• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

Ikinatuwa ng TUCP ang pagpasa sa huling pagbasa… P200 na dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IKINATUWA ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Party-List Rep. at Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza ang pagpasa sa huling pagbasa ng dagdag na P200 sa arawang sahod ng mga minimum wage earners sa mga private companies.
Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang House bill na naglalayong mabigyan ng P200 na dagdag sahod kada araw para sa mga minimum wage earners sa mga private sectors.
Mayroong 171 na mga mambabatas ang sumang-ayon habang isa ang kumontra at walang nag-abstentions sa pagpasa ng House Bill (HB) No. 11376 or the proposed Wage Hike For Minimum Wage Workers Act.
Nakasaad sa pinal na bersyon ang panukalang batas na maari pa ring magkarong ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ng taas sahod kahit na ang HB 11376 ay ipinatupad.
Kasama rin sa panukalang batas na ang mga maliliit na negosyante na apektado ng taas sahod ay maaari silang humingi ng insentibo mula sa Department of Labor and Employment.
Ayon sa mambabatas na ang nasabing pagpasa ng batas ay nagpapakita ng tagumpay para sa mga minimum wage earners.
Umaasa ito na agad itong maaprubahan sa senado at mapirmahan din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ( Daris Jose)

DOH: Rabies deaths sumirit dahil sa mga asong gala

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ANG pagdami ng bilang ng rabies deaths o yaong pagkamatay na dulot ng rabies, ay dulot umano ng dumaraming asong gala.
Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa, sa ngayon ay mayroong 13 milyong asong gala sa bansa.
“The increase in deaths for rabies is because there are many stray dogs… We have 13 million stray dogs. Dapat kino-communicate ‘yan na huwag lumapit sa stray dogs and cats,” ani Herbosa.
Dagdag pa niya, ang pagbabakuna sa mga naturang stray dogs at cats ay responsibilidad ng local government units (LGUs) at ng Bureau of Animal Industry (BAI).
Hinikayat din ni Herbosa ang publiko na pabakunahan ang mga alagang hayop at huwag ding mag-atubiling magpabakuna kung makagat ng hayop. Aniya, may sapat na bakuna kontra rabies ang Pilipinas.
Nagbabala rin ang health chief na ang rabies ay mapanganib at maaaring makamatay ngunit maaari aniya itong maagapan.
“Ang rabies ay delikado at nakamamatay, 100% ang fatality sa mga kaso noong 2024. Puwede itong makuha sa kagat, kalmot, o sa laway ng hayop na may rabies kung sakaling madilaan ang tao sa sugat, mata, ilong, o bibig,” ani Herbosa.
Noong 2024, umaabot sa 426 ang rabies-related deaths na naitala ng DOH sa bansa. ( Daris Jose)

