• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 10th, 2025

2 HVI drug suspects, laglag sa buy bust sa Caloocan  

Posted on: July 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang dalawang drug suspects na itinuturing bilang High Value Individuals (HVI) matapos bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 under Article II ng R.A 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina alyas “Tetung”, 34, ng Tondo, Manila at alyas “Tonton”, 41, tricycle driver, ng Maypajo, Caloocan.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District – District (NPD) Acting Director P/BGen  Arnold Abad, sinabi ni P/Capt. Regie Pobadora, OIC chief ng Drug Enforcement Unit (DDEU), dakong alas-4:43 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa Barangay 28, Caloocan City.

Ayon kay Capt. Pobadora, ikinasa nila ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Lt. Victorino Ledesma, sa koordinasyon sa PDEA nang magawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isa sa kanyang mga tauhan.

Nang tanggapin umano ng mga suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba ng DDEU.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 60 grams ng hinihinalang shabu, na may estimated standard drug price na P408,000 at buy bust money. (Richard Mesa)

Valenzuela LGU, magtatayo ng “Sentro Health Hub”  

Posted on: July 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UPANG makapagbigay ng round-the-clock na medical at healthcare services sa mga residente, magtatag ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor Wes Gatchalian ng mga dalubhasang community health clinics na mag-ooperate, simula Lunes hanggang Linggo, umulan man o umaraw at maging sa panahon ng bakasyon.

Ayon kay Mayor WES, ang mga pasilidad na ito ay tatawaging “Sentro Health Hub” na mag-aalok ng malawak na hanay ng mga serbisyong medikal at pangangalagang pangkalusugan, kumpleto sa gamit at puno ng mga gamot at iba pang mga pangangailangan, na may mas komportableng mga pasilidad at amenities, na pamamahalaan ng isang pangkat ng mga medikal at propesyonal sa kalusugan sa lahat ng oras.

Sa una, limang naturang hub ang itatayo sa mga strategic na lokasyon sa buong lungsod para mas madaling mapuntahan ng mga Valenzuelanos. Bawat isa ay pamamahalaan ng dalawa hanggang tatlong pangkat ng mga tauhan ng medikal at pangangalagang pangkalusugan.

“Itong mga mga mega hubs na itatayo natin, bukas, maging sa mga holidays. “Naniniwala ako na ang healthcare ay para sa lahat, hindi ito para sa mga piling tao, para ito sa lahat.” ani Mayor WES.

Sa buong linggong operasyon nito, sinabi niya na ang mga Valenuelano na hindi nakakabisita sa mga barangay health center tuwing weekdays ay maaari na ngayong makapunta sa weekend at holidays.

Ang inisyatiba ng Sentro Health Hub ay bahagi ng kampanyang adbokasiya ng “This is life, Valenzuelife” ni Mayor WES na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng pamumuhay sa lungsod. (Richard Mesa)

Yorme Isko ipatutupad tax amnesty

Posted on: July 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPATUPAD ng tax amnesty si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa lungsod.

Nabatid na nilagdaan na ni Moreno kahapon ang Ordinance No. 9118 na nagkakaloob ng general tax amnesty sa Maynila.

Alinsunod sa ordinansa, ang lahat ng delingkwenteng tax payers na mag-a-avail ng tax amnesty ay hindi na pagbabayarin ng multa at surcharges mula Hulyo hanggang Disyembre 31, 2025.

Sakop umano ng programa ang mga hindi nabayarang business taxes, delinquent real property taxes, ordinance violation receipts (OVRs), regulatory and service fees at local transfer taxes.

“Despite this situation, everyone in this city, gusto namin iparamdam sa inyo na ang gobyerno ng Lungsod ng Maynila ay nakapagpagaan ng katayuan sa hirap na kinakaharap ng marami nating kababayan na nagbabayad ng buwis,” ayon kay Moreno, sa isang Facebook post.

