• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

Indiana Pacers makakaharap ang OKC Thunder sa NBA Finals

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAGHAHARAP na sa 78th edition ng NBA Finals ang Oklahoma City Thunder at Indiana Pacers sa darating na Hunyo 6.
Unang nakapasok sa finals ang Thunder ng talunin nila ang Minnesota Timberwolves sa Game 5 ng Western Conference Finals.
Habang ang Pacers ay inilampaso sa Game 6 ang New York Knicks.
Mayroong kabuuang 80 panalo at 18 talo ngayong season ang OKC kung saan na-sweep nila sa Round 1 playoffs ang Memphis Grizzles, habang nalusutan nila sa Game 7 ang Denver Nuggets sa Round 2.
Habang ang Pacers ay tinalo nila sa round 1 ang Milwaukee Bucks sa limang laro, pagdating sa round 2 ay nilampaso nila ang Cleveland Cavaliers.
Noong 1979 habang nasa Seattle Supersonics pa ang OKC ay nagkampeon sila laban sa Washington Bullets at ito na ang pang-limang beses na umabot ang koponan sa Finals.
Habang ang Indiana Pacers ay hindi nagkaroon ng Championship trophies sa kanilang prankisa kung saan ito ang pangalawang pagkakataon na nakapasok sila sa Finals na ang una ay noong 2000 ng talunin sila ng Los Angeles Lakers.

PBBM INILUNSAD ANG PAMILYA PASS 1+3 PROMO PARA SA MGA LINYA NG TREN SA METRO MANILA

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INILUNSAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Pamilya Pass 1+3 Promo para sa mga linya ng tren sa Metro Manila, kung saan tuwing Linggo, ang isang nagbabayad na pasahero ay maaaring magdala ng hanggang tatlong miyembro ng pamilya nang libre.
Saklaw ng programa ang MRT-3 at LRT Lines 1 at 2, na magsisimula sa Hunyo 1, 2025, at tatagal hanggang sa huling Linggo ng 2028.
Layunin ng inisyatibong ito na mapagaan ang gastusin sa transportasyon at hikayatin ang mas madalas na pagsasama-sama ng pamilya. Binanggit ni Pangulong Marcos na ang Linggo ay tradisyunal na araw ng pagtutok sa pamilya, kaya’t nais nilang bigyang pagkakataon ang mas maraming Pilipino na makapag-bonding nang hindi iniisip ang pamasahe.
Sa ilalim ng promo, ang isang nagbabayad na pasahero ay maaaring magdala ng tatlong miyembro ng pamilya o kasamahan nang libre. Kasama sa mga maaaring makinabang ang magulang at anak, lolo at lola kasama ang apo, magkapatid, tiyuhin at tiyahin, o tagapangalaga na may kasama.
Ipinahayag ni Kalihim ng Transportasyon Vince Dizon na patuloy ang pagsisikap ng gobyerno na gawing mas abot-kaya at madali ang pampublikong transportasyon para sa lahat ng Pilipino.
Pinangunahan ng Unang Pamilya ang paglulunsad ng programa sa GMA-Kamuning Station sa Quezon City.
Ang programang ito ay bahagi ng Bagong Pilipinas campaign, na naglalayong bigyang-diin ang kahalagahan ng oras ng pamilya habang tinutugunan ang mga hamon sa pampublikong transportasyon. (PAUL JOHN REYES)

Top 2 most wanted sa statutory rape sa Valenzuela, tiklo

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BINITBIT sa selda ang 22-anyos na kelot na wanted sa kasong statutory rape matapos malambat ng pulisya sa ikinaang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
          Sa ulat, napag-alaman ng mga tauhan ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Relly Arnedo na nasa No. 2 Top Most Wanted Person sa lungsod ang akusado na si alyas “Jeric”, dahil sa kasong Statutory rape.
          Nang makatanggap ng impormasyon ang Warrant and Subpoena Section hinggil sa kinaroroonanan ng akusado, agad nilang ikinasa ang joint operation, kasama ang Intelligence Section na nagresulta sa pagkakaaaresto kay kay alyas Jeric dakong alas-4:10 ng hapon sa Brgy., Gen T De Leon.
          Si alyas Jeric ay dinakip ng mga tauhan ni Col. Arnedo sa bisa ng warrant of arrest na inilibas ng Valenzuela City Family Court, Branch 16 noong May 23, 2025 para sa kasong Statutory Rape as amended by R.A. 11648 na walang inirekomendang piyansa.
          Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.
          Pinuri ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang Valenzuela City Police Station sa kanilang mabilis at wastong pagpapatupad ng utos ng korte, na nagbibigay-diin sa kanilang pangako sa katarungan at kaligtasan ng publiko. (Richard Mesa)

