• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

The girls are fighting 🙄. Watch the upgraded killer doll do what she does best in the final trailer of “M3GAN 2.0”

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

It’s this bitch vs. that bitch. M3GAN gets a whole new look and a new formidable enemy in M3GAN 2.0. Two years after M3GAN went on a rogue, murderous rampage and was subsequently destroyed, M3GAN’s creator Gemma (Alison Williams) becomes an advocate for government oversight of A.I. Unbeknownst to them, the horror isn’t over as a military-grade AI weapon called Amelia (Ivanna Sakhno) is on the verge of gaining self-awareness, threatening human existence. With everyone on the line, the only way to fight A.I. murder doll is by A.I. murder doll.

Watch the new trailer: https://youtu.be/aw7LaOVhyHw

Megan opens in Philippine cinemas on June 25.

About “M3GAN 2.0”

The murderous doll who captivated pop culture in 2023 is back. And this time she’s not alone.

The original creative team behind that phenomenon—led by horror titans James Wan for Atomic Monster, Jason Blum for Blumhouse and director Gerard Johnstone—reboot an all-new wild chapter in A.I. mayhem with M3GAN 2.0.

Directed by acclaimed returning filmmaker Gerard Johnstone, the film co-stars returning cast members Brian Jordan Alvarez and Jen Van Epps as Gemma’s loyal tech teammates, Cole and Tess, and new characters played by Aristotle Athari (Saturday Night Live, Hacks), Timm Sharp (Apples Never Fall, Percy Jackson and the Olympians) and Grammy winner and 11-time Emmy nominee Jemaine Clement (Avatar: The Way of Water, What We Do in the Shadows).

Produced by James Wan, Jason Blum and Allison Williams, the film is executive produced by Gerard Johnstone, Adam Hendricks, Greg Gilreath, Michael Clear, Judson Scott and Mark D. Katchur.

(ROHN ROMULO)

Walang nakapansin nang rumampa sa ‘Bench Body of Works’: Pagbubuntis ni LOVI, wala pa ring kumpirmasyon kung totoo

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
WALA pa ngang kumpirmasyon mula sa kampo ni Lovi Poe kay may mga nagsasabing pitong buwang buntis na raw ang aktres na.
Kaya marami ang nagulat dahil nagawang naitago ni Lovi ang pagbubuntis dahil very visible naman pa rin siya sa mga showbiz affairs.
Kamakailan ay isa si Lovi sa rumampa sa Bench  Body of Works fashion show na wala man lang nakahalatang nagdadalang tao na ang aktres.
Sa totoo lang naman hindi naman malaki si Lovi kaya marahil puwedeng maliit lang talaga siyang magbuntis.
Ayon pa sa malapit kay Lovi ay kasalukuyang tinatapos ng aktres ang shooting  ng pelikulang pino-produce ng film production niyang C’est Lovi.
Ito ‘yung ‘The Sacrifice’ na sinulat ni Jerrold Tarog at dinirek ni Prime Cruz.
Sa Quezon province daw sila nagso-shoot at banggit pa ng kausap naming malapit kay Lovi ay napapansin daw ng ilang production staff na ang saya-saya ng aktres, na kumakanta pa raw at nagsasayaw pa raw si Lovi sa ilog kung saan sila nagso-shoot.
Kahit nga raw may mga problema sa produksiyon, still very happy pa raw ang mood ng aktres, huh!
Pero ayon pa rin sa kausap namin ay wala raw naman silang alam sa tunay na kalagayan bg aktres.
May mga latest post si Lovi, na ang sexy sexy pa rin, at dahil nakaupo siya isang body workout equipment ay hindi kita ang kanyang tummy.
Well, abangan na lang natin dahil kung totoong buntis ay hindi rin naman siguro itatago ni Lovi ang biyayang yun.
(JIMI ESCALA)

MTRCB, ire-regulate na ang online streaming platforms: Panukala ni Sen. ROBIN, aprubado sa Senado kaya nagpapasalamat

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
APRUBADO na ng Senado ang panukalang-batas na nagbibigay sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pagre-regulate sa online streaming platforms.

Ang MTRCB Act o Senate Bill No. 2805 ay sponsored ng actor-public servant na si Sen. Robin Padilla, na naglalayong mas palakasin at mas palawakin ang “mandate” ng ahensiya, inaprubahan sa third and final reading noong Lunes, June 2, 2025.

“MTRCB should be authorized to regulate video content on streaming platforms to maintain the standards of decency and morality expected by Filipinos,” ayon sa inilabas na statement ng Senado.

