• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 12th, 2025

Pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa Gitnang Kabisayaan!

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA pangunguna ni Secretary Conrado M. Estrella III, mahigit 5,000 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa Bohol at Cebu ang tumanggap ng mga titulo ng lupa, Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs), at suporta mula sa DAR na ginanap sa Mandaue City, Hulyo 10, 2025. •809 ARBs nakatanggap ng Certificates of Land Ownership Award at electronic titles para sa 840 ektarya ng lupa.• ₱334.96M na utang ng 5,285 ARB pinatawad dahil sa tinanggap nilang COCROM.• ₱1.8-M farm machineries and equipment (FMEs) para sa mas mataas na ani at mas maayos na kabuhayan. ( BOY MORALES SR.)

Grouping para sa NBA Cup 2025, inilabas na

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INILABAS na ng National Basketball Association ang grouping para sa NBA Cup 2025.

Ayon sa NBA, ang 30 team sa liga ay hahatiin sa anim na grupo batay sa kani-kanilang conference division.

Bawat team ay maglalaro ng tig-apat na Group Play game. Dalawa rito ay lalaruin sa homecourt habang dalawa ay mga road games.

Susundin din muli ang wild card tulad ng ginawa sa dalawang nakalipas na NBA Cup.

Western Conference:

West Group A

Oklahoma City Thunder
Minnesota Timberwolves
Sacramento Kings
Phoenix Suns
Utah Jazz
West Group B

Los Angeles Lakers
LA Clippers
Memphis Grizzlies
Dallas Mavericks
New Orleans Pelicans
West Group C

Houston Rockets
Denver Nuggets
Golden State Warriors
Portland Trail Blazers
San Antonio Spurs

Eastern Conference:

East Group A

Cleveland Cavaliers
Indiana Pacers
Atlanta Hawks
Toronto Raptors
Washington Wizards
East Group B

Boston Celtics
Detroit Pistons
Orlando Magic
Brooklyn Nets
Philadelphia 76ers
East Group C

New York Knicks
Milwaukee Bucks
Chicago Bulls
Miami Heat
Charlotte Hornets

Gaganapin ang unang tournament sa ilalim ng NBA Cup sa Oct 31, 2025.

Gilas Pilipinas nagdagdag pa ng isang tune-up games para sa FIBA Asia Cup

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAYROONG idinagdag na tune-up games ang Gilas Pilipinas para sa kanilang paghahanda sa FIBA Asia Cup.

Ayon kay Gilas coach Tim Cone na makakaharap nila ang Jordan sa Agosto 2 at ito ay gaganapin na sa Jeddah, Saudi Arabia.

Ang nasabing tune-up games ay apat na araw bago ang unang laro nila sa torneo laban sa Chinese-Taipei.

Dagdag pa ni Cone na humiling ang Jordan na kung maari ay makalaro sila ng tune-up.

Inaasahan na aalis sa bansa ang Gilas sa Hulyo 31 at pagdating nila doon ay agad sila sasabak sa tune-up games.

Ang Jordan na 4th placer noong 2022 FIBA Asia Cup na ginanap sa Indonesia ay nakahanay ngayong sa Group C kasama ang China, India at host country na Saudi Arabia.

Bago ang kanilang send-off sa Saudi Arabia sa Hulyo 28 ay makakaharap nila ang Macau Black Bears.

Magsisimula ang laban ng Gilas Pilipinas laban sa Chinese Taipei sa Agosto 6 ng alas-2 ng madaling araw.

Susunod na laban nila sa Group D ang world number 22 na New Zealand sa Agosto 7 ng alas-11 ng gabi oras sa Pilipinas.

Huling laban ng Gilas sa group stage ay laban sa Iraq Agosto 9 ng alas-4 ng hapon.

Makikipagkita kay Trump: Biyahe ni PBBM sa Washington, kinumpirma ng Malakanyang

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkikita at pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay US President Donald Trump para sa kanilang unang bilateral meeting sa Washington sa darating na Hulyo 20-22, 2025.

Sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na hindi niya dine-deny ang bagay na ito. Sa halip ay kinukumpirma niya ang nasabing pagbyahe ng Pangulo sa Washington.

Ipinaubaya naman ni Castro sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang detalye at kung ano ang magiging agenda ng Pangulo sa pakikipagkita nito kay Trump.

Sa kabilang dako, inanunsyo naman ni US Secretary of State Marco Rubio ang magiging pagbisita ni Pangulong Marcos sa Washington habang pinalalakas ng dalawang treaty allies ang kanilang depensa at military ties para hadlangan ang agresyon ng Tsina sa South China Sea.

Nakatakda namang mag-deploy ang Pilipinas ng trade delegation sa Estados Unidos sa susunod na linggo para ipagpatuloy ang negosasyon matapos na itaas ng administrasyong Trump ang taripa nito sa Pilipinas ng 20% maliban na lamang kapag naplantsa ang kasunduan.

“(We) look forward to hosting the President of the Philippines in Washington in a few days,” ang sinabi ni Rubio sa mga mamamahayag kasunod ng pakikipagpulong sa Philippine at Japanese counterparts sa sidelines ng ASEAN ministerial meetings sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito ay magiging official working visit para kay Panguong Marcos, ang unang head of state mula sa Association of South East Asian Nations na inimbitahan ni Trump sa White House, ayon naman kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez.

Hindi naman dinetalye ni Romualdez ang eksaktong petsa ng pagbisita subalit may dalawang Philippine government officials, hindi pinangalanan dahil hindi awtorisadong magsalita sa bagay na ito ay nagsabi na tinitingnan ng Manila at Washington ana magkaroon ng pag-uusap sa  July 21 o July 22 .

Nagkaroon naman sina Rubio, Philippine Foreign Secretary Theresa Lazaro, at Japanese Foreign Minister Takeshi ng kanilang unang trilateral meeting, araw ng Huwebes, muling pinagtibay ang kanilang commitment na palakasin ang economic at security ties habang humaharap sa umiigting na paggigiit ng Tsina at pagpapalawak ng kanilang military presence sa pinagtatalunang South China Sea – isang mahalagang trading route.

Inilarawan naman ni Rubio ang pagpupulong bilang “excellent” nang tanungin ukol sa kinalabasan ng pagpupulong, tanda ng commitment ng Washington sa trilateral arrangement na sinimulan ng ‘political rival at predecessor’ n trump na si Joe Biden.

“We have a great relationship with Japan and the Philippines, and work very closely with them on the economic corridor on maritime security, and territorial integrity to build upon that partnership,” ang sinabi pa rin ni Rubio.

(Daris Jose)

Australia, tutulungan ang PCG ng P110M halaga ng karagdagang drones, tech

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG magbigay ang Australia ng P110 milyong halaga ng karagdagang drones at maritime domain awareness-related technology sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ito ang inanunsyo ni outgoing Australian Ambassador to the Philippines HK Yu.

Sa pagsasalita sa Stratbase ADRI forum sa Makati City, sinabi ni Yu na ang bagong assistance package ay ihahatid sa mga susunod na taon at isasama hindi lamang equipment kundi pagsasanay din at integration support.

“Our commitment goes further than physical assets. It also includes operational training, support, and an integration package,” ang sinabi ni Yu.

“This capability uplift is another example of Australia’s ongoing commitment to provide tangible assistance to the Philippines to boost its maritime domain awareness,” aniya pa rin.

Ang bagong tulong ay karagdagan sa P34 milyong halaga ng drones at operator training na kamakailan lamang na ay ipinagkaloob ng Australia sa PCG.

Buwan ng Abril, tinurn over ng Australia ang 20 world-class aerial drones sa Pilipinas, mga kagamitan. Umaasa ito na mapalalakas ang ‘strategic maritime domain awareness capabilities’ ng PCG.

