• April 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 12th, 2025

Bus driver na wanted sa qualified theft sa Valenzuela, shoot sa selda

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 53-anyos bus driver na wanted sa kasong qualified theft matapos maaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Gerson Bisayas ang naarestong akusado na si alyas “Oniot”, residente ng Calamba, Laguna.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad, dakong alas-12:30 ng tanghali nang madakip ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at SPOS Court Patroller ng Valenzuela police ang akusado sa harap ng RTC Building sa Maysan Road, Barangay Malinta.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Qualified Theft na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 171, Valenzuela City, noong October 15, 2018 na walang inirekomendang piyansa.

Para matiyak ang transparency at pagsunod sa operational protocol, gumamit ang mga operatiba ng WSS ng Body-Worn Camera (BWC) sa pagdakip sa akusado.

Matapos nito, dinala ang akusado sa Valenzuela City Health Department para sa medical examination bago tinurn-over sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)

Hamon ni Speaker Romualdez sa mga bagitong miyembro ng 20th Congress, magtulungan sa Kamara  

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINAMON ni reelected Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang mga bagitong miyembro ng 20th Congress na tulungan ang Kamara na maglaan ng mas kapaki-pakinabang na reporma upang matulungan ang kapulungan na makapagpasa ng mga batas upang maiangat ang buhay ng mga Pilipino.

Sa kanyang mensahe sa ginanap na  fellowship dinner sa Malacañang noong Miyerkules, sinabi ni Romualdez na “With your passion, drive and fresh perspectives, I truly believe we can make this 20th Congress the most dynamic yet.”

Mahigit sa 60 first-term lawmakers ang dumalo sa event matapos ang ginanap na ikalawang batch ng 3-day Executive Course on Legislation para sa mga  neophyte na inorganisa ng  House Secretariat at University of the Philippines – National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG).

Ang 19th Congress ay nakapaghain ng total na 11,557 bills ay 2,393 resolutions; nakapagpasa ng 1,565 measures; nakapagsabatas ng 287 national at local laws; at nakapag- proseso ng  average na 29 measures per day sa loob ng 188 session days. (Vina de Guzman)

Pasko sa Hulyo para kina Lolo at Lola sa Valenzuela

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Valenzuela Mayor WES Gatchalian ang pagsisimula ng taunang Pasko sa Hulyo para kay Lolo at Lola ngayong Hulyo 10, 2025 kung saan tinatayang nasa 72,218 Valenzuelano Senior Citizens ang makakatanggap ng regalong tig-10 kilong bigas sa programang ito ngayong taon.

Ayon kay Mayor WES, bilang suporta sa mga local farmer, ang bigas na may kabuuang halaga na P35.6 Million ay binili mula sa mga magsasaka sa Nagkakaisang Magsasaka ng Isabela Agriculture Cooperative. (Richard Mesa)

1,637 PLVians, nagmartsa patungo sa bagong kabanata

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BUONG pagmamalaki na ipinagdiwang ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela ang ika-20th Commencement Exercises sa dalawang batch na ginanap nitong July 9, 2025 sa University of the Philippines Diliman Theater at dinaluhan ni Mayor WES Gatchalian.

Sa kabuuang 1,637 graduates, ang seremonya sa umaga ay nagbigay parangal sa mga nagsipagtapos mula sa College of Accountancy and Business Administration, College of Public Administration and Governance, at Graduate School, kung saan 836 ang tumanggap ng kanilang mga diploma.

Sa hapon, 801 nagtapos mula sa College of Engineering and Information Technology, College of Arts and Sciences, at College of Education ang pinagkalooban ng kanilang mga degree.

Binigyang-diin ng okasyon bilang pangunahing tagapagsalita sina Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Dr. Shirley Agrupis, at Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Rhoel Aguda na parehong nagbigay inspirasyon sa mga nagsipagtapos na ituloy ang kahusayan at pagbuo ng bansa.

