• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 5th, 2025

1st Inaugural Session of the 10th City Council of Parañaque

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

A NEW chapter begins!

Today marks a meaningful milestone as the 10th Council of the City of Parañaque holds its first inaugural session at the Legislative Building of the Paranaque City Hall, led with dignity and vision by Hon. Vice Mayor Florencio C. Bernabe III, Majority Floor Leader Hon. J Enrico Golez, Minority Floor Leader Hon. Binky Favis.

With renewed commitment to public service, unity, and transparent governance, this Council stands ready to serve the people of Parañaque with integrity and purpose.

A Thanksgiving mass was held together with The Sangguniang Panglungsod ng Paranaque. Mass Presider is Rev. Fr. Kevin Crisostomo.

Together, let us build a stronger, more progressive, and inclusive city.

(BOY MORALES SR.)

DOTr: Kukunsultahin muna ang economic team ukol sa mungkahing itaas ang pasahe

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KUKUNSULTAHIN muna ng Department of Transportation (DOTr) ang economic team ng pamahalaan dahil sa kahilingan ng sektor ng transportasyon tungkol sa hinihingi nila na magkaroon ng P1 provisional fare hike.

Ayon sa sektor, dahil sumipa ng mataas ang presyo  ng krudo at  produktong

petrolyo kung kaya’t kailangan magkaroon din ng pagtaas ng pamasahe,

“We are weighing the concerns of public utility drivers and operators while also

protecting the riding public from additional burden. We have to discuss that, because we need to balance the impact of any fare hike on our commuters and fellow citizens,” wika ni

DOTr Secretary Vince Dizon.

Ang mga grupo ng transportasyon na humihingi ng taasan ang pamasahe ay ang Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association (Altodap), at Alliance of Concerned Transport Organizations.

Tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Iran na nagsimula kamakailan lamang, ito ay ayon na rin sa Department of Energy (DOE).

Upang   mabawasan   ang   epekto   ng   tumataas   na   produktong   petrolyo,   ang pamahalaan ay may planong magkaroon ng P2.5 bilyon na programa sa fuel subsidy para sa mga jeepneys, buses, taxis, at ride-hailing services kasama ang mga delivery vehicles.

Sinabi ni Dizon na may kabuohang 1,132,407 na mga drivers ang inaasahang mabibigyan ng nasabing plano mula sa nasabing programa sa subsidy na may 258,712

na public utility vehicles, 723, 695 na tricycle drivers, at may 150,000 na delivery drivers.

Sa ahensya naman ng Land Transportation Office (LTO), sinuspende ang lisensya ng isang driver ng motor-hailing taxi dahil sa kasong overcharging kung saan ang isang

pasahero ay sumakay mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) papuntang Cainta, Rizal at sinisingil ng P2,000.

Dahil na rin sa utos ni President Ferdinand Marcos, Jr. na bigyan ng proteksyon ang publiko mula sa mga mapagsamantalang mga drivers kung kaya’t sinuspende ng LTO ang lisensya ng nasabing driver.

“Our President is leading the charge against these abusive PUV drivers since that viral incident at the NAIA. He already learned about this another case and he wants to impose the sanctions on this rider,” wika ni Dizon.

Ang nasabing insidente sa overcharging ay nag viral at nabigyan ng atensyon ni

Dizon at ng LTO social media monitoring team kung saan binigyan agad ng aksyon ang nasabing insidente mula sa pamunuan ng DOTr at LTO.

Sa isang Show Cause Order na nilagdaan ni Intelligence and Investigation Division

chief Renante Melitante hiningi sa may-ari ng motor-hailing taxi ang kanyang paliwanag kung bakit hindi siya magiging liable sa nasabing overcharging na insidente.

Iniimbestigahan din upang malaman kung ang registered na may-ari ay siyang

driver ng nasabing motorcycle taxi ng nangyari ang insidente.

