• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

Libreng anti-rabies, child vaccines available sa mga ospital ng gobyerno

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko na nag-aalok ang gobyerno ng free anti-rabies vaccination.
“Sakaling nakagat o nakalmot kayo ng inyong mga alagang aso at pusa —nangangamba sa rabies— libre po ang pagbabakuna sa mga government hospital,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Ang ‘rabies’ ay itinuturing ng bansa na public health problem.
Para aniya sa mga dudulog naman sa private hospital, may animal bite package naman ang PhilHealth.
Samantala, may libre namang immunization para sa mga batang may edad na 0 hanggang 5 limang taong gulang sa lahat ng pampublikong ospital at health centers.
Kabilang aniya sa mga libreng bakuna ay ang BCG, Hepatitis B, Pentavalent, PCV, Oral Polio, and MMR vaccines.
“Pumunta lang po kayo sa ating mga government hospital or heath center para rito,” ang sinabi ni Castro. (Daris Jose)

4 namaalam sa puwesto ng gabinete… 21 mananatili, 1 bagong itinalaga sa patuloy na balasahan sa gobyerno

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INILATAG at inanunsyo ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga miyembro ng Gabinete na tuluyan nang namaalam sa posisyon, bagong itinalaga sa posisyon at mananatili sa kani-kanilang puwesto.
Sa katunayan, ang mga courtesy resignation na tinanggap ng Pangulo ay nagmula kina Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairperson Meynardo Sabili, Presidential Assistant for the Visayas Undersecretary Terence Calatrava, Presidential Assistant on Muslim affairs Almarin C. Tillah at Presidential Adviser for Special Concerns Menandro M. Espineli.
Ang bagong itinalaga naman ng Pangulo ay si Atty. Francis Edrelyn Lim bilang incoming Chairperson ng Securities and Exchange Commission (SEC). Papalitan ni Lim si Chairman Emilio Aquino. kung saan mapapaso ang termino sa Hunyo 5, 2025.
Samantala, may 21 naman ang mananatili sa puwesto matapos tanggihan ng Pangulo ang kani-kanilang courtesy resignation. Ito ay sina:
Department of Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr.,
DAR Secretary Conrado M. Estrella III,
DepEd Secretary Juan Edgardo M. Angara,  TESDA Secretary Jose Francisco Benitez, DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, DSWD Secretary Rex Gatchalian, DoH Secretary Teodoro Herbosa, DMW Secretary Hans Leo Cacdac, DoST Secretary Renato Solidum Jr., Tourism Secretary Christina Frasco, Information and Communications Secretary Henry Aguda, Transportation Secretary Vince Dizon, Public Works and Highways Secretary Raphael Bonoan,
Presidential Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile, MMDA Chairman Don Artes, Mindanao Development Authority chief Leo Magno, Presidential Management Staff Sec. Elaine Masukat,
Presidential Adviser on Mindanao Concerns Antonio Cerilles, Bureau of Internal Revenue Chief Romeo Lumagui,
Customs chief Bienvenido Rubio, Treasurer of the Philippines Sharon Almanza
Pansamantala namang mananatili sa puwesto si Secretary of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo. Naudlot ang pag-upo nito bilang susunod na Permanent Representative of the Philippines in the United States na magiging epektibo sana ngayong Agosto 1 dahil kailangan pa muna niyang makumpirma bago pa lumipat bilang permanent envoy to the United States, kinilala naman ng Pangulo ang pagkakatalaga kay Manalo na ikokonsidera lamang matapos ang kanyang kumpirmasyon.
“In the meantime, he will remain as the Secretary of Foreign Affairs,” paliwanag ni Bersamin.
Sinabi ni Bersamin na inanunsyo niya ang sitwasyon ni Manalo dahil mayroong hindi pagkakaunawaan kung kailan siya titigil sa pagganap bilang Kalihim ng DFA.
“That means that Secretary Manalo ‘s courtesy resignation was declined. Was declined,” ang sinabi pa ni Bersamin.
Sa kabilang dako, sinabi ni Bersamin na bagama’t maraming miyembro ng Gabinete ang tinanggihan ng Pangulo ang kanilang isinumiteng courtesy resignation, binigyang diin nito na nagpapatuloy ang performance evaluation kahit pa sa mas mababa ang ranggo sa mga Kalihim.
” I assure you that this is a very sweeping and thorough evaluation being made by the President and the panel of his choice regarding those who will be continuing remaining in office and those who will be ultimately ousted. But at least, for the major departments, wala hong masyadong movement,” ayon pa rin kay Bersamin.
Samantala, ang mensahe naman ni Bersamin sa publiko sa bagong kaganapan na ito o pananatili ng mga dating miyembro ng Gabinete sa kabila ng malawakang balasahan.
“The President is a manager. He has his own levels of achievement that he has imposed on each of us in the Cabinet. And his expectations are there.”
“And it is only the President who can decide if we performed up to par or we delivered on those promises of the expectations that he gave to us, announced to us at the beginning. And, because of this, The President might have probably most likely determined that most of these whom he retained have performed up to par because otherwise he would surely have fired them. You know, this is not a purge. You must understand that. That’s why we went to the courtesy resignation as the means for implementing this reorganization. but, you kow, even if you have been retained now, you will still be expected to deliver on your marching orders.” ( Daris Jose)

