• April 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 4th, 2025

Ads July 4, 2025

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

4 – page 4-merged

Deandre Ayton, pumirma na ng 2-year contract sa Los Angeles Lakers

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PUMIRMA na ng dalawang-taong kontrata ang bigman na si Deandre Ayton kasama ang Los Angeles Lakers.

Kalakip ng naturang kontrata ay ang ‘player option’ sa ikalawang taon. Ibig sabihin, mabibigyan si Ayton ng pagkakataong pumili kung mananatili pa siya sa Lakers sa huling taon o lilipat na lamang sa ibang koponan.

Ang bagong kontrata ng bigman sa Lakers ay nagkakahalaga ng $16.6 million ngunit tatanggap pa ito ng karagdagang $25.6 million mula sa kaniyang dating team na Portlands Trailblazers dahil kasunod ng naging buyout decision.

Inaasahang magiging starting center ng Lakers si Ayton pagpasok ng 2025-2026 season, kasama si Lebron James.

Makakasama rin ng bigman ang dati nakasabayan nito sa 2018 NBA draft na si Luka Doncic – si Ayton ang naging No. 1 pick sa naturang draft habang pangatlo naman si Doncic.

Sa nakalipas na season, nagposte ang naturang bigman ng double-double average na 14.4 points per game at 10.2 rebounds per game. Nagawa din niyang panatilihin ang 56.6$ shooting sa naturang season.

Lumalabas sa ilang ulat sa NBA na bago nagdesisyon si Ayton na pumirma ng kontrata sa Lakers ay nilapitan siya ng ilang bigating team tulad ng Indiana Pacers, New York Knikcs, LA Clippers, Milwaukee Bucks, Denver Nuggets, at Cleveland Cavaliers.

Filipinas tinambakan ang Cambodia 6-0 sa 2026 AFC Women’s Asian Cup qualifiers

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DOMINADO ng Philippine Women’s National Football Team ang Cambodia 6-0 sa 2026 AFC Women’s Asian Cup qualifiers.

Buy radio equipment

Dahil dito ay nasa unang puwesto ang Filipinas sa Group G matapos na talunin nila noong nakaraang araw ang Saudi Arabia 3-0.

Nakapagtala ng unang goal si Alexa Pino sa loob ng 18 minuto ng laro at pagkatapos ng isang minuto ay naipasok ni Meryll Serrano ang isa pang goal.

Pagdating ng 36 minuto ay doon muli naipasok ni Serrano ang goal at bago matapos ang unang half ay naipasok ni Sofia Wunsch ang lucky break.

Sa halftime pa lamang ng laro ay hindi pa nagkukumpiyansa ang Filipinas kahit na hawak nila ang kalamangan 4-0 laban sa host country.

Isa rin sa nagtala ng goal si Chandler McDaniel sa loob ng 56th minuto ng laro.

Susunod na makakaharap ng Filipinas ang Hong Kong sa Hulyo 5.

Sa pagkakadawit sa kanya sa kaso ng pagkawala ng mga biktimang sabungero… NEGOSYANTENG SI ‘ATONG ANG, NAGHAIN NG REKLAMO VS. ALYAS TOTOY’

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NEGOSYANTENG si Charlie “Atong” Ang, pinanumpaan ang reklamong inihain sa Mandaluyong Prosecutor’s Office laban kay Julie “Dondon” Patidongan o alyas “Totoy at Alan Bantiles, kilala rin bilang “Brown.”

Isinapormal na nito ang kanyang reklamo laban sa isang nagpakilalang testigo bilang si alyas ‘Totoy’ na siyang nagbunyag ng akusasyong nagdadawit kay Ang sa kaso ng pagkawala ng mga biktimang sabungero.

Inihain ng kampo ni Atong Ang kasama ang kanyang legal team na pinangunahan ni Atty. Lorna Kapunan ang complaint-affidavit sa Mandaluyong Office of the City Prosecutor umaga ng, Hulyo 3.

Si Patidongan ang dating guwardiya sa Manila Arena na lumutang kamakailan bilang whistleblower sa kaso ng mahigit 100 nawawalang sabungero. Sa kanyang mga pahayag, idinawit niya sina Ang at aktres na si Gretchen Barretto bilang mga umano’y utak sa likod ng serye ng pagdukot at pagpatay.

Ayon sa complaint affidavit na inihain ng kampo ni Ang, sina Patidongan at Bantiles ay magkasabwat umanong gumawa ng mga krimen gaya ng attempted robbery with violence and intimidation, grave threat, grave coercion, incriminating innocent persons, at paninirang-puri laban kay Ang.

