• April 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 11th, 2025

Technical site assessment isasagawa sa Taal Lake 

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISANG technical site assessment ang isasagawa ng  Department of Justice (DOJ) sa pagtutulungan ng Philippine Coast Gua rd, PNP-CIDG  sa isang bahagi ng Taal Lake.

Ayon kay DOJ Assistant Secretary Mico Clavano, sinuri muna ng team ang kundisyon ng tubig sa lawa at ang area kung saan gagawin ang search and retrieval operation.

Pero ito ay depende pa rin umano sa kundisyon ng panahon kaya naman posibleng bukas, Hulyo 11 pa simulan ang search and retrieval operations ng mga technical divers ng Philippine Coast Guard (PCG).

Base umano sa nakalap nilang impormasyon mula kay alyas Totoy at sa iba pang mga credible na mga impormante  ay nasa 30 meters ang lalim ng lake o ng eksaktong area na kanilang isi-search.

Inatasan din si Coast Guard District Southern Tagalog Commander, Commodore Geronimo Tuvilla na pamunuan ang lahat ng tactical operation kabilang ang pagbibigay ng gabay sa kaligtasan ng mga tauhan at pagsaalang-alang sa kalikasan.

Sinabi pa ni Clavano na kumpiyansa naman sila pero kailangan pa rin na i-validate ang bawat impormasyon na kanilang natatanggap lalo pa ngayon na mayroon na silang lead at hawak na testigo, bukod pa sa marami nang lumalapit pa na ibang impormante.  (Gene Adsuara)

Apela ng mambabatas matapos ibasura ng Makati City Prosecutor’s ang reklamo sa kanya  

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA si Bacolod City Rep. Alfredo Abelardo “Albee” Benitez sa publiko na isantabi na sana ang isyu laban sa kanya matapos na magdesisyon ang Makati City Prosecutor’s na ibasura ang reklamo laban dito.

Ang panawagan ay ginawa ng mambabatas matapos na i-dismiss ng Makati Prosecutor ang kasong isinampa laban sa kanya ng dating asawa.

Sa resolution ng Makati City Prosecutor’s Office na ipinalabas nitong Hunyo 23, 2025, ang reklamo ni Dominic “Nikki’ Lopez laban kay Benitez sa paglabag ng Section 5(e) (2) and (1) ng Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children Act of 2004; ay ipinag-utos na i-dismiss dahil sa kakulangan ng ebidensiya o lack of merit.

Matapos ang masusing rebyu, nakita ng prosekusyon na walang basehan ang ikinaso laban sa mambabatas na economic abuse o psychological violence.

Walang ebidensiyang naipakita na sumusuporta sa alegasyon at hindi rin nito napunan ang legal standards para sa criminal prosecution.

Sa kabuuan ng proseso, nanatili aniya ang Kongresista na manahimik bilang respeto na rin sa kanyang pamilya at kumpiyansa sa legal system.

“This resolution confirms what I have maintained from the beginning—that the accusations were baseless and malicious. I ask that this matter now be laid to rest, and that innocent individuals, especially my children, be given the privacy to move forward away from this controversy,” pahayag ni Benitez. (Vina de Guzman)

Constitution, hindi survey, ang dapat magsilbing guide sa VP Sara impeachment trial

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni House prosecutor Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na dapat ituloy ng Senado ang impeachment trial ni VP Sara Duterte, dahil ang proseso ay isang constitutional duty na hindi dapat maapektuhan ng public opinion.

“Well, I have said this earlier, regardless of the result of the survey, we have a constitutional duty that we really have to face. There is nothing which is more supreme than the Philippine Constitution. Sapagkat ito ang mandato ng taong bayan,” ani Luistro.

Anuman ang naging resulta ng survey, mataas man ang porsyento ng sumusuporta sa impeachment o mababa ay mandatoryo para sa kanila na ituloy ang pagsasagawa ng trial.

Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod na rin lumabas na pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey kung saan 59% ng mga Filipino respondents ang boto sa impeachment complaint laban kay Duterte.