Swiatek at Alcaraz, kapwa dumaan sa matinding hamon sa French Open Quarterfinals

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGBALIK mula sa bingit ng pagkatalo ang champion na si Iga Swiatek, at tinalo si Elena Rybakina upang makapasok sa quarterfinals ng French Open.
Sa una, nahirapan si Swiatek at halos matalo, ngunit nakahanap siya ng tamang diskarte upang manalo sa tatlong set, 1-6, 6-3, 7-5.
Sa kabilang banda, si Carlos Alcaraz, kasalukuyang may hawak ng men’s title, ay nagwagi laban kay Ben Shelton upang maabot ang quarterfinals sa ikaapat na sunod na taon.
Ang susunod na hamon para kay Swiatek ay si Elina Svitolina, habang si Alcaraz naman ay makakaharap si Tommy Paul sa quarterfinals.
Si Aryna Sabalenka ay pumasok din sa quarterfinals matapos talunin si Amanda Anisimova, na ginawang sampung sunod na Grand Slam quarterfinal appearances niya.

Umaming gusto nang magpakasal at magkaanak: GERALD, nilinaw na okay sila ni JULIA at hindi naghiwalay

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HALOS isang buwang pahulaan sa netizens kung hiwalay na ba o hindi pa sina Gerald Anderson at Julia Barretto dahil nga walang latest posts na magkasama silang dalawa sa kani-kanilang social media account.
Bukod dito ay wala si Gerald sa nakaraang birthday salu-salo ng mommy ni Julia na si Marjorie Barretto sa resort nila sa Bulacan bagay na ikinataka ng lahat dahil laging present ang aktor sa mga okasyon ng Barretto family.
Mababasa lang sa comment section ng Instagram account ni Marjorie na binati siya ni Gerald ng, “Happy birthday, Tita” at walang sagot naman ang mommy ni Julia kaya mas lalong nagduda ang lahat na baka nga hiwalay na ang Jurald.
Pero nabigyan na ng linaw ang haka-hakang hiwalay na sila ng girlfriend sa kanyang panayam sa ‘Toni Talks’ vlog ng TV host/actress na si Toni Gonzaga-Soriano.
“Five years maraming bumps in the road but sometimes I think blessing din ‘yun kasi parang it made us even stronger when you go something like that.
“We’re okay, kanina lang hinatid ko siya sa airport punta sila Dubai kaya medyo napaaga ako (sa calltime).  No (hindi kami naghiwalay), ganyan sa showbiz, pinangungunahan ka at doon ang basehan kung naka-follow ba o unfollow.
“Nandoon ang pictures, wala ang pictures, nakakalungkot na iyon na ang basehan ‘no?”
Pero base sa kuwento ni Gerald ay mukhang nagkatampuhan ang dalawa dahil bakit niya nabanggit na, “maraming bumps in the road” tapos nakaganda pa dahil na-test na mas lalong naging stronger ang relasyon nil ani Julia.
Pag-amin pa ni Gerald, “when you see something like that and you see ‘yung partner mo is emotionally strong, supportive of you and you know na it was worth it (ipaglaban ang kanilang relasyon).”
Na-touch si Toni sa pahayag ng aktor at nasabi na lang niya, “Jules it was worth it.”
Puring-puri ni ‘Ge ang kanyang girlfriend dahil, “she had the poise, the grace na maturity at may mga times na parang mas mature pa sa akin, eh.  Siyempre pag lalaki ka you take control of everything (and) I tried to keep things to myself lalo na kung stress or problems (at) nakalimutan ko na ang partnership, so, dapat tulungan kayo. Isa ‘yan sa mga natutunan ko sa kanya throughout the whole relationship is a partnership.”
Sumang-ayon naman si Toni na ang mga lalaki raw talaga ay hindi open sa kanilang mga pinagdadaanan sa buhay lalo na sa usaping pag-ibig.
