• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:45 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

PNP Mobile App inilunsad sa pagseserbisyo

Posted on: June 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PARA sa mas tuluy-tuloy na pagseserbisyo, inilunsad ng Philippine National Police (PNP) Communications and Electronics Service ang isang mobile application na tatawaging PNP Services.

Ang nasabing mobile ay makabagong plataporma na naglala­yon na gawing mas ­epi­syente at epektibo ang mga pangunahing serbisyo ng mga pulis sa publiko at mapahusay na rin ang komunikasyon sa pagitan ng publiko at ng kapulisan.

Makikita sa PNP mobile app ang mga directory ng mga police stations, mga serbisyong publiko at maging ilan pang mga features at maging links ng iba’t ibang tanggapan ng PNP sa buong bansa.

Sa pamamagitan nito mas magiging mabilis ang paghahatid serbisyo at matutugunan ang anumang kuwestiyon o serbisyong nais ng publiko.

Samantala, ito ay bahagi pa rin ng moderni­sasyon ng PNP kung saan layon nito na gawing mas moderno na ang approach ng mga pulis sa mga emergency cases.

Dagdag pa ng PNP, kailangan lamang i-download ang website upang maka-access.

Ads June 27, 2025

Posted on: June 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

27 – page 4-merged

‘THE HEARING’ TO MAKE NORTH AMERICAN PREMIERE AT THE 2025 NEW YORK ASIAN FILM FESTIVAL

Posted on: June 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

THE critically acclaimed Filipino drama ‘The Hearing’, directed by award-winning filmmaker Lawrence Fajardo, will have its North American premiere at the 2025 New York Asian Film Festival (NYAFF), with the support of Fire and Ice Media, the film’s official international sales partner.

Following powerful screenings at Cinemalaya and the Busan International Film Festival, The Hearing continues its global journey with its NY premiere, shining a light on silenced voices and systemic injustice. The film will screen as part of NYAFF’s prestigious competition lineup, with director Fajardo and producers in attendance for a post-screening Q&A.

Now in its 24th edition, NYAFF 2025 marks its most globally expansive lineup yet, with the theme “Cinema as Disruption”—spotlighting bold, genre-defying films that challenge the status quo. The inclusion of The Hearing highlights the festival’s commitment to urgent, socially driven storytelling from across Asia.

Set in a remote fishing village, ‘The Hearing’ follows Lucas, a deaf boy, and his family as they take legal action against a respected priest who has sexually abused him. As they confront religious and institutional power, a court sign language interpreter — voiceless in her own home — becomes entangled in the case. The film presents a compelling look at the intersections of silence, trauma, and truth.

Starring Mylene Dizon, Enzo Osorio, Ina Feleo, Joel Torre, Ruby Ruiz, and Nor Domingo, the film has drawn acclaim for its courageous storytelling and empathetic lens on disability and justice.

“Seventy percent of deaf children in the Philippines are victims of sexual abuse. Many of their cases are dismissed because they cannot testify — there simply aren’t enough qualified sign language interpreters,” says director Lawrence Fajardo. “This film is our call to action — for awareness, reform, and above all, listening.”

The Hearing is written by Honee Alipio, produced by Krisma Maclang Fajardo, and executive produced by Brillante Mendoza, with cinematography by Roberto “Boy” Yñiguez and music by Peter Joseph Legaste and Joaquin Santos. The film is a production of Pelikulaw and Center Stage Productions.

Fire and Ice Media, known for championing socially impactful Asian cinema on the global stage, is representing The Hearing in international markets. Their strategic efforts have been key in bringing the film to North American audiences through NYAFF.

For screening schedules and ticket details, visit www.nyaff.org.

(ROHN ROMULO)

Muling sumabak sa heavy drama series: GABBY, humanga kina KYLIE at KAZEL na first time makatrabaho

Posted on: June 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING sumabak sa heavy drama Kapuso series si Gabby Concepcion sa ‘My Father’s Wife.’