Sa official statement naman ni Sen. Robin, sinabi nitong kailangan na ring panghimasukan ng MTRCB ang pagre-review at pagre-regulate ng lahat ng online streaming platforms sa bansa.

Ayon pa sa senador, “For paid on-demand streaming services, MTRCB shall require the streaming service to submit a list and classification of all movies, series, and programs offered and order a reclassification after screening, only as necessary.”

Sabi pa ng kampo ng senador at aktor, inaprubahan ng mga mambabatas ang MTRCB Act, “to address issues of obscenity, immorality, and senseless violence in the digital platforms”, kaya malaki ang pasasalamat niya sa kapwa-senador sa pagsuporta sa kanyang panukala.

“Ang tagumpay ng panukalang ito sa mataas na kapulungan ay hindi tagumpay ninuman, kundi ng libo-libong manonood, lalo’t higit ang kabataan, na kailangan nating mabigyan ng proteksyon habang sinisiguro ang malikhaing pagpapahayag sa mundo ng telebisyon at pelikula,” pahayag pa ng senador.

Bukod dito, nakasaad din sa nasabing panukalang-batas na ang chairperson at vice-chairperson ng MTRCB ay mabibigyan ng “rank, salary, rights, privileges, and benefits equivalent to a department undersecretary and department assistant secretary.”

***

Binibini-approved: ‘My Daily Collagen’ napiling wellness partner ng Bb. Pilipinas

KAPAG beauty pageant ang usapan, laging nasa spotlight ang flawless na kutis, grace under pressure at bonggang stage presence. Pero ang hindi alam ng marami, sa likod ng bawat kandidatang lumalaban para sa korona ay matinding training na sumusubok sa katawan at isipan.

Kaya naman sa 36 na kandidata ng Bb. Pilipinas 2025, hindi lang ganda at karisma ang labanan kundi pati health at recovery. At dahil dito, napili ng prestihiyosong pageant ang My Daily Collagen bilang exclusive wellness partner.

Ayon kay Anna Perez, president ng My Daily Collagen, “We’re very happy with this partnership. Second year na namin ito. Hindi naging mahirap mag-yes sa partnership.”

Dagdag pa niya, “Tinanong namin kung bakit kami ang napili, sabi nila, naniniwala sila sa kalidad ng Japan-made products.”

Hindi basta-basta ang tiwalang ‘yan. Ang Binibining Pilipinas, na mahigit 60 years nang institusyon in the world of pageantry, ay kilala hindi lang sa pag-produce ng world-class beauty queens kundi sa mataas na standards. Kaya hindi lang ganda ng produkto ang basehan ng partnership kundi shared values din.

Kwento naman ni Oliver Salas, chief sales officer ng brand, may mga dating Bb. queens na talagang gumagamit na ng My Daily Collagen, at doon nagsimula ang interes ng pageant organizers.

“Bago pa kami i-approach ng Binibining Pilipinas Charities, Inc., sinuri na nila ang produkto. Sobrang honest sila — marami silang tiningnan na collagen brands. Pero naniwala sila dahil sa feedback ng mga dating queens na gumagamit na ng My Daily Collagen,” ani Salas.

Hindi lingid sa publiko na collagen ay nakakatulong sa kutis — at kitang-kita naman sa kinang ng mga Binibini sa coronation night. Pero ang tunay na laban, ayon sa brand, ay sa internal health benefits nito.

“My Daily Collagen doesn’t just help with beauty, it supports your overall health,” pahayag ni Perez, na isa ring registered nurse at nagpapatakbo ng mga skincare clinics.

May beauty effect nga, pero mas malayo pa ang naaabot ng benefits ng produkto.

Ang drink variant ng My Daily Collagen ay may kombinasyon ng high-quality collagen, royal jelly, elastin, hyaluronic acid, ceramide at essential vitamins. Meron ding Pico Tablet variant na may ultra-small collagen molecules para mas mabilis ma-absorb ng katawan.

Whether iniinom nang sabay o hiwalay, tumutulong ang mga produkto para malabanan ang stress at pagod — mapa-stage man o araw-araw na hustle.

“Pinapalakas nito ang immune system, maganda para sa puso, sa wound healing at may natural sun protection din. May mga pag-aaral pa na nagsasabing nakakatulong ito sa brain health, like in preventing Alzheimer’s,” dagdag ni Perez. “Pero dapat consistent ang paggamit para maramdaman talaga ang effect.”

At consistency ang No. 1 sa life ng mga pageant candidates.

“Mahigpit ang training. Iba ang pressure. Hindi biro sumali sa pageant,” ani Perez.

Malaking tulong daw ang produkto para maka-recover ang mga kandidata sa physical at mental stress. Happy sila kasi voluntary ang mga testimonial na natanggap nila.