Sa isang naunang pahayag nitong Miyerkules, Hulyo 2, tinawag ng kampo ni Ang ang mga akusasyon ni Patidongan bilang “malisyoso, walang basehan, at pawang kasinungalingan.”

Giit ni Ang, wala siyang kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero at mula pa sa simula ay nakikipagtulungan na siya sa mga awtoridad para malinawan ang isyu.

Hinimok din ng negosyante ang publiko at media na huwag agad maniwala sa mga akusasyon na walang sapat na ebidensya at iginiit ang kahalagahan ng due process sa halip na trial by publicity.

Ayon pa sa abugado ni Ang na si Lorna Kapunan, sinubukan umanong kikilan ni Patidongan si Ang ng P300 milyon kapalit ng hindi pagbabanggit sa kanya bilang “mastermind” sa kaso. Dagdag pa niya, nawawala ang kredibilidad ni Patidongan dahil sa pagkakasangkot umano nito mismo sa mga pagdukot.

Sa panayam ng GMA News at News5, sinabi ni Patidongan na si Ang umano ang nag-utos sa serye ng pagdukot sa mga sabungero mula 2021, dahil sa umano’y pandaraya sa mga sabong. Pinangalan din niya sina Eric Dela Rosa at Celso Salazar bilang mga kasabwat, at binanggit si Barretto na palaging kasama umano ni Ang.

(Text & Photos by Boy Morales Sr.)

Key Mobile Jeannie Services, inilunsad sa Malabon

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, City Administrator Alexander Rosete, at DRRMO head Roderick Tongol ang paglulunsad ng iba’t ibang Key Mobile Jeannie Services (KMJS) bilang parte ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) Preparedness Month na ginanap sa C4 Road, Barangay Longos.

Ayon kay Mayor Jeannie, ang programang ito ay inilapit sa mismong pintuan ng bawat Malabueño upang mas maging accessible ang mga serbisyong kinakailangan sa araw-araw. Isa itong konkretong hakbang tungo sa mas mabilis at direktang pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng komunidad. (Richard Mesa)

Sa pagbubukas ng 13 Navotas City Council… Tiangco, binalangkas ang family-focused agenda

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA huling session ng 12th Sangguniang Panlungsod at pagbubukas ng session ng 13th City Council ng Navotas noong Lunes, binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang family-centered approach sa governance.

“Lagi nating tingnan ang pamilya. Ano ba talaga ang tunay na nakakapagpasaya sa kanila?” ani alkalde na binanggit na ang mga programa ng gobyerno ay dapat nakatuon sa kung ano ang tunay na mahalaga sa mga sambahayan.

Pinasalamatan ni Tiangco ang mga outgoing councilors para sa kanilang suporta sa pagkamit ng mga pangunahing tagumpay sa ilalim ng kanyang unang termino bilang nagbabalik na alkalde.

“Napakarami na nating nagawa, pero marami pa tayong kailangang gawin. At hindi natin ito magagawa kung wala ang suporta ng Sangguniang Panlungsod,” ani Tiangco said, na pinuri si Vice Mayor Tito Sanchez para sa pamumuno ng isang supportive legislative body.

Inilatag ni Tiangco ang mga priority program para sa susunod na termino, mula sa pagpapalakas ng preventive healthcare sa pamamagitan ng Konsulta program at paghikayat sa Navoteños na magpatibay ng health-seeking behaviors bilang bahagi ng pang-araw-araw na buhay.

Sa kabuhayan, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng upskilling, lalo na sa mga kabataan sa gitna ng pagsulong ng teknolohiya na planong palawakin ang mga programa sa pagsasanay sa programming at artificial intelligence.

Sa edukasyon, idiniin ni Tiangco ang kahalagahan ng panghabambuhay na pag-aaral na naglalayong magkaroon ng sistemang hindi lamang nagbibigay ng diploma kundi nagtuturo din ng disiplina, values at tamang pagdedesisyon sa mga mag-aaral.

Sa safety and disaster preparedness, itinampok ni Tiangco ang papel ng city-wide trainings at systems sa buong lungsod tulad ng CCTV, Text JRT, at 911 sa pagtataguyod ng peace and order at kanyang pangako sa pangmatagalang solusyon sa flood control.

Sa pagtugon sa pabahay, sinabi niya na “Hindi lang ito tungkol sa bagong bahay, kundi sa pagbibigay ng bagong buhay,” tinutukoy ang layunin ng lungsod na magbigay ng ligtas at marangal na tirahan.

