• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 6th, 2025

Anti-political dynasty bill, inihain

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INIHAIN ng Makabayan bloc sa kamara ang panukalang anti-political dysnasty bill na naglalayong mapigilan o maipagbawal ang pagtakbo o maka-upo sa kapamilya ng halal na opisyal sa posisyon maging ito ay sa national o lokal ng magkasunod.
Nakasaad sa House Bill 209 na iihain nina Act Teachers Party List Rep. Antoio Tinio at Kabataan Party List Rep. Renee Co na ang political dysnasty ay isang “family or clan that cocentrates, consolidates or perpetuates their politicak power by holding public offcie simultaneously o successively.”
Layon nitong ipagbawal ang sinumang kaanak o kapamilya na humawak o kumandidatio sa isang elective national o local na tangapan ng magkasunod o simultaneously hanggang sa ika-apat na ‘degree consanguinity or affinity, whether legitimate or illegitimate, full or half blood.’
Nangangahulugan na walang sinuman na nasa loob ng civil degree of relationship sa incumbent relected official ang agad na makakaupo o makakatakbo sa posisyon na papalitan o iiwan ng kapamilya nito.
Kapag naging ganap na batas, maipapatupad ito sa susunod na mga eleksyon.
(Vina de Guzman)

Crop insurance bill na panawagan ni PBBM suportado ni Speaker Romualdez 

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KAISA si re-elected Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez sa panawagan ni Presidente Bongbong Marcos na mas malawak na crop insurance coverage, na nagsaad na iisa ang kanilang layunin, ang protektahan ang magsasakang pinoy at masiguro ang food security ng bansa.
“We are one with the President in putting farmers front and center in our development agenda. His call to expand crop insurance is not just timely—it is necessary. It’s about giving our farmers peace of mind when they plant, and hope when disaster strikes,” ani Romualdez.
Bilang suporta, inihain nito ang House Bill No. 14, na naglalayong mapalakas ang mapalawig ang serbisyo ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at mabuksan ang pinto sa mas malaking partisipasyon ng private sector sa agricultural insurance.
“This bill is my personal commitment to every farmer who risks everything each planting season. With better insurance, we’re not just protecting crops—we’re protecting lives, dreams, and the future of our food supply,” anang mambabatas.
Sa ilalim ng HB 14, kasama na awtor sina Tingog Party-list Reps. Jude Acidre at Andrew Julian Romualdez, ang PCIC coverage ay palalawigin pa sa bigas at mais kung saan isasama ang high-value commodities, livestock, aquaculture, farm machinery at maging ang post-harvest infrastructure. (Vina de Guzman)

Open bicam sa budget suportado

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPAHAYAG ng buong suporta si Re-elected Tingog Party-list Rep. Jude Acidre sa panukalang nuksan sa publiko ang bicameral conference committee deliberations sa national budget.
Kaisa ang mambabatas kay Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa pagsuporta sa pagbubukas ng traditional na closed-door bicam sa publiko.
“Nauna na pong nagpahayag ng suporta si Speaker Martin Romualdez tungkol po sa kanyang suporta sa open bicam, and I think it resonates well with many of the members of Congress. Kaya po ako, buo ang suporta natin sa panawagang maging transparent, accountable, at bukas ang proseso ng bicameral conference committee sa kadahilanang ito ay pamamaraan para mas maintindihan ng ating mga kababayan ang kabuuan ng proseso ng pagpapanday ng mga batas at polisiya natin,” dagdag nito.
Una nang inihayag ni Romualdez ang pagsuporta nito sa mas bukas at transparent na bicameral conference process para sa national budget, na nagsabing nararapat na batid ng publiko kung saan inilalaan ang kanilang pera.
(Vina de Guzman)

