• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

PBBM sa bagong PNP chief:  Clean up ranks, muling ibalik ang tiwala ng publiko

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
LINISIN ang police force, kumilos nang mabilis laban sa mga pasaway na opisyal at tiyakin na ang kapulisan ay mananatiling ‘source of public reassurance’ at proteksyon.
Ito’y ilan lamang sa mga marching order ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay bagong Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III, na opisyal na pamumunuan ang 231,000-strong police force, araw ng Lunes.
“Panatilihin mong malinis at marangal ang hanay ng kapulisan,” ang bilin ni Pangulong Marcos sa isinagawang PNP change of command ceremony sa Camp Crame.
Hinikayat naman ng Pangulo si Torre na bilisan ang imbestigasyon laban sa mga police officers na sangkot sa illegal activities.
“Bilisan ang imbestigasyon sa mga kaso laban sa mga pulis na lumabag sa batas upang maibigay natin ang hustisya sa lalong madaling panahon,” ang winika pa rin ng Pangulo.
Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan na itaas ang police visibility sa lansangan.
“Kapag kailangan ng taumbayan, dapat may pulis na agad na reresponde,” ang tinuran ng Pangulo.
Nanawagan naman ang Punong Ehekutibo na tutukan ang paglansag sa illegal drugs, ipinag-utos sa PNP na makipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagtugis sa ‘big at small-time drug peddlers’ at tiyakin na mananagot ang mga ito.
Pinaalalahanan naman niya ang mga police officers na iwasang abusuhin ang kanilang awtoridad.
“Iwasan ninyo ang paggamit ng pribilehiyo para sa pansariling benepisyo. Maging instrumento kayo ng katuwiran, kapayapaan, at kaunlaran,” ang sinabi ng Pangulo.
Sa kabilang dako, si Torre ang pumalit kay Gen. Rommel Francisco Marbil, na pinuri ni Pangulong Marcos para sa liderato na nagmarka ng integridad, propesyonalismo at paggalang sa karapatang-pantao.
“Under your stewardship, the PNP became a more people-centered, structured, and regulated institution. You guided your officers to serve with integrity, and in doing so, you restored the people’s confidence in the uniform the police wear,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Tinapos naman ng Pangulo ang kanyang pananalita sa paglikha ng pagbabago sa liderato bilang higit pa sa isang seremonyal na paglipat, kundi isang “renewed promise.”
“A clear mandate to champion peace, serve with honor, and move our nation forward with dignity,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo.
“Let your badge be your daily pledge—not to command—but to serve with integrity,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.
( Daris Jose)

Sa MRT 3, LRT 2 at LRT 1 tuwing araw ng Linggo… Pamilya Pass 1+3 Promo Handog ng Pangulo