Huli niyang ginawa ang fantasy series na ‘My Guardian Alien’ na umere nitong nakaraang taon kung saan kasama niya si Marian Rivera.
Kamusta ang shifting sa isang super heavy drama na serye?
“Well, okay naman dito dahil parang Alien din ito, pareho kami ni Jak Roberto sa ibang mundo e,” ang umpisang hirit ni Gabby.
“So hindi… pero ito si Jak, first time kong makakasama, nagkataon naman na he’s a rider also, we have something in common, all of a sudden, oo.
“Aside from the fact na kasama ko yung sister niya, sa First Lady and First Yaya.”Younger sister ni Jak si Sanya Lopez na leading lady ni Gabby sa dalawang nabanggit na Kapuso shows.
Nasa ‘My Father’s Wife’ si Kylie Padilla na gaganap na anak ni Gabby sa show.
Kumusta kasama ang anak ni Senator Robin Padilla na si Kylie?
“First time kami lahat magsasama-sama, except for Snooky (Serna), bago itong cast na ito.”
“Okay siya, okay siya, very professional naman lahat, halatang nag-workshop lahat ng artista, parang hindi ano, ako lang baguhan dito e,” ang tumatawang pagbibiro ni Gabby, “kaya nag-a-adjust pa.”
First time din ni Gabby katrabaho si Kazel Kinouchi na gaganap na karelasyon niya.”Nag-research na ako sa kanila e,” pag-amin ni Gabby.
Ayon naman sa isang interbyu ni Kazel ay sinabi nitong masaya raw na nakatrabaho si Gabby.
“Maganda, maganda si Kazel, I think ilang years pa lang si Kazel sa GMA, so ang galing naman!
“Parang nakikita ko sa kanya yung mga role ni Cherie Gil, yung parang leading lady na bida-kontrabida.
“I think ganyan din nag-umpisa sina Beauty.”
Nakatrabaho naman ni Gabby si Beauty Gonzales sa ‘Stolen Life’ ng GMA noong 2023.
Pagpapatuloy pa niya, “Actually yung role na ganyan, hindi ka mawawalan ng ganyang role, you can be a chameleon.
“So masarap silang katrabaho, bottom line, nakikita ko yung dedication nila and thank you GMA for putting all of us together.”
Napapanood na ang ‘My Father’s Wife’, towing 2:30 pm sa GMA Afternoon Prime.
***

FIRST ever winner ng ‘Campus Cutie’ ng Sparkle GMA Artist Center si Mad Ramos.

At dahil isang muslim si Mad, inamin naman niya na may mga bagay na hindi siya maaaring gawin bilang artitsa.

Aniya, “Meron, at isa sa example, yung nakahubad ako.” 

Hindi siya maaaring maghubad sa harap ng kamera, sando ang pinaka-seksi na puwede niyang isuot.

Bawal rin sa kanya ang magkaroon ng kissing scenes sa pelikula o telebisyon.

Sa tanong kung sino sa mga Kapuso artists ang pangarap niyang makasama sa isang proyekto…

“Siyempre yung mga idols ko, mga big time na sina Ms. Marian Rivera, Dingdong Dantes, and also si Kuya Ruru Madrid.

“Siguro si Ms. Bea Alonzo. Kasi, ever since I was a kid, pinapanood ko na siya, e.

“Pero kung puwede pa, di ba, it’s not too late.

“Si Charlie Flemming. I like her personality. Yung attitude niya, napapanood ko siya sa PBB. I like her.”

At dahil siya nga ang first ever Campus Cutie, noong i-announce na siya ang nanalo, ano ang totoong naramdaman niya?

“I’m very proud of myself.

“Hindi ko nga in-expect. Honestly, right now, I’m very happy talaga and very thankful sa opportunity. Yun talaga ang nararamdaman ko. 

“And I feel blessed. I feel so blessed.”

Kahit maging abala na siya sa showbiz ay ipagpapatuloy niya ang kanyang edukasyon.

“Hindi ko pa rin pababayaan ang pag-aaral.”

Grade 12 si Mad (o Ahmad Ramos) sa University of Sto. Tomas. 

Magga-graduate na, pero I plan to transfer sa Lyceum kasi number one siya sa Custom Administration.

I love sports. Varsity po ako ng volleyball. Na-recruit po ako doon kaya po nakapag-aral din ako sa U.S.T.”

(ROMMEL L. GONZALES)

12 birthdays na ang dumaan na magkasama: ICE, punum-puno ng pagmamahal ang mensahe kay LIZA

Posted on: June 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PUNUM-PUNO nang pagmamahal ang birthday greeting ni OPM icon Ice Seguerra sa asawang si Liza Diño, na nag-celebrate ng 43rd birthday last June 25.
Makikita sa Facebook post ang sweet photos nila na kuha sa iba’t-ibang taon.
Panimula niya, “Isang dosenang birthday na ang dumaan na magkasama tayo. You’ve worn multiple hats mula noon. Nanay, artista, chef, flamenco dancer. Hanggang sa naging chairperson, public servant, madame chevalier. 
“Tapos naging CEO ng kumpanya, creative director, producer, scriptwriter, playwright, songwriter.”
Pagpapatuloy ni Ice, “I am grateful to witness all the things you have become. Your passion knows no bounds. Parang iba-ibang persona ang taong nasa tabi ko, and you’re not just good at all of these. You freakin’ excel at it. Your drive is so infectious na kahit ang pinakatamad na tao (ako yun), nadadala mo.
“But of all these personas, my favorite will always be you as my wife, my soul partner and best friend. That when all the world is finally quiet, you come home to me, stripped of all the facade, and just be you. Kaya swerte ako, because I get to experience the most beautiful part of you.”
Pagtatapos pa ng kanyang mapusong mensahe para kay Liza, You’re the best thing that has ever happened to me. I will forever be your number 1 fan and I’ll always be here to celebrate you and remind you of how awesome you are.
“Happy birthday, my love.
 