7 katao, kulong sa cara y cruz at droga sa Valenzuela

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PITONG sugarol ang arestado sa magkakahiwalay na anti-ilegal gambling operation ng pulisya kung saan nakuhanan pa ng droga ang apat sa kanila sa Valenzuela City.
           Sa ulat ni P/MSgt. Carlito Nerit Jr. kay Valenzuela Police OIC chief P/Col. Relly Arnedo, dakong alas-10:15 ng gabi nang maaktuhan ng mga tauhan ng Dalandanan Police Sub-Station 6 sina alyas “Jessie”,39, at alyas “Angelo”, 30, na nagsusugal ng cara y cruz sa Juana Dilag 1 D Santiago St., Brgy. Malanday.
          Nasamsam sa lugar ang P250 bet money, tatlong peso coins na gamit bilang pangara habang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay nakuha kay alyas Jessie.
          Alas-11:05 naman ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Paso De Blas Police Sub Station 1 sina alyas “Oscar”, 50, at alyas “Boy”, 27, habang nagsusugal ng cara y cruz sa Francisco Compd., De Castro Subdivision, Brgy. Paso De Blas.
          Nakumpiska ng mga pulis ang talong peso coins na gamit bilang pangara, P470 bet money at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakuha kay alyas Oscar.
          Sa Brgy. Polo, huli sa akto ng mga tauhan ng Polo Police Sub-Station 5, sina alyas “Joy” at alyas “Edward”, na abala sa paglalaro ng illegal na sugal na cara y cruz sa Dilag St., Coloong 1, Brgy. Coloong dakong alas-10:30 ng umaga.
          Nakuha kay alyas Joy ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu habang ang tatlong peso coins na gamit bilang pangara at P290 bet money ay nasamsam sa lugar ng pinaghulihan sa mga suspek.
          Samantala, nadakip naman ng mga tauhan ng Marulas Sub Station 3 si alyas “Kevin”, 36, na nagpapataya ng sugal na ‘Ending’ sa Tamaraw Hills, Brgy. Marulas alas-3:15 ng hapon at nakuha sa kanya ang Ending card, bet money at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu. (Richard Mesa)

Mister na wanted sa acts of lasciviousness sa Valenzuela, nakorner sa selda

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA loob ng kulungan nagtapos ang paghahanap ng mga awtoridad sa isang most wanted person matapos makulong dahil sa ilegal na sugal sa Valenzuela City, kamamalawa ng hapon.
Batay sa ulat, unang naaresto ng mga tauhan ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Relly Arnedo ang akusado na si alyas “Roberto”, 54, dahil sa ilegal na sugal.
Nang tignan ang kanyang record, nadiskubre ng mga tauhan ng Polo Police Sub-Station 5 na may nakabinbin na arrest warrant ang akusado para sa kasong acts of lasciviousness.
Dakong alas-5:40 ng gabi nang isilbi sa akusado ng mga tauhan ng SS5 sa loob ng Custofial Facility Unit ng Valenzuela police ang warrant of arrest para sa paglabag sa Article 336 of the Revised Penal Code (Acts of Lasciviousness) na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270, noong May 18, 2021.
Pinuri naman P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang Valenzuela City Police Station para sa mabilis at maayos na pagpapatupad ng utos ng hukuman. (Richard Mesa)