Kinilala rin niya ang mga tagumpay sa imprastraktura ng lungsod, mula sa multipurpose halls, convention center, culverts, hanggang drainage upgrade. (Richard Mesa)

Walang tunay na banta sa Speakership

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LUMILITAW na naresolba na ang usapin sa pagpili ng Speaker ngayong ika-20 Kongreso sa pamamagitan ng suporta ng 287 mambabatas at kawalan ng seryosong hamon laban kay Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez para sa naturang posisyon.

“The question of Speakership has already been resolved many, many weeks ago,” ayon kay reelected Tingog Party-list Rep. Jude Acidre.

Ayon sa mambabatas, sa total na 287 mambabatas ng bagong Kongreso, nasa 283 miyembro ang lumagda ng suporta para sa reelection bilang Speaker ni Romualdez.

“And I don’t think this is any more a question that needs to be resolved,” pahayag pa nito.

Nakatakda ang pormal na paghalal ng mga mambabatas para sa mga bagong lider ng Kamara ng ika-20 Kongreso sa pagbubukas ng sesyon sa Hulyo 28.

Si Romualdez ay nagsilbing Speaker ng kamara nitong katataposna ika-19 Congress.

Nang tanungin kung may mga “naghahamon” o challenger sa House leadership post, sinabi ni Acidre na hindi na iniisip pa ang isyu dahil sa laki ng bilang ng mga mambabatas na nagpahayag na ng suporta kay Romualdez. (Vina de Guzman)

DA, binalaan ang mga rice traders na ginagamit na dahilan ang P20.00 na bigas upang bilhin ng P10.00 ang aning palay ng mga magsasaka

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ng Department of Agriculture o (DA) ang mga rice traders na hindi pwedeng gawing dahilan ang P20.00 kada kilo ng bigas upang baratin ng labis ang presyo ng aning palay ng mga magsasaka.

Ito ay matapos na mapaulat na pumapalag na ang mga magsasaka sa Northern at Central Luzon dahil sa walong pisong bentahan sa kada kilo ng palay.

Maging ang samahang industriya ng agrikultura o sinag ay nagsabing posibleng hindi na sila magtatanim kung mas mataas pa ang production cost kesa sa magiging kita ng mga magsasaka.

Sa pulong balitaan, sinabi ni DA Spokesperson Arnel De Mesa, inatasan na ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang kanilang inspectorate enforcers na imbestigahan ang pambabarat sa aning palay ng mga magsasaka.

Paliwanag ni de mesa, ang palay na ginagamit ngayon sa 20.00 pesos na bigas ay binili ng P24.00 kayat walang dahilan upang baratin ang presyo ng aning palay.

May subsidiya aniya ang gobyerno kung kayat mura itong nabibili ng mga mahihirap na Pilipino.

Sinabi pa ni De Mesa na pinag-aaralan na ng DA ang pagpapataw ng parusa sa mga traders na mapapatunayang nagsasamantala sa sitwasyon. (PAUL JOHN REYES)

LTO enforcers ikakalat sa NAIA vs pasaway na PUVs

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAS madaming tauhan ng Land Transportation Office (LTO) ang ikakalat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para magsagawa ng regular random inspections laban sa mga pasaway na public utility vehicles (PUVs) sa naturang paliparan.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, magiging isang ‘discipline zone’ ang Naia para sa mga pampasaherong sasakyan upang maiwasang maulit pa ang insidente  ng overcharging ng mga pampasaherong sasakyan laluna ng taxi sa NAIA.

Kahapon ay may kabuuang 41 taxis, motorcycle taxis at ibang sasakyan ang isinailalim sa inspeksyon ng LTO sa NAIA Terminal 3 para matiyak na walang pang-aabuso sa mga pasahero ang mga abusadong PUV drivers.

Sa naturang inspections, isang taxi at motorcycle taxi ang nahuli dahil sa paso na ang rehistro ng kanilang sasakyan. Ang mga sasakyang ito ay naka impound na sa LTO.

Sinabi ni Mendoza na plano nilang doblehin ang parusa laban sa mga mapapatunayang abusadong driver ng mga pampasaherong sasakyan.

Pinatindi ng Lto ang kampanya laban sa mga abusadong PUVs nang mag-viral ang isang taxi driver na nag overcharge ng higit P1,000 pasahe sa pasaherong nagpahatid lamang mula NAIA Terminal 1 papuntang kabilang Terminal 3.