***

PINANGUNAHAN ng Filipino musical na “Song of the Fireflies” ang listahan ng mga pelikulang inaprubahan ngayong linggo ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang pelikula, itinanghal na Best Picture sa 2025 Manila International Film Festival (MIFF), ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang), at angkop sa buong pamilya.

Pinagbibidahan ni MIFF Best Actress at Asia’s Phoenix Morissette Amon, ang pelikula ay tungkol sa Loboc Children’s Choir at ang mahalagang papel ng tagapagtatag nito na si Alma Taldo (Amon).

Nakatanggap din ng PG rating ang “F1” na pinagbibidahan ni Hollywood star Brad Pitt bilang isang retiradong Formula One driver na naging mentor ng isang batang racer, pati na rin ang musical na “Miley Cyrus: Something Beautiful,” na tampok ang musika ng global pop icon na si Miley Cyrus.

Dalawang pelikula ang rated R-13 (Restricted-13) o angkop lamang para sa mga edad 13 pataas.

Kabilang dito ang lokal na pelikula na “Unconditional,” na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Allen Dizon, at ang American sci-fi horror na “M3GAN 2.0.”

Ang American horror na “The Ritual,” hango sa totoong kwento, ay rated R-16 (Restricted-16) para lamang sa edad 16 pataas. Tungkol ito sa dalawang pari na gustong iligtas ang isang babaeng wari’y sinapian.

Hinimok ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang publiko na maging responsableng manonood, lalo na sa pagpili ng mga pelikulang puwede ang mga bata.

“Ang angkop na klasipikasyon ng MTRCB ay nagsisilbing gabay para sa mga magulang at nakatatandang kasama natin sa pagsusulong ng responsableng panonood para sa kanilang pamilya, lalo na para sa mga bata,” sabi ni Sotto-Antonio.

(ROHN ROMULO)

Invited din kaya ang kanyang special someone? : MICHAEL, hihintayin na makalabas ang natitirang housemates bago ang house blessing

Posted on: June 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINIHINTAY na lang ng Sparkle actor na si Michael Sager na makalabas ng Bahay ni Kuya ang natitirang housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bago ang kanyang house blessing.
Ang mga nakalabas pa lang ay sina Shuvee Etrata, Klarisse de Guzman, Vince Maristela, Emilio Daez, Josh Ford, AC Bonifacio at Ashley Ortega.
“Actually, hinahanda ko na po ‘yung mga camera para ready na. Hinihintay ko talaga ‘yung house blessing ko kapag kumpleto na kami,” sey ni Michael.
Aminado rin si Michael na mayroong nagpapasaya sa kanya ngayon. I-reveal daw niya ito very soon.
Invited din kaya ang special someone na ito sa house blessing ni Michael?
***
DAGDAG kilig ang hatid ng hit youth-oriented show na MAKA sa pagdating ng bagong cast members na sina Mga Batang Riles stars Anton Vinzon at Raheel Bhyria, at Sparkle Campus Cutie winner Mad Ramos.
Sa MAKA, makikilala si Anton Vinzon bilang Anton Mendoza, isang Grade 12 transfer student sa MAKA Academy. Isa siyang star athlete at online sensation dahil sa husay sa basketball. Siya ang leader ng three-man basketball sensation na The B-Boys.
Kabilang sa trio ng The B-Boys si Raheel Perez, na gagampanan ni Raheel Bhyria. Matalino, mabilis, competitive, at mahusay sa strategy. Sa kabila ng pagiging mahusay sa numero, sci-fi, at coding, lumaki siyang itinatago ito dahil sa takot na mabigyan ng label at ma-bully.
Panghuling miyembro ng The B-Boys ay si Mad Sarmiento, na bibigyang-buhay ni Mad Ramos. Mahusay pumorma, maangas, dating star athlete, at sikat online dahil sa pagiging viral ng kanyang basketball videos. Sa good look at killer moves sa court, halos lahat ay kumpyansa sa kanya, pero ang hindi alam ng marami ay isa isang mama’s boy.
(RUEL J. MENDOZA)

Back-to-back NBA title paghahandaan ng Thunder

Posted on: June 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA si NBA MVP Shai Gilgeous-Alexander na muling makakasampa ang Thunder sa NBA Finals para sa hangad na back-to-back championship sa susunod na season.

Maski na magpalakas pa ang ibang koponan.