Ang drones ay ibinigay bilang bahagi ng civil maritime cooperation ng Canberra kasama ang Maynila, kabilang din ang ‘vessel remediation, postgraduate scholarships, operational training, marine protection, at annual Law of the Sea courses.’

Maliban sa pagkakaloob ng kagamitan, pinaigting ng Canberra ang cyber support nito para sa PCG, tinukoy ang papel bilang isang front-liner hindi lamang sa karagatan kundi maging sa cyberspace ng bansa.

“Through the DFAT’s (Department of Foreign Affairs and Trade) Southeast Asia and Pacific Cyber Program, we are stepping up cyber capacity building support to the Philippines as a priority partner country,” ang sinabi ni Yu.

“Australia is committed to supporting the PCG, the Philippine National Police, and various other departments as they work to boost their capabilities to mitigate and respond to cyber incidents.” aniya pa rin.

Matatandaang, noong nakaraang taon, inanunsyo ni Yu na magdodoble o dodoblehin ng Australia ang civil maritime cooperation commitment nito sa Pilipinas sa P649 million mula 2025 hanggang 2029. (Daris Jose)

Register anytime, anywhere, isasagawa ng COMELEC

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISASAGAWA ng Commission on Elections (Comelec) ‘ang pilot test na ‘Register Anytime, Anywhere’ program nito sa National Capital Region (NCR) kapag natuloy ang voter registration sa susunod na buwan.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, asahan ang pagsasagawa ng voter registration sa piling hospitals, call centers, transport terminals, airports at iba pang public places. Mayroon din aniyang registration kahit sa gabi.

Aniya, kapag mayroon nang mas mahabang panahon ng voter registration, maaaring gamitin ang programang ito sa buong bansa.

Kahit na ang nationwde voter registration period ay mula Agosto 1 hanggang 10, ang pilot test sa NCR ay isasagawa lamang hanggang Agosto 7.

Ang 10 araw na nationwide voter registration sa susunod na buwan ay inaprubahan ng Comelec en banc . Kaugnay ito sa barangay at sangguniang kabataan Elections na itinakda sa Disyembre 1. (Gene Adsuara)

12K mga pulis ikakalat sa SONA

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa halos 12,000 mga pulis ang itatalaga at ipapakalat sa buong bansa ng Philippine National Police (PNP) para sa seguridad sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na Hulyo 28.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, nagpatawag bandang alas-4 ng madaling araw nitong Martes nang command conference si PNP chief Gen. Nicolas Torre III na dinaluhan ng mga regional directors partikular na ang regional director mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) upang talakayin ang magiging deployment sa araw ng SONA ng Pangulo.

Sinabi ni Fajardo na kailangan nang mailatag ang security plan upang malaman kung may mga dapat na ipatupad kabilang na sa mga grupong mga lalahok sa iba’t ibang aktibidad maging pabor o kontra sa pamahalaan.

Nabatid kay Fajardo na inatasan ni Torre ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na magsagawa ng “honest to goodness” threat assessment para sa SONA.

Sa pagkakataong ito, sinabi ni Fajardo na pagaganahin din ang Task Force “Manila Shield” o iyong pagde-deploy ng karagdagang puwersa mula Central at Southern Luzon para makatuwang sa border control. (Vina de Guzman)

Sasailalim sa pagsusuri ng forensic experts… SAKO NG MGA BUTO, NATAGPUAN SA TAAL LAKE   

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ILANG sako na naglalaman ng buto ang natagpuan sa search and retrieval operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Taal Lake Batangas.

Sinimulan ang search and retrieval operation nitong Huwebes sa mga labi ng mga nawawalang mga sabungeros na sinasabing itinapon sa lawa ng Taal Lake sa pagitan ng apat na taon mula 2021.

Wala pa namang ibinibigay ang PCG na eksaktong bilang ng sako na hinihinalang naglalaman ng buto ng tao na natagpuan sa lawa.

Hindi pa makumpirma kung ito’y mga buto ng tao. Agad naman itong i-tinurnover sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) para isailalim sa forensic examination.

