• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

No comment ang COMELEC sa komento ni VP Sara na dayaan noong nakaraang eleksyon 

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI nagbigay ng komento ang Commission on Elections (Comelec) sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na nagkaroon ng dayaan sa nakaraang May 12 elections.
Pero ayon kay Comelec Chairman George Garcia, iginagalang nila ang pahayag ni VP Sara at naniniwala silang malaya ang sinuman na magpahayag ng opinyon bilang bahagi ng demokrasya.
Ayon kasi sa Pangalawang Pangulo ng bansa, may tatlo pang nanalo na miyembro ng kanilang partido PDP-LABAN na tumakbo sa pagka-senador.
Kasama rito sina Jayvee Hinlo, Jimmy Bondoc at Richard Moto.
Sa isang pahayag, inatasan ni VP Sara ang partido na kwestiyunin ang nagyaring proseso sa nagdaang eleksyon.(Gene Adsuara)

Ads June 13, 2025

Posted on: June 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

13 – page 4-merged

Mga contempt orders vs. ex-Duterte associates Harry Roque, Michael Yang, inalis na kasabay nang pagtatapos ng imbestigasyon

Posted on: June 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INALIS  na ng House Quad Comm  ang contempt at detention orders laban kina dating presidential spokesperson Harry Roque, asawa nitong si Mylah, dating presidential adviser Michael Yang, at dalawang iba pa kasabay nang pormal na pagsasara ng imbestigasyon nito,
Tinanggal na rin ng mega-panel—binubuo ng Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights and Public Accounts—ang contempt at detention orders laban kina Police Col. Hector Grijaldo at Senior Police Officer 4 Arthur Narsolis.
Inimbestigahan ng Quadcom ang links sa pagitan ng Philippine offshore gaming operators (POGOs), illegal drug trade, at umano’y extrajudicial killings (EJKs) na isinasabit sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ito ay bunsod na rin sa mosyon na alisin na ang contempt order ng walang humadlang para sa mga nabanggit.
Dalawang beses na-cite for contempt si Roque noong 2024—ang una dahil sa pagbibigay umano ng false testimony sa isyu kay Cassandra Ong, POGO representative, at pagtanggi na magsumite ng dokumento na may kaugnayan sa POGO operations.
Nakaharap ito sa arrest warrant dahil sa akusasyon ng qualified human trafficking kaugnay sa Lucky South 99, isang POGO hub na ni-raid sa Porac, Pampanga. Hinahanda naman ng pulisya ang pagsisilbi ng warrant kay Roque na nag-aaplay ng asylum sa Netherlands.
Ang asawa nitong si Mylah, ay ilang beses na pina-subpoena dahil sa napaulat na naging papel nito sa pagbili ng mga ilang ari-arian na may kinalaman din sa POGO hub. Inalis na ang contempt order laban sa kanya maging kay Roque sa pagtatapos ng pagdinig ng komite.
Si Yang, na nagsilbing dating economic adviser ni dating Panuglong Duterte ay pina-subpoena noong 2024 ukol sa P3.6-billion drug bust sa Mexico, Pampanga, at illegal POGO operations.
Nadetine naman si Grijaldo sa kamara mula December 2024 dahil sa ilang beses na pagtanggi sa ipinadalang subpoena sa hearings ukol sa EJKs sa panahon ng drug war. Pinalaya siya nitong Lunes matapos ang pormal na pag-alis ng contempt at detention orders.
Si Narsolis, umano’y nag-utos sa dalawang hitmen para patayin ang tatlong Chinese drug suspects sa Davao Penal and Prison Farm noong August 2016, ay na-cite for contempt matapos hindi dumalo sa mga pagdinig ng komite. Nananatili itong nakalalaya at hindi dumalo ni minsan sa pagdinig.
Kasunod ng pag-alis ng contempt, pinagsama-sama ng komite ang kanilang findings bilang final report para sa legislative recommendations at posibleng prosecutorial action.
(Vina de Guzman)

6 taong termino para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) officials, aprubado na ng Kamara

Posted on: June 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INAPRUBAHAN ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas 11287 na nagsusulong na mabigyan ng 6 taong termino para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) officials mula sa kasalukuyang tatlong taon.
Sinabi ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, isa sa pangunahing awtor ng panukala, na kapag naging ganap na batas ang lahat ng incumbent BSK officials na naihalal noong October 30, 2023 ay mananatili hanggang sa susunod na synchronized elections na gaganapin sa ikalawang Lunes ng Mayo 2029 at kada anim na taon.
“This means that the BSK polls scheduled in December this year are reset to May 2029,” pahayag nito.
Lalagyan din ng panukala ng two-term limit ang barangay officials, habang ang SK officers ay magsisilbi lamang ng isang termino.
Una nang nagpahayag ng oposisyon si Rodriguez sa plano ng senado na ituloy ang halalan para sa BSK sa Disyembre, na nagsabing maiksiang dalawang taong panunungkulan para sa mga lider ng barangay.
“The officials will not be given enough time to fully implement their plans, programs and activities which they have promised their constituents. The wounds and divisions created by the recent elections among our people are still fresh. We cannot afford to have more fractiousness,” dagdag ni Rodriguez. (Vina de Guzman)

