• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 14th, 2025

4 na kelot, huli sa sugal at droga sa Valenzuela  

Posted on: July 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO sa magkahiwalay na anti-gambling operation ng pulisya ang apat na kalalakihan matapos mahuli sa aktong naglalaro ng illegal na sugal at makuhanan pa ng droga ang dalawa sa kanila sa Valenzuela City.

          Sa kanyang report kay Valenzuela Police OIC chief P/Col. Gerson Bisayas, sinabi ni SDEU investigator P/MSgt. Carlito Nerit Jr na nakatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen ang mga tauhan ng Marulas Patrol Base (PB-3) hinggil sa umano’y nagaganap na aktibidad ng illegal gambling  sa F. Bautista St., Brgy. Marulas.

          Agad rumesponde ang mga tauhan ng PB-3 sa lugar kung saan naaktuhan nila ang dalawang lalaki na sina alyas “Angelo”, at alyas “John” na abala umano sa paglalaro ng cara y cruz dakong ala-1 ng hapon na dahilan ng kanilang pagkakaaresto.

          Nasamsam ng mga pulis ang tatlong peso coins na gamit bilang pangara at P400 bet money habang nakuha naman kay ‘Angelo’ ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

          Nauna rito, huli rin sa akto ng rumespondeng mga tauhan ng Gen T De Leon Patrol Base 2, sina alyas “Jef” at alyas “”Epra” na naglalaro din ng sugal na cara y cruz sa Rosario St., Brgy. Gen T De Leon bandang alas-11:30 ng umaga.

          Nakuha sa kanila ang tatlong peso coins pangara at P335 bet money habang nakumpiska naman kay ‘Jef’ ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

          Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa P.D 1602 habang karagdagan na kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin pa ng dalawa sa kanila. (Richard Mesa)

 

Halos P.7M droga, nasamsam sa 22-anyos na tulak sa Navotas

Posted on: July 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG halos P.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos malambat ng pulisya sa buy bust operation sa Navotas City, Sabado ng madaling araw.

          Kinilala ni Navotas Police OIC chief P/Col. Renante Pinuela ang naarestong suspek na si alyas “Clarence”, 22, residente ng Brgy. Tangos South.

          Sa kanyang report sa Northern Police District (NPD), sinabi ni Col. Pinuela, dakong alas-2:25 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek sa C3 Road, Brgy., NBBS Proper.

          Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 100.1 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P680,680.00 at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 27 pirasong P1,000 boodle money.

          Ani Col. Pinuela, unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng SDEU hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu ni alyas Clarence kaya ikinasa ng SDEU ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA na dahilan ng kanyang pagkakaaresto.

         Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, under Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Estudyante na tumalon sa Tullahan River sa Valenzuela, sinagip ng 2 pulis

Posted on: July 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKALIGTAS mula sa posibleng pagkalunod ang isang binatilyong estudyante na tumalon sa Tullahan River, makaraang masagip siya ng dalawang rumespondeng pulis sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela Police OIC chief P/Col. Gerson Bisayas, noong July 11, 2025, habang nagpapatrolya sina PSSg Alvaro Vargas Jr, at Pat Crizald Kevin Flores, kapwa nakatalaga sa Patrol Base (PB)-2, Gen. T. De Leon nang makatanggap sila ng tawag mula sa Station Tactical Operation Center (STOC) ng Valenzuela VCPS hinggil sa pagtalon ng isang binatilyo sa Tullahan River sa Brgy. Gen T De Leon.

Kaagad namang rumesponde ang dalawang pulis at pagdating sa lugar, agad tumalon si PSSg Vargas at Pat Flores sa ilog nang makita nila ang binatilyo na lumalangoy palayo saka pinagtulungang iahon bago dinala sa police station sa 3S Center ng Gen T De Leon.

Kinilala ni P/Capt. Anthony Campado, hepe ng PB-2 ang binatilyo na si alyas “Migs”, 16, residente ng Tullahan Road, Sta. Quiteria, Caloocan City.

“Maayos naman po ang kalagayan niya kaya pinapaligo po namin siya, binigyan po namin ng damit at pinapakain din po namin pero ayaw po niya,”ani Capt. Campado.