Ipinaabot naman ni Mayor WES Gatchalian ang kanyang taos-pusong pagbati sa mga nagsipagtapos at sinabing “Mainit na pagbati sa lahat ng nagsipagtapos ngayon. Lagi ninyong tatandaan na ang lahat ng sakripisyo ay nagbubunga. Sana ay kahit saan kayo makarating sa inyong mga trabaho, sa labas man o sa loob ng bansa, ay lagi ninyong tatangkilikin ang mga values and morals na inyong natutunan sa PLV. We will always be proud of you at iisang pamilya tayo dito.”

Ani alkalde, habang minarkahan ng PLV ang dalawang dekada ng paggawa ng mga propesyonal na may kakayahan at pinahahalagahan, ang mga pagsasanay sa pagsisimula ay isang patunay sa lumalagong pamana ng institusyon sa paghubog ng mga magiging lider ng Valenzuela City.

Nagsisilbi rin aniya ang PLV bilang tahanan ng rank 1 at 10 sa kamakailang Licensure Examination para sa mga Guro na karagdagang patunay ng pangako ng unibersidad sa kahusayan sa akademya. (Richard Mesa)

NHA, DOST-PTRI lumagda ng 25-year usufruct para sa 8-ektaryang lupain

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang lumagda ang National Housing Authority (NHA) at ang Department of Science and Technology – Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) ng isang usufruct agreement na nagkakaloob sa DOST-PTRI ng karapatang gamitin ang 8 ektaryang lupain na matatagpuan sa Lot 1834-B, Andam Mouswag Project sa Barangay Imelda, Villanueva, Misamis Oriental.

Sa ilalim ng pamumuno ni General Manager Joeben A. Tai, ipinagkakaloob ng NHA bilang may-ari ng lupa, sa DOST-PTRI ang karapatang gamitin ang nasabing ari-arian para sa pagpapatayo ng DOST-PTRI Technology Center. Ang pasilidad na ito ay tutuon sa textile research at masusing pagpapaunlad ng Philippine Silk Industry.

Ang lease agreement ay nagpapahintulot din sa DOST-PTRI na gamitin ang lupa nang walang bayad sa loob ng 25 taon simula sa susunod na taon, na may option for renewal, ayon sa NHA Board Resolution No. 7474 at sa ilalim ng Transfer Certificate of Title No. 29695.

Bilang kinatawan ni GM Tai, pinangunahan ni Assistant General Manager Alvin S. Feliciano ang seremonya kasama si NHA Commercial and Industrial Estates Department (CIED) Acting Manager Nerissa Subido at ilang opisyal mula sa DOST-PTRI, tulad nina Director IV Julius L. Leano at Senior Science Research Specialist Ephraim H. De Gracia.

Naroroon din sa aktibidad si Mayor Nancy Binay ng Makati na isang tagasuporta ng SEDA Pilipinas Program, na nagsaad ng kaniyang commitment para sa lokal na pagpapaunlad ng silk production at textile innovation.

Maliban dito, tinalakay din ng mga lumahok ang technological support para sa silkworm germplasm resources, silk cocoon production, processing and services para sa kapakinabangan ng mga stakeholders ng Philippine Silk Industry.

Patuloy ang NHA sa adbokasiya nito na makipagtulugan sa  iba’t ibang ahensya ng gobyerno at pribadong sektor upang matiyak ang ganap na paghahatid ng de-kalidad na serbisyo publiko, na lalong nagpapatatag sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ng isang Bagong Pilipinas. (PAUL JOHN REYES)

LTO inilunsad online renewal ng driver’s license

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAS magiging madali na ang pagrerenew ng lisensya ng mga moto­rista sa bagong inilunsad na online driver’s license renewal system ng Land Transportation Office (LTO) kahapon.

Inilunsad nina DOTr Sec. Vince Dizon at DICT Sec. Henry Aguda ang bagong sistema na bahagi pa rin ng digital transformation sa mga proseso at transaksyon ng gobyerno.

Sa naturang online service na nakapaloob sa eGovPH na isang mobile app, matatagpuan ang iba’t ibang online servi­ces ng gobyerno kabilang ang online renewal ng driver’s license, online medical examination, online driver enhancement program exam at mode of payment.

Ayon naman kay Dizon, sa tulong ng bagong sistema, mababawasan na ang mahabang pila sa mga tanggapan ng ahensiya at mabibigyan ng mas maginhawang opsyon ang mga motorista para sa kanilang license renewal.