Matapos makasama ang Pinoy sa mga inarestong imigrante sa raid ng ICE:   PBBM, naka-monitor sa mga kaganapan sa LA

Posted on: June 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KASALUKUYANG mino-monitor ng administrasyong Marcos sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Consulate sa Los Angeles, California ang kamakailan lamang na kilos-protesta sa nasabing bansa.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ang tagubilin ng Pangulo ay bigyan ng assistance ang bawat Pilipino lalung-lalo na kung ang mga ito ay nakabase o nagtatrabaho sa ibang bansa.
“Pero pinapaalalahanan din po sila na sumunod po sa batas ng bansa kung saan po sila nakatira o nagtatrabaho,” ayon kay Castro.
Ang pahayag na ito ni Castro ay bunsod ng napaulat na kasama ang isang Pinoy sa mga inarestong imigrante sa ikinasang raid ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) noong nakalipas na linggo na nagbunsod ng mga kilos protesta sa Los Angeles, California.
Ang naarestong Pinoy ay nakilalang si Rolando Veneracion-Enriquez, 55 anyos. Isa siya anim na nakakulong na imigrante na natukoy ng Homeland Security Department.
Sinabi ng kagawaran, mayroon umanong criminal history si Enriquez kabilang na ang pagkaka-convict niya sa kasong theft, assault, burglary at rape.
“Siya po ay naaresto dahil isa po ito sa operasyon ng ICE. So sa bahay po siya inaresto kasama po ang ICE official at parole officer,” ayon kay Consul General Adelio Angelito Cruz .
Sa kabilang dako, ang iba pang kasama ng Pinoy na inaresto ay mula sa Peru, Indonesia, Honduras, Mexico at Vietnam.
Samantala, nahaharap naman ang Los Angeles sa ikatlong sunod na araw ng tensiyonadong mga protesta kasunod ng mga ikinasang raids ng Immigration and Customs Enforcement noong Linggo kung saan ipinakalat na rin sa mga protest site ang mga tropa ng National Guard.
Ang ikinasang raids naman ng US authorities ay parte pa rin ng mass deportation initiative ni President Donald Trump laban sa mga iligal na imigrante sa kanilang bansa. ( Daris Jose)

Sa gitna ng power crisis:  PBBM, ipinag-utos ang imbestigasyon hinggil sa Siquijor electric coop

Posted on: June 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ‘full investigation’ sa Siquijor Island Power Cooperative (SIPCO) sa gitna ng nagpapatuloy na power outages o pagkawala ng kuryente sa lalawigan.
Ang direktiba ay kasabay ng pakikipaglaban ng Siquijor sa walang lubay o tuloy-tuloy na energy crisis, samahan pa ng mga kakulangan sa tubig at pagkawala ng kabuhayan ng mga residente.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ipinatawag na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si outgoing Energy Secretary Raphael Lotilla at Acting Secretary Sharon Garin para tugunan ang sitwasyon.
Inatasan din ng Pangulo ang mga kaugnay na ahensiya na mabilis na kumilos.
“Nagbigay na rin siya ng direktiba, ang ating Pangulo, para sa isang malalim na imbestigasyon sa power provider na Siquijor Island Power Cooperative,” ang sinabi ni Castro.
“At inutos ng Pangulo ang agarang pagresolba sa matagal ng problema sa supply ng kuryente sa lalawigan,” aniya pa rin sabay sabing “Short- and long-term measures are now being prepared.” ( Daris Jose)

Mister, kulong sa baril at patalim sa Caloocan

Posted on: June 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KALABOSO ang 46-anyos na mister matapos inguso sa mga pulis na may dalang baril habang gumagala sa lansangan sa Caloocan City.
Batay sa report, nakatanggap ng impormasyon ang East Bagong Silang Sub-Station 13 hinggil sa isang armadong lalaki na pagala-gala sa Brgy. 176.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng SS13 sa naturang lugar kung saan nakita nila ang isang lalaki na tumutugma sa iniulat  ng caller at may hawak bitbit na baril dakong ala-1:00 ng madaling araw.
Maingat nila itong nilapitan bago sinunggaban ang hawak na kalibre 9mm pistol na kargado ng dalawang bala sa magazine.
Nang kapkapan, nakuha pa sa suspek na si alyas “Rudy” ang isang patalim (balisong) na naging dahilan upang bitbitin siya ng mga pulis.
 Kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), B.P. 881 (Omnibus Election Code), at B.P. 6 (Illegal Possession of Bladed, Pointed, or Blunt Weapons) ang isinampa ng pulisya sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

