• April 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 3rd, 2025

DSWD, suportado ang inisyatiba ni PBBM na P20.00 kada kilo ng bigas sa mga mahihirap na Pilipino

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ng Department of Social Welfare and Development o (DSWD) ang inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbibigay ng P20.00 kada kilo ng bigas at pagtiyak ng food security sa mga mahihirap na Pilipino.

Ayon kay DSWD Asst. Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, kabilang sa magbebenepisyo sa hakbang ng pangulo ang mga senior citizen, persons with disabilities, solo parents at miyembro ng pantawid pamilyang pilipino program o 4ps.

Nilinaw ni Dumlao na kailangan dalhin ng mga benepisyaryo ang kanilang id sa tuwing magtutungo sa mga Kadiwa ng Pangulo para maka avail ng P20.00 kada kilo ng bigas.

Aniya, patunay na hindi nakakalimot ang gobyerno sa mga mahihirap na mamamayan at malaking tulong ang hakbang na ito sa araw-araw na nagsisikap upang maitawid ang kanilang pamilya.

Ang mga benepisyaryo ay makakapag-avail sa P20.00 kada kilo ng bigas sa mga piling Kadiwa ng Pangulo sa National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa.

Bukod sa kadiwa stores, mayroon ding mga accredited non-kadiwa outlets sa Metro Manila na nag-aalok ng bigas na abot-kayang presyo. (PAUL JOHN REYES)

CBCP nababahala sa talamak na online gambling sa bansa

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Kalookan Bishop at Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) president Pablo Virgilio Cardinal David sa gobyerno an dapat gumawa ng hakbang laban sa talamak na online gambling sa bansa.

Sinabi nito na mas matindi ang epekto ng mga online gambling dahil kahit sino ay puwedeng makapaglaro nito.

Binatikos din nito ang gobyerno dahil sa pinagbawalan nga ang offshore gaming subalit ginawang legal ang mga online gambling.

Lahat ay nakakapaglaro kahit anumang araw na gusto nila maging ang mga bata.

Itinuturing din niya na isang mga pushers ang mga celebrities at influencers na nag-eendorso ng mga online gambling.

Nilalambat umano nila ang mga inosente at mga desperado sa malawak na digital na dagat ng sugalan.

Una rito ay naghain ng panukalang batas si Senator Sherwin Gatchalian na naglalayong maghigpit sa mga online gambling.

Nakasaad sa panukala na dapat ay mayroong ipakita na ID ang mga maglalaro at ito ay edad 21 pataas.

Kasama rin dito ang minimum bet na P10,000 at ang minimum top-up ay P5,000 para hindi lahat ay makapaglaro.