Sa mga na-survey, 42% ay hindi pabor sa complaint, 32% ang pabor at 18% ang undecided. Habang ang natitirang 7% ay nagsabing walang sapat na kaalaman sa para magbigay ng opinyon.

Lumitaw din sa June 25 to 29 survey na 44% ng respondents ang naniniwala na ang Senado, bilang impeachment court, ay sinasadyang dini-delay ang trial. Nasa 25% naman ang hindi niniwala dito at 22% ang undecided, at 9% ang ‘lacked sufficient knowledge to answer.’

Sinabi ni Duterte na ang impeachment complaint ay isang political persecution at harassment. Hinahanda na aniya ng kanyang legal team ang solidong argumento para maipabasura ang kaso.

Kontra naman si Luistro sa pahayag ni Duterte na nagsabing ang proseso ay dapat husgahan sa pamamagitan ng lakas ng ebidensiya at hindi political rhetoric.

“Kung walang ebidensiya, that is political prosecution. Pero kung may ebidensya, that is a legitimate prosecution. As far as we are concerned, we have ample and strong evidence supporting the seven Articles of Impeachment,”ani Luistro.

(Vina de Guzman)

2 tulak sa Taguig, nalambat sa Caloocan

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa mahigit P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVIs) nang matiklo sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Caloocan Police OIC chief P/Col. Joey Goforth ang naarestong suspek na sina alyas “Bossing”, 23, mangingisda ng Ususan, at 24-anyos na tricycle driver, ng Hagonoy, kapwa ng Taguig City.

Sa kanyang report kay Northern Police Distict (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad, nagawa umanong makipagtransaksyon ng isa sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa mga suspek kaya ikinasa ng SDEU ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA.

Dakong ala-1:29 ng madaling araw nang makipagtagpo umano ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo sa Phase 4, Package 4 St., Brgy. 176, Caloocan City at bintahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggp na buyer na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 55 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P374,000, buy bust money na binubuo ng isang P500 bill at anim P1,000 boodle money, at gamit nilang PCX motorcycle.

Sasamahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng Article II ng R.Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa pamamagitan ng Inquest Proceeding sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Renewal ng lisensya, available na sa eGovPH APP; LTO nanawagan na gamitin ang online na serbisyo

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ng Land Transportation Office (LTO) sa patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ang publiko na gamitin ang online driver’s license renewal sa pamamagitan ng eGovPH app.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, layunin ng integrasyon ng driver’s license renewal sa eGovPH app na mapabilis at maging mas maginhawa ang proseso para sa publiko, saan man sila naroroon.

“Mas maginhawa itong alternatibo kaysa sa pagpunta pa sa mga tanggapan ng LTO dahil wala ka nang kailangang gastusin sa pamasahe, at hindi mo na rin kailangang pumila,” ani Asec. Mendoza.

Upang magamit ang serbisyong ito, kailangang i-download at i-install ng mga kliyente ang eGovPH app sa kanilang smartphone, na available sa parehong App Store at Google Play. Kailangan munang dumaan sa security verification ang app upang matiyak na ligtas ang iyong account.

Ayon kay Asec. Mendoza, ang matagumpay na transaksyon ay nangangahulugang renewed na ang lisensiya ng aplikante, at awtomatikong lalabas ang Electronic Driver’s License (e-license) sa loob ng eGov app.

Binigyang-diin din ni Asec. Mendoza na ang e-license ay may bisa gaya ng physical card. Maaari rin aniyang pumili ang kliyente ng courier provider para sa delivery ng physical license, o kaya’y magpa-schedule ng pick-up sa pinakamalapit na district office.

“Lahat ng mga hakbang na ito ay bahagi ng digitalization efforts ng LTO upang gawing mabilis at maginhawa ang bawat transaksyon, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos sa pamamagitan ni Secretary Dizon. Patuloy naming pinapabuti ang aming mga digital na serbisyo upang mapagsilbihan ang bawat Pilipino saan mang dako ng mundo,” ani Asec. Mendoza.