“We definitely still have room to grow,” wika ni Gilgeous-Alexander, ang Finals MVP at scoring champion sa Oklahoma City. “That’s the fun part of this. So many of us can still get better. There’s not very many of us on the team that are in our prime or even close to it. We have a lot to grow, individually and as a group. I’m excited for the future of this team. This is a great start, for sure.”

Tinalo ng Thunder ang Indiana Pacers, 103-91, sa Game 7 ng kanilang best-of-seven championship series para angkinin ang korona.

Kumpara kay Gilgeous-Alexander, inaasahang hindi kaagad makakalaro sa susunod na season sina Tyrese Haliburton ng Indiana, Jayson Tatum ng Boston at Damian Lillard ng Milwaukee na nagkaroon ng Achilles injuries.

Bata rin ang line-up ng Thunder na may edad 23-anyos hanggang 27-anyos.

Eala naghahanda para sa posibleng rematch kay Ostapenko

Posted on: June 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA na si Pinay tennis star Alex Eala para sa potensiyal na rematch kay Jelena Ostapenko sa Eastbourne Open.

Tinalo kasi ni Eala ang Latvia star noong Miami Open.

Ang nasabing rematch ay matapos na talunin ni Eala si World number 61 Lucia Bronzetti sa score na 6-0, 6-1 sa Round of 16 ng torneo.

Makakaharap ni Eala si Ostapenko kapag manalo siya kay Sonay Kartal ng United Kingdom.

Ito na ang huling torneo ni Eala bago ang pagsabak niya sa Wimbledon.

272 Navoteños, nagtapos sa Tech-Voc Photo caption:

Posted on: June 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINATI nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang nasa 272 na Navoteño trainees na nagtapos ng iba-ibang tech-voc courses sa NAvotas VOcational Training And ASsessment Institute.

Sa bilang na ito, 47 ang nagtapos ng Bread and Pastry Production II, 33 sa Japanese Language and Culture, 63 sa Korean Language and Culture, at 20 sa Food and Beverage Services NC II.

Samantala, 24 naman ang nagtapos sa Automotive Servicing NC I, 22 sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II, 20 sa Housekeeping NC II, at 43 sa Barista NC II. (Richard Mesa)

PBBM, personal na sinaksihan ang pagsira sa illegal na ‘floating shabu’ sa Tarlac  

Posted on: June 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagsira sa P9,484,134,038.62 halaga ng ipinagbabawal na gamot sa Clean Leaf International Corporation sa lalawigan ng Tarlac.

Kasama ng Pangulo si Interior Secretary Jonvic Remulla.

Sinabi nito na pumunta siya sa lalawigan ng Tarlac upang makita kung ano ba talaga ang buong sistema mula sa pagkahuli ng mga droga, pagte-testing hanggang sa huli ay pagsira sa mga nahuling illegal na droga.

“Dahil kailangang tiyakin natin na ‘yung mga nahuhuling drugs ay talagang sinisira at wala ng pag-asa na bumalik pa at maibenta pa, ang sinabi ng Pangulo.

“That’s why I’m here today just to see how the system works para very solid ‘yung system natin from the capture and of the illegal drugs all the way until the destruction of the illegal drugs also,” aniya pa rin.

“So ito pala, ngayon ko lang nakita ito so I was very interested to see. This will be the chamber temperature will be raised to 700 degrees Celsius which is hot enough to destroy all of the active elements within the drugs. So after nainit na sa 700 degrees Celsius hindi na, it will not be shabu anymore, it will not be marijuana anymore, it will not be any drug anymore.

Hindi na talaga pwede, sirang-sira na ito. So that’s what we are here to witness,” dagdag na pahayag pa rin ng Pangulo.

“At this point matagal pa ito. Iinit pa ito for another 10 hours no? Tapos mag-aantay tayo ng 12 hours bago palalamigin ulit para makita kung nauubos na talaga ‘yung ating sinunog. Kapag may nakita na may traces pa ay babalik nila, uulitin pa nila para talagang sirang-sira,” ayon sa Pangulo.

Sa kabilang dako, ikinatuwa naman ng Pangulo na may mga miyembro ng media ang kasama niyang sasaksi sa sistemang gagawin sa ilegal na droga.

“I’m also happy that I was able to get the opportunity na makapunta rito para makita ko rin ang ang buong sistema from the capture all the way until its destruction,” ang pahayag pa rin ng Chief Executive.

Samantala, kabilang sa mga illegal na droga na sinira ay ang 1,304.604 kilogramo ng lumutang na pakete ng shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P8,871,307,200.00.

Ang ‘floating shabu’ ay na-recover ng mga lokal na mangingisda sa baybaying-dagat ng Zambales, Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Cagayan.  (Daris Jose)