• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

Mambabatas, dismayado sa ginawang pag-urong sa impeachment trial ni VP Sara

Posted on: June 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
DISMAYADO ang isang mambabatas sa ginawang pag-urong sa impeachment trial ni Vice President Sara ngayong Lunes (Hunyo 2) sa Hunyo 11.
Sinabi ni Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union na ang pagkaka-delay, sa kabila na isang minor na isyu, ay nakakadismaya dala na rin sa inaasahan at preparasyon na ginawa ng kamara para dito.
“Parang may ka-date ka lang pero biglang hindi ka sinipot tapos pwede bang after one week na lang tayo lumabas? Parang ganoon eh, hindi ba? Naka-ready ka na, nakabihis ka na, tapos hindi pala tuloy yung date mo. Parang ganoon ‘yung feeling,” ani Ortega.
Ang desisyon ng senado na i-urong sa huling araw ng sesyon ay natanggap lang kamakailan.
Sinabi ni Ortega na nangangamba din sila sa magiging time constraints at posibleng scheduling conflicts sa panahon ng sine die adjournment ng 19th Congress.
“Oo nga eh, na-receive siya. Pero sabi ko nga baka naman hindi kaya masyadong ipit sa oras? Sabagay babasahin naman po ‘yun pero sabi ko nga again, it’s in the hands of the Senate. Leadership call sabi ko nga. Pero ang importante eh mabasa na po itong Articles of Impeachment at ma-receive na rin po sa Senado, call po talaga nila ‘yan,” dagdag nito.
Inaalala ng kongresista ang panahon na gugugulin para dito.
“Ang worry ko lang talaga ‘yung time element. I guess, the representative from the House, sabi ko agahan nyo na lang pumunta doon mga lunchtime siguro. ‘Yun nga lang ang conflict lang, siyempre sine die ‘di ba so may closing din sa Congress. So hati na lang sa oras,” anang mambabaras.
Gayunman, sinabi ni Ortega na wala silang magagagawa sa paliwanang na kailangang bigyan prayorida ang pagpasa ng mga nakabinbing panukalang batas.
“So sa akin lang, basta ma-accomplish na ‘yung pagbasa okay na sa akin ‘yan. ‘Yun nga lang, sabi ko, may konting delay pero ano naman tayo, optimistic pa rin tayo,” pagtatapos ni Ortega. (Vina de Guzman Guzman)

2 tulak, laglag sa Malabon drug bust TIMBOG ang dalawang tulak ng illegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.          

Posted on: June 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Sa kanyang ulat kay Northern Police District P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas “Atok”, 25, cook, at alyas “Buddy”, 50, kapwa ng Brgy. Longos.
          Ayon kay Col. Baybayan, nakatanggap ng impomasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek na kapwa nasa kanilang drug watch list.
          Nang magawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isa sa mga operatiba ng SDEU, agad ikinasa ng mga tauhan ni Col. Baybayan ang buy bust operation sa koordiansyon sa PDEA.
          Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga tauhan ni Col. Baybayan dakong alas-9:50 ng gabi sa kanto ng P. Aquino Avenue at Kadima St. Brgy. Tonsuya.
           Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.3 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P70,040 at buy bust money.
          Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 under Article II of R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Malabon LGU, DOTr pinasinayaan ang bagong PUV Stops sa Malabon