Makatutulong rin aniya ito sa mga OFW na makapagrenew kahit nasa ibang bansa at mababawasan na rin ang mga nabibiktima ng fixers.

ARRRR YOU READY?? TEASER TRAILER FOR “THE SPONGEBOB MOVIE: SEARCH FOR SQUAREPANTS” AVAILABLE NOW! 

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Ahoy, mateys! SpongeBob is headed to the BIG SCREEN! Watch the teaser trailer for The SpongeBob Movie: Search for Squarepants now! The new SpongeBob movie arrives in Philippine cinemas January 21, 2026. 🦜 🏴‍☠️
Watch the trailer: https://youtu.be/T5Ox9HmCE3w
And check out the newly released posters:
The #SpongeBobMovie: Search for Squarepants
Photo credit: Paramount Pictures
The #SpongeBobMovie: Search for Squarepants
Photo credit: Paramount Pictures
Synopsis:
SpongeBob and his Bikini Bottom friends set sail in their biggest, all-new, can’t miss cinematic event ever… The SpongeBob Movie: Search for SquarePants. Desperate to be a big guy, SpongeBob sets out to prove his bravery to Mr. Krabs by following The Flying Dutchman – a mysterious swashbuckling ghost pirate – on a seafaring comedy-adventure that takes him to the deepest depths of the deep sea, where no Sponge has gone before.
Paramount Animation and Nickelodeon Movies PresentI In Association with Domain Entertainment and MRC”: THE SPONGEBOB MOVIE: SEARCH FOR SQUAREPANTS”
Executive Producers:Marc Ceccarelli, Vincent Waller, Pete Chiappetta, Anthony Tittanegro, Andrew Lary
Produced by: Lisa Stewart, p.g.a., Pam Brady, Aaron Dem
Based on the Series “SpongeBob SquarePants” Created by Stephen Hillenburg
Story by Marc Ceccarelli & Kaz and Pam Brady and screenplay by Pam Brady and Matt Lieberman
Directed by Derek Drymon
Cast:Tom Kenny, Clancy Brown, Rodger Bumpass, Bill Fagerbakke, Carolyn Lawrence, Mr. Lawrence, George Lopez, Isis “Ice Spice” Gaston, Arturo Castro, Sherry Cola with Regina Hall and Mark Hamill
#SpongeBobMovie @paramountpicsph
(Photo and Video Credit: “Paramount Pictures”)
(ROHN ROMULO) 

First time pa lang na magkasama sa movie: RHIAN, kasama sa bucket list ni JC na natupad na

