• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:35 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

Higit P.3M droga, nasamsam sa HVI drug suspect sa Malabon

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang bagong identified drug pusher na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang matiklo sa buy bust operation sa Malabon City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Jesril”, 36, construction worker ng Brgy. Tañong.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng suspek kaya ikinasa nila ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA.

Nang tanggapain umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba ng SDEU dakong alas-11:20 ng gabi sa M. Aquino St., Brgy. Nuigan.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 54 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P367,200 at buy bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

QC LGU, muling kinilala ng COA dahil sa husay sa financial management

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING nakatanggap si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng “Unmodified Opinion” mula sa Commission on Audit (COA). Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng lungsod nakamit ng Quezon City Government ang limang magkasunod na “Unmodified Opinion”, muling pinatunayan na ‘fully compliant’ at maayos ang auditing standards ng lokal na pamahalaan.

Ito ang pinakamataas na markang ibinibigay ng COA sa isang ahensya ng gobyerno kabilang ang local government unit (LGU).

Sabi ni Belmonte, ang pagkilalang ito mula sa COA ay hindi lamang tungkol sa mga numero ito ay tungkol sa tiwala. Pinatutunayan nito na pinamamahalaan natin ang pondo ng publiko nang may integridad at laging isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga mamamayan. Ang karangalan na ito ay magsisilbi naming inspirasyon upang patuloy na maisulong ang mahusay na pamamahala sa pamamagitan ng wasto at masinop na paggamit ng pondo ng bayan.

Si Belmonte, na ang pamumuno ay nakasentro sa transparency at good governance, ay nakuha ang kanyang huling termino matapos ang isang landslide victory sa midterm elections noong Mayo.

Sabi pa ni Belmonte, pinatatag din nito ang misyon ng lungsod na maghatid ng transparent, nakasentro sa tao na ang mga serbisyo ay nagpapabuti sa buhay at nag-aambag sa pambansang pag-unlad.

Ayon pa sa alkalde, malaking bagay na napakikinabangan na ng QCitizens ang good governance initiatives ng lungsod, na layong gawing digital ang mga proseso ng City Hall at alisin ang anumang uri ng korapsyon at red tape. (PAUL JOHN REYES)

Publiko pinag-iingat ng PSA sa mga pekeng job posting

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN  ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko na mag-ingat laban sa mga pekeng job posting na kumakalat sa social media gamit ang pangalan ng ahensya.

Ayon sa PSA, t­anging sa kanilang official website sa www.psa.gov.ph/career at verified Facebook pages ng kanilang Central at Field Offices makikita ang opisyal na job vacancies.

Niliwanag ng PSA na libre ang pagsusumite at pagproseso ng aplikasyon, alinsunod sa patakaran ng Civil Service Commission.

Pinapayuhan din ng PSA ang publiko na huwag makipag-ugnayan sa mga indibidwal o grupong nasa likod ng ganitong modus.

Nanawagan ang ahensiya sa publiko na agad ireklamo at i-report sa info@psa.gov.ph. ang nalalamang modus hinggil sa nabanggit na pekeng job posting.

Witness timeless tales of love, struggle and triumph this Pride Month with Ayala Malls Cinemas’ selection of “Reel Pride” films

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments



CELEBRATE queer Filipino cinema classics with Reel Pride at Ayala Malls Cinemas, in celebration of Pride Month. Powerful, diverse, and trailblazing queer Filipino stories are back on the big screen from June 25 to July 1, 2025 at Ayala Malls Trinoma, Fairview Terraces, Market Market and Manila Bay cinemas.


Ayala Malls has been commemorating Pride Month with various initiatives and events this June. Continuing with the spirit of the month, Ayala Malls Cinemas, in partnership with Viva Films, showcases four iconic titles with themes of love, identity, and resilience. Get to watch Pusong Mamon (1998), Macho Dancer (1988), Mahal Kita, Beksman (2022), and Two and One (2022) in theaters, the way they were meant to be seen.