Sinabi pa ni Capt. Campadop na tila may malaking problema ang bata kaya personal nilang pinuntahan ang ama ni ‘Migs’ sa kanilang tirahan at ipinaalam ang pangyayari.

Matapos nito, dinala ng pulisya sa Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) ang binatilyo, kasama ang kanyang ama upang sumailalim sa counseling at iba pang pangangailangan ng bata.

Ayon Col. Bisayas, ang insidente ay itinawag sa 911 at base sa record ng STOC, iniradyo nila ang insidente nang 4:59 ng hapon, at nakarating sa lugar ang mobil ng pulisya nang 5:01 ng hapon.

“Bale ang sistema po kasi, kapag may mga ganoong emergency, tinitignan po namin ‘yung deployment plan, kaya kung sino po ‘yung nasa pinakamalapit na lugar, ‘yun po agad ang niraradyuhan namin,” paliwanag ng STOC. (Richard Mesa)

Kamara, magsusumite ng karagdagang info sa SC para sa VP Sara impeach petitions

Posted on: July 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SUSUNOD ang Kamara sa direktiba ng Supreme Court (SC) na nag aatas dito na magsumite ng karagdagang sworn information kaugnay sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Kinumpirma ni House spokesperson Atty. Princess Abante na natanggap ng Kamara ang kopya ng July 8 resolution na G.R. Nos. 278353 at 278359, na sumasakop sa petisyong inihain ni Duterte at kanyang abogado na si Atty. Israelito Torreon, na kumukuwestiyin sa constitutionality at proseso ng nagaganap na impeachment proceedings sa senado.

“The House of Representatives and Secretary-General Reginald S. Velasc

o, as respondents in the said petitions, have been required to submit the additional information enumerated in the resolution, and will comply accordingly,” ani Abante.

Idinagdag nito na naiparating na ang usapin sa Office of the Solicitor General (OSG), na siyang nagrerepresenta sa Kamara para sa kaso.

“We have already referred the resolution to the Office of the Solicitor General, as our counsel, and shall coordinate closely with the OSG to ensure the submission of the required information within the non-extendible period of 10 days provided by in the Supreme Court,” pahayag pa nito.

Sa resolution, inatasan ng SC ang  House of Representatives at Senate na magsumite, under oath na may kaakibat na dokumento, kung available, ng detailed information sa ginawang filing at processing ng impeachment complaints laban kay Duterte.

Binigyan diin ng mataas na hukuman na ang kanilang direktiba ay ipinalabas ng “without prejudice to the resolution of other issues” na nakasaad sa petitions.

Inimpeach ng Kamara si Vice President Duterte boing Pebrero, dahil sa ibat ibang citing grounds, kabilang na ang umanoy maling paggamit ng P125 milyong confidential funds na ginastos sa loob lamang ng 11 araw noong December 2022.

Pitong Articles of Impeachment, kabilang na ang kaso betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, grave abuse of discretion, obstruction of legislative oversight, at repeated misuse of public funds.

Inindorson ito ng 215 House members, lagpas sa one-third constitutional threshold.  (Vina de Guzman)

Tanggal ang driver’s license ng jeepney driver na sangkot sa aksidente sa Commonwealth  

Posted on: July 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINANGGAL ng   Land   Transportation   Office  (LTO)  ang   lisensya   ng   isang

jeepney driver na sangkot sa malubhang aksidente sa Commonwealth Avenue sa

Quezon City.

“Pursuant to the directive of President Ferdinand Marcos, Jr. to run after

erring motorists as part of road safety measures, the LTO, under the guidance of Department of Transportation (DOTr), revoked the driver’s license of the jeepney driver in fatal road crash along Commonwealth Avenue in Quezon City on April 13 this year,” wika ni DOTr Secretary Vince Dizon.

Ang nasabing malubhang aksidente  ay  nagresulta sa pagkamatay   ng

dalawang (2) college na estudyante habang may 16 na pasahero ang malubhang nasugatan.

Ayon kay assistant secretary Vigor Mendoza II, ang nasabing driver ng

pamapasaherong   jeepney   ay   napatunayan   na   guilty   of   reckless   driving sa ginawang imbestigasyon ng LTO. Siya ay pinatawan ng maximum na penalty na nagkakahalaga ng P2,000.