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGSIMULA na ang tuwing araw ng Linggo na promo ng gobyerno para sa mga mananakay ng MRT-3, LRT-2 at LRT-1.
Ang promo na Buy 1, Get 3 free rides ng pamilya, grupo o magkakaibigan na apat na sasakay ng MRT-3, LRT-2 at LRT-1 ay puwedeng-puwede rito, Kailangan lamang na may magbayad na isa sa apat na magkakasama para makasakay.
Sa isinagawang paglulunsad ng Family/Pamilya Pass 1+3 program, araw ng Linggo, Hunyo 1, nanguna ang First Family na subukan ito. Ang programa ay Pagkilala sa Family Day at pagdiriwang ng pamilyang Filipino.
Sa katunayan, pinasinayaan ng First Family ang programa sa pamamagitan ng pagsakay sa tren sa GMA-Kamuning Station patungong North Station ng MRT sa Quezon City, Linggo ng umaga.
Sa nasabing biyahe, nakisalamuha ang pamilya Marcos sa mga mananakay. Kasama ng mga ito ang ilang miyembro ng Gabinete.
Ayon sa Pangulo, ang araw ng Linggo ay mahalagang araw para sa mga Filipino dahil ito ang araw na inilalaan nila para sa kanilang pamilya.
“Ang kultura ng Pilipino, pag Linggo, sa pamilya yan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sabay sabing “Kapag linggo, kapag bibili ka ng ticket, plus three ang pwede mo isakay. Ibigsabihin sa isang ticket, apat ang pwede sumakay.”
“Sana naman mabigyan natin ang ating mga kababayan na maramdaman nila ang linggo. Bigyan natin ng chance na magkasama na walang dagdag na bayad para lang makasama ang inyong pamilya,” dagdag na wika nito.
Pinasimulan ni Pangulong Marcos ang programa habang Department of Transportation naman ang nagpatupad.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Transportation Secretary Vince Dizon na sa naturang promo, isang miyembro lamang ng pamilya o grupo na magkakasamang ba-byahe sa kaparehong destinasyon o lugar ay kailangan na magbayad ng isang tiket para makapasok sa turnstile habang ang natitirang pamilya o kasama ay dadaan naman sa side entrance.
Maliban sa pamilya, ang grupo ng magkakaibigan ay maaari ring mag-avail ng promo.
Base sa pinakabagong data mula sa DOTr, may 234,700 pasahero ang gumagamit ng MRT-3 habang 102,800 katao naman ang gumagamit ng LRT-2 nito lamang May 25.
Sa data pa rin ng DOTr, tinatayang 226,000 pasahero ang gumagamit ng MRT-3 habang 95,000 katao naman na bumi-byahe ang gumagamit ng LRT-2 sa apat na Linggo ng May ngayong 2025.
Samantala, inanunsyo ng DOTr na sa lalong madaling panahon ay maaari ng gumamit ang mga commuters ng debit cards, credit cards, at e-wallets para magbayad sa MRT at LRT fares.
Winelcome naman ng mga mananakay ang nasabing promo. Para sa kanila, makakatipid sila ng pera at maaari pa itong magamit sa ibang pangangailangan.
Tiniyak ni Dizon na isa-subsidize ng gobyerno ang programa.
“Ang gobyerno naman ang nagpapatakbo ng MRT-3 at LRT-2 so mawawalan lang ng dagdag na revenue pero tulong na ‘yan sabi nga ng Pangulo. Tulong ‘yan para sa mga kababayan natin. Kamukha ng ginawa natin ng Labor Day na libre sakay po. Iyun po ay isa-subsidize ng gobyerno,” ang sinabi ni Dizon.
( Daris Jose)

Teodoro, nagdaos ng bilateral talks kasama ang Japan, Ukraine, Netherlands

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGDAOS si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ng hiwalay na bilateral meetings kasama ang mga defense officials ng Japan, Ukraine, at The Netherlands sa sidelines ng Shangri-La Dialogue nito lamang weekend.
Dumalo si Teodoro Jr. sa 22nd International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue sa Singapore mula May 30 hanggang June 1 para pag-usapan ang ‘security issues at defense ties’ sa ibang bansa.
Sinabi ni Japanese Defense Minister Gen Nakatani na nais ng Tokyo ang mas malalim na involvement sa joint drills kasama ang Maynila gaya ng Balikatan at Kamandag sa pagpasok sa puwersa ng Philippines-Japan Reciprocal Access Agreement.
Napagkasunduan ng dalawang bansa ang kahalagahan ng pagpapalawak ng pagtutulungan sa defense equipment production.
Upang hadlangan ang pagkilos na mapagpapahina sa kapayapaan sa rehiyon, binigyang diin ni Teodoro ang pangangailangan na panatilihin ang bilateral at multilateral dialogues kasabay ng kanyang panawagan para sa mas malakas na alyansa base sa ibinahaging prinsipyo.
Pinasalamatan naman ni Ukrainian Deputy Minister of Defence Oleksandr Kozenko ang Pilipinas para sa suporta nito sa ‘Ukrainian sovereignty at territorial integrity.’
Isang Ukrainian defense attaché ang itatalaga sa Maynila para i-develop ang bilateral defense ties, ayon kay Kozenko.
Nais naman ng Pilipinas ayon kay Teodoro na matuto ng
technological development mula Ukraine, habang sinabi naman ni Kozenko na ang Ukraine ay masigasig na matuto ng maritime disaster response at post-trauma recovery mula sa Pilipinas.
Nananatiling committed ang dalawang bansa sa international law. Nangako ang Ukraine na tatalima at mahigpit na susunod sa Geneva Conventions at pagiging bukas sa defense cooperation kasama ang Pilipinas.
Samantala, nagpahayag naman ng interest si Teodoro na matutunan ang ‘best practices’ sa defense governance ng The Netherlands.
Suportado naman ni Dutch Minister of Defencs Ruben Brekelmans ang rules-based international order at nagpahayag ng interest na galugarin ang joint military activities sa Pilipinas.
“Teodoro and Brekelmans extended invitations for future visits, maintaining their intent to expand defense engagement and cooperation,” ayon sa DND. ( Daris Jose)

