SA BOTONG 177-0, inaprubahan ng kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang maglalagay ng mekanismo at kriteria sa deklarasyon ng state of imminent disaster at pagtugon ng gobyerno kapag may bagyo at iba pang emergency.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, principal author ng House Bill No. 11430, layon ng panukala na maiwasan kundi mman mapigilan ang pagkawala ng buhay, pagkasira ng ari-arian at pagkawala ng pangkabuhayan tuwing may kalamidad o sakuna, maging ito ay natural o man-made.
Ang Pilipinas aniya ay nasa Pacific typhoon belt, na dinadaan ng nasa 20 bagyo kada taon na nagiging dahilan para maapektuhan ang buhay ng publiko at ekonomiya.
“The proposed Declaration of State of Imminent Disaster Act will enable the national government, local government units, and our communities to better prepare for and respond to disasters or natural calamities. Better preparation and responses will save lives, properties, and livelihoods,” the leader of the 306-strong House of Representatives said.
Sa ilalim ng HB 11430, bibigyan otorisasyon ang presidente na magdeklara ng State of Imminent Disaster sa ilang barangays, municipalities, cities, provinces, at regions gamit ang guidelines na ipinalabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ang local chief executive (LCE), sa pamamagitan ng executive order at rekomendasyon ng local DRRM council, ay maaaring magdeklara ng state of imminent disaster sa kanyang hurisdiksyon.
Iba’t ibang hazards tulad ng natural at human-induced disasters, epidemics, pandemics, iba pang sakit na may public health concern, at iba pang sakuna na nakakaapekto sa normal na pagkilos ng komunidad ay maaaring wing dahilan para sa deklarasyon ng state of imminent disaster.
Papayagan ng deklarasyon ang national at local DRRM councils na gumamit ng national and local resources at mekanismo para sa ipatutupad na to implement anticipatory measures.
Ang mga local government units ay maaaring magsama ng planned interventions sa kanilang regular programs, plans, activities, at budgets. Para sa national government agencies, ang pondo ay kukunin mula sa National DRRM Fund. (Vina de Guzman)