Iregularidad ng PrimeWater i-imbestigahan na sa Kamara

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKATAKDANG imbestigahan ng House of Representatives ang umano’y iregularidad ng Prime Water.
Ito’y matapos inihain ngayon araw ni Zambales Rep. Jay Khonghun ang House Resolution 22 na humihimok na imbestigahan ng Kamara ang mga reklamo kaugnay sa mga iregularidad sa Joint Venture Agreements (JVAs) na pinasok ng mga local water districts at PrimeWater Infrastructure Corporation.
Ayon kay Khonghun na ang tubig ay buhay at hindi lamang negosyo, kaya marapat lang na maisulong ang mas maigting na regulasyon sa mga pinapasok na joint venture ng mga local water districts para maprotektahan ang publiko mula sa hindi maayos na serbisyo.
Nilinaw naman ni Khonghun na ang pag-imbestiga sa Prime Water ay walang halong politika dahil ito ay local issue na matagal na rin naman idinadaing ng kanilang mga kababayan.
Umaasa ang mga mambabatas na sa gagawing investigation in aid of legislation ay matukoy kung ano ang nangyari kung bakit hindi nasunod ng Prime ang parte nila sa kasunduan na makapagbigay ng maayos na serbisyo ng tubig at ano ang mga batas na maaaring ipasa o amyendahan upang hindi na maulit ang ganitong sitwasyon.
Wala rin silang nakikitang problema kahit pa mayroon nang isinagawang imbestigasyon ng Local Water Utilities Administration o LWUA at kasalukuyan nang pinag-aaralan ng Office of the President. ( Vina de Guzman)

Ilang senador, may napipisil ng Senate President sa 20th Congress

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA OPISYAL na pagbubukas ng 20th Congress sa Hulyo 28, maghahalal o pipili ang 24 na mga senador ng bagong uupong Senate President.
Tatlong pangalan ang matunog na magtatagisan sa pagkapangulo ng Senado — na kinabibilangan ni Senador Francis “Chiz” Escudero na kasalukuyang Senate President; Vicente “Tito” Sotto III na dati nang nagsilbing Senate President noong 2018 hanggang 2022;ang reelectionist na si Imee Marcos na itinutulak na tumakbo bilang pangulo ng Senado.
Kasabay nila, may ilang senador na rin ang nagpahayag ng kanilang susuportahan na uupong Senate President.
Sa isang panayam kay Senador Alan Peter Cayetano, sinabi nito na kung ngayon ang magiging botohan, tiyak na panalo na si Escudero bilang pangulo ng Senado sa 20th Congress.
Isiniwalat nitong mayroong suporta si Escudero mula sa mahigit 13 mga senador o majority votes.
Naniniwala naman si Senador Joel Villanueva na mananatili pa rin si Escudero bilang Senate President sa 20th Congress.
Aniya, aabot sa 13 ang bilang ng mga senador na boboto kay Escudero sa pagka-Senate President.
Aminado rin ito, na marami na raw sa mga senador ang nagpahayag ng suporta kay Escudero bilang pangulo ng Senado.
Wala naman daw pinapaikot na resolusyon para lumagda ang mga senador ng suporta ngunit naguusap-usap silang mga mambabatas.
Ang magkapatid na Tulfo naman na sina Senador Raffy at Erwin ay susuportahan ang magiging pasya ng mayorya sa pagka-Senate President.
Sinabi pa ng senador na posibleng kasama siya sa 13 senador na susuporta kay Escudero na unang sinabi ni Villanueva.
Paliwanag ni Tulfo, kaya sa mayorya sila sasama ay dahil madalas ito ang tumutulong sa mga iniuutos o nais na mga ipasang panukala ng administrasyon. ( Daris Jose)

EDSA rehabilitation itutuloy na sa 2026- DPWH

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INIURONG na sa 2026 ang EDSA rehabilitation at ang implementasyon ng odd-even scheme.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, na magiging sagabal ang pasasaayos ng EDSA sa mga pag-ulan na susundan pa ng Christmas rush ngayong “Ber” months.
Target nilang uunahin na ayusin ay ang bahagi na hindi gaanong dinadaanan ng mga sasakyan.
Kinokonsidera nila ang paggamit ng makabagong teknolohiya para mapabilis ang pagsasaayos ng 23.8 kilometro na makasaysayang highway sa Metro Manila.
Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga mula P8 hanggang P17 bilyon.
Isusumite nila ang rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr kapag naisapinal na nila ang teknolohiya na gagamitin para sa EDSA rehabilitation.
( Daris Jose)

