• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

CELEBRATE PRIDE MONTH WITH AYALA MALLS CINEMAS’ EXCLUSIVE SHOWING OF RESTORED FILIPINO CLASSICS “T-BIRD AT AKO AND “MGA ANAK NI FACIFICA FALAYFAY” 

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
THIS June, Ayala Malls Cinemas celebrates Pride Month with the exclusive theatrical re-release of restored Filipino classic movies “T-Bird at Ako” and “Mga Anak ni Facifica Falayfay,” both now showing. Starring beloved Filipino actors including the late National Artist Nora Aunor and Vilma Santos for “T-Bird at Ako,” and Dolphy and Roderick Paulate for “Mga Anak ni Facifica Falayfay,” these films, released in the ’80s, can now be enjoyed together by different generations where they are truly meant to be seen – on the big screen.
Ayala Malls Cinemas is committed to offering moviegoers unique cinematic experiences, and this month’s “A-Rewind” lineup gives audiences the chance to celebrate Pride Month with a classic Filipino twist. With special ticket rates of P180 for regular tickets and P160 for students, movie lovers can now watch “T-Bird at Ako” and “Mga Anak ni Facifica Falayfay” in the following Ayala Malls Cinemas: Ayala Malls The 30th, Ayala Malls Cloverleaf, Ayala Malls Fairview Terraces, Ayala Malls MarQuee Mall, and Ayala Malls Market! Market!. Showing is for a limited time only, so book your tickets now at www.sureseats.com.
“T-Bird at Ako”
Photo credit: Ayala Malls Cinemas
T-Bird at Ako
Directed by Danny L. Zialcita, this 1982 classic tells the story of lawyer Sylvia (played by the late National Artist Nora Aunor), who tries to keep things professional between her and her client, Sabel (Vilma Santos), a dancer who accidentally kills a man out of self-defense after he attempted to rape her. The film also stars Dindo Fernando, Tommy Abuel, Suzanne Gonzales, and Odette Khan.
“Mga Anak ni Facifica Falayfay”
Photo credit: Ayala Malls Cinemas
Mga Anak ni Facifica Falayfay
Released originally in 1987, this film is a sequel to the late Dolphy’s classic “Facifica Falayfay.” In “Mga Anak,” the death of Facifica’s (now Pacifico, played by Dolphy) wife deeply affects one of his sons, Rodrigo (Roderick Paulate). As Rodrigo tries to discover and get to know his true self, he tries to seek acceptance from his father. Zsa Zsa Padilla, Lotlot de Leon, Eric Quizon and Rolly Quizon are also part of the cast of the movie, directed by Romy Villaflor.
Film Classics in Full Cinematic Glory
With Ayala Malls Cinemas’ “A Rewind” initiative, a partnership that began in March with ABS-CBN Film Archives and Restoration, moviegoers and film enthusiasts have been immersing themselves in the full glory of restored Filipino film classics on the big screen. “Kailan Ka Magiging Akin,” “Tatlong Ina, Isang Anak,” “Tatlong Taong Walang Diyos,” “Hiling” and “Magic Temple” have all been re-released in cinemas. This month’s “T-Bird at Ako” and “Mga Anak ni Facifica Falayfay” joins this prestigious list, with more to come in the next few months.
The premium titles being offered exclusively are complemented with plush seating, state-of-the-art sound systems, and a comfortable setting, making Ayala Malls Cinemas a premium destination for cineastes and anyone who appreciates movies.
Don’t miss the chance to watch Filipino classics “T-Bird at Ako” and “Mga Anak ni Facifica Falayfay” on the big screen this Pride Month, now showing exclusively at Ayala Malls Cinemas. Book your tickets by visiting www.sureseats.com or any of the participating cinemas. Visit the Ayala Malls Cinemas FB and IG pages for updates!

