tungkol sa nangyari sa kanila ni Kobe. Umabot ng five months ang relasyon nila ni Kobe. Nagkakilala sila noong May 2024 at inamin ni Kobe na officially dating sila noong November 2024. January 2025 ay na-meet ni Kyline ang pamilya ni Kobe sa Los Angeles, California after na mag-Pasko si Kobe kasama ang pamilya ni Kyline.
April 2025 ay biglang nag-unfollow sila sa isa’t isa on social media.
May 2025 nang magsalita ang ina ni Kobe na si Jackie Forster sa pamamagitan ng pag-upload ng video on Instagram na ang dahilan daw ng breakup nila ay dahil Kyline, “physically assaulted” daw si Kobe dahil sa cheating rumors.
Pero hindi naman daw ito sinagot ni Kyline dahil ayaw daw niyang makadagdag pa sa pagpista ng publiko sa personal niyang buhay.
“Nasaktan mo man ako, I will always show grace and I will never fight back publicly and I’ll never speak up about whatever’s happening in my private life publicly because I do not owe the world my heartbreak so sa akin ‘yon,” sey ni Kyline.
Inamin din ni Kyline na tao lang siya na nasasaktan, lalo na kapag may panghuhusga agad ng mga tao kahit hindi pa nila naririnig ang paliwanag niya.
“It hurts so much na parang napakadali lang ng mga tao na i-judge ako. I really pray and sit with my feelings, and deal with it on my own.”
***
NI-REVEAL ni Will Ashley na naisip niyang lumabas ng Bahay Ni Kuya dahil sobra siyang na-homesick.
Ayon sa Sparkle actor, muntik na siyang mag-voluntary exit noon sa unang week pa lang sa loob ng PBB house dahil nami-miss niya ang kanyang pamilya. Pero nagdesisyon siyang manatili bilang housemate dahil pinalakas ang loob niya ng kanyang co-housemates na naho-homesick din.
Aminado si Will na naging mahiyain siya sa loob ng PBB house, pero habang tumatagal ay lumabas din ang pagiging makulit at palabiro niya.
Kung maaga nga raw siyang lumabas ng PBB house, hindi niya madidiskubre ang mga kaya pa niyang gawin at mas makilala pa siya ng maraming nanonood. May 1.4 million followers na siya on Instagram.
Pagkatapos na maging second big winner kasama ang ka-duo na si Ralph de Leon, balik-trabaho na si Will at nakapag-shooting na siya para sa pelikulang ‘Bar Boys 2. ‘
***
DESPITE the mixed reviews, pinuri ni Andrew Lloyd Webber ang new version ng kanyang award-winning musical na EVITA.
Sa isang uploaded video, binati ni Webber ang buong cast, lalo na kay Rachel Zegler na gumanap na Evita Peron for delivering the “best performed” rendition he can remember.
“I mean just everything about it was absolutely sensational tonight. Musically, no other composer could ask for more. I just don’t know what to say, really. I’m genuinely lost for words, but I mean, it’s just wonderful.”
Bukod kay Zegler, kasama rin sa cast sina James Olivas, Diego Andres Rodriguez, Aaron Lee Lambert and Bella Brown.
Sa London’s West End unang na-stage ang EVITA in 1978 with Elaine Page as Evita Peron. Si Patti Lupone ang naging Evita sa Broadway version in 1979. Ang iba pang gumanap na Evita ay sina Elena Rogers (2006), Madalena Alberto (2014) and Emma Hatton (2017).
(RUEL J. MENDOZA)

Bida na at first time na malagay sa poster… KAZEL, aminadong na-pressure na maging leading lady ni GABBY

Posted on: July 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
FOR the first time, nagkatrabaho na sina Kazel Kinouchi at Kylie Padilla sa ‘My Father’s Wife’ ng GMA.
“She’s… ang galing na artista,” pahayag ng Sparkle female artist.
“Sabi ko nga sa kanya, nung workshop kami, ‘Aabangan ko yung mga awards mo’, oo.
“Kylie is very professional. She’s also very generous. Parang ibibigay niya talaga sa iyo yung… kung ano yung… parang makagalaw ka rin, yung character mo, yung reaction mo.
“So yun, it’s our first time, but in fairness to all the cast, wala talaga e, at first, it felt awkward, parang siyempre… pero yun nga, everything goes very lightly lang.”
Lead stars sa ‘My Father’s Wife’ sina Kazel, Kylie, Jak Roberto at Gabby Concepcion.
Ano ang pakiramdam na nasa title siya ng kanilang serye?
“Siyempre first time ko ‘to. First time ko rin na malagay talaga sa poster, so super honored and thankful sa director, sa casting, sa mga bosses, that they entrusted me with this role.
“And yes, villain tayo dito, pero yung character ko, she did not wake up choosing to be a villain, kasi she was, you know, shaped by her circumstances in the past.
“So yun, I’m so excited for everyone to meet Betsy and yun, excited kasi parang… and nervous at the same time kasi there is expectation.
“Siyempre title, My Father’s Wife, ako yung wife nung father, so yun, sana ma-exceed ko yung expectations.”
Tinanong namin si Kazel kung paano maging wife ng isang Gabby Concepcion sa isang serye?
“Kamusta bang maging wife ni Gabby Concepcion? “Siyempre, nakaka-pressure!
“Lahat ng mga naging leading lady ni Kuya Gabby are very beautiful, very, very magagaling umarte.
“Pero yun, si Kuya Gabby, sobrang kalog lang niya, so you don’t really feel the pressure around him, so ayun.”
Kinabahan ba si Kazel? Siyempre Gabby Concepcion ang leading man niya at may mga intimate scenes silang gagawin.
“Siya ang kabahan… joke lang,” at tumawa si Kazel.
“Yung mga ganung scenes… well kinakabahan in a way siguro kasi… well hindi pa kami dumadating dun, yung kiss lang, ganun lang.
“Okay naman, kasi si direk naman, yung director namin, pag may limitations ina-acknowledge naman niya.”
Si Aya Topacio ang direktor ng ‘My Father’s Wife’ na kung saan kasama rin sina Arlene Muhlach, Maureen Larrazabal, Sue Prado, Andre Paras, at si Snooky Serna.

(ROMMEL L. GONZALES)