• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 9th, 2025

Ads July 9, 2025

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

9 – page 4-merged

Maiingay na pasahero, ipagbawal sa PUVs

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA sa Department of Transportation (DOTr) ang isang transport company na ipagbawal sa mga public utility vehicles ang mga  pasahero  na maiingay.

Ang apela ay ginawa ni Metrolink Bus Company senior consultant Ritchie Manuel nang malaman na ang ingay ng mga pasahero ang dahilan ng pagwawala ng PWD sa loob ng bus na bumabaybay sa kahabaan ng EDSA-Guadalupe  nitong nagdaang linggo.

Ang PWDs na nag-viral nitong Biyernes ay iisa noong Hunyo na pinagtulungang bugbugin ng mga pasahero at konduktor.

“Itong ating PWD ay kilala sa buong EDSA Busway na ayaw niya yung maingay. Maaari siguro yung bata naglalaro ng kaniyang cellphone kaya ito na-trigger,” ayon kay  Manuel.

Aniya napapanahon na upang maglabas ang DOTr ng kautusan para mapanatili ang katahimikan sa loob ng mga PUVs.

Giniit din nito sa mga kaaanak ng mga PWDs na samahan ang mga ito kung lalabas ng tahanan lalo na kung sasakay sa mga pampasaherong sasakyan.

Bukas anya ang  Metrolink Bus Company na magbigay ng training kung paano ma- handle ang kaha­lintulad na insidente.

Pangisdaan Pride March

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments



IPINAMALAS ng Navotas ang suporta at pagmamahal sa LGBTQIA+ sa makulay na Pangisdaan Pride March bilang bahagi ng ika-18 anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas. Nagwagi bilang Ms. Pride March 2025 si Kaycee Isorena ng Brgy. Bagumbayan North. Itinanghal naman na 1st Runner-up si Cheska Ramirez ng Brgy. Navotas West, 2nd Runner-up si Angel Baltazar ng Brgy. NBBS Dagat dagatan, 3rd Runner-up si Rence Ignacio ng Brgy.  NBBS Kaunlaran, at 4th Runner-up si Angela Garcia ng Brgy. NBBN. (Richard Mesa)

P20/k na bigas, hindi hindi isang ‘band-aid solution- PBBM

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang kanyang inisyatiba na magbenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo ay hindi isang ‘band-aid solution.’

Sa katunayan ayon sa Pangulo, ang ‘affordable rice’ ay magiging available sa mas maraming public markets sa lalong madaling panahon.

Sa vlog ng Pangulo, ipinalabas ng Malakanyang araw ng Linggo, sinabi ng Chief Executive na ang P20 kada kilo ng bigas, mabibili sa Kadiwa ng Pangulo outlets, ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na gawing mas accessible ang ‘affordable food’ sa vulnerable sectors.

“It also helps strengthen the agriculture sector through an enhanced and sustained collaboration between the national and local governments,” ayon sa Pangulo.

“P20 rice is here to stay. It is achievable; it is sustainable. So, watch out for it in your nearest public markets,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.

Tinawag na “Benteng Bigas Meron (BBM) Na! (BBM),” ang P20 kada kilo ng bigas ay isa sa campaign promises ng Pangulo noong 2022.

Sa kasalukuyan, ang P20 per kilong bigas ay mabibili lamang ng mga senior citizen, solo parent, persons with disabilities, indigent family at minimum wage earner.

Nanawagan naman si Pangulong Marcos sa mga national at local official na maging masigasig sa serbisyo publiko.

“Tapos na po ang bahagi ng politika, serbisyo publiko na ang haharapin niyo ngayon,” ang sinabi pa ng Punong Ehekutibo.

“Marami-rami tayong pagtutulungan sa lokal at national government at malaking bahagi ang LGU ng paghahatid natin ng serbisyo sa taumbayan,” aniya pa rin.  (Daris Jose)

Wala silang sasantuhin at bibigyan nila ng hustisya ang mga nawawalang sabungero… ‘Totoy’ hawak na ni Torre

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III na nasa ilalim ng kanilang protective custody si alyas “Totoy” o Julie “Dondon” ­Patidongan na naging whistleblower sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Kasalukuyan din aniyang nag-a-apply sa Witness Protection Program si “Totoy” para matiyak ang kanyang seguridad.

“‘Pag siya ay nag-qualify sa (Witness Protection Program), itu-turn over namin siya sa [Department of Justice],” ayon kay Torre.

Ayon kay Torre, kilala at mayayamang tao ang sangkot sa ibinulgar ni “Totoy” kaya kailangan ang mahigpit na seguridad dito.

Sinabi rin ni Torre na nasa kustodiya na nila ang 15 pulis na sangkot umano sa pagpatay sa mga nawawalang sabungero, na ang pinakamataas na ranggo ay isang Lt. Colonel.