“Una sa mahinang negosyo, pangalawa sa hirap ng buhay dahil ang ekonomiya’y may mabigat na hamon sa lahat dahil sa nangyayari sa mundo. Mas minabuti naming unawain ang mamamayan at bigyan ng tamang pansin ang hirap na kinakaharap ng ating nasasakupan,” dagdag pa ng alkalde. (Gene Adsuara)

Nutrition Month 2025

Posted on: July 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month 2025, nagsagawa ng nutri-parade ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco, katuwang ang mga barangay na may temang, “Food at Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!” (Richard Mesa)

Jobless Pinoy, bumaba

Posted on: July 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BUMABA ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho sa 2.03 milyon na lamang noong Mayo, mas mababa sa 2.06 milyon na naitala noong Abril.

Sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) Undersecretary Claire Dennis Mapa, nanga­ngahulugan ito ng pagbaba sa 3.9% noong Mayo 2025 kumpara sa 4.1% noong Abril 2025 at Mayo 2024.

Ang services ­sector ang nakakakuha ng pinakamalaking numero na may 61.8%, sinundan ng agrikultura na 21.1%, at sa industry na may 17.1%.

Samantala, bumaba rin ang bilang ng underemployed na mga Filipino o yung may trabaho na pero naghahanap pa ng karagdagang trabaho.

Nasa 6.60 milyon na lang ang underemployed noong Mayo, mas mababa sa 7.09 milyon noong Abril.

Isinagawa ang survey noong Mayo 8-28 sa 11,083 households sampled.

RIHANNA IS “SUPER INSPIRED” BY THE “INDEPENDENT, STRONG, BEAUTIFUL, SASSY, WITTY AND VERY EMPATHETIC” SMURFETTE

Posted on: July 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

#SmurfsMovie

Photo credit: Paramount Pictures

Rihanna, who voices Smurfette in the new Smurfs movie, has been a fan of Smurfs since she was a little kid.

When the multi-award-winning artist was growing up in Barbados, there wasn’t much for a kid to watch on television. But The Smurfs, then a popular animated TV series, was always a must-see. “So many mornings, I woke up long before I was supposed to get ready for school just to get that dose of Smurfs,” remembers Rihanna, who also serves as producer and musical contributor for this year’s Smurfs movie. “I related so much to Smurfette and what she stood for. First of all, I have always loved makeup and hair. We all know that. And she’s an esthetician. She’s also a powerful leader, independent, strong, beautiful, sassy, witty and very empathetic. I was super-inspired by all of that. I think she loves music too and her favorite genres are hip-hop, reggae, Afrobeats, ballads and house. That’s Smurfette. She needs options.”

#SmurfsMovie

Photo credit: Paramount Pictures

In Smurfs, Smurfette (Rihanna) leads the Smurfs on a mission into the real world to save Papa Smurf (John Goodman), who is mysteriously taken by evil wizards, Razamel and Gargamel. With the help of new friends, the Smurfs must discover what defines their destiny to save the universe. SMURFS features an all-star voice cast including Rihanna, James Corden, Nick Offerman, JP Karliak, Daniel Levy, Amy Sedaris, Natasha Lyonne, Sandra Oh, Octavia Spencer, Nick Kroll, Hannah Waddingham, Alex Winter, Maya Erskine, Billie Lourd, Xolo Maridueña, with Kurt Russell and John Goodman.

Watch the trailer: https://youtu.be/EMOBqPpfyes?si=lH3UC_6aRYqTteFf

Director Chris Miller is also a lifelong fan of the Smurfs. “It opened my world up to the possibilities of what animation could be like,” says Miller, who was also a fan of the 1980s animated TV series as a kid. “In this film, audiences will see Smurfs in a way that no one’s ever seen before. Using the original Peyo comics as a blueprint, we’ve reinvigorated the franchise. We brought the world of the comic book into a computer-generated universe that is immersive and tactile.”

Remaining faithful to the characters created by Belgian artist and writer Peyo was always a priority. “His sense of design was iconic,” says Miller. “As a kid, I found Peyo’s original drawings instantly appealing. I felt like I recognized them even though I had never seen them before.”

As a producer, Rihanna felt fortunate to have met Peyo’s family during the film’s development, a highlight of the experience for her. “They’re so invested,” she says. “They were an important part of the entire process. We just want to make everyone proud and introduce a new generation to Smurfs. We are super excited to take the audiences with us on a magical journey into the amazing world of Smurfs. This is a huge movie about the smallest heroes in the universe. It’s a big-time adventure with action, music, laughter and the cutest daredevils you’ve ever seen.”