Kung magkanoon, ang driver ay haharap sa isang kaso ng “Improper Person to

Operate a Motor Vehicle” (Sec. 27 of RA   No.   4136)   na   may   maximum penalty na revocation ng kanyang lisensya.  LASACMAR

LTO gagawing “discipline zone” ang NAIA para sa mga PUVs, magde-deploy ng mga tauhan para magsagawa ng regular random inspections

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LALONG paiigtingin ngayon ng Land Transportation Office (LTO), sa patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ang presensya nito sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga tauhang nagsasagawa ng random inspections.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, layon din ng deployment na ito na mas maging mabilis at epektibo ang pagtugon ng ahensya sa mga kaso ng overcharging ng ilang taxi at iba pang pampasaherong sasakyan.

“Ginagawa nating isang “DISCIPLINE ZONE” ang NAIA at ang paligid nito, at ang pag-deploy ng ating mga tauhan ay simula pa lamang upang matiyak na sumusunod sa mga regulasyon ang mga driver na ito,” ani Asec. Mendoza.

Noong Miyerkules, Hulyo 2, kabuuang 41 taxi, motorcycle taxi, at iba pang sasakyan ang isinailalim sa inspeksyon sa NAIA Terminal 3.

Tiniyak din ng mga tauhan ng LTO na alam ng mga pasahero sa NAIA kung saan sila maaaring magreklamo laban sa mga abusadong driver ng pampublikong sasakyan.

Sa isinagawang inspeksyon, nahuli at nabigyan ng violation ticket ang isang taxi at isang motorcycle taxi dahil sa expired na rehistro, at kalaunan ay naimpound ang mga ito.

Nauna nang nagbabala si Secretary Dizon na may kaakibat na parusa ang mga lalabag na taxi, kabilang na ang posibilidad na masangkot din ang kanilang mga kumpanya, kasunod ng dalawang viral na insidente ng overcharging sa NAIA.

Sa panig ng LTO, sinabi ni Asec. Mendoza na isinusulong ng ahensya ang karagdagang hakbang laban sa pang-aabuso ng ilang PUV drivers, kabilang na ang panukalang doblehin ang multa sa mga lalabag.

“Hindi rin kami magdadalawang-isip na i-impound ang mga sasakyan ng mga pasaway na tsuper,” ani Asec. Mendoza. (PAUL JOHN REYES)

MANILA LGU, nakatanggap ng notice of disconnection

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAHAHARAP sa panibagong problema ang pamahalaang Lungsod ng Mayila nang makatangggap ng notice of disconnection mula sa mga service provider makaraang abisuhan na puputulin ang pangunahing serbisyo sa mga hospital , eskuwelahan at opisina na pinatatakbo ng Manila LGU.

Ayon kay  Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, nakatanggap ang Manila LGU ng disconnection notices sa mga hindi nabayaraang bill na nagkakahalaga ng P113,596,710.54, na sumasaklaw sa kuryente, tubig at Internet service sa mga eskuwelahan, ospital at iba pang pasilidad ng pamahalaan sa siyudad

Gayunpaman, pinakiusapan ng Alkalde  ang Meralco, Maynilad, Manila Water, PLDT, Globe Telecom, Smart Communications, Converge ICT at  Cignal TV, at  sinabing walang kapera-pera ngayon ang pamahalaang lungsod.

Paglilinaw naman ng alkalde na bahagi ng reality check na nagkaroon ng malalang financial mismanagement ang gobyerno ng Maynila at wala siyang sinisisi.

Natuklasan din ng alkalde na may P300-milyon na bayarin sa buwis sa Bureau of Internal Revenue, na kanyang dinatnan.

Ito ay bukod pa sa P113,596,710.54 na hindi nabayarang bills.

Humingi ng dalawang buwang palugit si Mayor Isko sa mga service provider upang makapag-adjust hanggang sa malutas ang krisis pinansiyal ng lungsod at mabayaran ang nakapalaking pagkakautang.