Aaron-Taylor Johnson, Jodie Comer, and Alfie Williams play a family fighting to survive in the hostile, infected world of “28 Years Later”

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 

28 Years Later explores a world that’s been continuously ravaged by the rage virus, turning millions of people into infected in the original 28 Days Later. In the center of the story is a family living in an isolated island community, trying to make the best out of a horrific reality. Director Danny Boyle and writer Alex Garland wanted the film to be a family story, and explore the dynamics in a bleak environment. “Alex came up with this idea centered around a family. It is inventive writing, in a way that was exciting for everyone involved and helped make us feel like we were making an original film, and not a sequel,” Boyle explains.

 

Watch the “Imagine” vignette with Danny Boyle and Alex Garland: https://youtu.be/IVmByrbreJE

 

The family consists of Jamie (Aaron-Taylor Johnson), a loving and protective husband. Isla (Jodie Comer) is Jamie’s wife who has been stricken with an undiagnosed illness, and rounding off the group is their son Spike (Alfie Williams), who has been honing his survival skills under his father.

 

Johnson sees Jamie as someone who’s trying his best to make the most of the harsh situation. “Everyone on the island has adapted to a tribal way of living, to protect themselves from the horrors awaiting them on the mainland,” he says. “They’ve had to become ingrained in a survivalist way of living.”

 

Johnson emphasises Jamie’s love for his family, which often manifests in misguided ways, especially in training his young son Spike. “You see the pressure that Jamie is putting on him to grow up a little bit quicker than he is supposed to,” Taylor-Johnson continues. “He’s trying to give Spike the tools he needs in this new world. Jamie wants Spike to have his independence. There is so much heart and soul between the father and the son.”

 

Other than the special connection between father and son, Spike is also devoted to his ailing mother Isla.  “Spike and Isla provide a real thread of humanity and emotion, while coping and surviving in this incredibly dangerous situation,” says Jodie Comer.

 

Isla’s illness increases the danger for the family, putting tension between her and her husband Jamie, but in the end, Comer feels like the family is strong because of their love of one another. “Isla’s illness has put a lot of strain on her marriage. Still, Aaron, Danny, and I were always clear that it was a relationship that came from love, and that Jamie wants the best for Isla,” she says”

 

Young Alfie Williams has all been adopted by Johnson as the actor took his on-screen son under his wing, which Boyle felt like added to the sincerity of their relationship in the film. “Aaron loved taking responsibility for Alfie, looking after a young lad who was experiencing it all for the first time,” he says. “I’d often find Aaron teaching Alfie about breathing and making sure he was ready for a scene. The other beautiful thing is that we’d see Alfie begin to copy Aaron in his prep.”

 

A family fights for survival in 28 Years Later arriving in Philippine cinemas on June 18. 28 Years Later is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #28YearsLater and tag @columbiapicph

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”

(ROHN ROMULO)

Pangulong Marcos ipinagpaliban EDSA rehab

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IPINAGPALIBAN ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nakatakdang rehabilitasyon ng EDSA na magsisimula sana sa Hunyo 13.
Ang kautusan ay ginawa ng Pangulo bilang tugon sa panawagan ng publiko.
Sinabi ng Pangulo na kailangang pag-aralan ang proyekto ng isang buwan para malaman kung may mga bagong teknolohiya na magagamit para mapabilis ang rehabilitasyon.
Umaabot sa 23.8 ­kilometro ang kahabaan ng EDSA.
Ayon sa Pangulo, malaking sakripisyo ang dalawang taong rehalibitasyon.
“Pause muna doon sa ating rehabilitation. Huwag muna nating gagawin dahil pag ­tinitingnan natin yung cost-benefit and ­analysis, maganda sana kung maayos natin. Ngunit ang laking sakripisyo nu’ng dalawang taon. Masyadong mabigat, mahigpit ang traffic,” ani Marcos
Dapat umanong gumawa ng magandang plano na magpapabilis sa planong dalawang taong rehabilitasyon.
“Bigyan natin ang sarili natin ng isang buwan. Pag-aralan natin itong bagong teknolohiya na nakikita natin. Gumawa tayo ng magandang plano. Baka naman imbes na dalawang taon, magawa natin sa isang buwan. Tingnan natin kung anong available sa atin,” sabi ni Marcos.