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGULAT kami nang tanungin namin sina JC Santos at Rhian Ramos kung ano ang masasabi nila sa isa’t-isa.
Unang beses pa lang na nagkasama sina JC at Rhian sa romance-drama movie nila na “Meg and Ryan” na dinirek ni Catherine Camarillo under Pocket Media Productions.
Si JC ay isang known Kapamilya while Rhian naman is a solid Kapuso.
Sey ni Rhian, “I really enjoyed the whole experience. Sobra talagang totoo yung sinabi ni Tita Ces (Quesada) na napaka-generous niya as an actor.”
Ang nagulat kami ay ang tinuran ni JC na kasama sa bucket list niya si Rhian. As if si Rhian ay napakatagal o isa ng beterana para rito.
Sey ni JC, “Working with Rhian, isa siya sa checked sa bucket list na sana maka-trabaho ko.
“At nakita ko ang process niya, nakita ko kung paano siya mag-trabaho at dedication niya.”
Base naman din sa trailer, kita na agad ang chemistry nilang dalawa. Not to mention na pareho pang malalim na aktor ay aktres.
Ang “Meg and Ryan” ay ipalalabas na sa mga sinehan simula sa August 6.
***
INAMIN ni Dina Bonnevie na kinakabahan siya. At ang kaba niya ay dahil sa pagbabalik niyang muli sa hosting.
Bagong medium kasi kay Ms. D ang online kunsaan, mapapanood ang “House of D” simula ngayong araw, July 11 at 5pm.
Sey niya, “Yeah, sina Rams (David) nga, ano ba, kaya mo. Ako naman, hay naku Rams, paano kung hindi tanggapin ng tao? Paano kung i-bash ako? Tapos yung mga bata, nao-overwhelm sila sa response ng mga tao.
“Gaya nga niyan, lumabas na 1.9 million views.”
Pero aminado si Ms. D na hindi pa raw talaga siya marunong sa social media. Kadalasan kapag nakakapag-post siya, may tumutulong sa kanya o nasa tabi niya ang mga anak. Marunong lang daw siya mag-reply.”
Tatlumpung minuto ang itatagal ang kada-episodes nila. Parang maikli lalo na at lima silang pwedeng magbahagi ng kanya-kanyang opinyon.
Katwiran niya rito, “Hihintayin namin ang mga tao na magsabi na, i-one hour niyo na. Pero honestly, kung halimbawa maganda ang response ng mga tao, more appreciation for the show than bashers, tuloy kami.
“Pero siyempre, wala namang reason na ituloy kung hindi naman tinanggap ng mga tao. Parang it all depends on the people. Siyempre kami, we’re here to share whatever we have.
“In the beginning, kami-kami na muna. Parang pinapakilala muna namin sa mga tao yung pamilya namin.”
Kasama ni Ms. D bilang mga co-hosts niya ang mga anak na sina Danica Sotto at Oyo Sotto at ang kanilang mga asawa na sina Marc Pingris at Kristine Hermosa.
Sa pagiging very candid, intelihente ni Ms. D, sure kami na aabangan ang bagong show na ito sa YouTube. Plus, sa mga fan, lalo na ni Kristine na very rare kung mapanood na siya. Plus yung mag-iina na you don’t get to see naman palagi in one frame.
Every Friday at 5pm ang drop ng mga episodes kaya ngayon pa lang ay mag-subscribe na sa kanilang YouTube channel.
(ROSE GARCIA)

Hindi siya iniwan at inintindi sa lahat ng bagay…  DINA, napaiyak habang nagkukuwento tungkol kina DANICA at OYO

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAPAIYAK si Dina Bonnevie habang nagkukuwento tungkol sa kanyang mga anak na sina Danica at Oyo Sotto na co-hosts at co-producer niya sa bagong Youtube talk show na ‘House of D.’
Aniya, “Ang message ng show namin, sa katatawanan, sa lungkot, sa hirap, sa pag-ibig, nandiyan ang pamilya mo.
“Sa lahat ng gagawin mo, the core is always family.
“And in my personal experience na there were times na naging malungkot din ang mga anak ko because of my wrong decisions.
“There we’re times na nadamay ang mga anak ko dahil sa mga mali kong desisyon sa buhay.”
Sa bahaging ito ay lumuha na ang beteranang aktres.
“But through thick or thin, through high or low water they we’re always there to stand by me, never judge me, never disrespected me,” naluha pang pahayag ni Dina.
“Through thick or thin, family was there, hindi nila ko iniwan. Inintindi nila ko sa lahat ng bagay.
“Kaya ako, magkamali man sila, I tell them also na mali man ang desisyon mo diyan, I never judged, iniintindi ko rin. Kasi yun ang family, e.
“Family shouldn’t judge you. Family should support you. Family should be your core.
“Dumaan man ang napakaraming sakuna, dumaan man ang napakaraming bagyo, pero kung malalim ang ugat ng pamilyang yan, hindi yan mabubuwag. Hindi yan maa-uproot,” emosyonal na sinabi pa ni Dina.
Mapapanood na ang ‘House of D’ official Youtube channel ngayong 5 pm, co-hosts at co-producer rin ni Dina ang mga manugang niya, sina Kristine Hermosa na misis ni Oyo at Marc Pingris na mister naman ni Danica
Bukod sa co-producer ay si Oyo rin ang director ng online show ni Dina.
“Sabi ko, ‘Oyo, ba’t kaya hindi ka mag-direk? Di ba, dream mo naman dati pa na mag-direk? At every time na may soap ka naman, nakikialam sa direksyon.’
“Sabi niya, ‘Puwede, pero, gusto ko munang mag-train ng konti.’
“Pero sabi ko, ‘You have the touch.’ Sabi niya, ‘Alam ko kaya ko. Pero give me the chance to gather muna.’ And nagustuhan niya. And I can see how responsible he is.”
Bahagi rin ng pagbuo ng House of D sina Rams David na talent manager (Artist Circle) at aktres na si Shyr Valdez na kaibigan ni Dina at ang abugadong si Atty. Mark Julius Estur na abogado nina Shyr at Dina at iba pang mga celebrities.
(ROMMEL L. GONZALES)