Posted on: June 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa pakikipagtulungan ng Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang bagong itinayong modernong Public Utility Vehicle (PUV) Stops sa Malabon National High School sa Barangay Hulong Duhat.
Pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval ang ribbon-cutting ceremony, kasama si DOTr Undersecretary for Road Transportation and Infrastructure Atty. Mark Steven C. Pastor, DPWH Assistant Regional Director Engr. Montrexis Tamayo, LTFRB Representative Atty. Jocelyn V. Tataro, at Move as One Coalition Co-Convener for Inclusion and Accessibility, Ms. Maureen Ava Mata.
Nagtatampok ang proyekto ng PWD-friendly ramps, benches, accessibility at information panels, PUV route maps, concrete bollards, tactile pavers, lighting system, at CCTV camera.
Layunin nitong pahusayin ang kahusayan at kaligtasan ng pampublikong transportasyon sa mga estratehikong lokasyon sa buong Metro Manila, alinsunod sa mas malawak na layunin ng DOTr na isulong ang kadaliang kumilos at accessibility para sa lahat ng commuters, alo na ang mga senior citizen, buntis, PWDs, at mga estudyante.
Ang mga PUV stop ay nilagyan din ng charging stations, solar panels, bike repair station, at bike route map para matiyak ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga commuter at cyclists.
Ayon sa DOTr, anim na makabagong PUV stop ang itinayo sa iba’t ibang bahagi ng National Capital Region, kung saan ang dalawa ay matatagpuan sa Malabon, partikular sa Barangay Hulong Duhat at Longos.
Nagpasalamat si Mayor Jeannie sa DOTr sa pagpili sa Malabon bilang isa sa mga pilot site ng proyekto. Hinikayat din niya ang mga Malabueño, lalo na ang mga commuter, na maging responsable at mapagbantay upang matiyak ang kanilang sariling kaligtasan sa pagsakay sa mga PUV at pagtawid sa mga kalsada.
“Hindi lang po ito simpleng waiting shed — ito po ay simbolo ng modernong pagbabago sa ating lungsod. May mga CCTV, may lighting system, may tactile pavers para sa ating mga may kapansanan, at may mga bike-friendly features tulad ng charging stations at bike repair stations. Dito po natin nakikita ang commitment ng gobyerno na gawing inclusive at sustainable ang ating transport system,” pahayag niya. (Richard Mesa)

DOH: Lockdown ‘di kailangan sa Mpox

Posted on: June 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NILINAW ng Department of Health (DOH) na walang batayan para magpatupad ng lockdown dahil ang Mpox ay hindi isang airborne disease.
Inihayag ito ng DOH bunsod ng kumakalat na fake news sa social ­media hinggil sa pagtaas ng bilang ng Mpox kaya magpapatupad na naman ng lockdown.
Binigyang-diin ng ahensya na ang mga napapaulat na mga kaso ng Mpox related ay dahil aktibo sa pag-aanunsyo ang mga local government units (LGUs) subalit hindi matatawag na major outbreak.
“Mas marami pang Mpox nung 2024. Mas marami ring naitala nung Abril kaysa ngayong Mayo 2025. Nagkataon lamang na naghe-headline dahil aktibo at nag-aanunsyo na ngayon ang mga LGU,” ayon sa DOH.
Kinumpirma ni ­Domingo na mahigit sa 50 kaso ang naitala noong Abril 2025, na mas mababa ­naman sa 50 na nakumpirma sa buwan ng Mayo.
Simula 2024, umabot sa 911 ang naitalang Mpox cases sa bansa.
“Tinitingnan namin ang epidemic curve. Hindi kami tumitingin sa ­total. Kapag tumingin kasi sa total, ang impression parang dami-dami nang kaso,” ani Domingo sa panayam ng Super Radyo DZBB.
Inihalimbawa niya na noong Setyembre 2024, mahigit 200 kaso ang iniulat na posibleng Mpox, subalit lumabas na halos kaso pala ng chickenpox matapos makumpirmang mas mababa pa sa 20 ang Mpox cases.