“Hindi lang sila nagsabing gumanda sila. Sinabi rin nilang mas magaan ang pakiramdam nila. Mas energized sila,” kuwento ni Perez.

Galing sa sports world ang brand — sinusuportahan nito ang Premier Volleyball League at ito rin ay organizer ng multi-sport events, kabilang na ang five-year-old na My Daily Collagen Triathlon. Pero ngayon, pinasok na rin nila ang mundo ng pageantry para i-promote ang holistic beauty.

“Gusto naming i-highlight ang balance,” ani Perez. “Beauty and health go hand in hand.”

At base sa resulta, mukhang mission accomplished. “‘Pagdating ng coronation night, ibang-iba ang glow ng girls,” ani Perez.

Para kay Salas, proud sila sa renewed partnership. “I think kami ang first brand na ni-renew ng Bb. Pilipinas. And exclusive pa rin kami — Bb. Pilipinas lang ang sinusuportahan namin.”

At hindi lang sa finals nagtatapos ang suporta.

“Our support doesn’t stop on coronation night,” dagdag ni Salas. “Kasama pa rin kami ng queens habang nirerepresent nila ang Pilipinas sa international stage.”

Available ang My Daily Collagen sa mga leading drugstores and supermarkets — Watsons, Mercury, Landers, Shopwise, The Market Place, Rose Pharmacy, HB1 and Mitsukoshi Mall. (ROHN ROMULO)

Kung pagbabasehan ang kanilang viral photo: BEA, hindi na maitatago ang relasyon nila ni VINCENT

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SPOTTED nga sina Bea Alonzo at Puregold President Vincent Co sa isang birthday party.
Lumabas ito Instagram Story ng fashion icon na si Heart Evangelista-Escudero.
Nag-groupie kasi ang magkakaibigan kabilang nga sina Bea at Vincent na katabi nito si Senator Chiz Escudero. Mapapansin na tinag ni Heart ang mga nasa larawan maliban sa president ng chain of supermarkets.
Sa mga pribadong pagtitipon tulad nito ay malaya ngang nakakikilos sina Bea at Vincent na ayon sa closeness nila ay parang alam na rin kung ano ang kasalukuyang estado ng relasyon nila.
Anyway, ang dinaluhang birthday party pala ng magkakaibigan ay ang handler na si Nina Ferrer ng Star Magic na dating handler ni Bea noong hindi pa siya lumilipat ng GMA 7.
Nag-post si Nina ng larawang magkasama sila nina Bea at Vincent at kapansin-pansin na nakahilig sa kaliwang balikat ang aktres sa binata at naka-akbay pa kaya kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ito rin ang napansin sa larawang pinost ni Heart na si Vincent naman ang nakayakap kay Bea na hinawakan ng aktres na hindi lang gaanong napansin dahil natakpan ng isa nilang kaibigan.
Kung dati ay pahulaan pa ang netizens ng real score nina Bea at Vincent ngayon ay hindi na dahil kitang-kita na sa dalawang larawang pinost nina Heart at Nina.
Iisa na lang ang tanong ng madlang pipol, kailan aamin sina Bea at Vincent na opisyal na silang magkarelasyon.
“Kailangan pa ba?  Hindi pa ba sapat ang pictures?” say ng taong malapit sa dalawa.
Wala naman kaming nabasang negative comments sa viral photos na lumabas na magkasama sina Bea at Vincent dahil sa totoo lang, bagay na bagay naman sila at sanay matuloy na sa kasalan.
Tiyak na kaabang-abang kanilang engagement.

(REGGEE BONOAN)

EJ Obiena, kampeon muli sa Asian Athletics Championships

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAPANATILI ni Filipino pole vaulter EJ Obiena ang kanyang korona sa Asian Athletics Championships matapos magwagi sa laban nito sa Gumi Civic Stadium, South Korea.
Sa nangyaring laban, nanguna si Huang Bokai ng China para sa isang jump-off ngunit ‘di nawalan ng pag-asa ang Pinoy na si Obiena matapos malampasan ang katunggali sa 5.77 meter jump para sa first attempt.
Parehong nalampasan nina Obiena at Huang ang 5.72 meter sa unang attempt at laktawan ang 5.77, ngunit kapwa nabigo sa third attempt kung saan lumampas sa 5.82 meter.
Ibinalik ang bar sa 5.77 kung saan si Obiena ay matagumpay na nakatalon sa unang subok, habang si Huang ay ‘di na nakahabol pa.
Mababatid na ito na ang ikatlong sunod na gintong medalya ni Obiena sa Asian Athletics Championships.
Samantala, nagtapos naman sa ika-13 puwesto ang isa pang Pilipino na si Hokett delos Santos, matapos malampasan ang 4.97 meter. Bahagya lamang siyang nanguna kay Muhammad Naufal Shahrul Afzam ng Malaysia dahil sa countback.