Don’t forget to sing a happy song and watch Smurfs, distributed by Paramount Pictures, opening only in cinemas July 16. Join the conversation and use #SmurfsMovie

Photo and Video Credit: “Paramount Pictures”

(ROHN ROMULO)

Ibinuking mismo ni Ate Vi…  LUIS at JESSY, nakaplano nang sundan ang anak na si PEANUT

Posted on: July 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KONTROBERSYAL ang Taal Lake ngayon dahil sa ginawang paghahanap ng ebidensiya sa mga nawawalang sabungero.
Bilang kasalukuyang Gobernador ng Batangas kung saan ang Taal Lake ay hiningi namin ang opinyon ni Gov. Vilma Santos-Recto.
Ayon pa kay Ate Vi wala naman daw lumapit sa kanya or humingi ng opinyon sa kanya.
Ang concern lang daw niya ay ang mga mangingisda ng nakatira malapit sa Bulkang Taal.
Medyo naapektuhan daw ang hanapbuhay ng mga ito.
“At sana di pa natin talaga alam kung totoo ba yung isyung yun.
“Wag naman sana,” sey pa ng gobernadora nang makausap namin sa Peoples Mansion ng Batangas pagkatapos ng kanyang inaugural address.
Happy naman si Ate Vi dahil nakarating halos lahat ng mayors, vice mayors, bukal at ang kanyang vice governor na si Dodo Mandanas sa kanyang inauguration.
Present pa rin ang panganay na anak na si Luis Manzano at very proud na binanggit pa ni Ate Vi sa kanyang speech na tinupad lang ni Luis ang pangakong iikutin pa rin ang buong Batangas para sa kung anumang pangangailangan ng mga Batangueño na gustong iparating ng mga ito sa gobyerno.
Dagdag pa rin ni Ate Vi na sa dalawang shows na gagawin agad ni Luis sa ABS-CBN ay isa lang ang tinanggap ng premyadong TV host para matupad ang pangako nito para sa nga taga Batangas.
Siyempre ang mga malalayong nasasakupan ng probinsiya ng Batangas na hindi kayang mapupuntahan ni Gov. Vi ay may isang Luis Manzano na gaganap.
***
SPEAKING of Luis, ibinuking din ni Ate Vi na nakaplano na raw na sundan nina Luis at Jessy ang anak na si Peanut.
Sey pa ni Ate Vi na next year o sa susunod na taon daw ay malamang magkaroon na ng kapatid ang kanyang apo.
Sayang naman kasi ang magandang lahi ng mag-asawang Luis at Jessy.
Nabanggit din naman ni Ate Vi na kung si Luis ay nag-umpisa na ng kanyang TV show ay may seryeng ginagawa na rin si Jessy.
Samantala from Ate Vi, siya mismo ay nakikipag-meeting for a possible na gagawing project.
Gusto raw niyang gawin ang nasabing proyekto pero sa ngayon daw kasi mas priority pa rin niya ang pagiging gobernador ng probinsiya ng Batangas.
Pero nangako naman si Ate Vi para sa kanyang mga mahal na Vilmanians na sa three year term niya as governor ay baka maisingit niya at makagawa ng kahit isang pelikula man lang.
Nilinaw naman agad ni Ate Vi na ang kasalukuyang pinag-aralan niyang gagawing proyekto ay hindi raw yun kay Coco Martin.
May offer din daw naman si Coco sa kanya years back at very much interesado rin naman si Ate Vi na makasama si Coco sa isang project.
(JIMI C. ESCALA)

Panalong-panalo ang matagumpay na ‘Puregold OPM Con 2025’: SB19, nakipagsabayan ng husay kay RICO sa ‘Liwanag sa Dilim’