National wage coalition magmamartsa sa Kamara sa upang igiit ang pagsasabatas ng ₱200 dagdag sahod

Posted on: June 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKATAKDANG magmartsa ang National wage coalition sa Kamara ngayong Lunes (Hunyo 2) upang igiit ang pagsasabatas ng ₱200 dagdag sahod.
Ang National Wage Coalition ay binunuo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Kilusang Mayo Uno (KMU), Nagkaisa! Labor Coalition (NAGKAISA!), at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).
Ito ay kasabay na rin sa pagbabalik sesyon ng ika-19 Kongreso bago pumasok ang bagong mga halal na mambabatas na bubuo ng ika-20 Kongreso.
Sa natitirang ilang araw na sesyon, umaasa pa rin ang mga manggagawa na maipapasa sa Kamara ang panukalang wage increase.
Dakong alas-9 ng umaga magpupulong ang mga miyembro ng National Wage Coalition (NWC) sa may Batasan Hills National High School at magmamartsa dakong alas-10 ng umaga at magsasagawa ng programa sa harapan ng South Gate ng Kamara.
(Vina de Guzman)

DILG most wanted sa kasong rape, nadakma sa Caloocan

Posted on: June 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kasong rape at acts of lasciviousness nang matunton ng tumutugis na mga pulis sa kanyang tinutuluyang bahay sa Caloocan City.
          Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Chief Public Information Office P/Capt. Marcelina Pino, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) hinggil sa kinaroroonan ng 44-anyos na akusado na listed bilang Most Wanted Person sa Department of the Interior and Local Government (DILG), na may reward na P130,000..
          Nakatala din siya bilang No. 2 TMWP sa NPD at No. 3 TMWP sa Caloocan police dahil sa kasong Rape at Acts of Lasciviousness in relation to Section 5(B) of R.A 7610, o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination
Act.
          Sa koordinasyon sa National Capital Region Intelligence Team – Regional Intelligence Unit NCR (NDIT-RIU NCR) at Warrant and Subpoena Section ng Caloocan City Police Station, ikinasa ng DSOU-NPD ang pagtugis sa akusado na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya sa kanyang tinutuluyang bahay sa Brgy. 178 dakong alas-2:00 ng hapon.
          Ang akusado dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Family Court Branch 1, noong June 7, 2022.
Pinuri naman ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng NPD ang pagsisikap ng mga tauhan ng DSOU para sa kanilang pagtutulungan sa pagdadala ng isa pang wanted person sa hustisya, na muling pinagtitibay ang dedikasyon ng NPD sa pagprotekta sa publiko. (Richard Mesa)

Pangakong Bakuna, Pero Nasaan ang Suplay?… DOH, Kinukwestyon sa Bagal ng Procurement

Posted on: June 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HABANG ipinagmamalaki ng Department of Health (DOH) ang kanilang pinalalakas na kampanya para sa routine immunization, lumalabas na may malalaking aberya sa likod ng mga pahayag—lalo na sa usapin ng pagkuha ng mga bakuna.
Noong Mayo 28, 2025, naglabas ng pahayag ang DOH tungkolsa mga hakbang para pataasin ang bakunahan sa bansa. Binanggit nila ang matagumpay na mga programa gaya ng Bakuna BayaniJuan at School-Based Immunization Program, kung saan umabot sa 3.8 milyong estudyante ang nabakunahan.
Pero sa kabila nito, maraming mahalagang bakuna ang wala pa ring malinaw na update kung kailan darating. Ayon sa mgadokumentong pampubliko, as of Mayo 2025, hindi pa rinkumpirmado kung kailan maipapadala sa mga health center ang bakuna kontra tigdas-rubella (MR), tuberculosis (BCG), diphtheria-hepatitis B-pertussis (DPT-HepB-Hib), pulmonya(PCV), HPV, at pati na rin ang bakuna laban sa polio.
Marami sa mga procurement posting ay inilabas pa noongEnero 2025, pero wala pa ring update kung na-finalize na ang mga ito. May ilan pa ngang kailangang ulitin ang proseso. Dahil dito, nanganganib ang target ng DOH na 95% Fully Immunized Child (FIC) rate—lalo na’t 64.85% lang ang naabot noong 2024.
Ang pagkaantala ng polio vaccine ay lubhang nakakabahala. Habang patuloy na nananatiling global health emergency ang polio, mahalagang mapanatili ang mataas na coverage para maiwasan ang pagbabalik ng sakit sa Pilipinas.
Apektado rin ang mga school-based vaccination drive. Sa mgapaaralan kasi epektibong naaabot ang mga bata para sa mgabakuna gaya ng HPV, MMR, at booster laban sa polio. Pero kung wala ang mga bakuna, hindi rin magagawa nang buo ang mga kampanyang ito.
Bagama’t positibo ang tono ng mga kampanya ng DOH, kailangan itong tapatan ng mabilis na aksyon. Hindi sapat ang mga anunsyo—kailangan ng siguradong supply ng bakuna, at kailangang makarating ito agad sa mga health center at paaralan.
Sa laban kontra mga sakit na kayang iwasan ng bakuna, bawataraw na lumilipas ay mahalaga. Dapat pabilisin ng DOH ang proseso para masigurong walang batang mapag-iiwanan. ( Mary Rose Antazo)