Technically, halos nasubaybayan ni Toni ang karera ni Gerald dahil parte pa siya noon ng Unang Season ng Pinoy Big Brother Teen Edition, 2006 at si Kim Chiu ang big winner samantalang ang aktor ay nakamit niya ang ikatlong puwesto  hinirang sa ikatlong puwesto ang aktor.
Naging girlfriend ni Gerald si Kim Chiu na ipinagpalit sa kaibigan ng aktres na si Maja Salvador at pagkalipas nang dalawang taon ay si Bea Alonzo na ang kasunod at nagkahiwalay noong 2019 na sinundan naman ni Julia hanggang ngayon.
Sa tatlong beses na broken-hearted si Gerald ay wala siyang maraming kuwento kung bakit siya nahiwalay kina Kim, Maja at Bea unlike sa mga nabanggit na may mga nabanggit sila kung bakit sila nahiwalay sa aktor.
“Mahirap din sa akin ‘yung sitwasyon na ganu’n kasi it’s also hard na hindi ka masyadong mag-express ng feelings mo, mga kaibigan ko na malapit sa akin na alam nila lahat ang nararamdaman ko bukod sa pamilya ko.
“Ako kasi I don’t really believe na I have to say everything sa media kasi you’re opening up so many doors to negativity and other people na may masabi lang kung baka ‘mema’ lang. If kaya kong ayusin behind closed doors, privately kausapin ko kung sino ang dapat kong kausapin and that will be the best way to do it,” paliwanag mabuti ng aktor.
At nagawa na raw ito ng aktor na ayusin privately ang isa sa mga nakarelasyon niya.
“Siyempre hindi sa lahat obviously.  When you hurt someone like in my case na you hurt someone to the limit na talagang napupuno na, medyo ayaw na akong makita, kaya (tanong daw niya), ‘bakit ayaw mo, ayusin na natin ‘to.  But when you get older and time goes by, you know hindi mo na masisisi,” pahayag pa ni Gerald.
Samantala, inamin ni Gerald na nasa sitwasyon na siya na iniisip nang magpakasal.
Sagot pa ng aktor, “Oo 36 (edad) na ako, kailangan ko na ng anak kasi gusto na ng dad ko, mas more siya kaysa sa mom ko.  Saka gustung-gusto ng dad ko si Julia na parang anak na niya.”
So, abangan na lang nating kung kailan magpo-propose si Gerald kay Julia.
 
(REGGEE BONOAN)

KOREANO NA WANTED SA LARGE SCALE, INARESTO SA PASAY

Posted on: June 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISANG Korean national na wanted South Korea sa kasong large scale na nagkakaalaga ng mahigit P400 million ang inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Pasay City.
Si Nam Sungjin, 53, ay inaresto ng BI Fugitive Search Unit (FSU) sa pakikipagtulungan ng Supreme Prosecutors’ Office of the Republic of Korea at Philippine Air Force dahil sa warrant of arrest na inisyu ng Changwon District Court, Miryang Branch sa South Korea noong 2024 dahil sa paglabag sa Article 347-(1) ng Korean Criminal Act, kung saan nakapaloob dito ng fraud.
 “Foreign fugitives attempting to use the Philippines as a safe haven will be located and deported,” ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.
  “Under President Marcos’ Bagong Pilipinas vision, we are strengthening our systems to ensure national security and uphold justice,” dagdag pa nito
 Base sa ulat ng awtoridad ng Korea, nagpanggap si Nam na isang lehitimong negosyante na nag-operate sa Korea at Pilipinas kung saan ang mga biktima nito ay naglilipat ng mahigit sa P400 million sa kanyang bank account noong 2022 bilang financial investment pero ginagamit umano ng susspek ang nasabing pera sa pagbabayad ng knyang mga utang imbes na ini-invest ito. (Gene Adsuara)

AYALA MALLS CINEMAS EXCLUSIVELY BRINGS THAI HORROR MOVIE “DON’T SLEEP,” STARRING ATIWAT SAENGTIEN OF “PEE NAK” 