“We are doing this with NAPOLCOM to ensure transparency and impartiality… para siguraduhin na ang hustisya ay makakamit,” ani Torre.

Sa katunayan, halos lahat na mga sangkot ay nasa active status.

“Lahat sila active… except for one na due for retirement at tatlong na-dismiss na dati,” dagdag ni Torre.

Tiniyak niya na wala silang sasantuhin at layunin lamang nila na mabigyan hustisya ang mga nawawalang sabungero.

Inamin ni Torre na matagal na niyang hawak ang ­impormasyon noong siya pa ang Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa katunayan, ­kinilabutan umano siya sa mga salaysay ni “Totoy”. (Daris Jose)

Negosyante, binaril ng kainuman sa Malabon, sugatan

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SUGATAN ang isang 49-anyos na negosyante matapos barilin ng kapwa negosyante makaraan ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nakaratay sa Ospital ng Malabon habang ginagamot ang tinamong tama ng bala sa kanang binti ang biktimang si alyas “Ricky”, ng Gabriel Compound, Brgy. Catmon, ng lungsod.

Mahaharap naman sa kasong Attempted Homicide at paglabag sa R.A10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang suspek na si alyas “Arnel”, 53, at kapitbahay ng biktima.

Ayon kay Malabon Police OIC chief P/Col. Allan Umipig, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng suspek habang nag-iinuman ang mga biktima at ang suspek, kasama ng dalawa pa nilang kakilala.

Lumabas sa imbestigasyon na matapos umanong makaubos ng ilang bote ng alak ay nauwi sa mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek sa hindi nabanggit na kadahilanan.

Kaagad umanong sinapak ng biktima ang suspek na naglabas naman ng baril at pinutukan sa kanang binti si ‘Ricky’ na naging dahilan upang isugod sa nasabing pagamutan.

Naaresto naman ng rumespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 4, kasama ang SWAT Team ang suspek at nakumpiska sa kanya ang ginamit na baril na isang kalibre .45 pistol na may dalawang bala sa magazine na rehistrado sa kanyang pangalan. (Richard Mesa)

Coast Guard sisisid para sa mga nawawalang sabungero

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 

TUTULONG ang Philippine Coast Guard (PCG) sakaling ipag-utos ang pagsisid sa Taal Lake para mahanap ang mga nawawalang sabungeros.

Ayon kay PCG spokesperson Captain Noemie Cayabyab, hinihintay na lamang ang go signal para tumulong sa pagsisid ang kanilang technical divers bagama’t aminado siyang may mga hamon pa rin sa kakaharapin sa isasagawang retrieval operation.

Isinaalang-alang kasi rito ang lalim at lawak ng Taal Lake , ang kasalukuyang kondisyon ng Bulkang Taal at ang tagal ng panahon na nasa ilalim ng lawa ang mga labi.

Sakali namang matukoy na ang eksaktong lokasyon sa lawa sa kinaroroonan ng mga labi handa na aniya ang remote-operated vessel ng PCG para sa operasyon.

Ang pahayag ng PCG ng kahandaan na tumulong ay kasunod ng pahayag kahapon ni Justice Sexretary Jesus Crispin Remulla na posibleng simulan ang technical diving operation sa lawa ngayong linggo. (Gene Adsuara)

Pagpapalawak ng VAT exemptions sa essential medicines, welcome kay Tiangco

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MALUGOD na tinanggap ni Navotas Representative Toby Tiangco ang pagpapalawak ng VAT exemptions sa essential medicines, na nagpapatunay lang aniya na ang mga patakaran sa buwis sa ilalim ng administrasyong Marcos ay naghahatid ng tunay at makabuluhang benepisyo sa mamamayang Pilipino.

Ito’y matapos ipahayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na 19 pang gamot ang nadagdag sa listahan ng mga gamot na exempted sa value-added tax (VAT), kabilang ang para sa cancer, diabetes, at iba pang kritikal na sakit.

“Lagi pong sinasabi ng ating Pangulo na walang maiiwan sa Bagong Pilipinas, and this VAT exemption is proof that the government is taking steps to ensure that all Filipinos have equal access to life-saving medication,” ani Tiangco.

Tinukoy ng solon kung paano ang batas na CREATE MORE na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay nag-utos sa Food and Drug Administration (FDA) na tukuyin at ipadala ang VAT-exempt na mga produktong pangkalusugan sa iba pang ahensya tulad ng BIR, Bureau of Customs (BOC), at Department of Trade and Industry (DTI).

“Tax policies should always be designed with the people’s well-being at the center. What we’re seeing today are the results of tax reforms that truly prioritize the needs of ordinary Filipinos,” dagdag niya.

