“WALANG lovelife. Walang special someone,” ‘yan ang litanya ni Queen Mother Karla Estrada when i asked her about fake news spreading na nagkabalikan daw sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo secretly.
Ayon pa kay Karla, huwag na huwag nagpapaniwala sa fake news. Nakatutok raw ngayon si Daniel sa kanyang career.
Samantala, puring-puri si Daniel dahil sa kanyang ipinakitang husay sa ‘Incognito’.
Sabi pa, nasa ibang level na talaga ang husay niya bilang isang aktor.
At hindi totoong nalugmok si Daniel pagkatapos mabuwag ang KathNiel kundi lalo pa raw itong naging aktibo sa kanyang career.
Nahusgahan man, patunay na ang kanyang pagiging aktibo ngayon ay nandiyan pa rin sa limelight si Daniel at hindi nalaos.
Balita pa namin ay magkakaroon ng book 2 ang ‘Incognito’ huh!
Bongga!

*** NANGANGAMOY weddings bells ang 2026!

May nasagap lang kaming tsikang ikakasal na raw si Bea Alonzo sa kanyang jowa ngayong billionaire?
Ayon pa sa aming katsika, it’s about time dahil naabot naman ni Bea ang rurok ng tagumpay sa kanyang showbiz career at nakapag-ipon naman na ng bonggang-bongga! Ang tanong totoo ba? *** ANYARE kay JM De Guzman?
Nasaan na raw ito ngayon?
Anu-ano na raw ang nangyayari sa dating sikat at mahusay na aktor? Ang latest tsika, may pinagdadaanan na naman daw itong si JM!
Lagi nalang ba? Ano ba?
(DOMINIC REA)