HIV, gawing NATIONAL PUBLIC HEALTH EMERGENCY-DOH 

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
LUMOBO na sa 500% ang kaso ng HIV sa Pilipinas na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng sakit sa Western Pacific Region.
Dahil dito, iminungkahi ng Department of Health (DOH) na maging National Public Health Emergency ang problema sa HIV o human immunodeficiency virus ng bansa.
Sa datos ng DOH, nasa 57 na ang kumpirmadong kaso ng HIV kada araw mula Enero hanggang Marso ngayong taon
Upang maiwasan ang ganitong sakit , payo ng DOH sa publiko na magpa +HIV test .
Ayon sa DOH, libre ang pagpapatest at confidential o hindi ibinubunyag ang pangalan ng pasyente o indibidwal na sasailalim sa nasabing pagsusuri.
Payo rin ng Kagawaran ang paggamit ng condom, lubricants at PrEP o pre-exposure prophylaxis, na medikasyon o gamutan na nakatutulong sa pagpigil sa HIV infection
Gayundin ang pagkonsulta at pag-inom ng antiretroviral therapy para sa mga nangangailangan nito. (Gene Adsuara)

Senate President Chiz, takot ka ba kay Sara? Tanong ng mambabatas

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KINALAMPAG ni Akbayan Rep. Perci Cendaña si Senate President Chiz Escudero sa patuloy na pagkaka-delay sa pagsisimula ng impeachment trial ng senado laban kay Vice President Sara Duterte.
“Natatakot ba siya kay Sara Duterte?” pagtatanong nito.
Nagbabala rin ang mambabatas sa kawalang aksyon ng senado na posibleng makitaan bilang kalasag para sa VP mula sa kanyang pananagutan.
Si Cendaña, ay kabilang sa endorser ng first impeachment complaint na inihain sa House of Representatives.
“Hindi po ito Paris fashion week. Convening the Senate as an impeachment court is a solemn constitutional duty, not a seasonal accessory you put on or discard depending on the political weather, or one’s personal agenda. It is a uniform of duty worn whenever the Constitution demands it,” ani Cendaña.
Ayon sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey, halos 9 sa 10 Pilipino ang nagnanais na direktang tumugon si VP Sara sa impeachment charges at linisin ang kanyang pangalan kaugnay sa alegasyon ng korupsyon.
Lumabas din sa survey na 68% ng respondents ang naniniwala na dapat harapin ni Duterte ang mga aksuasyon laban sa kanya, 20% ang nagsabing probably should. Taliwas naman sa 7% na naniniwala na dapat iwasan niya ang isyu.
“The public wants a trial. Even the impeached Vice President herself has signaled a willingness to face one. What’s stopping the Senate? Natatakot ba ang liderato kay Sara. The people demand transparency. Tama na po ang pateka-teka. Panahon na para magtrabaho,” giit nito.
Ibinasura rin ng Akbayan ang pahayag ni Escudero na ang impeachment complaint mula sa 19th Congress ay hindi maaaring paabutin o i-carry over sa 20th congress.
Iginiit pa nito na ang naturang argumento ay walang basehan sa konstitusyon, jurisprudence o maging sa sariling rules ng senado.
“The impeachment process is a constitutional mandate, not a legislative bill that expires at the stroke of midnight. Once the House transmitted the Articles of Impeachment, the Senate is constitutionally bound to convene as an impeachment court—no ifs, no buts. The delay, and now the flimsy excuses, only add insult to institutional injury,” pahayag ni Cendaña.
Hinamon naman ng Akbayan si Escudero na i-convene ang senado bilang impeachment court, panumpain ang mga senador bilang hukom at hayaan ang prosekusyon na basahin ang mga akusasyon.
“Every day of delay sends the message that the Senate leadership is either afraid of Vice President Duterte, or worse, actively protecting her,” pagtatapos ni Cendaña. (Vina de Guzman)

Kaso ni Teves, pinag-aaralan ng Prosecutor General

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINAG-AARALAN ng Prosecutor General kung magsusumite sila ng manifestation sa mga korte kung saan may mga kaso si dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr., ayon sa Department of Justice (DOJ) .
Ayon kay Justice Spokepsperson Assstant Secertary Mico Clavano, ito ay upang hilingin na pag-isahin ang mga kaso o payagan na lamang ang video conferencing.
Prayoridad aniya ang seguridad ni Teves pero nakadepende pa rin sa mga prosecutor kung papayagan ang consolidation ng mga kaso para madala ang mga ito sa Maynila.
Bukod sa Manila at Quezon City Regional Trial Court, may kaso rin si Teves sa Bayawan City, Negros Oriental.
Mananatili muna ang dating kongresista sa NBI Detencion center sa New Bilibid Prison Compound sa Muntinlupa City kung saan wala pang ibinibigay na petsa ang korte para sa arraignment ng mambabatas. (Gene Adsuara)

