• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:31 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

Patutsada ni VP Sara kay PBBM na nag-photo ops sa mga nasabat na illegal na droga, binuweltahan ng Malakanyang

Posted on: June 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NIRESBAKAN ng Malakanyang ang patutsada ni Vice-President Sara Duterte na hindi trabaho ng Pangulo ang pagpapa-picture sa mga nasabat at sinunog na illegal na droga.

Personal kasing sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsunog sa bultu-bultong shabu sa pamamagitan ng thermal decomposition sa Capas, Tarlac at pagkatapos ay nagpakuha ng larawan kasama ang mga susunuging ilegal na droga.

“Ang Pangulo, ay gumising ng maaga kahapon, pumunta sa Tarlac, nag-trabaho, nag-utos, hindi nagbakasyon at binantayan ang pagsisira ng illegal na droga. Nais ng Pangulo, na masawata ang droga, ang illegal na droga sa ating bansa. At ang pagta-trabaho po ng Pangulo ay dapat maramdaman ng tao. Hindi po ito pang photo ops lang, ito ay nagsisilbing babala sa mga criminal at nagsisilbi rin po itong inspirasyon sa taumbayan na nagnanais na masawata ang illegal na droga,” ang sinabi ni Para kay Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

“Mas maganda po siguro talaga na pasinayaan at makita mismo ng Pangulo ang pagsira sa mga illegal na droga na ito kaysa po walang gawin sa mga nawalang illegal na droga sa magnetic lifter.”

“Kailan nga ba ito nawala? 2018 iyan at baka po nakalimutan din po ng Vise Presidente na ang kanyang ama ay nagkaroon din po ng pagwi-witness sa incineration ng 7.51 billion dangerous drugs sa Cavite. Ito po, baka po nakalimutan niya po ito, baka puwede natin palakihan. Kailan po ba ito? Wait lang 2020 lamang. So, baka nakalimutan po ito ni Bise Presidente.,” aniya pa rin saba sabing “So, ang pagtatrabaho po naman ay hindi dapat itago dapat nakikita ng taumbayan, dapat nagre-report ang Pangulo sa taumbayan.”

(Daris Jose)

DOF, aprubado ang donasyon ng nasamsam na gasolina sa PCG

Posted on: June 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

APRUBADO ng Department of Finance (DOF) ang donasyon ng 1,251.68 litro ng nasamsam na gasolina sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa katunayan, sinabi ng DOF na nagbigay ng ‘thumbs up’ si Finance Secretary Ralph Recto para sa donasyon ng nasamsam na langis sa PCG para “support the country’s maritime safety and security operations.”

Ang 1,251.68 litro ng gasolina ay isinalin o inilipat ng Bureau of Customs (BOC) alinsunod sa Seksyon 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) dahil sa paglabag sa fuel marking regulations.

Ang Fuel marking, “which involves injecting chemical identifiers into tax-paid oil products, is being carried out under the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act to curb the smuggling of petroleum products.”

Ang donasyon ng nasamsam na gasolina ay nakaayon sa direktiba ni Pangulong Marcos na paigtingin ang laban sa smuggling at palakasin ang national security.”

“This donation not only shows our commitment to bolstering our defense sector, but is a clear warning to all businesses that any illicit act will not go unpunished. Hinding hindi namin palalampasin ang anumang panlalamang at iligal na gawain,” ang sinabi ni Recto.

“Section 1141 of the CMTA authorizes the donation of goods subject to disposition to another government agency, upon the approval of the Secretary of Finance,” ayon sa DOF.

(Daris Jose)

Panunumpa ng mga bagong opisyal ng Navotas

Posted on: June 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANUMPA na ang mga bagong halal na opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa bagong blessed na Navotas Polytechnic College, kasabay ng ika-18th Cityhood Anniversary ng lungsod. Pinangasiwaan ni Executive Judge Ronald Q. Torrijos ang panunumpa nina Congressman Toby M. Tiangco, Mayor John Rey M. Tiangco, Vice Mayor Tito M. Sanchez, at mga miyembro Sangguniang Panlungsod na sina Reynaldo A. Monroy, Lance E. Santiago, Mylene R. Sanchez, Arvie John S. Vicencio, at Edgardo DC. Maño sa district 1. Clint Nicolas B. Geronimo, Emil Justin Angelo G. Gino-gino, Cesar Justin F. Santos, Analiza DC. Lupisan, at Rochelle C. Vicencio para sa district 2. (Richard Mesa)

Para gawing maayos at mahusay ang LRT ops: PBBM, okay sa PPP scheme -Dizon

Posted on: June 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINANG-AYUNAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang planong Public-Private Partnership (PPP) scheme para LRT-2.