Pacquiao may nais pang patunayan kaya bumabalik sa boxing

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MINALIIT lamang ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao ang mga batikos na wala na itong maibubuga sa boxing.
Kasunod ito sa muling paglaban niya sa darating na Hulyo 19 laban kay Mario Barrios para sa WBC welterweight belt sa Las Vegas.
Sinabi nito na gugulatin na lamang niya ang mga bumabatikos sa kaniya pagdating ng araw ng kaniyang laban.
Ito kasi ang unang professional fight niya mula noong talunin siya ni Yordenis Ugas ng Cuba noong 2021.
Giit pa ng 46-anyos na si Pacquiao na hindi lamang ito lumalaban para sa kaniyang sarili at sa halip ay lumalaban ito para sa bansa.
Nais niiyang ipakita sa buong mundo na ang mga Filipino ay hindi sumusuko.

Koreano na wanted sa large scale estafa, inaresto sa Pasay

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISANG Korean national na wanted South Korea sa kasong large scale na nagkakaalaga ng mahigit P400 million ang inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Pasay City.
Si Nam Sungjin, 53, ay inaresto ng BI Fugitive Search Unit (FSU) sa pakikipagtulungan ng Supreme Prosecutors’ Office of the Republic of Korea at Philippine Air Force dahil sa warrant of arrest na inisyu ng Changwon District Court, Miryang Branch sa South Korea noong 2024 dahil sa paglabag sa Article 347-(1) ng Korean Criminal Act, kung saan nakapaloob dito ng fraud.
 “Foreign fugitives attempting to use the Philippines as a safe haven will be located and deported,” ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.
  “Under President Marcos’ Bagong Pilipinas vision, we are strengthening our systems to ensure national security and uphold justice,” dagdag pa nito
 Base sa ulat ng awtoridad ng Korea, nagpanggap si Nam na isang lehitimong negosyante na nag-operate sa Korea at Pilipinas kung saan ang mga biktima nito ay naglilipat ng mahigit sa P400 million sa kanyang bank account noong 2022 bilang financial investment pero ginagamit umano ng suspek ang nasabing pera sa pagbabayad ng kanyang mga utang imbes na ini-invest ito. (Gene Adsuara)

Panukalang P200 daily wage increase, dapat ipasa na 

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANAWAGAN ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines na agad nang ipasa ang panukalang P200 daily wage increase sa private sector workers sa ikatlo at huling pagbasa bago mag-adjourned ang 19th Congress.
“Mahalagang itulak natin ang Kongreso na agad na isabatas ang P200 na umento sa sahod ng mga manggagawa lalo na sa panahong walang ampat ang pagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
 Bagama’t malayo pa rin sa disente at nakabubuhay na sahod, malaking bagay ito sa pamilyang Pilipino na lubhang tinatamaan ng ekonomikong krisis. Kasabay nito ay patuloy nating itutulak ang pagsasabatas ng P1,200 national minimum wage at pagbubuwag
regional wage board,” paliwanag ni Vladimer Quetua, ACT Chairperson.
Sa kabila na tinanggap nila ang panukalang dagdag umento sa sahod, sinabi nito na kapos pa rin ang P200 kada araw na increase para sa mga minimum wage earners.
Ang kasalukuyang minimum wage ranges ay mula P361 hanggang P645 across regions at sa kabila ng dagdag umento ay mababa pa rin ito.
Habang suportado ng grupo ang agarang pagpasa ng panukalang wage hike bill, iginiit nito ang panukalang P50,000 entry-level pay para sa mga guro, P33,000 basic pay para sa SG1 employees at SG16 para sa Instructor 1 sa state universities and colleges.
(Vina de Guzman)