(ROHN ROMULO)

Dahil sa mahusay niyang pagganap sa ‘Espantaho’: JUDY ANN, pinarangalan ng Senado matapos masungkit ang best actress sa Portugal

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BINIGYAN ng parangal at pagkilala ng Senado ang award-winning actress at kilala ring Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos-Agoncillo matapos magwagi ng best actress sa Fantasporto Film Festival sa Portugal, para sa pinagbidahan niyang horror movie na “Espantaho.”
Si Sen. Jinggoy Estrada, na isa ring aktor, ang naghain ng Senate Resolution No. 1320 bilang pagkilala sa talento at kahusayan ni Judy Ann bilang isang Pinay artist na dalawang beses nang pinaranagal sa ibang bansa.
Panimula ng pahayag ng senador, “Her Best Actress win in Fantasporto, her second international best actress trophy following the recognition from Cairo Film Festival in 2019 for the movie ‘Mindanao’, proves her range and versatility as an actress who can not only make audiences cry buckets for her dramatic portrayals as a true royalty of Pinoy Soap Opera or hold her own as a female lead in action sequences, including our very own tandem, but can also send chills and suspense in horror blockbusters.”
Dagdag pa niya, “This is another feather in her cap, and a wonderful addition to a shelf of awards that characterized her stellar career spanning four decades.
“Ano pa ba ang hindi kayang gawin ng isang Judy Ann Santos? Top-rating TV star, box-office queen, renowned chef, best-selling book author, popular content creator, film producer, successful restauranteur, television host, recording artist.
“Napakasuwerte ng asawa nito. I am truly in awe of her long list of accomplishments and achievements.”
Papuri ni Sen. Jinggoy sa asawa ni Ryan Agoncillo, “I am one with the Filipino nation in congratulating Judy Ann in her latest success and for bringing our country pride and honor and for putting the spotlight on the remarkable caliber of Filipino artists and creative workers before the international stage.”
Kaya ganun na lang ang pasasalamat ni Judy Ann sa naturang pagkilala ng Senado sa panibagong tagumpay bilang aktres.
“Maraming salamat sa pagkilalang ito! Isang karangalan ang maiangat ang pelikulang Pilipino sa mundo,” mensahe ni Judy Ann sa kanyang social media post.
Napapanood na sa Netflix PH ang “Espantaho” na may English title na “Scarecrow”, na kung saan pangatlo ito sa Top Movies in the Philippines Today (as of June 6).
Tiyak na kaabang-abang din paglaban ni Juday bilang Best Actress sa paparating na awards season.
Isa nga rito ang 8th EDDYS ng SPEEd, na tuloy na tuloy na sa July 20 sa Marriot Grand Ballroom, Newport World Resorts.
Malamang next week at maglalabas na ng mga nominado sa 14 categories.
(ROHN ROMULO)

Puwedeng ligawan pero mataas ang standards niya: JESS, 23 na pero hindi pa nakararanas na magma-boyfriend

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BENTE tres anyos na ang female star na si Jess Martinez pero hindi pa siya nagkakaroon ng lovelife.