Mangga ng Pinas, ibinebenta na ngayon sa Italy

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
OPISYAL nang ibinebenta ngayon sa Rome, Italy ang mangga ng Pilipinas.
Sa pagtutulungan at pagsisikap ng Philippine Chamber of Commerce and Industry Italy (PCCI) at Philippine Embassy sa Rome — sa pangunguna ni H.E. Ambassador Nathaniel Imperial at Agricultural Attaché Josyline Javelosa, ang first commercial export ng Philippine mangoes sa Italy ay nakarating na at ngayon ay mabibili na sa mga Filipino store sa lungsod.
Araw ng Lunes, Hunyo 2, ipinagdiwang ng mga opisyal at miyembro ng PCCI kasama sina Ambassador Imperial at Agricultural Attaché Javelosa, ang tagumpay sa Pinoy Saver’s Mart Battistini, isa sa opisyal na distributor ng Philippine mangoes sa Rome.
Ang makasaysayang kargamento ay halos tumitimbang ng kalahating tonelada at marka ng simula ng inaasahan ng mga stakeholders na magiging long-term presence ng Filipino agricultural products sa Europa.
Sinabi ni Ambassador Imperial na “This is only the beginning of a broad effort to lessen our country’s wide trade deficit with Italy. We aim to export more fresh agricultural produce and processed foods to Italy where there is a growing market for Philippine-sourced food products.”
Nakiisa naman ang mga kinatawan mula sa Artigiani Imprenditori d’Italia (CNA) sa nasabing event at nagpahayag ng suporta para sa mas malakas na ugnayan sa agricultural trade sa pagitan ng Pilipinas at Italya.
Ibinahagi naman ni Dennis Carrascoso, chairman ng PCCI Italy at importanteng pigura sa inisyatiba, ang pananaw ng grupo na i-promote ang produktong filipino hindi lamang sa Italya kundi maging sa iba’t ibang lugar sa Europa.
“This project is the fruit of teamwork. With the financial support coordinated by Benford Fortuna of Sarap Restaurant and the documentation handled by Jocelyn Tupino of Pacific Cargo, we were able to turn this dream into reality,” ang sinabi ni Carrascoso.
“On behalf of PCCI, we are truly grateful to the Philippine Embassy and to all our fellow Filipinos who supported — and continue to support — this initiative. This is just the beginning.” dagdag na wika nito.
“This achievement is more than just a successful shipment — it is a proud symbol of the Philippines’ agricultural excellence. It also opens doors for more opportunities for Filipino farmers, exporters, and entrepreneurs to compete in the global market,” aniya pa rin.
Ang magandang balita pa ay mas maraming tindahan sa Roma ang nag-aalok ngayon ng Philippine mangoes, kabilang na ang Mancini on the Go at Sarap Restaurant.
At para sa mga magsasakang filipino at agribusinesses sa Pilipinas, ito’y isang malinaw na mensahe na “our harvests are world-class, and the world is ready for more.” ( Daris Jose)

2 Pinoy, nasabat sa pekeng departure stamp

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NASABAT ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa pakikipagtulungan ng National Bureau of Investigation Airport International Airport Investigation Division (NAIA-IAID) ang isang 32-anyos na babae nang tinangka nitong sumakay ng Cebu Pacific biyeheng Thailand sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 gamit ang isang pekeng departure stamp.
Nang usisain, sinabi nito na kumpleto na ang kanyang immigration departure clearance at dagdag pa nito na siya ang returning Customer Service Representative (CSR) sa isang offshore gaming company sa Thailand.
Pero pinigil siya ng mga Immigration officers nang napansin na kaduda-duda ang kanyang departure stamp at napatunayan ito ng Document forensic analysis ng BI na peke.
Sinabi rin nito na umano’y may nakilala siya sa loob ng NAIA, na kumuha sa kanyang passport at nang ibalik ay may stamp na ito.
Siya ay nasa kustodiya ng inter-agency council against trafficking (IACAT) para imbestigahan at nahaharap sa kasong paglabag sa Revised Penal Code for falsification (Article 172) and usurpation of authority (Article 177), gayundin ang paglabag sa Republic Act No. 11862, o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.
Samantala isa pang 31-anyos na Filipino ang nasabat matapos nagtangkang sumakay ng Jetstar biyaheng Singapore na pekeng stamp sa kanyang pasaporte.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na hindi makakalusot sa mga immigration officers ang nagta-tamper ng kanilang pasaporte.
“Our personnel remain vigilant and prepared to stop these crimes, protecting our borders from exploitation,” ayon kay Viado.
(Gene Adsuara)