Panukalang P200 daily wage increase, dapat ipasa na bago magtapos ang ika-19th Congressional

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANAWAGAN ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines na agad nang ipasa ang panukalang P200 daily wage increase sa private sector workers sa ikatlo at huling pagbasa bago mag-adjourned ang 19th Congress.
“Mahalagang itulak natin ang Kongreso na agad na isabatas ang P200 na umento sa sahod ng mga manggagawa lalo na sa panahong walang ampat ang pagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
 Bagama’t malayo pa rin sa disente at nakabubuhay na sahod, malaking bagay ito sa pamilyang Pilipino na lubhang tinatamaan ng ekonomikong krisis. Kasabay nito ay patuloy nating itutulak ang pagsasabatas ng P1,200 national minimum wage at pagbubuwag ng regional wage board,” paliwanag ni Vladimer Quetua, ACT Chairperson.
Sa kabila na tinanggap nila ang panukalang dagdag umento sa sahod, sinabi nito na kapos pa rin ang P200 kada araw na increase para sa mga minimum wage earners.
Ang kasalukuyang minimum wage ranges ay mula P361 hanggang P645 across regions at sa kabila ng dagdag umento ay mababa pa rin ito.
Habang suportado ng grupo ang agarang pagpasa ng panukalang wage hike bill, iginiit nito ang panukalang P50,000 entry-level pay para sa mga guro, P33,000 basic pay para sa SG1 employees at SG16 para sa Instructor 1 sa state universities and colleges.
(Vina de Guzman)

Nag-audition at nakuha para sa isang movie: IÑIGO, muling itutuloy ang kanyang Hollywood career

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MULI ngang itutuloy ni Iñigo Pascual ang kanyang Hollywood career.
Kuwento pa niya, “I’m actually going back to the States early next month. I’m doing another film in the States. I’ll be doing a movie out there, I’m excited for it.
“It’s something very different from what I’ve done before, I’m going to be in the Navy. So once I get back, I’ll be doing the look test for it.
“We’ll be filming it actually in a real Navy ship. So exciting.”
Paano siya nakuha para sa naturang pelikula?
“I auditioned pa rin nonstop, I’m still auditioning even while I’m here in the Philippines, I do my self-tapes.
“It’s still ongoing and I love the process of it. Nine out of ten, you don’t get it, but it’s really the process of auditioning that I find very fun and very enjoyable,” lahad pa niya.
Masasabi ba niya na adjusted na siya sa buhay sa Amerika?
“I spent my young years in the States before I joined the industry in the Philippines, so it wasn’t much of an adjustment.
“I feel like for me, it was just going back to another place that I call home,” paliwanag pa niya.
Inamin naman ni Iñigo na metikuloso siya pagdating sa kanyang buhok.
Sa katunayan ay nagkaroon na ng insidente na ginupitan siya pero hindi niya nagustuhan ang pagkakagupit sa buhok niya.
“Gusto kong maiyak,” pahayag ni Iñigo.
“I think a lot of people have gone through that. Yung tinatanong ka, ‘Kamusta sir, okay ba?’, ‘Ang ganda!’ Ha! Ha! Ha!
“It’s happened to me a lot of times and I choose my haircut person now. Now, I only go to one haircut guy, Sir Dean from Zero One Story. I’ve been with him for a couple of years now, I think since during the pandemic, that’s where I met him and I’ve been only trusting him with my haircut.”
At dahil na rin sa sobrang pag-aalaga niya sa kanyang buhok kaya pinasok ni Iñigo ang pagnenegosyo ng mga hair products, body wash at deodorant, ang Herzy.
Ini-launch ito sa Starpreneur Bazaar ng mga CEO na sina Dennis Valbuena at Lani Tañedo na mga partners rin ni Iñigo sa Herzy.
Sa naturang bazaar na ginanap sa The Fifth sa Rockwell ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga celebrity entrepreneur tulad nga ni Iñigo, Bela Padilla (Bela by Bela) at Sparkle female star Max Collins (Collins Cleanse) na i-showcase at ibenta ang kanilang mga produkto.
(ROMMEL L. GONZALES)