“Lahat ng naikubling singilin, itinago o ipinagkaila, ngayon bumubulagta sa amin,” saad ng alkalde.

Umapela si Domagoso para sa pang-unawa mula sa mga service provider, na humihiling ng dalawang buwang pagpapaliban upang bigyang-daan ang lungsod na lutasin ang mga isyu nito sa pananalapi at abutin ang mga hindi nababayarang bayarin.

Pwede ba makisuyo, huwag n’yo muna kami putulan ng kuryente, tubig, internet? Pagbalik ninyo sa mga boss n’yo, sabihin ninyo, bigyan niyo kami ng breathing room,” pakiusap ni Domagoso.

Idinagdag niya na ang anumang magagamit na savings ng lungsod – kabilang ang mga pondo na nakuhang muli mula sa 5,930  job order workers – ay gagamitin upang bayaran ang mga kagyat na obligasyon. (Gene Adsuara)

Curfew sa Maynila muling ipinatupad

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING ipinatupad ni Manila Mayor Isko ­Moreno ang curfew hours sa lungsod sa ilalim ng Executive Order No. 2 na layong masiguro ang kaligtasan ng mga may edad 17 pababa kung saan bawal gumala mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Layon nito na mai­layo, hindi lamang sa panganib sa lansangan ang mga kabataan, kundi makaiwas din sila sa masamang impluwensiya tulad ng pagkalulong sa ilegal na droga, pag-inom ng alak, at paglahok sa mga street gang na kalimitang may kagagawan sa mga riot.

Agad namang inatasan ni Manila Department of Social Welfare (MDSW) Chief Jay Dela Fuente ang lahat ng District Office na buksan ang kanilang mga opisina ng 24-oras. Sa oras aniyang may mahuling lumabag sa kautusan, agad silang dadalhin sa district office ng MDSW kung saan ipapatawag ang kanilang mga magulang at ipauunawa ang kanilang responsibilidad at ang nasabing ordinansa.

Bukod sa curfew hours, nilagdaan din ni Isko ang kautusan sa ilalim ng Executive Order No. 1 na nag-aatas sa lahat ng empleyado at opisyal ng lokal na pamahalaan na dapat ay maging modelo ng kagandahang asal; EO No. 3 na nag-aatas sa lahat ng barangay officials sa lungsod na pangunahan ang pagsasagawa ng de-clogging sa mga  kanal, estero at paglilinis ng kanilang nasasakupang lugar simula Hulyo 5, 2025 tuwing araw ng Sabado; EO No. 4 na naghihigpit sa pagpapatupad ng Motor Vehicle Modified Muffler Noise Regulation, at ang Executive No. 5 na nag-aatas sa lahat ng telephone companies at iba pang cable providers na isaayos ang mga patay na linya o mas kilala na ‘spaghetti wires’ sa buong lungsod ng Maynila.

Kasama sa mga napiling sikat na personalidad: LEA, first Filipina celebrity na gagawaran ng ‘star’ sa Hollywood Walk of Fame