Malabon, Navotas patuloy ang sandbagging operations

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PATULOY ang isinasagawang sandbagging operations ng mga tauhan ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon at Navotas para mapigilan ang pagpasok ng tubig tuwing may high tide habang inaayos ang Malabon-Navotas River Navigational Gate.
          Sa Malabon, nag-deploy ang City Engineering Department (CED), ng 505 sandbag sa mga kritikal na daluyan ng tubig upang mabawasan ang panganib ng pagbaha sa ilang barangay at pangalagaan ang mga komunidad na mababa.
Tinutugunan ng proactive na panukalang ito ang patuloy na pagkukumpuni ng Malabon-Navotas River Navigational Gate, na pinamamahalaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na pansamantalang nagpapahina sa mga flood control system sa ilang bahagi ng Malabon at Navotas.
“Sa ngayon po ay patuloy nating tinututukan ang pagsasaayos ng nasirang navigational gate, na muling nasira dahil sa mechanical issue. Nagdulot ito ng pagbabaha, lalo na tuwing high tide. At ngayong papasok na ang tag-ulan, mas paiigtingin pa natin ang mga programa para sa kaligtasan ng ating mga residente. Kooperasyon at pagtutulungan lamang po ng bawat isa sa atin ang kailangan,” pahayag ni Mayor Jeannie Sandoval.
Kasabay nito, patuloy din ang mga cleanup drive at declogging operations ng lungsod na isinagawa ng CED at ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), na nakatuon sa mga pangunahing kalsada, eskinita, daluyan ng tubig, at drainage system.
Noong Mayo, personal na namahagi si Mayor Jeannie ng mga food packs—kabilang ang bigas, canned goods, noodles, at kape—sa mahigit 1,000 apektadong  residente ng Barangay Hulong Duhat, kasunod ng matinding pagbaha dulot ng hindi gumaganang gate.
Sa Navotas, tuloy-tuloy rin ang pagsasagawa ng sandbagging sa iba’t ibang lugar sa lungsod lalo na sa mga mababang lugar para mapigilan ang pagpasok ng tubig sa mga kalsada tuwing high tide.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, tuloy-tuloy din ang operation ng kanilang mga bombastik pumping stations para mapabilis ang pagbaba ng tubig .
Proyekto umano ng MMDA ang pagsasaayos ng navigational gate na inaasahan matatapos sa ikalawang linggo ng Hunyo. (Richard Mesa)

Gobyerno, isasama ang P20/kg. rice sa ‘Walang Gutom’ anti-hunger program

Posted on: June 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISASAMA na ng gobyerno ang pagbebenta ng P20 kada kilos ng bigas sa Walang Gutom Program (WGP) ng Department of Social Welfare and Development.
Layon nito na palakasin ang ‘food access’ para sa mga mahihirap na pamilya.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mga ahensiya ng pamahalaan na magtrabaho na iisa ang galaw at paraan.
Nauna rito, sinabi ni Gatchalian na nakapulong na niya si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. para isapinal ang suplay ng P20/kg. bigas sa Walang Gutom accredited retailers.
Ang mga retailers na ito ay kinabibilangan ng Kadiwa outlets at small agri-cooperatives, kaparehong outlets kung saan maaaring i-redeem ng WGP beneficiaries ang kanilang food credits.
“Bibigyan sila ng supply ng bente pesos na bigas para ‘yung credits nila, mas marami silang mabili,” ang sinabi ng Kalihim.
Nagsumite naman ang ahensiya ng listahan ng 1,000 accredited retailers sa DA para simulan na ang rollout.
Inilunsad noong July 2023 sa ilalim ng Executive Order 44, ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program aay naglalayon na itaas ang 750,000 food-poor families mula sa pagkagutom sa 2027.
Ang mga benepisaryo ay makatatanggap ng monthly food credits na redeemable sa partner retailers at sasailalim sa nutrition education.
Samantala, ang P20/kg. rice, o ang Benteng Bigas Meron Na! ay flagship program ng Department of Agriculture at National Food Authority. Tinupad nito ang campaign promise ng Pangulo na gawing affordable ang bigas sa publiko.
Ang pagsama ng P20/kg. rice ay pinakabagong pagpapahusay sa Walang Gutom Program, nagpakita ng positibong resulta base sa independent monitoring.
Ang nationwide survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) at kinomisyon ng Globe Telecom ay nagpapakita na ang hunger incidence sa hanay ng WGP beneficiaries ay bumaba mula 48.7% noong October 2024 hanggang 44.6% noong December 2024.
Ang SWS survey, kasama ang 4,000 respondents sa lalawigan, nagpapakita na habang ang pagkagutom sa mga benepisaryo ay bumaba, ang pagkagutom sa mga non-beneficiaries ay tumaas ng 6.1 percentage points sa kaparehong panahon.
Ang mga rehiyon ng Negros Occidental, Negros Oriental, Cotabato City, Zamboanga del Norte, at Surigao del Norte ang nakitaan ng “most marked improvements.”
Samantala, lumabas din sa pag-aaral na bagama’t may malalang food insecurity—kabilang na ang pagliban sa pagkain o hindi kumain sa buong isang araw, nananatili namang alalahanin, ang pagtaas ng kaso ay kapansin-pansin na mas nagpabagal sa hanay ng mga benepisaryo ng prorama. ( Daris Jose)