Posted on: June 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Photo credit: Viva International Pictures / Ayala Malls Cinemas
ARE you ready to face your darkest fears?
Ayala Malls Cinemas is exclusively bringing to Philippine theaters another Asian horror film this coming month. Following last year’s zombie-themed “Operation Undead,” comes the Thai horror-thriller “Don’t Sleep,” starring Atiwat Saengtien (“Pee Nak” comedy-horror movie series) and Pantipa Arunwattanachai (“Oh My Ghost: The Finale”). Opening only in cinemas June 4, “Don’t Sleep” is rated R-16.
“Don’t Sleep” is a supernatural horror-thriller set against the backdrop of modern-day Thailand, blending ancient Thai folklore with contemporary themes of guilt, grief, and redemption. The film follows a group of friends who inadvertently awaken dark spirits while playing with a mystical version of a Ouija board, called Pee Tuey Gaew, which plunges them into a harrowing battle for survival. The film explores deep psychological struggles and the haunting effects of unresolved trauma, using supernatural elements as metaphors for the inner demons the characters face.
Photo credit: Viva International Pictures / Ayala Malls Cinemas
To create an eerie, unsettling atmosphere with a dark and almost dreamlike quality, “We shot the film with low-key lighting to keep much of the danger hidden in the shadows, allowing the audience’s imagination to fill in the gaps,” says director Krittanut Watcharanuntagul. “Each location is designed to feel claustrophobic, as though the walls are closing in on the characters. I wanted to create a sense of isolation and entrapment – whether the characters are in a cramped bar or navigating the ghostly spirit world, they can’t escape their fate.”
For the spirit world scenes, the creative crew used slightly distorted lenses, practical effects and camera trickery. The decision not to rely heavily on CGI made the ghosts feel more tactile and haunting.
Photo credit: Viva International Pictures / Ayala Malls Cinemas
Horror fans expecting the uniquely Thai horror experience will not be disappointed. “Don’t Sleep” began as a collaborative effort between co-writers and directors Sathanapong Limwongthong and Watcharanuntagul, whose shared love for traditional Thai folklore and modern horror influenced the script. Inspired by local ghost stories and spiritual beliefs, they aimed to craft a narrative that was both uniquely Thai and universally terrifying.
Photo credit: Viva International Pictures / Ayala Malls Cinemas
Filming was done over 15 days in Bangkok, which helped showcase the duality of modern and ancient Thailand. The film’s score blended traditional Thai music with modern horror motifs, using dissonant strings and percussive elements to heighten suspense during key moments.
Experience all the haunting and creepy elements the filmmakers used in “Don’t Sleep” by watching it with friends at Ayala Malls Cinemas, a premiere movie-watching destination for film enthusiasts, thanks to their regular exclusives that include award-winning films and movies that are not easily available elsewhere, such as Asian titles like “Don’t Sleep” and the ongoing “A-Rewind” Series, featuring Filipino classics that have been restored and best enjoyed once again on the big screen.
The movie-watching experience is also enhanced at Ayala Malls Cinemas with the features they offer, such as plush seating with generous legroom, cutting-edge laser projections that display sharper images, and top-notch Dolby Sound and Dolby Atmos technologies that enhance audio depth – perfect for watching horror movies in which sounds add to the fright factor.
Cinema patrons also get to treat themselves to delicious snacks from The Movie Snackbar, such as different-flavored popcorn, hotdog sandwiches and yummy burgers, paired with ice-cold beverages.
Photo credit: Viva International Pictures / Ayala Malls Cinemas
Don’t miss “Don’t Sleep,” a haunting horror-thriller that combines traditional Thai folklore with modern horror storytelling, opening exclusively at Ayala Malls Cinemas on June 4. Book your tickets now by visiting www.sureseats.com or any of the participating cinemas. Visit the Ayala Malls Cinemas FB and IG pages for updates!

