Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
(ROHN ROMULO)
NAGPAKITANG-gilas ang Filipino-Canadian tennis star na si Leylah Fernandez matapos talunin ang Russian na si Anna Kalinskaya sa straight sets, 6-1, 6-2, upang masungkit ang DC Open title noong Linggo.
Ang panalo ay ang kauna-unahang WTA 500 title ni Fernandez at unang championship mula noong 2023. Tumagal lamang ng higit isang oras ang laban, kung saan nadomina niya ang buong match.
Matapos gapiin ang top seed na si Jessica Pegula at dating Wimbledon champion na si Elena Rybakina, nakamit ni Fernandez ang kanyang ika-apat na WTA title sa kanyang career.
Mabilis ding nakuha ni Fernandez ang unang set sa loob ng 30 minuto habang sa ikalawang set, mabilis rin siyang nakalamang at tuluyang isinara ang laban sa kanyang ikalawang match point.
Susunod na sasabak si Fernandez sa WTA 1000 Canadian Open sa Montreal, kung saan mas mahirap umano ang hamon.
UMAASA ang Philippine Tennis Association (PhilTA) na makakapaglaro si Pinay tennis star Alex Eala para sa Philippine contingent sa nalalapit na Southeast Asian Games.
Ayon kay PhilTA Executive Director Tonette Mendoza, nakausap na nila ang 20-anyos na Pinay star at nagpakita rin siya ng interest na makapaglaro kasama ang iba pang tennis player ng bansa.
Nakadepende pa rin aniya ito sa magiging schedule ni Eala, lalo at may iba pang mga turneyo na maaaring salihan ng World No. 65. Pinipilit din aniya ni Eala na makapaglaan ng sapat na oras mula sa kanyang scedule at commitmment.
Sa ngayon aniya, umaasa ang PhilTA na pagsapit ng SEA Games 2025 ay tuluyan nang magiging bahagi ng Team Philippines si Eala upang pangunahan ang tennis contingent ng bansa.
Kung tuluyang magiging bahagi ng Team Philippines ang Miami Open wild card, may tyansa siyang makuha ang kauna-unahan niyang gintong medalya sa SEAG matapos na malimitahan lamang sa bronze medal noong 2021 Games.
Ayon kay Mendoza, patuloy ang paghahanda ng PhilTA upang makakuha ng impresibong panalo pagsapit ng turneyo.
Nakatakda sa buwan ng Disyembre ang SEAG 2025 na gaganapin sa Thailand.
INIHALAL na ng Kamara ang mga bagong lider at chairman ng iba’t ibang komite, kabilang na ang makapangyarihang Appropriations, Rules, at Quad Committees sa ilalim ng liderato ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Nailuklok bilang chairman ng House Committee on Appropriations si Harvard-educated Nueva Ecija 1st District Rep. Mikaela Angela “Mika” Suansing habang si Bataan 2nd District Rep. Albert Garcia, ang magsisilbi namang senior vice chair.
Para naman sa Quad Comm, na biubuo ng Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights at Public Accounts, nahalal sina Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores (chair ng Dangerous Drugs), Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano para sa Committee on Public Order and Safety.
Mananatili naman si Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. bilang chairman ng Committee on Human Rights. Wala pang nahalal bilang chairman ng Committee on Public Accounts.
Sina Davao de Oro 1st District Rep. Maria Carmen Zamora ay nailuklok ilang chair ng Committee on Accounts at Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo bilang chair ng Committee on Ways and Means, habang magsisilbing senior vice chair nito si Manila 1st District Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio Jr.
Maging si Manila 3rd District Rep. Joel Chua ay mananatiling chair ng Committee on Good Government and Public Accountability, habang si Cagayan de Oro 1st District Rep. Lordan Suan ay pamumunuan ang Committee on Public Information.
Magsisilbi naman si Iloilo 3rd District Rep. Lorenz Defensor bilang senior deputy majority leader.
Ang iba pang nahalal bilang deputy majority leaders ay sina Reps. Julienne “Jam” Baronda (Iloilo City, Lone District), Marlyn Primicias-Agabas (Pangasinan, 6th District), Zia Alonto Adiong (Lanao del Sur, 1st District), Patrick Michael Vargas (Quezon City, 5th District), Ma. Alana Samantha Santos (Cotabato, 3rd District), Ernesto Dionisio Jr. (Manila, 1st District), Jeyzel Victoria Yu (Zamboanga del Sur, 2nd District), Arnan Panaligan (Oriental Mindoro, 1st District), Alyssa Michaela “Mica” Gonzales (Pampanga, 3rd District), Marie Bernadette Escudero (Sorsogon, 1st District), Ivan Howard Guintu (Capiz, 1st District), Wowo Fortes (Sorsogon, 2nd District), Adrian Jay Advincula (Cavite, 3rd District), Anna Victoria Veloso-Tuazon (Leyte, 3rd District), Crispin Diego Remulla (Cavite, 7th District), Vincenzo Renato Luigi Villafuerte (Camarines Sur, 2nd District), Jose “Bong” Teves Jr. (TGP Party-list), Munir Arbison Jr. (KAPUSO PM Party-list), at Ramon Rodrigo “Rodge” Gutierrez (1-RIDER Party-list).