Aniya, “Crush, crush lang po. I wouldn’t say na, ano po, na-in love, parang more on infatuation.
“Kasi when I say in love, parang I’d be super courageous na ipakilala sa parents ko, pero never pa dumating sa point na may napakilala ako sa parents ko, so to answer the question, no, never pa ako na-in love. Nagka-crush, yes.”
So talagang hindi pa siya nagka-boyfriend.
“Hindi po.”
Umabot naman sa date?
“Umabot sa date, pero nasa gilid lang po yung bodyguard. Ha! Ha! Ha!”
Mahigpit ba ang parents ni Jess?
“I wouldn’t say mahigpit but they are protective of me and I appreciate them for that kasi hindi naman magiging ganito kaayos yung pagpalaki sa akin kung hindi sila naging protective.
“So hindi ako na parang nagre-resent or nagalit sa kanila because of that. I am grateful and I cherish how they… iyong pagpapalaki sa akin po.”
So puwede naman siyang ligawan?
“Puwede naman po akong ligawan. Mataas lang din po yung standards ko,” saad ni Jess.
Ang aktres na si Shyr Valdez ang discoverer ni Jess, at si Shyr ang nagrekomenda kay Rams David para maging manager ni Jess.
Si Rams ang pinuno ng Artist Circle, ang talent management na nangangalaga sa career nina Shyr, Sheryl Cruz, Wilma Doesnt, Celia Rodriguez, Mosang, Dang Cruz, mag-asawang Jan Marini at Gerard Pizzaras at marami pang iba.
May mga pangaral sina Rams at Shyr kay Jess.
“Si Tito Rams talaga actually and si Mommy Shyr, bago ako nag-start with Abot Kamay Na Pangarap, sinasabihan talaga ako to always stay grounded.
“Na, ‘Kahit na ano ang maabot mo sa showbiz, dapat grateful ka pa rin sa mga tumulong sa iyo in the industry and hindi mo talaga dapat talikuran yung mga tumulong sa iyo. Kasi you wouldn’t be where you are right now if not for them’.”
Gumanap si Jess bilang si Diwata sa ‘Abot-Kamay Na Pangarap’, ang top-rating series ng GMA starring Jillian Ward.
Nasubukan na ba ni Jess na mag-audition at pumila sa mga ibang projects tulad ng ‘Pinoy Big Brother’, ‘StarStruck’ at iba pang programa?
“Never pa po akong pumila po. Hindi pa po.”
Meron na bang nag-alok kay Jess na maging beauty queen o pinangarap niya bang sumali sa mga beauty pageants?
“Never ko po naisipan kasi medyo maliit po ako.
“Actually wala ng height requirement po ngayon pero lets see. I’m not closing my doors, depende pa din po sa management kung anong plano ni Tito.”
Endorser din ng Skinlandia si Jess, na ang beauty and wellness clinic ay matatagpuan sa SM City Fairview.  Pag-aari ito nina Noreen at Juncytnth Divina ng Nailandia Nail Studio and Body Spa na ini-endorse naman ni Marian Rivera.
Soon ay magkakaroon ng sariling branch ng Skinlandia ang pamilya ni Jess sa McKinley Hill, Taguig City.
Malapit na rin siyang mapanood sa ‘Sanggang-Dikit FR’ na pinagbibidahan ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
 
(ROMMEL L. GONZALES)

Ads July 6, 2025

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

6 – 4-merged

Samahang weightlifting ng Pilipinas , kumpiyansang makakalikha ng bagong kampeonato para sa 2028 Olympics

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KUMPIYANSA ang Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) na makakalikha muli ng mga panibagong kampeonato ang Pilipinas para sa 2028 Los Angeles Olympics matapos ang matagumpay na maiuwi nina Jay R Colonia at Jhodie Peralta ang 10 gintong medalya, 3 pilak, at 3 tansong napanalunan.
Ayon kay SWP President Monico Puentevella, inspirasyon pa rin sa mga atleta ang gintong tagumpay ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics.
Sinabi pa ni Puentevella na posibleng makapagpadala ang bansa ng 4 hanggang 5 lifters sa LA Olympics. Dagdag niya, bagamat maliit ang budget ng Pilipinas kumpara sa China, halos pantay na ang kanilang nakuhang gintong medalya sa huling Youth Championships.
Samantala wagi din ang iba pang manlalaro ng pinas tulad nina Ian Delos Santos, Alexsandra Diaz, Althea Bacaro, at Angeline Colonia.

Carlos Yulo muling sasabak sa torneo matapos ang 10 buwang pamamahinga

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HANDANG-HANDA na muling sumabak sa kumpetisyon si Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo.
Matapos kasi ang 10 buwan na pamamahinga ay sasabak ito sa 12th Senior Men’s Artistic Gymnastics Asian Championships na gaganapin sa Jecheon, South Korea mula Hunyo 5 hanggang 8.
Kasama nito ang ilang gymnast ng bansa na sina Jhon Romeo Santillan, Justine Ace De Leon, Juancho Miguel Besana, at John Ivan Cruz.
Sa nagdaang Asian championships ay nagbulsa si Yulo ng apat na gintong medalya na ginanap sa Uzbekistan.
Nangibabaw ito sa all-around floor exercise, vault at parallel bars.
Magugunitang sa ginanap na Paris Olympics noong nakaraang taon ay nagkamit si Yulo ng dalawang gintong medalya.