(ROHN ROMULO)

Bumuhos ang pagbati mula sa celebrity friends: MIKAEL at MEGAN, winelcome na ang newly born baby boy 

Posted on: June 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
WINELCOME ng Kapuso couple na sina  Mikael Daez at Megan Young ang newest member ng kanilang family.
On Instagram, the new father shared a short reel of Megan’s pregnancy journey. Mula sa candid bondings to mommy preparations, enjoy ang mag-asawa na maging new parents. Hanggang sa pag-reveal sa kanilang newly born baby boy last May 28.
“An explosion of overwhelming emotions. New chapter unlocked,” caption ni Mikael.
Bumuhos ang congratulatory messages mula sa ilang celebrity friends tulad nila Andi Eigenmann, Jo Berry, Andrea Torres, and Chariz Solomon.
Before 2024 ended, sinorpresa nila and Mikael ang lahat sa balitang magkaka-baby na sila.
Sa naganap noon na intimate gender reveal party with their friends and family, boy ang magiging panganay ng Kapuso couple.
***
SOMETHING new to look forward to ang ‘Pawscars Short Film Festival’ ng Unleash PH dahil para ito sa magandang relasyon ng tao sa kanilang fur babies at sa ibang animals.
Last May 27, na-launch ang naturang short film festival na may tema na “Unleash The Love”.
Ang pasok dito ay iba’t ibang kuwento tungkol sa mga pets, mapa-drama, comedy, animated or documentary style.
Ayon sa festival director na si Mark Sakay: “Open to all Filipino nationals ang festival. No fancy camera or film degree required — just a story to tell and a pet who’s ready for the spotlight. Your film can be up to 20 minutes long (credits included) and should follow humane animal handling practices.”
Ang uupong panel of jurors ay mga animal lovers din. Pinangungunahan ito ng award-winning director and screenwriter Jose Javier Reyes na nakilala sa kanyang mga pelikulang Pare Ko, May Minamahal, Batang PX, Live Show, Nang Iniwan Mo Ako, at Kasal, Kasali, Kasalo; at indie film directors Arvin Belarmino, known for his critically acclaimed short film na Agapito; and Joseph Abello na dinirek ang Cinema One Original na Double Twisting Double Back.
“Nakatutuwa ang concept ng Pawscars. It’s not just a film fest — it’s about real connection,” sey ni Direk Joey na fur parent sa tatlong aso at ilang pusa.
Sey ni Direk Arvin: “Hindi pa ako nakapagdirek ng hayop, kaya excited ako sa mga bagong kuwento. Gusto ko ‘yung raw, real emotions na binibigay ng mga pets.”
Para naman kay Direk Joseph: “Yung bond natin sa animals, minsan yun na lang ang nagbibigay ng peace of mind. Sa pelikula, puwede nating ibahagi ‘yung pagmamahal na ‘yon.”
Submission deadline is August 31, 2025, and finalists will be announced on September 15. The grand prize winner will take home ₱150,000.
For full guidelines and submissions, visit https://unleash.ph.
***
MULING nabawi ni Taylor Swift ang master recordings ng kanyang first six albums from Shamrock Capital, marking a significant victory in her fight for artistic ownership.
Sa kanyang official website, ni-reveal ni Taylor na pag-aari na niya ulit ang kanyang pinaghirapan na music mula sa kanyang mga albums na Taylor Swift (2006), Fearless (2008), Speak Now (2010), Red (2012), 1989 (2014), and Reputation (2017).
“Hi. I’m trying to gather my thoughts into something coherent, but right now my mind is just a slideshow. A flashback sequence of all the times I daydreamed about, wished for, and pined away for a chance to get to tell you this news. I almost stopped thinking it could ever happen, after 20 years of having the carrot dangled then yanked away.
“But that’s all in the past now. I’ve been bursting into tears of joy at random intervals ever since I found out that this is really happening. I really get to say these words: All of the music I’ve ever made… now belongs… to me. And all of my music videos. All the concert films. The album art and photography. The unreleased songs. The memories. The magic. The madness. Every single era. My entire life’s work.”
Ayon sa Billboard, nagbayad si Taylor ng higit sa $360 million para sa ownership rights ng kanyang music na palihim na binili ni Scooter Braun noong 2019 mula sa Big Machine Records.
(RUEL J. MENDOZA)

Inaming guwapong-guwapo kay Andres Muhlach: JESS, hangang-hanga kina MARIAN at HEART at gustong makasama