Habang ang mga bagong assistant majority leaders ay sina Reps. Bai Dimple Mastura (Maguindanao del Norte, Lone District), Rhea Mae Gullas (Cebu, 1st District), Daphne Lagon (Cebu, 6th District), Roberto “Pinpin” Uy Jr. (Zamboanga del Norte, 1st District), Agatha Paula Aguilar Cruz (Bulacan, 5th District), De Carlo Uy (Davao del Norte, 1st District), Leonel Ceniza (Davao de Oro, 2nd District), Ronald Singson (Ilocos Sur, 1st District), Mark Anthony Santos (Las Piñas City, Lone District), King Collantes (Batangas, 3rd District), Patricia Calderon (Cebu, 7th District), Juan Carlos “Arjo” Atayde (Quezon City, 1st District), Alexandria Gonzales (Mandaluyong City, Lone District), John Geesnell “Baba” Yap II (Bohol, 1st District), Francisco “Kiko” Barzaga (Cavite, 4th District), Ralph Wendel Tulfo (Quezon City, 2nd District), Esmael Mangudadatu (Maguindanao del Sur, Lone District), Bella Vanessa Suansing (Sultan Kudarat, 2nd District), Javier Miguel Lopez Benitez (Negros Occidental, 3rd District), Katrina Reiko Chua-Tai (Zamboanga City, 1st District), Jorge Daniel Bocobo (Taguig City, Lone District – 2nd Councilor District), Ryan Recto (Batangas, 6th District), James “Jojo” Ang (USWAG ILONGGO Party-list), Brian Poe-Llamanzares (FPJ PANDAY BAYANIHAN Party-list), at Johanne Monich Bautista (TRABAHO Party-list).
Una dito, nanumpa naman kay Speaker Romualdez sina Majority Leader Marcos at siyam na deputy speakers na sina Janette Garin (Iloilo, 1st District), Yasser Alonto Balindong (Lanao del Sur, 2nd District), Francisco Paolo Ortega V (La Union, 1st District), Jefferson Khonghun (Zambales, 1st District), Kristine Singson-Meehan (Ilocos Sur, 2nd District), Ronaldo Puno (Antipolo City, 1st District), Faustino Dy III (Isabela, 6th District), Ferjenel Biron (Iloilo, 4th District) at Raymond Democrito Mendoza (TUCP Party-list).
Gayundin, sina Secretary General Reginald Velasco at Sergeant-at-Arms retired Police Maj. Gen. Napoleon Taas. (Vina de Guzman)
NASAMSAM sa isang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang nasa P68K halaga ng shabu at isang baril nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, Martes ng gabi.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Jerry Protacio, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong suspek sa alyas na “Miyo”, 47, electrician, ng Brgy. Santulan.
Batay sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Col. Umipig ang buy bust operation sa koordiansyon sa PDEA matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng suspek ng shabu.
Isa sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek.
Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng ibinenta niyang isang plastic sachet ng shabu, agad lumapit ang back-up na operatiba saka dinamba si alyas Miyo dakong alas-10:15 ng gabi sa Tila E. Martin St., Brgy.Santulan.
Nakumpiska sa suspek ang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P68,000, buy bust money at isang kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala.
Ayon kay PMSg Kenneth Geronimo, mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang isasampa nila laban sa suspek sa pamamagitan ng inquest proceeding sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
UMABOT sa mahigit P1.6 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa isang babaeng drug suspects matapos malambat ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City, Miyerkules ng madaling araw.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Jerry Protacio, kinilala ni Navotas Police OIC chief P/Col. Renante Pinuela ang naarestong suspek na si alyas “Rose”, 47-anyos.
Ayon kay Col. Pinuela, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas police na sangkot umano sa pagbebenta ng shabu, marijuana oil at ecstasy ang suspek kaya isinailalim nila ito sa validation.
Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Col. Pinuela ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA matapos magawang makipagtarnsaksyon sa suspek ng isa sa mga operatiba ng SDEU na nagpanggap na buyer.
Matapos umanong tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng ibinenta niyang droga, agad siyang inaresto ng mga operatiba ng SDEU sa H. Lopez Street, Brgy. San Rafael Village, dakong alas-2:57 ng madaling araw.
Nakuha sa suspek ang nasa 73.65 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P500,820.00, 302 tablets ng suspected ecstasy na nasa P513,400.00 ang halaga, 90 vape cartridges ng umano’y marijuana oil na nagkakahalaga ng P630,000.00 at marked buy-bust money.
Nakatakdang sampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Navotas City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng inquest proceedings.
Pinuri naman General Protacio ang mga arresting team para sa kanilang pagbabantay at koordinasyon.
“This arrest demonstrates our unrelenting commitment to justice and public safety. Our operatives, together with our partner agencies, continue to work tirelessly to locate and apprehend individuals who attempt to evade the law.” pahayag niya. (Richard Mesa)
UMABOT na sa halos 60 kaso na ng dengue ang naitala sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa Manila Health Department, ito ay mula lamang noong July 13 hanggang 19.
Sa kabila nito, wala namang naitala na namatay dahil sa sakit na nakaapekto sa mga residente na mula edad 1 hanggang 85.
Sinabi ni Dr. Edgar Santos, Asst City Health Officer ng Maynila na karamihan sa mga tinamaan ng dengue ay mga lalaki na edad 10 hanggang 14.
May pinakamataas na kaso ang District 1 sa Tondo.
Umaasa naman ang MHD na makatutulong ang ipinamahagi nilang mahigit 65-libong doxicycline para mapigilan ang paglobo ng sakit na leptospirosis .
Noong July 13 hanggang 19, naitala ang 10 kaso bagama’t mga suspected at probable pa lamang — na ang ilan ay nakauwi na habang ang iba ay nasa ospital pa
Mula sa District 5 partikular sa Baseco compound ang karamihan sa mga tinamaan ng Leptospirosis sa lungsod .
Karamihan din aniya sa mga kaso ng Leptospirosis ay kalalakihan na edad 25 hanggang 29. (Gene Adsuara)