Check out the Reel Pride lineup:


Pusong Mamon (1998)
Director: Joel Lamangan
Starring: Eric Quizon, Lorna Tolentino, Albert Martinez
Synopsis: A woman unknowingly seduces a gay man and becomes pregnant. The trio—woman, gay man, and his partner—navigate an unconventional family dynamic.


Macho Dancer (1988)
Director: Lino Brocka
Starring: Daniel Fernando, Jaclyn Jose, Allan Paule
Synopsis: A young man enters the world of male stripping to support his family, confronting exploitation, identity, and survival. Winner of the Gawad Urian Awards for Best Actor (Daniel Fernando) and Best Supporting Actress (Jaclyn Jose).


 
Mahal Kita, Beksman (2022)
Director: Perci Intalan
Starring: Christian Bables, Iana Bernardez, Keempee de Leon, Katya Santos
Synopsis: Dali, a flamboyant straight man, shocks his LGBTQ+ family and friends when he reveals his heterosexuality and falls in love with a woman.


 
Two and One (2022)
Director: Ivan Andrew Payawal
Starring: Miggy Jimenez, Cedrick Juan, Paolo Pangilinan
Synopsis: A gay couple explores polyamory to fix their relationship, but jealousy and betrayal test their bond.


For more information and screening schedules, visit Ayala Malls Cinemas’ official website at www.sureseats.com and facebook.com/AyalaMallsCinemas.


(ROHN ROMULO)

Nagpa-veneers daw ang aktor kaya super puti: JAKE, halos mag-trending nang mas pinansin ang ngipin kesa sa acting

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKATATAWA lang kasi ang mga netizen, lahat binibigyan ng big deal.
Halos mag-trending yung isang eksena ni Jake Cuenca sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’ na ang pinansin talaga, yung ngipin niya.
Kesyo nagpa-veneers daw si Jake. Not real ang ngipin niya at super puti raw. Na kesyo ito raw yung mas pansin than his acting.
Siguro kung ibang actor pa, baka maniwala ako na yung ngipin ang napapansin at hindi ang acting, huh! Si Jake pa ba diretsahan naming masasabi na parang alak. Kung ang alak, habang tumatagal ay sumasarap, si Jake naman bilang actor, habang tumatagal ay mas lalong humuhusay.
Sa mga hindi nakakaalam, napakataas ng control or discipline ni Jake. Apat na taon na siyang hindi naninigarilyo at hindi rin umiinom. Baka posibleng ito ang dahilan kung napapansin man na mas shiny white ang ngipin niya.
Pero, sey nga ni Jake, simula pa ng ‘Click’, yun na yon. Kaya kung may magpapatunay na veneers daw ang ngipin niya at na-prove niya siyempreng hindi totoo, pwede siyang mag-demanda. Since, ginagawa na itong topic sa social media at halos nagti-trend.
Sa isang banda, apat na buwan pa lang halos si Jake sa B.Q. pero napakaraming beses ng mag-trend ng mga eksena niya. Ang recent nga ay ang eksena niya with McCoy de Leon na death scene nito.
Abangan ngayon dahil sila na ni Coco Martin ang madalas magkakatunggali.
***
SA July 17 ay ipalalabas na sa VIVA One ang PH adaptation na “Bad Genius: The Series.”
Sa trailer pa lang ay na-impress na kami at nagka-interes na mapanood ito.
Mukhang maipapakita ni Atasha Muhlach na definitely, she’s not just another pretty face and she’s not just another showbiz royalty. Teaser pa lang, kita na ang acting at ang angas ni Atasha.
At kahit na first serye pa lang niya, matapang niyang tinanggap ang isang out-of-the-box role.
Sa isang banda, marami ang nagtatanong kung wala na raw ba talaga si Atasha sa ‘Eat Bulaga’. Sey naman ni Atasha, talagang nag-focus muna siya sa ginagawang serye at magbabalik din once na natapos na siyang mag-taping.
(ROSE GARCIA)

Pinaabot sa kanyang fans na huwag mag-alala: JESSIE J, nagpa-surgery na matapos ma-diagnose na may breast cancer