Speaker Romualdez pinapurihan si Filipino tennis star Alex Eala

Posted on: June 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAPURIHAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Filipino tennis star Alex Eala sa kanyang makasaysayang laro sa Lexus Eastbourne Open – Women’s Tennis Association (WTA) tournament .

Ayon kay Speaker Romualdez, si Eala ay nagsisilbing simbolo ng ‘national pride and perseverance’ matapos maging unang Pilipino na maka-abot sa WTA Tour final.

“Alex Eala has done more than just play the game – she has made history and stirred the soul of a nation. As the first Filipino to reach a WTA Tour final, Alex has brought the Philippines to the global stage of tennis,” anang Speaker .

Ang WTA ang siyang global governing body para sa women’s professional tennis at nag-oorganisa at nangangasiwa sa WTA Tour, na siyang pangunahing professional tennis tour para sa mga kababaihan. Ang Lexus Eastbourne Open ay WTA 250 tournament.

“Beyond records and rankings, what she gave us was something even more powerful: hope, pride, and the promise of a brighter future for Philippine sports,” ani Romualdez.

Sa kabila na hindi nagtagumpay ang 20-anyos na si Eala na makuha ang titulo, ay naipakita naman nito ang kanyang determinasyon sa larangan.

“And in defeat, she showed true greatness when she said, ‘I’ll work hard to do more.’ That quiet resolve speaks for millions of Filipinos who, like Alex, strive harder every day to rise, to fight, and to uplift our nation,” dagdag ng mambabatas. (Vina de Guzman)

Philhealth payment exemptions sa mga OFWs, isinulong

Posted on: June 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ni re-elected Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang panukalang i-exempt ang milyong Overseas Filipino Workers (OFWs), land o sea-based, sa pagbabayad ng premium contributions sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Kasama sa mga awtor ng House bill no. 2 sina Tingog Party-list Reps. Jude Acidre at Andrew Julian Romualdez co-authored the bill with the House leader from Leyte.

Sinabi ni Romualdez na layon ng panukala na palakasin ang healthcare system upang makamit ang mas maging episyente at mapabuti pa ang public health emergency preparedness.

Aamyendahan ng panukala ang Republic Act 11223, o “Universal Health Act.”

Bukod sa pagbibigay exemption sa mga migrant workers sa pagbabayad ng PhilHealth premiums, nakapaloob sa probisyon na ang hulog para sa kontribusyon ay babayaran ng tigkalahati ng national government at employers.

Kailangan ding maglagay ang PhilHealth at Department of Health (DOH) “to include a mechanism for lowering premium contribution in the implementing rules and regulations of this Act.”

Umaasa sina Romualdez na ang panukalang pagbabago sa Universal Health Care Act ay tutugon sa “gap, uncertainties, challenges, and flaws in achieving its intended results.”

(Vina de Guzman)