NAPILI ang Pilipinas para maging host ng FIBA Women’s Asia Cup sa 2027.
Ayon kay FIBA Executive Director-Asia Hagop Khajirian na sabik sila na makabalik sa Pilipinas para sa FIBA Asia event.
Ito ang unang pagkakataon na anc continental-level basketball event ay iho-host ng Pilipinas mula noong 2013.
Dagdag pa ni Khaijirian na naniniwala sila na ang pag-host ng Pilipinas ng FIBA Women’s Asia Cup ay makakatulong sa promosyon nila na lalong magkainterest ang mga babae sa sports na basketball.
Sinabi naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio na masaya sila sa pagkapili ng Pilipinas para maging host ng FIBA Women’s Asia Cup 2027.
Mula pa aniya noon ay naging mahigpit nilang kasama na ang FIBA sa pagpaprioritize ng paglago ng basketball sa mga kababaihan.
Nasa momentum na ang Pilipinas sa basketball ng kababaihan dahil may ilang mga manlalarong Pinay ay kinukuha ng ibang mga bansa.
Magugunitang noong 2013 ng maging host ang Pilipinas sa FIBA Asia Championship kung saan naging runner-up ang Pilipinas at nakapasok sa 2014 FIBA Basketball World Cup.
TULUYAN nang natapos ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Wimbledon.
AYON kay reelected Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores, isa sa miyembro ng House prosecutors sa kaso, na hindi optional ang pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at dapat matuloy ito ngayong 20th Congress kapag pormal na itong magbukas.
SA kulungan ang bagsak ng 23-anyos na mangingisda nang tutukan ng baril at pagbantaang patayin ang negosyanteng ginang na naningil ng pautang sa kanya sa Navotas City.
NAGWAKAS na ang pagtatago ng 55-anyos na lalaki na wanted sa kasong pagpatay sa Valenzuela City matapos matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguang lugar sa Isabela.
NANINIWALA si Bicol Saro Party List Rep. Terry Ridon na dapat ipagbawal sa mga e-wallet platforms tulad ng GCash at Maya, at iba pang online applications ng banking institutions ang mga online gambling transactions.