Posted on: June 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MORE than a year nang talent ng Artist Circle na pag-aari ni Rams David ang social media influencer/content creator (na may 570K plus followers sa Tiktok) na si Jess Martinez.
Aminado ang 23 years old na newbie actress na pangarap talaga niyang makapasok sa showbiz, at maging artista.
“Sabi ko, I want to became a star one day. I want to be seen on television to express my craft.
“And a little background, wala pong nasa industry na family.  They are on the business side. It is my own decision to enter the showbiz industry.”
Unang napanood si Jess sa ‘Abot-Kamay na Pangarap’ na kung saan gumanap siyang Diwata, ang pamangkin ng character ni Wilma Doesnt.  Tumagal din ito ng four months.
Nakapag-guest na rin siya sa ‘Regal Studios’ at ‘Pepito Manaloto’.  Next month mapapanood naman siya sa ‘Sanggang-Dikit FR’ nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Na kung saan matutupad ang dream niya na makapag-action, after ng maranasang makapag-drama.
Sina Marian Rivera at Heart Evangelista ang kanyang hinahangaan.
“I really really looked up to Ms. Marian, kasi she is really a great actress,” sabi ni Jess.
“Along with her, I really love Ms. Heart din, because of how she dresses up and showed herself.”
Pangarap niyang makasama si Marian sa isang teleserye o pelikula.  At makasama rin si Heart sa pagrampa, tulad ng ginagawa nito sa Paris at Milan.
Inamin din ni Jess ang kanyang crush sa showbiz, “si Andres Muhlach! Super gwapo kasi niya. Pero sa ngayon, career muna!”
Ngayong isa na siyang ganap na artista, hindi naman niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral.  Kasalukuyan siyang kumukuha ng kursong Business Management sa Southville International School.
Samantala, last year ay ni-launch si Jess bilang face of Skinlandia, na kung saan may beauty and wellness clinic sa SM City Fairview.  Pag-aari ito nina Noreen at Juncytnth Divina ng Nailandia Nail Studio and Body Spa na ini-endorse naman ni Marian.
Soon ay magkakaroon ng sariling branch ng  Skinlandia ang pamilya ni Jess sa McKinley Hill, Taguig City.
 
(ROHN ROMULO) 

Alden at Kathryn, muling pararangalan: ‘8th EDDYS’ ng SPEEd, itatanghal sa Newport World Resorts sa July 20

Posted on: June 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TULOY na tuloy na ang pinakaaabangang 8th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ngayong taon mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Magaganap ang espesyal na pagtatanghal ng ikawalong edisyon ng The EDDYS sa Ceremonial Hall Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, sa darating na July 20, 2025.
Sa naturang venue rin idinaos ang 7th EDDYS noong nakaraang taon na naging matagumpay at dinaluhan ng mga malalaking pangalan sa entertainment industry.
Ang taunang pagbibigay-parangal ng The EDDYS, mula sa samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas, ay bahagi ng pagkilala at pagpapahalaga ng SPEEd sa mga pelikula, artista at iba pang personalidad na itinuturing na pinakamagagaling sa Philippine Cinema.
Mayroong 14 acting at technical awards na  ipamimigay sa 8th EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.
Bukod sa pagkilala sa mga natatanging pelikula nitong nagdaang taon, magiging highlight din ng pinakaaabangang awards night ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry.
Sila ang mga artista, direktor at iba pang personalidad na hindi matatawaran ang kontribusyon, dedikasyon at pagmamahal sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng mahabang panahon.
Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), at ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).
Bukod dito, kikilalanin din sa gabi ng parangal ang Rising Producer of the Year at Producer of the Year.
Muli ring pararangalan ng SPEEd ang mga naging bahagi at lumaban para sa patuloy na pagbangon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon nito – ang The EDDYS Box Office Heroes at isa rito ang balik-tambalan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa ‘Hello, Love, Again’ na kumita ng higit sa Php 1.6 billion.
Abangan ang iba pang mga detalye tungkol sa inaabangan nang 8th EDDYS mula sa SPEEd ngayong darating na Hulyo.
Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas sa pamumuno ng presidente nitong si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.