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SUMAILALIM sa isang surgery ang Britishg singer na si Jessie J pagkatapos niyang isapubliko ang pag-diagnose sa kanya with breast cancer.
“I was diagnosed with early breast cancer. I’m highlighting the word early.  Cancer sucks in any form, but I’m holding on to the word early. I have been in and out of tests throughout this whole period.
“I just wanted to be open and share it. It breaks my heart that so many people are going throughs so much, similar and worse.”
Pinaabot niya sa kanyang fans na huwag mag-alala dahil okey naman siya after ng surgery.
“This post is some of the honest lows and highs of the last 48 hours. I will always show the good and hard bits of any journey I go through. Grateful to my doctor / surgeon and all the nurses who cared for me and all my family / friends who came to visit.
“I am home now, to rest and wait for my results. Still hugging everyone going through something tough right now. We all got this!”
Samantala, ayon sa record ng World Health Organization (WHO), may 2.3 million  women sa buong mundo ang na-diagnose ng breast cancer, at umabot na sa higit 670,000 ang mga namatay noong 2022.
Sa Pilipinas, ayon sa naitala ng Asian Breast Center, isa sa apat na Pinay naman ang nagkakaroon ng breast cancer.
(RUEL J. MENDOZA)

Mahaba-haba pa ang lalakbayin nila ni Andres: AGA, proud na proud kay ATASHA na bidang-bida sa ‘Bad Genius’

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA kanyang Instagram account ni Aga Muhlach ipinost niya ang official trailer ng “Bad Genius: The Series” dahil proud na proud sa anak na si Atasha Muhlach na bidang-bida sa naturang serye.
“To my one and only daughter, I can’t believe here you are now in your 1st acting job,” panimula ng award-winning actor.
Pag-amin pa niya, “Can’t help but be a little sentimental. I know all the hard work you have poured in from the day you started in Eat Bulaga with all your dance prods and doing a daily show ain’t no joke. But you did it. And that’s because you really wanted to. Take a bow.”
Dagdag pa ni Aga, “Sa dabarkads , maraming salamat sa for the love you’ve shown my daughter. Yes, she’s very special to me (I’m sure all the dads out there, moms too , of course will understand what I’m trying to point out) (emojis smiling face and praying hands).”
Mensahe pa niya sa anak, “Ngayon naman here you are on your latest project and let me tell you @atashamuhlach_ how @atashamuhlach_ proud I am of you! You know that! Eto lang… Basta just keep giving your all in every project you do.
“Magaling ka man o hindi, magustuhan nila o hindi, ok lang ‘yan as long as you know in your heart you gave it your all. Like what I always say… just do good work and be kind to all the people you work with lalo na to all your supporters!”
Pagtatapos sa kanyang IG post, “Mahaba pa ang lalakbayin mo at ni Andres @aagupy – but what’s important is you’re both in and working already. Proud of you both. Good luck and kapit lang. it can get rough. But God’s got your backs. Have fun! “Congratulations!!! Your proud dad here (emoji red heart),” #badgenius.
***
SAMANTALA, si Andres Muhlach ang napiling bagong mukha ng Jollibee Crunchy Chicken Sandwich na available na ngayon sa tatlong bold dressing flavor, na nagtatampok ng dalawang bagong limited-time offer (LTO) flavor, ang Golden BBQ at Chili Cheese, kasama ng fan-favorite Creamy Ranch.  
Dinisenyo ito para bigyan ang mga tagahanga ng chicken sandwich ng mas maraming paraan para magpakasawa at namnamin ang iba’t-ibang sarap ng Jollibee Crunchy Chicken Sandwich.
Bahagi na nga ng lumalaking pamilya ng Jollibee si Andres at ayon sa binata,
 “May pagka-thrill-seeker talaga ako as a person, always searching for adventure. I love food that’s crunchy, flavorful, and exciting—and Jollibee’s Crunchy Chicken Sandwich really delivers,” ani Andres.
“Ang mas maganda pa ngayon, mapipili mo ang paborito mong lasa at gawin mo ang sandwich.
Itinatampok ng Jollibee Crunchy Chicken Sandwich line-up ang signature crunchy chicken fillet ng Jollibee, niyakap ng soft-glazed buns at mas pinaganda gamit ang matapang, crave-worthy sauces.
Nariyan nga ang sikat na Creamy Ranch, ang bagong Golden BBQ, at ang pagdating ng kakaibang kombinasyon ng Chili Cheese.
Kaya loyal ka man sa isang flavor o sa isang misyon na subukan ang lahat ng ito. Available na ngayon nationwide sa mga sumusunod na opsyon: Solo: ₱62, with Drinks: ₱87, with Fries and Drinks: ₱125. Available din ito sa Mix & Match: ₱88
Piliin ang iyong flavorite!  Subukan ang bagong lasa ng Jollibee Crunchy Chicken Sandwich at ligtas na maihatid sa iyo sa pamamagitan ng Jollibee Delivery App, JollibeeDelivery.com, #87000, GrabFood, at foodpanda!  Available din sa Drive-Thru at Take Out.
Para sa karagdagang impormasyon at update sa mga produkto ng Jollibee, i-like ang Jollibee sa Facebook, mag-subscribe sa Jollibee Philippines sa YouTube, at sundan ang @jollibee sa X at Instagram.
(ROHN ROMULO)