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
OPISYAL nang inanunsyo na kasama ang Tony Award-winning Filipino singer-actress na si Lea Salonga sa Class 2026 ng Hollywood Walk of Fame.
Tatatak na ito sa kasaysayan dahil siya ang first Filipina celebrity na tatanggap ng naturang parangal sa kategoryang Live Theater and Live Performance, na wala pang date kung kailan magaganap.
Pasok nga si Lea sa 35 na sikat na personalidad mula sa larangan ng musika, pelikula, telebisyon, at sports entertainment at magkakaroon na ng sariling star sa sikat na landmark sa Los Angeles, California.
In-announce ito sa social media post ng Manila International Film Festival na nag-nominate sa international broadway diva, “We’re incredibly proud to share that the Manila International Film Festival had the honour of nominating the one and only Lea Salonga for a star on the Hollywood Walk of Fame – and she’s officially been selected!”
Masaya naman itong ibinahagi ni Lea, kasama ang screenshot na kasama siya sa recipients of the Walk of Fame star, at binilugan pa ang kanyang pangalan.
“Just now woke up to this bit of amazing news!!! To the Manila International Filmfest, many thanks for nominating me to be part of the class of 2025-26!”
After ng successful stint niya sa ‘Miss Saigon’ na kung saan nakatanggap siya ng Tony Award at Laurence Olivier Award, mas nakikila rin si Lea nang kantahin niya ang mga popular Disney movie theme song na “A Whole New World” (Aladdin, 1992) at “Reflections” (Mulan, 1998). Na-nominate din siya Grammy Awards at pinarangalan bilang Disney Legend noong 2011.
“Those nominations are gathered and given to an independent committee which consists of former Walk of Famers in all six categories that are honored on the Hollywood Walk of Fame,” pahayag ni Hollywood Chamber of Commerce President and CEO Steve Nissen.
Ilan pa sa kasama sa listahan ng Hollywood Walk of Fame Class 2026 ay sina Gabriel ‘Fluffy’ Iglesias, Sarah Michelle Gellar, Gordon Ramsay, Demi Moore, Emily Blunt, Molly Ringwald, Miley Cyrus, Timothée Chalamet, Chris Columbus, Marion Cotillard, Rami Malek, Rachel McAdams, Stanley Tucci, Air Supply, Josh Groban at Shaquille O’Neal.
Congrats Lea, sobrang proud ang mga Pinoy sa achievement niyang ito.  At marami ang nagsasabi na sa mga susunod na taon, puwedeng-puwede na talaga siyang hiranging bilang isang National Artist for Film and Broadcast Arts.
(ROHN ROMULO)

Tahimik rin sa kinasasangkutang isyu ng karelasyon; SUNSHINE, ayaw nang patulan ang ‘fake news’ na hiwalay na sila ni ATONG

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA gitna ng pinag-uusapang isyu ng negosyanteng si Atong Ang ay nanatiling tahimik ang aktres na si Sunshine Cruz.
Wala naman kasing dapat ipaliwanag si Sunshine dahil hindi naman siya sangkot sa isyu, huh!
Ang latest nga ay nagsampa na ng reklamo si Mr. Atong Ang laban sa isang Alyas Totoy na nagparatang sa kanya at sa aktres na si Gretchen Barretto na sangkot daw sa kontrobersiyal na kaso ng 34 nawawalang sabungero.
Bilang malapit sa aktres ay hiningan namin ng komento si Sunshine hinggil dito.
Pero kagaya ng dati ay ayaw magbigay ng kahit anumang statement ang premyadong aktres.
Tungkol naman sa isyung hiwalay na raw sila ni AA ay wala ring direktang sagot si Sunshine, na halata namang fake news.
Hindi na nga naman sila mga bata na pag uusapan pa ang lovelife nila.
48 years old na si Shine at 66 years old na si AA and one more thing hindi showbiz ang huli kaya hindi na dapat gawing isyu ang mga bagay na yun.
Sa kabila ng mainit na isyu ay nanatiling tahimik si Sunshine bukod sa pagre-repost niya ng naturang fake news.
Mababasa ang caption ni Shine sa kanyang FB post, “Sharing misinformation is not advisable especially if the news comes from a questionable site.
“Be vigilant family and friends.”
Well, sa pagkakilala namin kay Sunshine ay hindi siya ang tipong nang-iiwan sa isang mahal sa buhay sa anumang laban nito.
As long as mahal siya ng tao ay mamahalin din niya ito sa abot ng kanyang makakaya.
***
VERY much happy ang kapwa namin laking Cebu na si Debbie Lopez sa kanyang post birthday celebration.
Isinabay na rin ang launching ng kanyang Visayan song “Ang Higugmaon Ka” na may more than 16 million views na YouTube at sa Spotify.
Very timely naman dahil matagal ng crush ni Debbie ang magaling na aktor na si JM de Guzman na we all knew na meron ng karelasyon ngayon.
Teary-eyed na lang si Debbie ng iparinig sa kanya ang recorded na pagbati ni JM para sa kanyang kaarawan.
Wala pa namang chance na ma-meet in person ni Debbie ang ultimate crush niyang si JM. Pero sa ngayon mukhang iiwasan muna niya ang aktor dahil nga may kasintahan ito
Samantala given a chance ay handa na rin naman si Debbie na pasukin ang mundo ng showbiz. Nag-workshop na rin siya under Ogie Diaz at handa rin naman daw ang kilalang DJ at cosplayer na magpa-manage kay Ogie.
Well, wish namin kay Debbie na sana matupad ang pangarap niyang ma-penetrate ang music industry at maging isang kilalang singer at isang aktres.
(JIMI C. ESCALA)