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na ang PPP scheme ay para gawing mahusay ang operasyon ng LRT-2.

Pahayag ito ni Dizon matapos makaranas ng technical problem nitong Miyerkoles ang mga mananakay ng LRT-2.

Nalimitahan kasi ang biyahe ng LRT-2 sa Recto hanggang Cubao station dahil sa naturang aberya.

At nang tanungin si Dizon kung ano ang gagawin ng pamahalaan o gagawin para hindi maulit ang nasabing aberya, sinabi ni Dizon na “Alam ninyo, hindi ganoon kadaling ayusin itong mga sistemang ito ‘no. Ang pangmatagalang solusyon talaga dito ay dapat ….na itong mga sistemang ito kagaya ng LRT 2 at MRT 3. Iyon talaga ang pangmatagalang solusyon dahil habang ang gobyerno ang nag-o-operate nito, limitado tayo ng budget, limitado rin tayo ng ating mga procurement rules. Ibig sabihin niyan, hindi ganoon kabilis ang ability natin na mag-ayos nitong mga sistemang ito kaya iyon talaga ang ultimate solution.”

“Pero ang ginagawa natin ngayon, pinipilit nating mabilis na maayos ang mga aberya pero nagdagdag na rin, ayon na rin sa utos ng Pangulo, ng mga paraan paraan kahit papaano naman ay maibsan nang kaunti iyong hirap ng mga kababayan natin kapag nadatnan ng mga ganitong aberya,” aniya pa rin.

“So, for LRT 2, mayroon tayong planong i-PPP na ito sa susunod na taon. Tinutulungan tayo ng International Finance Cooperation ng World Bank para mabilisan nang ma-PPP ito. Ang MRT 3 naman, tinutulungan tayo ng Asian Development Bank para ma-PPP na rin ito at tuluy-tuloy na rin ang maayos na pag-operate at maintain nitong dalawang luma nang linyang ito,” ang winika pa rin ni Dizon.

Samantala, sinabi ni Dizon na may mga kumpanya na nagpahayag ng kanilang interes sa planong isa-pribado ang LRT-2.

“Sa pagkakaalam ko mayroon nang mga kinausap ang …World Bank iyong ating adviser diyan. Pero siguro ‘no hintayin na lang natin iyong kanilang final report. Pero ang pagkakaalam ko, within ay masisimulan na natin ang proseso dahil ito ay ibi-bid out natin as a PPP,” ang sinabi ni Dizon.

“So, very important iyan kasi lumalaki ang ridership ng LRT-2 although hindi pa siya kasintaas tulad ng LRT-1 at MRT-3 pero dahil na rin sa extension nito hanggang Antipolo at mayroon tayong pinaplanong extension papuntang North Harbor, tingin ko ‘no kailangan na talaga nating i-PPP ito para maging maayos ang operations and maintenance ng LRT-2,” ang pahayag pa rin ni Dizon. (Daris Jose)

’12-day of war’ tapos na – Iran  

Posted on: June 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ni Iranian President Masoud Pezeshkian nitong Martes ang “pagtatapos ng 12-araw na digmaan.”

Hinimok din ng Presidente ang lahat ng mga kinatawan ng gobyerno at mga revolutionary institution na ituon ang lahat ng kanilang mga pagsisikap sa pagsasaayos ng mga nasirang gusali at lugar.

“Today, after your brave and historic resilience, we witness a ceasefire and the end of the 12-day war imposed on the Iranian nation by the adventurism of Israel,” sinabi ni Pezeshkian sa kanyang mensahe sa mga mamamayan ng Israel matapos ipatupad ang ceasefire.

Sinabi rin ni Pezeshkian na hindi nagtagumpay ang kanilang kalaban na sirain ang kanilang mga nuclear facilities.

“The aggressive enemy failed to achieve its nefarious goals of destroying nuclear facilities and undermining nuclear knowledge, as well as inciting social unrest,” sabi ni Pezeshkian.

Napaulat na sa isang tawag sa telepono sa ­Pangulo ng United Arab Emirates na si Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, sinabi ni Pezeshkian na handa ang kanyang bansa na lutasin ang mga isyu sa loob ng international frameworks at negotiating table.