Dallas Mavericks, pinili si Cooper Flagg bilang 1st overall pick

Posted on: June 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINILI ng Dallas Mavericks ang 6’9 small forward na si Cooper Flagg bilang No. 1 overall pick sa 2025 National Basketball Association (NBA) draft.

Si Flagg ay naglalaro ng college basketball sa Duke University, hawak ang ilang mga award tulad ng National college player of the year (2025), Consensus first-team All-American (2025), USA Basketball Male Athlete of the Year (2022), atbpa.

Sa kasalukuyan, siya ay 18 y/o pa lamang ngunit nagagawa niyang makipagsabayan sa mga mas nakakatandang player.

Bago ang NBA draft, hawak niya ang average na 19.2 points per game, 7.5 rebounds per game, at 4.2 assists per game.

Nagagawa rin niyang magposte ng 1.4 steals per game at 1.4 blocks per game habang nairehistro nito ang 31 mins na paglalaro sa hardcourt.

Sa pagpasok niya sa Dallas Mavericks, makakasama niya ang mga batikang NBA player at mga NBA champion na sina Anthony Davis, Klay Thompson, at Kyrie Irving na kasalukuyang nagpapagaling mula sa Achilles injury.

Gilas Pilipinas maagang magsasagawa ng ensayo para sa FIBA Asia Cup 2025

Posted on: June 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IKINATUWA ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang mahabang panahon ng ensayo nila para sa FIBA Asia Cup 2025 na gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia.

Ayon kay Cone, na sa araw ng Lunes, Hunyo 30 ay sisimulan nila ang ensayo at pagkatapos nito ay magsaagawa sila ng training camp sa Pampanga.

Ang orihinal kasi na plano ay sa Hulyo 27 pa subalit nais ni Cone ng mas mahabang ensayo para sa national basketball team.

Makakasama niya na magbabantay sa ensayo ng Gilas ay sina Richard Del Rosario at Sean Chambers.

Susubukan nila ng matapos ng hanggang 18 ensayo na kinabibilangan ng dalawang beses sa isang araw na ensayo.

Wala na rin aniya magiging problema sa schedule ng mga overseas-based players na sina Dwight Ramos, Carl Tamayo at Kevin Quiambao.

Torre walang sasantuhin na opisyal ng PNP na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero

Posted on: June 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na kanilang kakasuhan ang mga pulis na sangkot sa pagkawala ng 34 na mga sabungero.

Kasunod ito sa naging pagbubunyag ng isang witness na mayroong ilang kapulisan ang sangkot sa pagkawala ng nasabing sabungero.

Sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na hinihintay pa nila ang ilang mga detalye ng akusado na siya ngayon ay nag-aapply bilang state witness.

Giit aniya sa kanya ni PNP chief General Nicolas Torre III na kahit sino pa man ang sangkot sibilyan man o mataas na opisyal ng PNP ay hindi nila ito sasantuhin.

Handa rin aniya silang magbigay ng seguridad sa potensyal na state witness ganundin ang pakikipagtulungan sa Department of Justice (DOJ) ukol sa kaso. (Daris Jose)