Holdaper na bumiktima sa beautician sa Malabon, tiklo

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KAAGAD nasakote ang isang holdaper na tumangay sa bag ng babaing customer ng isang sikat na food chain nang tugisin ng mga nagrespondeng pulis sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Nabawi ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan sa suspek na si alyas “Adriane” 33, walang hanapbuhay at residente ng Shell House, Brgy. 12, Caloocan City ang tinangay na bag sa biktimang beautician na si alyas “Michelle”, 31, pati na ang gamit na patalim, matapos madakip sa follow-up operation dakong alas-8:20 ng umaga.
Sa report ni Col. Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, nasa loob ng Jollibee Fast Food sa C-4 Road, Brgy. Longos ang biktima at bumibili ng chicken joy dakong alas-4:45 ng madaling araw nang tutukan ng patalim ng suspek.
Puwersahang tinangay ng suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng cash na P9,920.00, ID, at personal na mga gamit, bago mabilis na tumakas sakay ng isang pampasaherong jeep.
Nakahingi naman ng tulong sa mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 ang babaing guwardiya ng Jollibee na agad namang nagsagawa ng follow-up operation, kasama ang biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
“Ang mabilis na aksyon ng kapulisan ng NPD ay tugon sa direktiba ni Chief PNP P/Gen. Nicolas Torre III na paigtingin ang presensya at pagiging alerto ng kapulisan sa mga lansangan upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng publiko,” ani Gen. Ligan. (Richard Mesa)

HVI drug suspect, kulong sa P408K shabu sa Valenzuela

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAHIGIT P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang tulak ng droga na itinuturing bilang High-Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Relly Arnedo ang naarestong suspek na si alyas “Pretty Boy”, 35.
Ayon kay Col. Arnedo, ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joan Dorado ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA nang magpositibo ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng suspek.
Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba ng DDEU dakong alas-11:55 ng gabi sa Karuhatan Public Cemetery, Brgy. Karuhatan.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 60 grams ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P408,000, buy bust money at P200 cash.
Ani SDEU investigator P/MSgt. Ana Liza Antonio, iprinisinta na ang suspek sa inquest proceeding para sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng R.A 9165 na isinampa laban sa kanya sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
          Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela City Police Station para sa kanilang mabilis at epektibong aksyon na nagresulta sa matagumpay na operation. (Richard Mesa)

LTO, sinalakay ang 3 auto surplus shops na sangkot sa iligal na pag-aangkat at pagsasaayos ng mga right-hand vehicles

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SINALAKAY ng Land Transportation Office (LTO), sa patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon at sa tulong ng lokal na pulisya at mga tauhan ng pamahalaang lungsod ng Davao, ang tatlong auto surplus shops na sangkot sa ilegal na pag-aangkat at pagsasaayos ng mga sasakyang nasa kanan ang manibela.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, isinagawa ang operasyon laban sa 3 surplus shops noong Mayo 21 batay sa mga kumpirmadong ulat ng ilegal na pag-aangkat at pag-aayos ng mga right-hand drive na sasakyan sa bansa.
“Bahagi ito ng tuloy-tuloy nating operasyon matapos ang isinagawa nating raid sa Quezon City noong nakaraang buwan laban sa ganitong uri ng ilegal na gawain. Patuloy ang imbestigasyon at magsasampa tayo ng kaukulang kaso,” ani Asec. Mendoza.
Batay sa inisyal na resulta ng imbestigasyon, walang accreditation mula sa LTO bilang importer, rebuilder, o dealer ng right-hand drive na mga sasakyan ang tatlong auto surplus shops sa Davao City.
Gayunpaman, kinumpirma ng intelligence reports na ang mga empleyado ng nasabing tindahan ay nagsasagawa ng backyard rebuilding ng mga right-hand drive na sasakyan.
“Ang pag-aangkat ng mga right-hand drive na sasakyan ay labag sa batas,” ani Asec. Mendoza, na tinukoy ang Republic Act 8506 o An Act Banning the Registration and Operation of Vehicles With Right-Hand Steering Wheel in any Private or Public Street, Road or Highway.
Ayon sa batas, “Ipinagbabawal sa sinumang tao ang mag-angkat, magpasimula ng pag-aangkat, magparehistro, magpasimula ng pagpaparehistro, gumamit, o magpatakbo ng sasakyang may manibela sa kanan sa alinmang lansangan, daan, o highway, pribado man o pag-aari ng pamahalaan, pambansa man o lokal.”
Sa isinagawang raid, kumpiskado ng mga tauhan ng LTO sa tulong ng Philippine National Police territorial forces at Highway Patrol Group, at mga inspector mula sa Davao City Business Bureau ang 42 na right-hand drive na sasakyan sa imbakan ng 3 surplus shops.
Iniulat na rin ng LTO Region 11 Director na si Ernesto Raphael Robillo sa pamahalaang lungsod ng Davao ang rekomendasyon na isailalim sa administrative sanctions ang tatlong surplus shops. (PAUL JOHN REYES)