BAGONG MGA IMMIGRATION OFFICER, HANAP NG AHENSIYA 

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGHAHANAP ang Bureau of Immigration (BI) ng 25 na mga bagong Immigration Officer na idi-deploy sa mga international airports.
Ang mga mapipili ay idi-deploy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Mactan-Cebu International Airport (MCIA).
“This recruitment supports the President’s call to professionalize and strengthen our border control efforts,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado.
“We are opening our doors to qualified Filipinos who want to serve the country and help ensure that our ports of entry are secure, efficient, and welcoming,” dagdag pa nito.
 Sinabi ni Viado na ang nasabing inisyatibo ay kasunod ng pagdagdag ng international travel, na nangangailangan ng mga sinanay na personnel upang matiyak ang episyenteng pagpoproseso ng mga pasahero.
Hinikayat nito ang mga aplikante na sumama sa pagdadagdag ng nga propesyunal sa ahensiya kung saan ang ahensiya ay nagpapatuloy sa kanilang modernize operations.
“We need committed men and women who are ready to serve with integrity and competence,” ayon kay Viado . “Be part of the future of the BI, as we move towards the Bagong Immigration vision in line with the President’s Bagong Pilipinas,” dagdag pa nito.
Ang pahayag ay kasunod ng pagtatapos ng 29 na mga mga bagong Immigration personnel nitong June 2 pagkatapo ng kanilang pagtatapos ng kanilang pagsasanay sa immigration law, border enforcement, at ethical public service.
Ang mga aplikante ay maaaring magsumit online sa pamagitan ng BI official careers portal sa careers.immigration.gov.ph. (Gene Adsuara)

DICT, isasama ang NCAP sa eGov app

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA LALONG madaling panahon ay makikita at mase-settle na ng mga motorista ang kanilang traffic violations sa pamamagitan ng eGov PH super app ng gobyerno.
Ito’y dahil sa magiging hakbang ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na isama na ang ‘no contact apprehension policy (NCAP) system’ sa kanila.
“Nag-meeting na po kami sa MMDA, so mare-receive mo na po yung mga penalties mo sa eGov app,” ang sinabi ni DICT Undersecretary David Almirol Jr. sa press briefing sa Malakanyang matapos makipagpulong sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
“Kapag natapos po ‘yung integration, ang ganda po nito, makikita niyo ‘yung mga violations niyo. At kahit nasa bahay kayo, puwede na isettle ‘yung penalties,” aniya pa rin.
Pinahintulutan kasi ng NCAP ang MMDA na mag-record, repaso at at mag-validate ng traffic violations sa pamamagitan ng CCTV cameras.
Ito’y ipinatutupad sa kahabaan ng EDSA, Commonwealth Avenue, Quezon Avenue, Roxas Boulevard, at Taft Avenue.
Ang pagsama ng DICT sa NCAP ay bahagi ng pinalawak na pagsisikap ng DICT para makapaghatid ng mas maraming government services sa isang ‘single digital platform.’
Sinabi ni Almirol na halos 1,000 government systems ang nakakabit sa eGov PH app.
Kabilang na rito ang mga serbisyo na may kinalaman sa digital identification, tourism, travel, at benepisyo mula sa mga ahensiya gaya ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Government Service Insurance System (GSIS).
Samantala, itinutulak naman ni Pangulong Ferdinand Marcos R. Jr. na gawing simple ang public services sa pamamagitan ng digital transformation.
( Daris Jose)