Hidilyn Diaz, ipinahayag ang kagustuhang magturo sa UP

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IPINAHAYAG ng kauna-unahang Filipino Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ang kanyang kagustuhang magturo sa University of the Philippines (UP).Buy radio equipment
“Masaya akong ibalita sa inyo na excited na ako sa posibilidad na magbahagi pa ako ng aking karanasan at mga natutunan at magturo dito sa inyong unibersidad. Sana matuloy ito,” ani Diaz sa kanyang talumpati bilang panauhing tagapagsalita sa recognition rites ng College of Human Kinetics sa UP Diliman nitong Sabado.
Binalikan din ni Diaz ang kangyang makakasaysayang sandali ng magtagumpay sa 2020 Tokyo Olympics at ibinahagi ang kahalagahan ng pagtutulungan at ang apg-serbisyo sa bayan.
Hinikayat niya ang mga nagtapos na makibahagi sa grassroots training at mga programang makapaglilingkod sa komunidad.
“Tandaan ninyo ang tunay na lakas ay hindi lamang sa pagbuhat ng mabibigat na bagay, kundi sa pagtutulungan at paglilingkod sa kapwa,” dagdag pa niya.
Noong 2024, binuksan ni Diaz ang Hidilyn Diaz Weightlifting Academy na layuning magsanay ng mga bagong atleta na maaaring magrepresenta sa bansa sa mga darating na paligsahan.
Sa UP Diliman, bahagi ng mga PE at Sports Science subjects ang weightlifting at weight training courses, ayon sa UP CRS at Office of the University Registrar.

Football star Diogo Jota at kapatid nito patay sa aksidente

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NASAWI sa isang aksidente si Liverpool at Portugal star Diogo Jota sa edad na 28.
Nangyari ang insidente sa sa bayan ng Cernadilla, Zamor sa northwestern Spain.
Kasama rin nitong nasawi ang kapatid na nakasakay sa sasakyan na si Andre Silva na isang soccer player.
Base sa imbestigasyon ay sumabog ang gulong ng sasakyan na Lamborghini ni Jota habang ito ay nag-oovertake.
Dahil sa insidente ay nasunog pa ang sasakyan na sanhi ng kamatayan ng dalawang biktima.
May tatlong anak si Jota kung saan ito ay ikinasal noong nakaraang buwan.
Si Jota ay attacker na nagkaroon ng matinding role sa panalo ng Liverpool.
Sa loob ng 26 na laro ay mayroon itong 26 golas at apat na assists kung saan nagwagi ito ng tatlong trophies sa Reds at dalawa naman sa Nations Leagues title sa Portugal.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga fans at kapwa football players.

PBBM, tuluyang nang binitawan ang PCO senior official

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TULUYAN nang binitawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Presidential Communications Office Senior Undersecretary Analisa “Ana” Puod.
Kinumpirma ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na tinanggap na ni Pangulong Marcos ang pagbibitiw ni Puod sa puwesto.
Sa ulat, sa nasabing resignation letter, binanggit ni Puod na ang dahilan ng kanyang pagbibitiw ay ang “untenable condition” sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan ng PCO.
Bagama’t hindi na idinetalye ang mga isyung kanyang tinutukoy, nagpahayag pa rin siya ng pasasalamat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa tiwala at oportunidad na makapagsilbi sa ilalim ng kanyang administrasyon.
“In the short period that I have been with PCO I have gained much appreciation with your sincere and kind leadership, anchored on your genuine vision for better, greater Filipino nation,” ani Puod sa kanyang liham.
Bago maupong senior undersecretary, nagsilbi si Puod bilang general manager ng government television station na PTV. ( Daris Jose)

Matapos tumaas sa 1.4% nitong Hunyo: Inflation rate, nasira ang 4-month slowdown

Posted on: July 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TUMAAS ang inflation rate ng Pilipinas nito lamang Hunyo, dahilan para malagot ang four-month down streak.
Ang itinuturong dahilan, ang mas mabilis na utility costs sa nasabing panahon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Iniulat ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang inflation print nitong nakaraang Hunyo—na sumusukat sa rate ng paglago sa consumer goods at services costs— bahagyang umakyat sa 1.4% mula 1.3% noong buwan ng Mayo.
Sinasabing ‘consistent’ ito sa naging pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang inflation rate noong nakaraang buwan ay papalo sa 1.1% hanggang 1.9% range.
“June’s inflation rate brought the year-to-date rate to 1.8%, still below the government’s comfortable inflation rate ceiling of 2% to 4% for 2025,” ayon sa ulat.
“Ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Hunyo 2025 kaysa noong Mayo 2025 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels sa antas na 3.2%. Ito ay may 63.3% share sa pagtaas ng pangkalahatang,” ayon naman kay Mapa. ( Daris Jose)