P200 wage hike dapat agad kumilos at aksyunan ng Senado giit ng mambabatas

Posted on: June 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KAHIT hindi pa napag-uusapan sa LEDAC, malinaw dapat sa sinumang may malasakit sa bayan na ang gutom na nararanasan ng manggagawa ay hindi puwedeng ipagpaliban.
Ito ang reaksyon ni Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando sa naging dahilan ni Senador Chiz Escudero ukol sa panukalang ₱200 Wage Hike na naaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.
Ayon sa mambabatas, dapat agad kumilos at aksyunan ng senado ang panukala para na rin sa mga manggagawa at hindi dahil teknalidad.
“The Senate President continues the familiar pattern of hiding behind legalese and bureaucracy to not give what is rightfully owed to workers. Sa dami ng drama at palabas sa Senado, bakit pag sahod at karapatan ng manggagawa ang usapan, laging may palusot?” pagtatanong ni Fernando.
Tanong pa ng mambabatas, “para kanino ka ba talaga, Chiz? Para sa ordinaryong Pilipino o para sa mga oligarko? Hindi balagtasan ang kailangan ng mga manggagawa—kundi taas-sahod, seguridad sa trabaho, at hustisya sa paggawa.”
Giit nito na tama na ang palusot at technicality, at agad na ipasa ang ₱200 wage increase. (Vina de Guzman)

NHA, NAMAHAGI NG P3.2 MILYONG AYUDA SA MGA BIKTIMA NG KALAMIDAD SA TONDO, DAVAO ORIENTAL

Posted on: June 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAMAHAGI ang National Housing Authority (NHA) ng kabuuang P3.2 milyong tulong pinansyal mula sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) nito sa 279 pamilyang apektado ng mga kalamidad sa Tondo, Maynila at sa Davao Oriental, sa dalawang magkasabay na seremonya kamakailan lang.
Sa ilalim ng patnubay ni NHA General Manager Joeben A. Tai, pinangunahan ni NHA NCR West Sector Officer-in-Charge Engr. Wenson O. Reyes ang aktibidad sa Tondo, kung saan nakasalamuha niya ang aabot sa 91 pamilya mula sa Brgy. 218, New Antipolo na nawalan ng tirahan matapos lamunin ng apoy ang kanilang komunidad.
Kasabay nito, naging kinatawan naman ni GM Tai si NHA Region 9 Manager Engr. Clemente A. Dayot sa isa pang EHAP distribution sa MARCC David Consunji Government Complex, Brgy. Bato-Bato, San Isidro, Davao Oriental, kung saan 252 na pamilya mula sa mga barangay ng San Isidro at Governor Generoso na sinalanta ng iba’t ibang kalamidad na tumama sa rehiyon ang nakatanggap ng ayuda.
“Sa ilalim po ng direktiba ng ating Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., kami po sa NHA ay palaging handa sa paghandog ng pinansyal na tulong para masuportahan kayong makabangon sa mabigat na pasanin dulot ng trahedya,” ani GM Tai.
Ang EHAP ay isang programa ng NHA na nagbibigay-tulong sa pamamagitan ng cash assistance para sa mga pamilyang naapektuhan ng mga sakuna tulad ng bagyo, sunog, lindol, at baha. Layunin din ng programa na tulungan ang mga benepisyaryo na magsimulang muli sa pamamagitan ng muling pagtatayo ng kanilang mga bahay.
Ayon sa mga alituntunin ng programa, ang NHA ay magbibigay ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo mula P5k, P10k, at P20k depende sa tindi ng pinsalang natamo ng kanilang tirahan. (PAUL JOHN REYES)

Sa ginawang pagbalik ng Senado sa articles of impeachment sa Kamara… Malinaw na Pag-abandona sa Saligang Batas

Posted on: June 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISA umanong pag-abandona sa Saligang Batas ang ginawang pagbalik ng Senado sa articles of impeachment sa Kamara.
Ayon kay Akbayan Rep. elect Chel Diokno, malinaw ating Konstitusyon na kapag na transmit ang Articles of Impeachment na ang nakalagda ay nasa one-third members ng House ay walang ibang gagawin kundi ay agad-agad i-trial ang kaso.
“And anong ibig sabihin ng trial. Ang ibig sabihin ng trial ay ang tatanggapin ang ebidensiya, i-uupo ang mga testigo, ihahain ang mga exhibits. ‘Yun ang utos ng Konstitusyon. Ang Konstitusyon ay hindi lamang papel ‘yan, utos ng bayan ‘yan. Hindi ‘yan pwedeng basta basta lang ibasura o ibalewala kaya kami talagang nababahala sa ginawa ng Senado,” paliwanag nito.
Hindi rin aniya kailangang i-certify dahil mismo ang pagbigay ng articles of impeachment ay ang certification ng House na ito ang kanilang gustong i-file at sa kanilang paniwala ay matibay ang ebidensya para suportahan ito.
Sinabi pa ni Diokno na ang dapat na maghain ng mga motion ay iyong mga parties ngunit wala pa nga iyong mga parties doon.
Kung manggaling halimbawa aniya sa defense ang motion na ganyan ay dapat didingin nila.
“Pero bakit galing sa member ng court. Wala rin iyon sa rules na inaprubahan nila,” pahayag pa nit.
Naniniwala naman ito na hindi pa naman patay ang impeachment trial dahil sinabi mismo umano ni Escudero na hindi naman na-dismiss ang kaso.
Iginiit pa nto na ipaglalaban nila sa kamara na ituloy ang impeachment trial dahil utos ng Konstitusyon mismo itn.
(Vina de Guzman)