Nadiskubre rin ang sako na may laman na hinihinalang buto ng tao pero sasailalim pa ito sa forensic examination ayon na rin sa Department of Justice (DOJ).

Samantala, mamayang alas-dos ng hapon magsasagawa ng press briefing si Commodore Geronimo Tuvilla, commander ng Coast Guard District Southern Tagalog kaugnay sa resulta ng unang araw ng paghahanap sa mga nawawalang sabungero.

Ayon sa mga awtoridad, ang pinakamalalim na bahagi ng lawa ay aabot ng hanggang 198 metro, na katumbas ng isang 60-palapag na gusali.

Ilan naman umano sa mga hamong maa­aring kaharapin ng mga searchers ay ang pagsama ng panahon at malakas na current ng tubig, gayundin ang banta ng pag-aalboroto ng bulkan.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi lamang 34 kundi nasa 100 sabungero ang pinaniniwalaang itinapon sa Taal Lake simula 2021 hanggang 2022.

(Gene Adsuara)

Tulak na lola, kasabwat laglag sa P510K shabu sa Caloocan

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang 67-anyos na lola matapos malambat ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) OIC chief P/Capt. Regie Pobadora ang naarestong mga suspek na sina alyas “Baks”, at alyas “Takoy”, 46, kapwa itinuturing bilang High Value Individuals (HVI) at parehong residente ng Brgy., 143, ng lungsod.

Ayon kay Capt. Pobadora, positibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng mga suspek ng shabu kaya ikinasa nila ang buy bust operation, sa koorsinasyon sa PDEA nang magawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isa sa kanyang mga tauhan.

Nang matanggap ang signal mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na positibo na ang kanilang transaksyon, agad sumugod ang mga operatiba ng DDEU at inaresto ang mga suspek dakong alas-4:45 ng madaling araw sa Brgy. 133.

Ani Capt. Pobadora, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 75 grams ng hinihinalang shabu na may estimated standard drug price na P510,000.00 at buy bust money.

Nakatakdang sampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5, 26, at 11, under Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng inquest proceedings.

Pinuri naman ni NPD Acting Director P/BGen. Arnold Abad, ang pagsisikap ng mga operatiba ng DDEU para sa kanilang pangako sa kampanya laban sa ilegal na droga. (Richard Mesa)

P1,000 allowance sa bawat estudyante, ipinamigay ni Batangas Rep. Leandro Legarda Leviste sa Batangas

Posted on: July 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ni Batangas Rep. Leandro Legarda Leviste ang pagbibigay ng P1,000 allowance sa mga estudyante.

Bilang panimula, namahagi si Leviste ng allowance sa may 150,000 mag aaral sa unang distrito ng Batangas.

Sa pamamagitan ng Lingkod Legarda Leviste Foundation, nagpamahagi si Leviste ng allowances sa elementary at high schools sa Nasugbu, Lian, Calatagan, Tuy, at Balayan nitong July 11, 2025.

Susundan ito sa  Calaca, Lemery, at Taal. makukumpleto ni Leviste ang pamamahagi ng allowance bago matapos ang buwan sa bawat estudyante sa Batangas ng walang gastos sa gobyerno.

Sa House Bill No. 27, ipinanukala nito ang  National Student Allowance Program upang mabigyan ang bawat  Filipino student, mula kindergarten hanggang  college, ng ₱1,000 allowance upang matulungan na mapunan ang  basic needs nito tulad ng pagkain, transportation, at school supplies.

Ito ay sa kundisyon na nakasunod ang estudyante sa minimum attendance requirements.

Habang nakakuha ng suporta ang panukala, nakaharap naman ito sa hamon ng pondo mula sa gobyerno.

Personal na pinondohan ni Leviste ang nasabing allowances sa kanyang distrito.

Naniniwala ito na makakatulong ang programa para mapabuti ang academic performance ng mga Filipino students, mabawasan ang kahirapan at maitaas ang long-term competitiveness.

(Vina de Guzman)