Posted on: July 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISANG malaking tagumpay ang ‘Puregold OPM Con 2025′ na ginanap sa Philippine Arena noong ika-5 ng Hulyo, na nag-uumapaw ang musika, ilaw at enerhiyang Pinoy sa pagtitipon ng libu-libong tagahanga ng musikang Pinoy.
Tampok ang pinakamalalaking bituin sa OPM ngayon, ang BINI, KAIA, G22,  SunKissed Lola, Flow G, Skusta Clee, at SB19 na nagtanghal sa punong-punong arena, nagtakda ng panibagong tagumpay ang Puregold sa tuloy-tuloy nitong pag-angat sa industriya ng entertainment.
“We’ve always believed that our connection with our shoppers goes beyond the checkout counter,” pagbabahagi ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold.
“We are gratified to know that through Puregold OPM Con 2025, we gave our loyal members an unforgettable celebration of Filipino music, talent, and pride on a massive scale.”
Mula sa kauna-unahang beat hanggang sa huling pagtatanghal na encore, tila liham ng pagmamahal ang buong gabi, na binubuksan sa saliw ng orihinal na musikang panalo. Bawat akto ng pagtatanghal ay may sariling kakaibang dating, at tumugon ang mga tagapanood sa mga pagbabago.
Bukod sa mga nabanggit na OPM acts, pasabog din ang mga sorpresang collab, na ikinagulat at labis na nagustuhan ng mga manonood.
Nagpaunlak si James Reid para makasama ang BINI, si Yeng Constantino kasama ang G22 at ang bandang Mayonnaise para sa KAIAAt ang pinaka-highlight ng OPM C.
on 2025 ay ang pagsasanib puwersa ng SB19 at ni Rico Blanco para awitin ang “Liwanag sa Dilim”, grabe ang sigawan at nakakatindig balahibo, lalo na ang pagbirit nina Pablo at Stell at talagang nakipagsabayan sa husay ni Rico.
At ang pinakahuling pasabog, ang pagsasama-sama nina Rico, BINI Sheena, G22 at SB19 na humataw sa ‘Dungka’. Infairness, punum-puno ng paandar ni Aling Puring, mula simula hanggang sa matapos, kaya sulit-sulit ang mga dumayo sa Philippine Arena, kahit na maulan ng araw na ‘yun.
Iba’t ibang mga tao ng ang kasama sa mga tagapanood, katulad ng musikang handog sa pagdiriwang–mga araw-araw na mamimili katabi ang mga influencer at mga artista. Patunay lamang ito na ang musika, gaya ng Puregold, ay para sa iba’t ibang miyembro ng mga komunidad.
Dahil sa mga ticket redemption na nangyari sa buong bansa, lumipad ang mga tagahanga sa iba’t ibang bahagi ng bansa, habang tumungo rin sa Pilipinas ang mga tagahanga mula sa Asya at UAE, para lamang maging bahagi ng selebrasyon.
Naranasan ng mga dumalo ang isang natatanging VIP experience na mayroon pang soundcheck party bago ang mismong konsiyerto. Dagdag pa doon ang nag-uumapaw na freebies na ipinamahagi ng mga nangungunang brand gaya ng Nestle Bear Brand, Nestle Chuckie, Great Taste, Jack ‘n Jill, Cream-O, Coca-Cola, Nutriboost Kids, Nissin Wafer, Lucky Me!, Argentina, Angel, Tide, Safeguard, Cream Silk, Surf, Alaska, Doowee Donut, Del Monte Fruity Zing, Nestle Carnation, Nissin Noodles, Magnolia Cheezee, Purefoods, Champion, at Colgate.
Mula Luzon hanggang Mindanao, pinag-isa ng Puregold OPM Con 2025 ang mga Pilipino sa pagdiriwang ng identidad, Pinoy pride, at musika. Ani Piedad, “Puregold is about building meaningful experiences for the communities we serve.”
At oo, higit sa isang konsiyerto, naging matagumpay at pinaka-pinag-uusapang kaganapang pangmusika ng taon ang Puregold OPM Con 2025.
Para sa mga susunod pang updates, mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, at i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at @puregoldph sa TikTok.
(ROHN ROMULO)

More than ten years ding nawala sa showbiz: BEARWIN, idinaan sa marathon ang lungkot sa pagkawala ng ama