Matatandaang noong nakaraang taon, pinangunahan ni Asec. Mendoza ang paglulunsad ng online driver’s license application para sa mga Pilipino sa Taiwan. (PAUL JOHN REYES)

Pahayag mula sa mga lisensyadong online gaming operator sa Pilipinas

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPINUPUNTO ng industriya ang mga aral mula sa mundo na nagpapatunay ng panganib ng ganap na pagbabawal. Sa 195 bansa sa buong mundo, 177 ang pumili na isailalim ang online gaming sa regulasyon. Ang natitirang 18 na bansa, kasama ang North Korea, Iran, at Somalia ay mayroong mga ganap na pagbabawal, at walang nagtagumpay sa pagpigil sa underground o ilegal na gaming. Noong 2006, nagkaroon ng pagbabawal sa Estados Unidos, at nahikayat lamang ang mga Amerikanong manlalaro na mga offshore sites na hindi sumailalim sa regulasyon. Noong 2013, trinabaho ng Estados Unidos na gawing legal ang online gaming upang makontrol muli ang industriya, at nakapagbigay ito ng US$ 71.9 bilyon na kita, at higit US$ 15 bilyon na buwis. Nakita rin ito ng mga bansang Sweden, Brazil, Colombia at Argentina: ang pagbabawal ay nagsisilbing mitsa ng mas malaking krimen; habang susi naman ang regulasyon sa pagkontrol at paggamit nito tungong pang-unlad.

Ang kaso ng Pilipinas

Pareho ang kuwento ng mga numero sa Pilipinas. Mula nang palawaking ang mga legal na online gaming platform at isailalim ang mga ito sa regulasyon noong 2022, umakyat mula P12.3 bilyon tungo sa P54 bilyon ang kinolektang license fees ng PAGCOR noong 2024. Ang pondong ito ay direktang napunta sa mga proyektong pambansa na pinakikinabangan ng bawat Pilipino. Umabot naman sa P112 bilyon ang kabuoang kita ng PAGCOR, at halos kalahati nito ay mula sa online gaming. Mahigit 50,000 na Pilipino ang nagtatrabaho na ngayon sa sektor, karamihan sa mga matataas at mahahalagang posisyon sa teknolohiya, cybersecurity, creative design, at artificial intelligence.

Babala ng mga lisensyadong operator, ang hindi-pinag-isipang pagbabawal, o ang pag-alis ng mga lehitimong payment channel ay sisira lamang sa mga tagumpay na ito, bubura sa libo-libong trabaho, at ibibigay ang buong merkado sa ilegal na mga site. Sa mga ilegal na espasyong ito, mawawala ang lahat ng proteksyon ng mga manlalaro: hindi masisigurong edad 21 pataas lamang ang makakapaglaro, walang seguridad sa data, walang suporta sa problematikong pagsusugal, at walang kontribusyon sa pambansang ekonomiya.

Panawagan sa balanse at matalinong regulasyon.

Sa halip na mga pagbabawal na magtutulak sa mga manlalaro na magtago, nanawagan ang industriya sa mga mambabatas na patatagin ang mga patakarang epektibo: maging mas mahigpit.

Unilab at Mercury Drug, nagdiriwang sa ika-80 taon: GARY at BINI, tampok sa star-studded concert na ‘Alagang Suki Fest 2025’