Hinimok din ni Tiangco ang publiko na ang pharmaceutical companies at drugstore na hindi sumunod ay iulat sa BIR sa pamamagitan ng contact_us@bir.gov.ph(Richard Mesa)

LTO paiigtingin ang operasyon laban sa mga colorum vehicles, 252 nahuli noong June 2025

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Land Transportation Office (LTO) acting chief, Atty. Greg G. Pua Jr., sa ilalim ng patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ang lahat ng enforcers ng ahensya na lalo pang paigtingin ang operasyon laban sa mga colorum na sasakyan.

Ito ay matapos lumabas sa ulat ng operasyon noong Hunyo 2025 na umabot sa kabuuang 252 colorum na sasakyan ang nahuli sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Dalawang bagay lang ito: maaaring epektibo na ang ginagawa nating pagpigil sa mga colorum operators, o kaya’y nakahanap na sila ng paraan para makaiwas sa hulihan,” ani Pua.

Aniya, maaga pa lamang ay nakatatanggap na sila ng positibong feedback hinggil sa kampanya laban sa colorum, lalo na nang simulan ng LTO ang pagkumpiska sa mga ito at ang pagsasampa ng kaso laban sa mga operator at driver na sangkot.

Bilang karagdagang hakbang, naglabas si Pua ng isang memorandum na nagsasaad na kahit mabayaran ang multa para sa colorum violation, tanging court order lamang ang maaaring maging batayan para palayain ang impounded na sasakyan.

Gayunpaman, tiniyak ni Pua na patuloy na palalakasin ng LTO ang pakikipagtulungan sa iba pang law enforcement agencies para labanan ang colorum.

Ngunit binigyang-diin din ni Pua ang kahalagahan ng pakikiisa ng publiko, lalo na ng mga netizen, sa kampanya laban sa colorum.

“Malaking papel ang ginagampanan ng ating mga netizens sa disiplina sa kalsada. Maramin tayong na-suspend at na-revoke na lisensya dahil sa mga viral posts at kami po ay taos-pusong nagpapasalamat,” ani Pua.

“Hinihikayat namin ang publiko na gawin din ito pagdating sa colorum at simulan natin sa simpleng hindi pagtangkilik sa kanila,” dagdag pa niya.

Paliwanag pa ni Pua, walang insurance ang mga colorum na sasakyan sakaling masangkot sa aksidente, kaya’t ang mga pasahero ang sasalo ng lahat ng gastos. Samantalang ang mga lehitimong PUV ay may insurance coverage na umaabot sa P400,000 para sa pagkasawi at P100,000 para sa mga pinsala.

Layunin din ng kampanya laban sa colorum na tulungan ang mga lehitimong operator ng pampasaherong sasakyan na nawawalan ng hanggang 30% ng kanilang kita araw-araw dahil sa mga colorum na kalaban nila sa lansangan. (PAUL JOHN REYES)

DOH, may sapat na pondo para bayaran ang mga sinisingil ng mga pribadong ospital

Posted on: July 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAY sapat na pondo ang Department of Health (DOH) para bayaran ang claims o mga sinisingil ng mga pribadong ospital para sa serbisyo at paggamot na ibinigay sa mga indigent patients.

Dahil dito, itinanggi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na may ilang health facilities ang itinigil na ang pagtanggap ng government guarantee letters saklaw ang mga hospital bills ng mga pasyente na walang pinansiyal na kakayahan na magbayad.

Sa katunayan, may 39 hospitals sa Batangas ang nahaharap sa isyu na may guarantee letters dahil sa ‘incomplete o missing documentation.’

“Hindi naman po nagkakaproblema ang gobyerno patungkol po sa pagbabayad ng mga bills po ng ating mga kababayan na covered po ng guarantee letters,” ayon kay Castro.

“Dito lamang po sa 39 hospitals na kinakailangan po ng DOH iyong ibang mga dokumento para po sila’y mabayaran. So doon po sa maniningil na mga hospitals, kumpletuhin lang po iyong inyong mga dokumento dahil po ang DOH ang sinasabi sa atin ay may sapat na pondo,” aniya pa rin.

Winika pa ni Castro na sa ilalim ng Universal Health Care Act at isang memorandum of agreement (MOA sa pagitan ng DOH at mga pribadong ospital, ang huli ay kinakailangan na maglaan ng 10% ng kanilang authorized bed capacity para sa mga mahihirap na pasyente.

Aniya, ang mga indigent patients ay “entitled to zero hospital billing through the Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).”

Sinabi pa ni Castro na maaari ring bisitahin ng mga ito ang DOH hospitals na hindi na kailangan pa ang guarantee letters mula sa mga government official.

(Daris Jose)