Noong Hunyo 13, naglunsad ang Israel ng malala­king airstrike sa iba’t ibang lugar sa Iran, kabilang ang mga nuclear at military sites, na ikinamatay ng mga senior commander, nuclear scientist, at mga sibilyan.

Tumugon ang Iran sa pamamagitan ng pag­lulunsad ng ilang mga pag-atake ng missile at drone sa Israel, na nagdulot din ng matinding pinsala.

Kasunod ng pag-atake ng Iran, inihayag ni US President Donald Trump ang tigil-putukan sa pagitan ng dalawang bansa. (Daris Jose)

Isang Bagong Yugto ng Serbisyo Publiko ni Konsehala Shannin Mae Olivarez ng Parañaque

Posted on: June 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISANG makasaysayang sandali para kay Konsehala Shannin Mae Olivarez ang  pormal niyang panunumpa ng tungkulin sa harap ng mahal na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, Hon. Inday Sara Duterte, kahapon Hunyo 26, Huwebes.

“Hindi lang ito simpleng oathtaking—ito ay simbolo ng pangakong buo ang puso, tapang, at dedikasyon para sa tunay na pagbabago at malasakit sa bayan,” pahayag ng butihing Konsehala Shannin.

(BOY MORALES SR.)

Chinese National nasakote sa entrapment operation

Posted on: June 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASAKOTE ng Highway Patrol Group Region 3 sa entrapment operation ang isang Chinese national sa bahagi ng Brgy. 674, Paco, Maynila Miyerkules ng gabi.

Narekober mula sa dayuhan ang isang luxury car at isang SUV na pinaniniwalaang galing sa carnap.

Nadiskubre rin ang ilang hinihinalang iligal na droga, armas at ilang mga bala ng baril nang halughugin ng mga awtoridad ang kotse.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, miyembro umano ang nahuling Chinese national ng isang malaking Chinese triad na sangkot sa iligal na armas at droga.

Sa ngayon ay patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang buong pagkilanla ng  naarestong dayuhan. (Gene Adsuara)

Navotas, pinagdiwang ang Film fest, photo competition

Posted on: June 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng 18th cityhood anniversary ng Navotas, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ang 7th Navoteño Film Festival (NFF) at 6th Navoteño Photo Competition and Exhibition.

Sa NFF, itinampok ang papel ng mga senior citizens sa paghubog ng Navotas.

Sa temang “Senior: Lakas ng Nakaraan, Gabay ng Kinabukasan,” itinampok ng festival kung paano patuloy na ginagabayan at naiimpluwensyahan ng mga matatanda ang susunod na mga henerasyon.

Kasabay ng pagpapalabas ng pelikula, tinalakay ng 6th Navoteño Photo Competition and Exhibition ang isyu ng teenage pregnancy sa pamamagitan ng “No Cap: Ang Realidad sa Maagang Pagbubuntis.”

Ang parehong kaganapan ay naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang mga Navoteño na magpahayag ng makabuluhang kwento na nagpapakita ng mga karanasan sa totoong buhay at mga hamon sa lipunan.

Ang mga pelikula sa taong ito ay nagsaliksik ng mga kuwento ng alaala, sakripisyo, at sinalaysay sa lens ng mga batang Navoteño filmmakers. Pinuri naman ni Mayor John Rey Tiangco ang mga kalahok sa paggamit ng kanilang craft para palakasin ang mga makapangyarihan salaysay.

“Congratulations sa lahat ng production teams — sa bawat cast at crew, major man o minor ang papel — saludo kami sa inyo! Proud kami sa mga kabataang Navoteño na nagpapamalas ng galing sa sining ng pelikula,” ani Mayor Tiangco.

“Likas na malikhain ang mga taga-Navotas. Nakakatuwang makita na pinapaunlad ninyo ang inyong craft, at pinapasaya ang ating mga kababayan. Proud kami sa mga kabataang Navoteño na nagpapamalas ng galing sa sining ng pelikula,” dagdag niya.

Sa labing-anim na maikling pelikula na ipinalabas sa publiko noong June 21, nanalo ang “Sintang Tula: Ang mga Patnubay ni Aling Sita” ng First Best Picture, kasama ang Best Original Song and Best Actress. Sinundan ng “Left Cross” ang Second Best Picture at na-swept ang ilang technical categories, kabilang ang Best Actor, Best Editing, Best Production Design, Best Cinematography, at Best Trailer habang nakuha ng “Good Sunday” ang Third Best Picture.