Mataas na kaso ng Mpox, naitala sa NCR – DOH

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na sa National Capital Region (NCR) naitala ang pinakamaraming kaso ng Mpox sa bansa, ngunit tiniyak na hindi kailangang magpatupad ng lockdown sa rehiyon dahil dito.
Ayon kay Health Assistant Secretary at Spokesperson Albert Domingo, bagama’t pinakamaraming kaso ng Mpox na naitala sa NCR, bumaba na ang overall cases sa buong bansa. Wala na rin aniya silang lalawigan na binabantayan sa ngayon.
“Wala po tayong natatanging probinsya na binabantayan. Kung tatanungin n’yo ako kung saan ang pinakamaraming kaso, nasa Metro Manila. Kailangan bang kabahan tayo? Kaila­ngan bang mag-ECQ, mag-GCQ? Hindi po,” aniya.
Paliwanag ni Domingo, dahil ang NCR ang pinakamalaking rehiyon sa Pilipinas at may 10 milyong taong nakatira rito, natural lamang na kahit anong sakit ang kumalat ay pinakamaraming maitala sa rehiyon.
Natukoy na nila kung nasaan ang mga pasyenteng dinapuan ng sakit, at sila ay naka-isolate na at malaunan ay gumaling na mula sa karamdaman.
Nilinaw din ni Domingo na hindi ang kabuuang bilang ng mga taong nagkakasakit ang dapat bantayan, dahil tiyak na padami ng padami ang mga ito.
Dapat bantayan ang bilang ng mga bagong kaso na naitatala kada buwan, na sa ngayon ay nakikita naman aniya nilang patuloy na bumababa, maging sa NCR.

Ads June 5, 2025

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

5 – 4-merged

Embark on “A Big Bold Beautiful Journey” with Margot Robbie and Colin Farrell, trailer out now!

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 

 

Adventure, emotion, and fantasy await in A Big Bold Beautiful Journey, a film directed by Konogada about strangers bound by a shared adventure to their pasts, for a chance to change their future. The film stars Margot Robbie, Colin Farrell, Kevin Kline, and Phoebe Waller-Bridge.

 

Watch the trailer: https://youtu.be/gSJAtCTzM_M

 

Get ready as A Big Bold Beautiful Journey is out in Philippine cinemas soon.

 

About A Big Bold Beautiful Journey:

What if you could open a doorway and walk through it to re-live a defining moment from your past? Sarah (Margot Robbie) and David (Colin Farrell) are single strangers who meet at a mutual friend’s wedding and soon, through a surprising twist of fate, find themselves on A Big Bold Beautiful Journey – a funny, fantastical, sweeping adventure together where they get to re-live important moments from their respective pasts, illuminating how they got to where they are in the present…and possibly getting a chance to alter their futures.

 

Directed by: Kogonada                                                                     Written by: Seth Reiss

Produced by:

Bradley Thomas

Ryan Friedkin

Seth Reiss

Youree Henley

Executive Producers:

Kogonada

Ilene Feldman

Gino Falsetto

Ori Eisen

Paul Mezey

Micah Green

Dan Steinman

John Atwood

Credits are not final and subject to change

A Big Bold Beautiful Journey is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #KarateKidMovie @columbiapicph

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”

(ROHN ROMULO)