“I also approved the revocation of the driver’s license of the jeepney driver

for being an improper person to operate a motor vehicle,” saad ni Mendoza.

Sa ginawang imbestigasyon, ang nasabing aksidente ay nangyari dahil ang

passenger jeepney ay binangga ang isa pang sasakyan habang minamaneho ng

mabilis ang sasakyan sa Commonwealth Avenue.

Dahil sa sobrang mabilis, ang nasabing jeepney ay tumaob kung saan

nagresulta ng pagkamatay ng 2 estudyante na papunta sana sa kanilang ROTC.

Ang 2 estudyante ay tumilapon dahil sa lakas ng pagkabanga kung saan sila ay

binawian ng buhay.

Sa desisyon na nilagdaan ni Mendoza, nakalagay at nakasaad na ang

nasabing jeepney driver ay malinaw na lumabag sa batas ng reckless driving hindi lamang dahil sa mabilis na takbo kasama na rin ang pagmamaneho ng wala sa designated na lane para sa public utility vehicles sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Kasama rin sa kanyang paglabag ay ang ang hindi pagbawas ng mabilis na

takbo  sa   bahaging   pababa   ng   Commonwealth   Avenue   na   nag   resulta   sa pagbangga ng jeepney driver at dahil dito ay napatunayan na siya ay isang driver na hindi dapat magmaneho ng isang sasakyan.

“Let this serve as a lesson about road safety and discipline. Thus, with this

kind of driving, he lost his source of livelihood,” dagdag ni Mendoza. LASACMAR

Pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa Gitnang Kabisayaan!

Posted on: July 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA PANGUNGUNA ni Secretary Conrado M. Estrella III, mahigit 5,000 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa Bohol at Cebu ang tumanggap ng mga titulo ng lupa, Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs), at suporta mula sa DAR na ginanap sa Mandaue City, Hulyo 10, 2025.• 809 ARBs nakatanggap ng Certificates of Land Ownership Award at electronic titles para sa 840 ektarya ng lupa.• ₱334.96M na utang ng 5,285 ARB pinatawad dahil sa tinanggap nilang COCROM.• ₱1.8-M farm machineries and equipment (FMEs) para sa mas mataas na ani at mas maayos na kabuhayan.(BOY MORALES SR.)

PAO AT PTFOMS, lumagdang muli ng kasunduan para paigtingin ang legal aid services para sa mga media workers

Posted on: July 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAG-RENEW ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) sa Public Attorney’s Office (PAO) noong Biyernes, July 11, 2025, para palakasin ang proteksyon sa mga media personnel sa pamamagitan ng comprehensive legal aid, support services at advocacy.

Ang signing ceremony ay pinangunahan nina PAO Chief Persida V. Rueda-Acosta at PTFOMS Undersecretary Jose Torres Jr., na sumisimbolo ng matibay na pangako na tiyakin ang kaligtasan, karapatan, at kapakanan ng mga media sa buong Pilipinas.

“Sa MOA na ito, muli naming pinagtitibay ang aming hindi natitinag na pangako sa isang karaniwang layunin: ang proteksyon, kaligtasan, at seguridad ng mga media practitioners”, sabi ni Undersecretary Torres sa kanyang opening remarks sa ceremonial signing na ginanap sa tanggapan ng PAO sa Quezon City.

Sa ilalim ng kasunduan, pangangasiwaan ng PTFOMS ang mga pagsusumikap sa koordinasyon, tukuyin at ire-refer ang mga media  na nangangailangan ng legal assistance, at makikipagtulungan sa PAO sa mga training programs at policy advocacy. Sa kabaligtaran, ang PAO ay magbibigay ng legal aid, legal representation, at magsasagawa ng mga workshop na naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang mga media na may kaalaman sa kanilang mga karapatan.

“Nais kong pasalamatan si PAO Chief Acosta at ang buong PAO team para sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon at matatag na suporta para sa kalayaan sa pamamahayag at kaligtasan ng media. Ang kanyang pamumuno at adbokasiya ay nagbibigay inspirasyon sa amin upang patuloy na palakasin ang aming mga pagsisikap na protektahan ang mga nagtataguyod ng aming karapatan sa impormasyon” sabi ni Torres.