Posted on: July 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI naiwasang maluha ni Bearwin Meily nang matanong kung gaano katagal siyang nagpahinga bilang komedyante sa pelikula at telebisyon.
“Nag-lie low sa showbiz? 2009 kumonti na yung project ko niyan,” pag-amin niya.
“Kasi namatay yung daddy ko 2008, Emphysema, kapareho ng kay Tito Dolphy, then I started running so hanggang sa malayuan na yung tinatakbo ko.
“So pumayat na po ako it was 2009 hanggang nito na lang, nito na lang ako nakabalik ulit with NET25, with Quizon City.
“So social media na ito, Youtube na ito tsaka NET25 and then guesting-guesting na lang so I think that’s more than 10 years nung nawala ako sa industry.”
Ang pagtakbo o marathon ang binalingan niya noon upang maibsan ang lungkot sa pagkawala ng kanyang ama
“Yeah,” bulalas niya, “tama po, tama po.
“Isa po yun, isa po yun. So it’s a choice kasi andami ko na ring kaibigan… well nakasabay ko sila tito Redford [White], nakasabay ko sila Carding [ReyCards Duet], marami!
“Nakasabay ko si Sammy Lagmay at kung sinu-sino pang mga kilalang komedyante.
“Si Jodi Sta. Maria bata pa, sa Star Cinema kami.
“So anyway those days and times na talagang iniisip ko rin na saan ako pupunta?
“E manginginom po ako, lahat po ng bisyo tinitira ko, wala akong disiplina sa katawan.
“Galing ako sa hirap. Nung nagkapera ako lahat gusto kong tirahin. So ganun ho ka-worse.
“So sabi ko, ‘Lord tulungan mo ako, kung hindi maaga akong mamamahinga!’
“Then, iyon po yun, dun po nag-start lahat yun.”
Umabot raw ng 210 pounds ang kanyang pinakamabigat na timbang; ito ang panahong pinagbidahan niya ang pelikulang Hari Ng Sablay noong 2005.
Ngayon ay malaki na ang ipinayat ni Bearwin pero ayon sa kanya, “Actually yung weight hindi siya masyado, e.
“Kasi mas marami pang mas malalaki na pumayat talaga, but I think yung continuation, yung consistency and yung testimony kung ano na talaga yung pinamumuhay mo.
“Hindi kasi papayatan lang e, ang tanong kung ano talaga  yung kabuuan na nagbago sa yo.”
Si Bearwin, na pioneer ng mga thematic runs dito sa Pilipinas, ang head at race director ng “You VERSUS You Run 2025” na inorganisa ng 88 Sports PH (a division of 88 ACE Production Corp.).
Ang fun run event na ito ay gaganapin sa July 20, 2025 (Sunday), 4:00 AM sa Ayala Vermosa Sports Hub in Imus City, Cavite.
Pinangungunahan din ang “You VERSUS You” ni Michael Maranan, President and CEO of 88 Ace Production Corporation, Chairman of the Maranan Group of Companies, and founder of My Superhero Friends Foundation.
Ang proceeds ay ilalaan sa mga kabataan at sari-saring community development.
For inquiries, please contact Mr. Bearwin Meily at +639988543432
(ROMMEL L. GONZALES)

First four entries, inihayag na ng MMDA…  VICE, NADINE, GERALD, RICHARD at PIOLO, laban-laban sa ’51st MMFF’