Kinilala rin ang “Sumayaw, Sumunod” bilang Best Director, Best Poster Design, at Best Supporting Actor. Ang “Sora” ay nanalo ng Best Costume Design, habang ang “My Grandma Can Fly” ay nakakuha ng Best Sound Design.

“Si Lolo at ang Tiktok ng Buhay” ay nakatanggap ng Best Screenplay. Nakamit ng “Laot” ang Best Ensemble performance and Best Supporting Actress, habang ang “In My Father’s Shadow” ang nag-uwi ng Best Child Performer.

Samantala, tampok sa photo competition ang 15 finalists, na ipinakita sa Navotas City Hall lobby mula June 9 hanggang 20, 2025 kung saan pinarangalan ang top five sa NFF Awards Night. (Richard Mesa)

Bagong halal na mga opisyal ng Navotas, nanumpa sa ika-18 anibersaryo ng lungsod

Posted on: June 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGDIWANG ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang isang milestone nang manumpa ang mga bagong halal na opisyal sa bagong blessed na Navotas Polytechnic College, kasabay ng ika-18th Cityhood Anniversary ng lungsod.

Pinangasiwaan ni Executive Judge Ronald Q. Torrijos ang panunumpa nina Congressman Toby M. Tiangco, Mayor John Rey M. Tiangco, Vice Mayor Tito M. Sanchez, at mga miyembro Sangguniang Panlungsod na sina Reynaldo A. Monroy, Lance E. Santiago, Mylene R. Sanchez, Arvie John S. Vicencio, at Edgardo DC. Maño sa District 1. Clint Nicolas B. Geronimo, Emil Justin Angelo G. Gino-gino, Cesar Justin F. Santos, Analiza DC. Lupisan, at Rochelle C. Vicencio, para sa District 2.

Sa kanyang mensahe, binalikan ni Mayor Tiangco ang mga nagawa ng lungsod sa ilalim ng kanilang pamumuno.

“Together, we have built five housing projects, over 80 pumping stations, fire stations, the Navotas City Hospital, 12 health centers, the new Navotas Polytechnic College, and the Navotas Convention Center, to name a few,” aniya.

“We also launched programs like the NavotaAs Scholarship, NavoBangka, Tulong Puhunan, and many others designed to address the needs and improve the quality of life of various sectors in our community,” dagdag niya.

“All these were made possible because of political stability and the support of Cong. Toby and our City Council.”

Binigyaang-diin din ni Mayor Tiangco ang mga planong itaas ang mga lokal na programa sa susunod na tatlong taon, partikular na ang pagtuon sa edukasyon.

“We will continue to improve the quality of education in Navotas because we believe this is the key to the holistic development of every Navoteño,” sabi pa ng alkalde.

Sa kanyang part, sinalamin ni Congressman Tiangco ang pagbabago ng lungsod sa nakalipas na dalawang dekada.

“When I first became mayor, the biggest challenges were peace and order, uncollected garbage, rampant illegal gambling, and constant flooding. We had to make tough decisions and implement policies that were not always popular,” pahayag niya. (Richard Mesa)

DA, binalaan ang publiko laban sa pagbili ng smuggled na sibuyas na nagpositibo sa e.colitorial

Posted on: June 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang publiko laban sa pagbili ng mga smuggled na sibuyas. Ito ay matapos na magpositibo sa E. COLI ang mga smuggled na sibuyas na nakumpiska sa isinagawang surprise inspection sa public market sa Maynila noong nakaraang linggo.

Ayon kay Tiu Laurel Jr, kanya nang ipinagutos ang pagkumpiska sa lahat ng mga smuggled na sibuyas sa ilalim ng food safety act of 2013.

Paalala ng ahensya, mapapansing mas malaki ang mga imported na sibuyas at mas malinis tignan kung ikukumpara sa lokal na sibuyas.

Kanya ring inatasan ang Bureau of Plan Industry o BPI at iba pang DA unit na nagmomonitor sa mga palengke na maging alerto sa mga smuggled na sibuyas.

Ito’y upang kaagad na masuri ang mga smuggled na sibuyas at matanggal sa mga pamilihan dahil malinaw na banta ito sa pampublikong kalusugan.

Sinabi naman ni Bureau of Plan Industry Director Glen Panganiban, na naipaalam na nila sa lokal na pamhalaan ng Maynila ang resulta ng pagsusuri sa smuggled na sibuyas.

Binigyang-diin pa ng DA na wala silang inilalabas na permit para sa pag-aangkat ng sibuyas simula nitong mga unang buwan ng taon. (PAUL JOHN REYES)