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NGAYONG 2025, ipinagdiriwang ang isang espesyal na okasyon dalawa sa pinakamarkado at pinagkakatiwalaang healthcare brands sa Pilipinas, ang Unilab at Mercury Drug, ay magdiriwang ng kanilang ika-80 anibersaryo!
Para ipagdiwang ang walong dekada ng tunay na “alaga,” magkakaroon sila ng engrandeng thank-you party para sa mga Pinoy ng iba’t ibang henerasyon: ang Alagang Suki Fest 2025, isang one-night-only concert na magaganap sa July 31, 2025, 5PM, sa Smart Araneta Coliseum.
Level-up na selebrasyon ng musika, komunidad, at pag-aalaga, ang Alagang Suki Fest 2025 ay magdadala ng star-studded na lineup ng mga performers. Kasama rito ang sikat na alternative rock band na Mayonnaise, mga patok sa Gen Z na sina Maki at Darren Espanto, ang P-Pop powerhouse at tinaguriang “Nation’s Girl Group,” BINI, at ang walang kupas na OPM icon na si Gary Valenciano.
Naikuwento ni Ms. Claire D. Papa (Asst. Vice President, Corp. Branding and Social Media Partnerships) na super happy sila sa BINI dahil effective silang endorsers ng iba’t-iba produkto tulad ng Enervon Z+.
Matagal na “suki” man o baguhan, ang concert na ito ay iyong pagkakataong makikanta, sumayaw, at magpasalamat kasama ang Unilab at Mercury Drug na tumulong at nag-alaga sa mga Pilipino sa loob ng 80 taon.
Ang milestone event na ito ay isang pagdiriwang ng katatagan ng Pinoy sa buhay at negosyo, kalusugan, komunidad at bayanihan. Nang magsimula ang taon, sinimulan ng Unilab ang kanilang 80th anniversary celebration sa PhilSports Arena kasama ang mahigit 4,000 empleyado at mga partners.
Doon, ipinahayag ng Unilab ang kanilang layunin ang magpatuloy na maging isang healthcare leader na handa sa pagbabago at modernisasyon. Ngayon, nagsanib-puwersa ang Unilab sa Mercury Drug upang magbigay ng saya at pasasalamat sa kanilang loyal customers sa pinakamaalaga at masayang paraan.
Ang mga miyembro ng Alagang Unilab Rewards at nagmamay-ari ng Mercury Drug Suki Card ay maaaring makakuha ng libreng tickets para sa Alagang Suki Fest 2025.
Narito ang mga hakbang para makuha ang tickets:
1. Bumili lamang ng mga kasaling Unilab OTC products gaya ng (Immunpro, Enervon, Ceelin, Biogesic, Alaxan at iba pa) sa kahit saang Mercury Drug branch nationwide. Mag-ipon ng minimum na 100 points mula sa pagbili.
2. Gamitin ang inyong Mercury Drug Suki Card.
3. I-upload ang resibo gamit ang Alagang Unilab Rewards Facebook Messenger; hanggang tatlong resibo lamang ang maaaring i-upload kada araw.
4. Matapos i-upload ang resibo, makakakuha ka ng unique offer code na gagamitin para sa pag-claim ng iyong e-ticket sa TicketNet online.
Maaaring makakuha ng hanggang tatlong (3) tickets bawat myembro ng Alagang Unilab Rewards- oo, puwedeng isama ang barkada!
Ang promo ay magaganap mula May 23 hanggang July 20, 2025, o hanggang mayroon pang ticket.
Mula sa simpleng medicine cabinet hanggang sa bonggang entablado, ang Unilab at Mercury Drug ay palagiang nagbubuhos ng pagmamahal. Saksi ang 80 taon sa kanilang pag-aalagang tunay at nagtatagal.
Para sa buong detalye ng promo at listahan ng mga participating Unilab OTC products, bisitahin rewards/alagang-suki-fest ang https://www.unilab.com.ph/alagang-unilab-
(ROHN ROMULO)

‘Superman’ leads MTRCB’s family-friendly film lineup this week

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

THE Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) has approved three films for public exhibition this week, all receiving a PG (Parental Guidance) rating.

PG rating ensures the material is appropriate for viewers under the 13 accompanied by a parent or supervising adult.

Leading the lineup is the latest installment in the iconic superhero franchise, “Superman,” which brings the beloved Man of Steel back to the big screen.

Reviewed by MTRCB Board Members Eloisa Matias, Racquel Maria Cruz and Juan Revilla, the film explores the reconciliation of Superman (David Corenswet) with his alien Kryptonian heritage and adoptive human family.