PONDO PARA SA JO, INUBOS SA HALALAN 

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HALOS lumobo sa mahigit isang bilyong pisong pondo ang para sa 1,500 job order workers ang ginugol ng pamahalaang Lungsod ng Maynila sa panahon ng halalan 2025.
Ayon sa Transition Team ni incoming Manila Mayor Isko Moreno, mula December 2024 hanggang Marso 2025, sa pagsisimula ng kampanya sa mayoralty race sa Maynila ay umabot sa isa punto apat na bilyon pisong pondo ang ginugol sa job order workers ni outgoing Manila Mayor Honey Lacuna.
Ayon pa sa transition team, mula 2022, taun-taon ay tumataas ng 400 million pesos ang inuubos ng administration ni Lacuna sa mga job order workers ng lungsod.
Sa rekord ng transition team sa kabila ng nararanasang inflation ng lungsod dahil sa mga hindi nababayarang obligasyon, patuloy ang pagkuha ng mga trabahador ni Lacuna
Dagdag pa ng Transition Team ng incoming chief executive, ngayong 2025 tumaas ng P7.1 billion sa unpaid obligations ang Manila LGU, o pagtaas ng 40% kumpara sa nakalipas na taon dahil sa hindi tinupad na bayarin sa mga supplier ng Maynila.
 Bumaba rin ang taunang cash reserves ng Lungsod mula P16.3 billion noong 2020, bumagsak ito sa P7.3 billion ngayong May 2025, o pagdapang 55 percent. (Gene Adsuara)

E-trike driver na sideline ang pagtulak ng droga, laglag sa selda

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISANG e-trike driver na sideline umano ang pagtutulak ng illegal na droga ang arestado nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
          Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chieg P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Jayson”, 41, ng Talabahan St. Brgy. Baritan.
          Ayon kay Col. Baybayan, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA nang magpositibo ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng suspek ng shabu.
          Dakong alas-11:10 ng gabi nang dambahin ng mga operatiba ng SDEU ang suspek matapos bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa kanto ng Ilang-Ilang at Ilang-Ilang III Sts., Brgy. Baritan.
          Nasamsam sa suspek ang nasa 5.1 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang 34,680, at buy bust money.
          Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 under Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa piskalya ng Lungsod ng Malabon. (Richard Mesa)

VP Sara, nanawagan para sa ‘community action’ laban sa dengue NANAWAGAN si Vice President Sara Duterte, araw ng Lunes sa publiko na sumunod sa tamang pamamaraan para labanan ang paglaganap ng dengue sa bansa.

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Sa pagdiriwang ng Dengue Awareness Month ngayong buwan ng Hunyo, binigyang diin ni VP Sara ang kahalagahan ng pagsuporta sa kampanya ng Department of Health’s (DOH) laban sa dengue—isang mosquito-borne viral infection na karaniwan sa mga bansang may ‘tropical climates’ gaya ng Pilipinas.
“Nakakamatay po ang sakit na dala ng lamok na may dengue na maaaring namumugad sa ating mga pamamahay at mga komunidad. Lahat tayo ay nanganganib na maging biktima ng sakit na ito,” ang sinabi ni VP Sara sa isang video message.
“Magkaisa po tayo sa adhikain na makontrol ang pagdami o paglaganap ng mga lamok na may dalang dengue,” aniya pa rin.
Bilang bahagi ng hakbang sa pag-iwas laban sa nasabing sakit, hinikayat ni VP Sara ang publiko na tiyakin na ang mga mosquito breeding grounds gaya ng mga drum at paso ay malinis at walang nakaimbak na tubig.
Hinikayat din niya ang mga ito na magpartisipa sa clean-up drives sa mga komunidad.
Sinabi pa niya na mapipigilan ng mga tao na makakuha ng dengue sa pamamagitan ng paglalagay ng ‘window at door screens’ at mosquito nets (kulambo) at magsuot ng pantalon at t-shirt na may mahabang manggas.
Nito lamang Abril, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ang Pilipinas ay nahaharap sa dengue outbreak ngayong taon.
Ang pinaka-karaniwan na sintomas ng dengue ay ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo, muscle at joint pains, pagduduwal at rashes.
May ilang tao naman ang makararanas ng pananakit sa gilid ng mata, pagsusuka at pamamaga ng glandula (glands).
Ang mga sintomas, sinabi ng DOH na magsisimula sa apat hanggang 10 araw matapos ang exposure mula sa kagat ng lamaok at tatagal ito ng hanggang dalawa hanggang pitong araw.
( Daris Jose)