Walang kailangang budget para sa ‘Pamilya Pass 1+3’ fare promo – Malakanyang

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
WALANG nakikitang dahilan ang gobyerno para maghanap ng pondo para sa implementasyon ng “Pamilya Pass 1+3 Promo” sa Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 at Light Rail Transit (LRT)- Lines 1 at 2.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na walang kailangang pondo para simulan ang inisyatiba, naglalayon na pagaanin ang pasanin sa pananalapi sa pagbyahe ng pamilya na naglaan ng oras para magsama-sama tuwing araw ng Linggo.
“Government-run po ito at karaniwan naman po kapag Sunday ay hindi naman po napupuno ang LRT at MRT natin. So, wala pong budget na required for this,” ayon kay Castro.
Sa ilalim ng Pass 1+3 Promo, ang MRT-3, LRT-1 at LRT-2 ay nag-aalok ng libreng sakay para sa tatlong miyembro ng pamilya kung saan ang isang miyembr nito ay magbabayad ng pasahe tuwing araw ng Linggo.
Ang miyembro ng pamilya, kabilang na ang magulang at mga anak, lolo’t lola at mga apo, kapatid, tiyuhin at tiyahin o guardians na may dependents ay maaaring mag- avail ng promo.
Ang promo ay tatakbo hanggang sa huling Linggo ng June 2028.
Tinuran pa ni Castro na may opsyon ang susunod na administrasyon kung itutuloy pa ang inisyatiba o hindi.
“At bakit hanggang last Sunday ng June 2028? Dahil nais po ng Pangulo na bigyan din po ng karapatan ang susunod na administrasyon kung ano po ang nanaisin nilang programa patungkol po dito,” aniya pa rin.
“Iyan po ay respeto lang po ng Pangulo sa susunod na liderato,” ang sinabi ni Castro. ( Daris Jose)

Ex-Cong. Arnie Teves Jr., sumalang na sa arraignment ng kanyang mga kaso sa Manila RTC Br. 12

Posted on: June 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGDAOS ng arraignment o pagbasa ng sakdal laban kay dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. Huwebes ng umaga sa Manila Regional Trial Court Branch 12.
Partikular sa babasahing sakdal laban sa kanya ay illegal possession of firearms and explosives at 1 count na murder
Inihatid si Teves mula sa NBI detention facility sa compound ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City kung saan mahigpit itong inescortan ng mga tauhan ng NBI.
Dumating sila bandang alas-7:00 ng umaga kung saan nakasuot ng kulay orange na shirt, nakaposas, may suot na bullet proof vest at kevlar helmet ang dating mambabatas.
Sinimulan naman ang kanyang arraignment 8:30 ng umaga.
Habang naghihintay sila sa loob ng Korte ay nananatiling bantay sarado ng mga NBI sa labas ng gusali.
Unang hinarap ng dating kongresista sa isinagawang arraignment ang kaso nito hinggil sa ‘illegal possesion of explosives’ na inihain laban sa kanya.
Nang siya’y basahan na ng sakdal, tumanggi itong magpasok ng ‘plea’ at sinabi ang mga katagang ‘I invoke my rights to remain silent’.
Kaya’t buhat nito ay mismong ang korte na ng Manila Regional Trial Court Branch 12 ang nagpasok ng ‘not guilty plea’ para sa naturang kongresista.
Tumayong hukom sa naganap na arraignment ng mga kaso ni dating Congressman Arnolfo Arnie Teves Jr. si Judge Renato Zaleta Enciso.
Tumagal ang kanyang unang arraignment sa kasong ‘illegal possesion of explosives’ ng higit dalawang oras bago ito matapos.
Kung saan sinundan ito ng ikalawa pang kaso na may kinalaman naman sa ‘illegal possesion of firearms’.
Dito inisa-isa sa pagbasa ng sakdal ang mga nakumpiska umanong mga armas na natagpuan sa kanya habang walang legal o lisyensyang nagpapahintulot para sa kanya.
Sa kapareho niyang naging sagot, muli niyang iginiit ang karapatan niya sa pagsambit ng katagang ‘I invoke my rights to remain silent’
Dahil dito, mismong korte na muli ang nagpasok ng ‘not guilty plea’ para sa naturang dating kongresista.
Matapos ang isinagawang arraignment siya’y agad na inescortan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) pasakay sa isang van.
Kaugnay naman nito, nilinaw naman ni National Bureau of Investigation Chief Jaime B. Santiago na kanila munang hihintayin ang pinal na desisyon kung saan nga ba dapat mai-turn over ang kustodiya kay Arnie Teves Jr.
Aasahan umano ito ngayong linggo o sa mga susunod pang mga araw bago tiyak na malaman o matukoy ang pinal na gagawing hakbang ng kawanihan. (Gene Adsuara)