Inspired by true stories, the locally produced romantic drama “I Remember You,” starring Filipino actors JC Santos and Valeen Montenegro, is set in the scenic island of Boracay where Gani (Santos), and Debby (Montenegro), both ex lovers, cross paths again.

For K-pop fans, “HYBE Cine Fest,” offers a celebration of Korean music and culture, brought to the big screen by entertainment powerhouse HYBE.

The film features exclusive performances from some of today’s biggest K-pop groups, including BTS, SEVENTEEN, TOMORROW X TOGETHER, ENHYPEN, LE SSERAFIM, &TEAM, BOYNEXTDOOR, TWS, ILLIT and KATSEYE.

MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio reminds the public of the importance of responsible viewing, especially for young audiences.

“Our age-appropriate classifications help parents and supervising adults make informed choices while enjoying quality content together as a family,” said Sotto-Antonio.

The Board remains committed to promoting responsible viewing and content creation while supporting the diversity of global and local films in Philippine cinemas.

(ROHN ROMULO)

‘Di pinalampas ang mamasyal sa magagandang tourist spots: JULIE ANN at RAYVER, parang turistang nagha-honeymoon sa UK

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PARA lang daw mga turistang nagha-honeymoon sa United Kingdom ang Kapuso couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Nasa UK ang dalawa para mag-perform sa Barrio Fiesta 2025 kasama ang mga Global Pinoys. After ng show, in full tourist mode at hindi pinalampas ng JulieVer loveteam na mamasyal sa ilang magagandang tourist spots.
Ang latest na pinuntahan nila ay ang iconic megalithic structure na Stonehenge sa Witshire, England.
“Loved and found,” caption nila sa kani-kanilang Instagram post.
Binisita rin ng The Clash hosts ang Windsor Castle, Notting Hill, Abbey Road, Buckingham Palace and the Big Ben. May kuha sila sa  iconic red telephone box in London.
***
MARAMI ang nag-comment sa pinost na video ni Gladys Reyes sa Facebook na meron itong inaaway na babae na ang pangalan ay Felma.
Sey niya sa nag-viral na video: “Paawa ka, pa-victim. Hindi mo naman sinasabi ‘yung totoong kuwento.”
Pero para pala ito sa publicity ng bagong aabangan na GMA Afternoon Prime teleserye na Cruz Vs. Cruz kunsaan bida sina Gladys at Vina Morales.
Ayon sa official Facebook pages ng GMA Network at GMA Drama: “Legal na misis ng OFW na nag-viral kamakailan, SUMAGOT SA MGA PARATANG! Sa video na kanyang pinost sa social media na sagot sa video ng orihinal na misis ng kanyang asawa, matapang niyang pinagdiinan na siya ang pinakasalan kaya hindi siya ang mang-aagaw!”
Dahil sa makatotohang ngit-ngit ni Gladys sa video, may mahigit one million views na ito sa Facebook page ng GMA Network at mahigit 100,000 views sa GMA Drama Facebook page.
***
SINILANG na ni Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow ang baby girl nila Tim Tebow last July 6.
Proud na pinost ng South African beauty queen ang baby girl nilang si Daphne Reign Tebow on IG.
“Our daughter is here! We couldn’t be more grateful for the blessing and gift of this new little life. We’ve been so excited to share this with you… Meet our daughter, Daphne Reign Tebow,” caption pa niya.
The couple first announced they were expecting back in January, with Demi-Leigh telling People magazine, “We are just so excited and so over the moon to be having a baby together.”
Sey naman ng former NFL athlete na si Tim:  “Honored for the privilege of getting the responsibility and the joy of being mom and dad.”
Nagkakilala sina Demi-Leigh at Tim in 2018 at kinasal sila in 2020.
(RUEL J. MENDOZA)

Matapos iurong nila ni Sen. Kiko ang kaso kay Cristy: SHARON, mas masaya ang puso at may katahimikan

Posted on: July 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ANG ganda ng latest Facebook post ni Megastar Sharon Cuneta tungkol sa pag-urong nila ni Sen. Kiko Pangilinan sa cyber libel  case laban kay Cristy Fermin.
“Di basta naitatapon at nalilimot ang pagkakaibigan. Napakadaling ipagpatuloy ang pagmamahalan!
“My heart is so happy and at peace,” caption ni Mega, kasama ang articles mula sa ABS-CBN at GMA.