Binigyang-diin nya na ang inisyatiba ay sumasalamin sa collective resolve “upang lumikha ng isang mas ligtas na kapaligiran para sa mga media practitioners at itaguyod ang principles of justice and transparency.”

Ang pagsasanib puwersa ng PAO at PTFOMS ay para itaguyod ang kalayaan ng media, palakasin ang panuntunan ng batas at pagyamanin ang isang kapaligiran kung saan maaaring gampanan ng mga mamamahayag ang kanilang mahahalagang tungkulin nang walang takot. (PAUL JOHN REYES)

262 barangays nakakuha ng SGLGB – DILG

Posted on: July 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nasa 262 barangay ang ginawaran nila ng Seal of Good Local Gover­nance for Barangay (SGLGB) sa pagsisimula ng pagpaparangal sa mga barangay sa ilalim ng  Liga ng mga Barangay National Congress na ginanap sa World Trade Center sa Pasay.

Ayon sa DILG, ang mga barangay na ito ang unang batch ng national awardees sa ilalim ng 2024 SGLGB assessment cycle.

Nakatakdang isagawa ang mga pagkilala sa mga barangay sa  Hulyo 29, Agosto 19, Setyembre 10, at Oktubre 21, kung saan nasa 3,283 national passers ang paparangalan ng SGLGB.

Nabatid na ang 3,283 barangay ay 8% lamang ng 41,610 barangay sa buong bansa, ang nakakuha ng 2024 SGLGB.

Sa mga ito, 663 barangay ang consistent awardees sa loob ng dalawang magkasunod na taon, habang 2,620 barangay ang nakatanggap ng recognition sa unang pagkakataon.

Inatasan ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ayusin ang sistema ng SGLGB simula 2025 upang maiayon sa isang unified, strategic at outcome-based performance evaluation sa lahat ng antas ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Remulla na ang parangal ay pagbibigay halaga sa dedikas­yon ng mga barangay para sa Bagong Pilipinas ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sally Hawkins, Billy Barratt, and Sora Wong are a fractured family in the A24 horror film “Bring Her Back”

Posted on: July 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
FOLLOWING the success of their debut, Talk to Me, directors Danny and Michael Philippou took a turn on how to approach their latest horror film Bring Her Back. “Talk to Me feels like a party horror film, but this film is more character-driven,” Danny says. “We liked the challenge of a contained story about these three characters, focusing on their relationships.”
As they lean heavily into the characters of Bring Her Back, they couldn’t have thought of anyone better to be Laura, the character who drives the mysterious narrative of the film, than Academy Award-nominated actress Sally Hawkins.
“Seeing all these different characters that she [Hawkins] would build big backstories for, that was so exciting to me, the idea of someone bringing that much care to her characters,” Danny says.
“Laura is written almost in a more outwardly confident way, but Sally brought this depth to it and portrayed it in a different, more interesting way. Laura struggles with what she’s doing in the film, and that is what humanizes her, I think,” adds Michael.
Hawkins is glad to be a part of this venture, feeling fully confident in the way the Philippou brothers handled the film and the work they put in with the cast. “It’s a delicate piece and dealing with delicate subject matter, albeit in a rather terrifying frame or mask. I felt completely supported and trusted and given the space needed to do what I felt I needed to do,” Hawkins says.
Watch the trailer: https://youtu.be/Mu1-DTIBi
Bring Her Back tells the tale of a brother Andy (Billy Barratt), and his low-vision sister Piper (Sora Wong) as they enter the care of their new foster mother, Laura (Sally Hawkins). Slowly they uncover a terrifying ritual in their new secluded home.
For the role of Piper, the brothers were intent on casting a vision-impaired actor to fit the role they’re tasked with, and 12-year old Sora Wong knocked it out of the park with her audition.
“We did this exercise with her, and she played the scene, and she did this improv, and it was incredible,” Michael says. “She just put herself in the mindset of the character. It was, in a way, not even acting. It was just putting herself in it — she’s amazing.”
Wong felt a bond with her character, and it helped her find her footing in stepping into Piper’s shoes. “I loved the character and I connected with her,” Wong says.
“A lot of her behavior and thought process I just relate to and it kind of just clicked. There aren’t many characters with visual impairments, and especially not ones that would be the main character in a movie. So, it was a really important and meaningful role and I wanted to portray it right.”
Piper’s elder brother is portrayed by Billy Barratt, whose talent is reflected on being an International Emmy Award-winner at 13 years old for the TV movie Responsible Child, which caught the attention of the Philippous. “We wanted to cast Billy in Talk to Me,” Danny notes, but they were thrilled to have another chance with him on this film. “He’s a flourishing talent, someone who is game to go places and push himself.”
Barratt cherishes the time spent filming Bring Her Back, and the experience of working with Wong in particular. “There were scenes where emotion was hard to conjure, because there was just so much going on or maybe the scene just didn’t click yet,” Barratt says. “But I think we had a particular trust in each other.”
Unravel the mystery as Bring Her Back arrives in Philippine cinemas on July 16. Bring Her Back is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.
Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”
(ROHN ROMULO)