Nabahiran ng lungkot at inis ang bakasyon sa Amerika: ANDREW E, na-hack ang IG account at nakatikim pa ng pamba-bash

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NABAHIRAN ng lungkot at inis ang bakasyon ng King of Pinoy Rap na si Andrew E sa Amerika.
Na-hack kasi ang Instagram account at hindi na niya ito mabuksan.
Nag-email na siya sa admin ng IG pero habang isinusulat namin ito ay wala pang balita kung naibalik na ang kanyang IG account.
“Not Available” ang lumalabas kapag sinusubukan niyang buksan ang kanyang naturang social media account.
Kaya nanawagan si Andrew sa admin at sa hacker mismo na ibalik na nila ang account niya dahil marami siyang memories at photos na naka-upload doon.
Samantala, hindi lang hacker ang tumitira sa Hari ng Rap, pati ba naman ang pagbabakasyon ng kanilang buong pamilya sa US of A ay bina-bash na mga walang magawa sa buhay.
O, e ano naman kung mag-Amerika si Andrew kasama ang kanyang pamilya? Napakasipag ni Andrew magtrabaho at rumaket, at dahil malaking pangalan siya sa industriya ng musika, siguradong malaki ang talent fee niya sa bawat event na dinadaluhan niya, kaya afford na afford ni Andrew na ipasyal ang pamilya niya saan man niya naisin.
Deadma na lang sina Andrew sa mga mapanira kaya naman naging masaya ang kanilang engrandeng US vacation kasama ang mabait niyang misis na si Mylene Yap Espiritu at ang tatlo nilang anak sina Fordy, Ichiro at ang bunsong si Jassley.
Napanood namin sa Facebook post ni Ms. Mylene na talaga namang enjoy na enjoy sila sa pamamasyal sa Amerika kung saan wala silang sinasayang na oras sa dami nilang pinuntahang lugar, isa na rito ang Disneyland sa Anaheim sa Hollywood at marami pang magagandang tanawin na makikita mo sa bawat post niya sa FB.
Speaking of Andrew and Mylene, ang pamilya nina Mylene ang nagmamay-ari ng pabulosong The District Boracay na isang class at 5-star na boutique resort sa Station 2 ng mala-paraisong isla ng Boracay.
Si SB Datu, anak ni Madam Mila Yap na ina ni Mylene, ang nagmamay-ari at nagma-manage ng class at 5-star rated na The District Boutique Resort na matatagpuan sa prime beachfront ng Boracay, as in paglabas mo ng main entrance ay dagat na ang nasa harap mo.
Napakaganda, napakalinis, at affordable ang The District, bukod pa sa masasarap na mga putahe ng pagkain sa mga restaurant sa loob mismo. Bongga rin ang pagkakaroon nito ng sariling spa, gym, at dalawang swimming pool.
Plus factor pa ang mababait at efficient na front desk staff ng The District na sina Femia Baldovia, Roger Rabang, Liana Picar, Denjilla Sacapaño, Frances Fuentes at Timothy Tan.
 
 
(ROMMEL L. GONZALES)

Ads July 5, 2025

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

5 – page 4-merged