Posted on: July 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MULA sa matagumpay na ginintuan edisyon ng Metro Manila Film Festival (MMFF), naghahanda para sa isang bagong panahon ng pelikula sa Pilipinas.
Kahapon, Hulyo 8, inihayag na ang unang batch ng mga entry para sa ika-51 Metro Manila Film Festival (MMFF), na pinili batay sa pagsusumite ng script, ay kumakatawan sa isang malawak na iba’t ibang mga genre, na nagpapakita ng pagkamalikhain at versatility ng mga Filipino filmmakers.
Ang unang apat na MMFF 2025 official entries ay ang mga sumusunod:
Ang comedy drama na ‘Call Me Mother’ na pagbibidahan nina Vice Ganda at Nadine Lustre.
Mula sa produksyon ng ABS-CBN Film Productions, Inc., The Ideafirst Company, & Viva Communications, Inc.
Mula sa direksyon ni Jun Robles Lana
Mula sa script nina Daisy G. Cayanan, Daniel S. Saniana, at Jun Robles Lana.
Pangalawa, ang family drama na ‘Rekonek’ na mula sa produksyon ng Reality MM Studios.
Ididirek ni Jade Castro at sa panulat nina Jericho Aguado, Leovic Arceta, at Kat Naval.
Bida rito sina Carmina Villaroel, Gloria Diaz, Alexa Miro, Gerald Anderson, at Zoren Legaspi.
Ang crime thriller na ‘Manila’s Finest’ ang pangatlong entry na pumasok na naman sa Cignal TV, Inc, na pagbibidahan ni Piolo Pascual.
Sa direksyon ni Rae Red at scriptwriters ay sina Michiko Yamamoto, Moira Lang at Sherad Anthony Sanchez.
Pasok din ang horror film ng Regal Entertainment, Inc.,  ang ‘Shake, Rattle, and Roll Evil Origins.’
Ang tatlong direktor nito ay sina Shugo Praico, Joey De Guzman, at lan Loreños
Ang scriptwriters ay sina Alex Castor, Onay Sales, at Gina Marissa Tagasa.
Ang mga bida rito ay sina Ivana Alawi, Fyang Smith, Loisa Andallo, Ashley Ortega, Ysabel Ortaga, Elijah Alejo, Carla Abellana, Marilyn Reynes, Janice de Belen, Francine Diaz, Kaila Estrada, Richard Gutierrez, Ryan Bang, Seth Fedelin, JM Ibarra at Dustin Yu
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF Concurrent Chairman Atty. Don Artes, ang positibong pagtanggap ng publiko para sa gintong jubilee noong nakaraang taon ng MMFF ay nagtakda ng mataas na bar para sa ika-51 na edisyon, at ang MMFF Executive Committee ay masigasig sa pagbuo ng momentum.
“We promise an even more exciting and engaging experience for the filmmakers and moviegoers alike for the 51st edition of the MMFF. With the first batch of entries revealed, get ready for an exciting cinematic journey in December,” sabi ni Artes sa grand launch ng 51st MMFF at pag-anunsyo ng first batch ng entries sa Glorietta Palm Drive Activity Center, Martes ng hapon.
Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay lbahagi ng mga inisyatiba ng kanyang administrasyon, ay aktibong nagsusulong at sumusuporta sa MMFF para sa papel nito sa pagpapakita ng mga kwentong Filipino at kahalagahan ng kultura.
Nagsusumikap din ang Pangulo at Unang Ginang Liza Araneta Marcos na palakasin ang industriya ng pelikula sa Pilipinas at ang mga manggagawa nito, sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Para sa ika-51 na edisyon ng MMFF, kabuuang 23 script submissions ang natanggap, na nagresulta sa isang mapagkumpitensya at mapaghamong proseso ng pagpili.
 “Ang panawagan ng MMFF para sa mga entry, na nagbunga ng napakaraming submissions, ay napakalaki. Ang MMFF ay nakatuon sa pagbibigay ng plataporma para sa mga lokal na filmmakers na kumonekta sa mga manonood. Ang MMFF 51 ay isang bagong panahon para sa pelikulang Pilipino,” sabi pa ni Artes.
Ang komite sa pagpili ng MMFF, na pinamumunuan ni Boots Anson-Rodrigo, ay maingat na nirepaso ang bawat pagsusumite batay sa mga sumusunod na pamantayan: kahusayan sa sining, komersyal na apela, Filipino cultural sensibility, at global appeal.
Ang unang batch ng mga entry ay magiging bahagi ng opisyal na walong entries sa 51st MMFF na ipapalabas sa mga sinehan sa buong bansa simula sa Disyembre 25, Araw ng Pasko
Ang natitirang apat na entry ay pipiliin mula sa mga natapos na pagsusumite ng pelikula na may deadline na Setyembre 15, 2025.
Ang pinakaaabangang MMFF sa bansa ay inorganisa ng MMDA at gaganapin sa panahon ng Kapaskuhan, na pangunahing naglalayong isulong at pagandahin ang preserbasyon ng sinehan sa Pilipinas.
Ang mga nalikom mula sa MMFF ay napupunta sa ilang benepisyaryo sa industriya ng pelikula, tulad ng Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund), Film Academy of the Philippines, Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Optical Media Board, at Film Development Council of the Philippines (FDCP).
(ROHN ROMULO)