Kapuri-puri ang ginagawang pag-aalaga ni Bimby: KRIS, nadagdagan na ang timbang at patuloy na lumalaban

Posted on: July 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TIYAK na maraming natuwa sa latest health update ni Queen of All Media Kris Aquino na kasalukuyang nagpapagaling sa isang private beach house.
Sa pagbabahagi ng online host na si Mama Loi Villarama sa kanyang Instagram post, umabot na raw ang timbang ni Kris ng 106 lbs.
Mapapanood sa video na binubuhat ni Bimby Yap ang kanyang ina mula sa pagbangon at pagbabalik sa kama.
“She is now mabigat! [heart emoji].
“Finally, since she arrived in the Philippines, ms @krisaquino ‘s weight is now 3 digits! She now weighs 106 lbs! Yey! Always cheering for her [smiling face emoji],” caption ni Mama Loi.
Dagdag pa ng online host, “Working ang turon, mangoes, lychees, orange juice, at Ensure na may carabao’s milk with ice cream plus Daim chocolate na pampa-happy niya [smiling face emoji].”
Kapuri-puri nga ang ginagawang pag-aalaga ni Bimby sa kanyang mommy.
“Bimb has been her source of strength and I am in awe of how loving and dedicated he is in taking care of his mom [heart emoji].”
Pagtatapos pa ng post niya, “Prayer warriors let’s keep on praying please [folded hands emoji].
“We love you KCA! Fighting [flexed biceps emoji].”
Mapapakinggan naman sa video na tinatanong si Kris si Bimby kung mabigat na siya, na ikinatuwa naman niya nang sinagot siya na ‘mabigat’.
At nang ibalik si Kris sa kama, nakakaya na niyang maka-crawl.  Kaya hirit ni Mama Loi na puwede na itong lumabas at pumunta sa beach.
Say naman ni Bimby, “Take it easy, one at the time!”.
Sa comment section, pinusuan nga ito ng mga kaibigan at netizens, patuloy nilang ipinagdarasal si Kris at puring-puri talaga nila si Bimby.
***

MTRCB, nakapagribyu ng mahigit 100,000 materyal sa unang kalahating taon ng 2025

AABOT sa 103,652 materyales ang nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) mula Enero hanggang Hunyo 2025

Ito’y patunay na patuloy ang pagsisikap ng Board na matiyak ang lahat ng pelikula, programa sa telebisyon, at iba pang katulad na materyales ay naaayon sa pamantayan ng MTRCB.

Sa nasabing bilang, 65,769 ay mula sa telebisyon, 36,263 TV plugs, 834 publicity materials 490 movie trailers, 287 lokal at banyagang pelikula at 9 na publicity materials.

Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang kahalagahan ng papel ng Board sa paglikha ng ligtas at angkop na panoorin, lalo na para sa mga bata.

“Nananatili ang aming dedikasyon na protektahan ang mga manonood sa pamamagitan ng pagbibigay ng wasto at angkop na klasipikasyon sa lahat ng pelikula at palabas sa telebisyon,” sabi ni Sotto-Antonio.

“Sa pamamagitan nito, natutulungan natin ang mga magulang na makapamili ng angkop na panoorin para sa kanilang pamilya, partikular sa mga bata.”

Pinuri rin ni Sotto-Antonio ang dedikasyon at sipag ng mga Board Members at kawani ng MTRCB na patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkulin nang may integridad.

(ROHN ROMULO)