Ipinost nga ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook account ang pagkikita nina Sharon, Sen. Kiko at Nay Cristy.

Nag-public apology si Cristy sa kanyang YouTube channel para sa mag-asawa at sabi nga ni Nay Cristy, “Kung nakakapanakit tayo ng damdamin, marunong din tayo dapat humingi ng tawad.”

“Hindi naman sa korte lang lagi ang lugar para ipaglaban ang karapatan at katotohanan. Pwede namang mag-usap nang puso-sa-puso.”
“Hanggang sa pairalin ang pagpapatawad. Lalo na kung meron namang nabuong relationship noong araw pa.”
Post pa ni Ogie, “Thank you, Sen. Kiko Pangilinan and Mareng Mega,”
Matatandaang na nagsampa ng cyber libel case laban kay Cristy ang mag-asawa.
Isa kami sa natuwa sa pangyayari ito na kung saan labis na hinangaan ng netizens si Mega at kanyang asawa.

***

8th EDDYS ng SPEEd, magbibigay ng tulong sa Little Ark Foundation
MAS magiging makabuluhan ang pagtatanghal ng ika-8 edisyon ng The EDDYS (The Entertainment Editors’ Choice Awards) sa darating na July 20, 2025.
Inanunsiyo ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na magiging beneficiary ng 8th EDDYS ang Little Ark Foundation.
Ngayong taon, ibabahagi ng SPEEd ang pagtulong at pagsuporta sa mga batang patuloy na nakikipaglaban sa iba’t ibang medical condition.
Ang Little Ark Foundation ay isang non-governmental organization na nagbibigay ng komprehensibong suporta sa mga batang may cancer, thalassemia at iba pang malubhang sakit.
Bukod dito, nag-aalok din sila ng iba pang tulong tulad ng pansamantalang pabahay, transportasyon, pang-araw-araw na pagkain at emosyonal at logistic na suporta para sa mga pamilya.
Ang misyon nito ay bigyan ang mga bata hindi lamang ng pangangalaga na kailangan nila, kundi pati na rin ng isang ligtas na lugar upang gumaling at mangarap.
“This year, The EDDYS goes beyond recognizing cinematic excellence by standing with children who are bravely fighting for their lives,” pahayag ni Salve Asis, pangulo ng SPEEd.
“Through our support of the Little Ark Foundation, we hope to help ease their journey and bring attention to the crucial work being done for these young patients and their families,” dagdag ni Asis.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano suportahan ang Little Ark Foundation, bisitahin ang kanilang official website, littlearkfoundation.org.
Ang 8th EDDYS ay magaganap sa July 20 sa Ceremonial Hall ng Marriott Ballroom sa Newport World Resorts sa Pasay City.
Magkakaroon ito ng delayed telecast sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at may worldwide streaming sa iWantTFC sa July 27, Linggo.
Co-presenter ng 8th EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment na pinangu­ngunahan ni Pat-P Daza at ididirek muli ni Eric Quizon.
Major presenter ang Playtime PH sa pakikipagtulungan  Globe at Unilab.
Ang SPEED ay pinamumunuan ng kasalukuyang presidente ng grupo na si Salve Asis ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.
Para sa karagdagang detalye, maaaring i-follow ang official Facebook page ng The EDDYS (The Entertainment Editors’ Choice).
Itinatag noong 2015, ang SPEEd ay binubuo ng mga entertainment editor mula sa mga nangungunang pahayagan, tabloid at online site sa Pilipinas.
(ROHN ROMULO)