Nakaka-excite ang kanilang intimate scenes:  JOSHUA, hiyang-hiya kay ANNE dahil naamoy ang kanyang dighay

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IHAHATID ng ABS-CBN Studios ang Pinoy adaptation ng hit Korean drama na “It’s Okay to Not Be Okay,” tampok sina Anne Curtis, Joshua Garcia, at Carlo Aquino. 
Iikot ang kwento ng serye kay Patpat (Joshua), isang psychiatric caregiver na inaalagaan ang kanyang nakatatandang kapatid na si Matmat (Carlo) na may autism.
Mababago ang takbo ng kanilang buhay nang makilala nila si Mia (Anne), isang sikat pero problemadong manunulat ng mga librong pambata. Habang unti-unting lumalalim ang relasyon ni Mia at Patpat kasama si Matmat, haharapin nila ang mga sugat ng nakaraan at matutuklasan kung paano sila maghihilom mula rito.
Samantala, natanong si Joshua  tungkol sa pakikipagtambal niya kay Anne for the first time…
“Nandoon ang kaba, nandoon ang excitement, siyempre Anne Curtis ‘yun, sino ba naman ako,” pahayag pa ng aktor.
“So, in-enjoy ko lang every moment na nasa set ako ni Direk Mae (Cruz-Alviar) at tuwing kaeksena ko si Ate Anne, ay si Anne, dahil magagalit siya pag in-Ate ko siya.
“Pati si Kuya Carlo (Aquino), lahat ng moments ko with other actors like Tita Rio (Locsin), ang saya!”
Kinunan daw ang intimate scenes noong comfortable na sa isa’t-isa sina Anne at Joshua, ayon kay Direk Mae. 
Kuwento naman ni Joshua, meron daw siyang nakakahiyang experience…
“Nasa dagat kasi kami, kaya mga fish-fish ang kinakain namin, nag-lunch kami.
“Noong kinagabihan, may intimate scene kami ni Anne, ‘yun naghahabulan kami sa bed.
“Napa-dighay ako, tapos naamoy ni Anne, sabi niya, ‘dumighay ka ba?’ Sabi ko oo. Sabi niya, ‘ang baho!’
“Sobrang nakakahiya, pero atleast sobrang kumportable na namin sa isa’t-isa. Pero, oh my God, sobrang nakakahiya nun, pero share ko lang, pag marinig na ‘yun, matatawa rin siya at isi-share din niya rin ‘yun,” natatawang kuwento pa ni Joshua na isa sa pararangalan bilang Box Office Hero sa 8th EDDYS ng SPEEd na ang awards night ay sa July 20 sa Ceremonial Hall ng Marriot Grand Ballroom sa Pasay City.
Kasama rin sa cast sina Rio Locsin, Bobot Mortiz, Michael De Mesa, Maricel
Laxa, Agot Isidro, Enchong Dee, Kaori Oinuma, Bodjie Pascua, Ana Abad Santos, Sharmaine Suarez, Xyriel Manabat, Louise Abuel, Francis
Magundayao, Alora Sasam, Alyssa Muhlach, Bianca De Vera, Aljon Mendoza, at Mark Oblea.
Ang serye ay sa direksyon nina Mae Cruz-Alviar at Raymond Ocampo, at sa pangunguna nina creative producer Henry Quitain at Star Creatives business unit head Des M. De Guzman.
Mapapanood ang “It’s Okay to Not Be Okay” simula Hulyo 21, gabi-gabi simula 8:45 PM, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5. Tunghayan din ito nang mas maaga sa Netflix (Hulyo 18) at iWant (Hulyo 19).
 
(ROHN ROMULO)