LTO nagbabala ng 2 taong pagkakakulong sa mga nagtatakip ng plaka

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGBABALA ang Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, laban sa mga motorista na sinasadyang baguhin o takpan ang kanilang plaka upang makaiwas sa No-Contact Apprehension Policy (NCAP), at nangakong maglalabas ng show cause orders laban sa 50 motorista na nahuling tinatakpan ang kanilang mga plaka.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, may kaakibat na administratibo at kriminal na pananagutan ang mga lalabag, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na tugisin ang mga pasaway na motorista para sa kapakanan ng kaligtasan sa kalsada.
“Medyo madami na ang nahuhuli namin kasama ang MMDA at tinitiyak namin na mas marami pa ang mahuhuli kung patuloy niyong susubukan ang pambabastos na ito sa ating batas,” ani Asec. Mendoza.
“Libo-libong driver’s license ang aming sinuspinde at libo-libong motorista ang naisyuhan namin ng show cause order noong Holy Week lamang dahil sa reckless driving at iba pang violation. Hindi kami magdadalawang-isip na gawin ito gaano man karami ang mga gumagawa ng iligal na modus na ito para makatakas sa NCAP,” dagdag pa niya.
Nitong Lunes, Hunyo 2, nagsumite si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group head Gabriel Go ng ebidensya laban sa humigit-kumulang 50 motorista na nahuling tinatakpan ang kanilang mga plaka.
Ayon kay Go, ang pakikipag-ugnayan sa LTO ay alinsunod sa direktiba ni MMDA Chairperson Don Artes upang disiplinahin ang mga pasaway na motorista, lalo na’t dumarami ang mga reklamo at may ilang vloggers pang ipinapakita kung paano nila nalulusutan ang NCAP.
Samantala, tiniyak ni LTO Executive Director Atty. Greg Pua Jr. na agad aaksyunan ng ahensya ang mga reklamong isinumite ng MMDA, at ibinunyag na pinalalakas pa ng LTO ang kampanya laban sa katulad na modus.
Tinukoy rin ni Pua ang Republic Act 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act na nagpaparusa sa sinumang magtatangkang pakialaman ang plaka.
“This is very crucial po ito kase last week meron tayong nadiskubre na ginagawa ng mga motorista para makatakas sa NCAP ng MMDA, nakita natin na pinagyayabang pa po sa social media yung kanilang ways para matakasan ang NCAP,” ayon kay Pua.
“Hindi kayo makatakas sa batas, makikita at makikita namin kung sino kayo at bukod sa administrative penalty na P5,000, may criminal liability ang erasing, tampering or forging or imitating, covering or concealing a readable number plate na six months and one day to two years,” dagdag ni Pua.
Hinimok din ni Pua ang mga motorista na sundin na lamang ang mga batas trapiko, at nanawagan sa publiko na agad i-report sa LTO ang mga insidenteng may kinalaman sa pagtatakip ng plaka. (PAUL JOHN REYES)

Tag-ulan dineklara na ng PAGASA

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAIDEKLARA na ng PAGASA (June 2) ang pagsisimula nang panahon ng tag-ulan sa bansa.
“Na-meet na yung criteria namin kaya officially declared na ang rainy season,” pahayag ni Ana Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA.
Base sa latest weather analysis at rainfall data mula sa selected DOST-PAGASA stations, ang pagkakaroon ng malawakang kalat-kalat na pag-ulan na naobserbahan sa nakaraang limang araw dulot nang habagat ang batayan nang pagsisimula ng rainy season sa bansa.
“This signifies the onset of the rainy season across the western sections of Luzon and Visayas. However, there may still be breaks in the rainfall that extend over a few days or weeks, referred to as monsoon breaks,” ayon sa weather bureau.
Patuloy namang pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat at maging handa sa anumang epekto ng pag-ulan, habagat at iba pang weather disturbance.

Ads June 3, 2025

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

3 – page 4-merged