• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

Petition for Provisional Release Before ni dating Pangulong Duterte sa ICC; hahadlangan

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGPIT na tinutulan ni human rights lawyer at counsel sa mga biktima na si Atty. Neri Colmenares ang aplikasyon para sa provisional release ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Nirerepresenta ni Colmenares ang mga biktima ng “war on drugs,” ng dating administrasyon,

“There is still a procedure within the ICC that requires the prosecution to comment and the ICC Pre Trial Chamber (PTC) to decide on the application for provisional release. The victims and their legal representatives may still assert their right to submit their opposition to Duterte’s application,” ani Colmenares.

Kung ang claim aniya ng depensa na pumayag ang prosekusyon sa pagpapalaya sa dating pangulo sa kondisyon na susundin at tutuparin ni Duterte ang kanyang obligasyon sa ilalim ng “Annex A” ay totoo, may isyu a rin dito dahil kinontra ito ni Kaufman matapos magsumite ng ibang set of obligations na nasa ilalim ng “Annex B”.

Nangangahulugan aniya na magkakaroon ng debate sa pagitan ng prosecutor at defense kung anong set of obligations ang kanilang susundin bago magdesisyon ang Pre-Trial Chamber (PTC).

Sinabi pa ni Colmenares na ilalaban nila na lalabagin ng pagpapalaya kay Duterte ang Article 58 of the Rome Statute na nagre-require sa personalidad na palalayain ay kailangan munang dumalo sa trial at hindi niya hahadlangan o ilalagay sa alangan ang imbestigasyon o court proceedings.

Sumailalim aniya sa mga pag-atake ang mga biktima at abogado ng mga ito lalo na nang maaresto si Duterte.

‘We strongly urge the ICC not to grant Duterte’s petition. The threats experienced by victims and their lawyers will surely escalate if Duterte is released. The safety of those seeking justice must be prioritized over the convenience of the accused. Mariin naming tinututulan ang petisyon ni Duterte para sa pansamantalang paglaya. Malaki ang panganib na lalo pang tataas ang pananakot sa mga biktima at kanilang mga abogado kapag siya ay pinalaya. Dapat unahin ng ICC ang kaligtasan ng mga naghahanap ng hustisya,” pahayag nito.

Kinuwestiyon din ni Colmenares ang pangako ni Duterte na susundin nila ang kautusan ng korte at dadalo sa pagdinig.

“Pres. Duterte knows that if the charges are confirmed and trial takes place, he has no evidence to prove that he is innocent of the EJKs during his term.  He knows, he will surely get convicted once trial takes place.  So, escape is now an option and he has the resources and the network of support that can facilitate this.  Even Kaufman admitted this when he declared that “The risk of flight cannot be based on the hypothetical because a hypothetical possibility, by its very nature, can never be entirely ruled out”.

Hindi rin aniya totoo ang pahayag ni Duterte na nakasaad sa paragraph 32 ng kanyang aplikasyon na hindi siya kakatakas dahil “does not command the same influence or power.”

Nasa kapangyarihan pa rin aniya ang mga Duterte at nananatiling makapangyarihan na kaya umano nilang ipapatay ang impeachment complaint laban sa bise presidente.

Si dating pangulong Duterte ay nahalal na mayor ng Davao City, ang kanyang anak ang Vice Mayor, ang isa pang lalaking anak ay kongresista at isa pang anak na bise presidente at karamihan sa mga kaanak at supporters ay nasa public office.

“Pres. Duterte has a long history of reneging on his promises and commitments starting with his jet ski antics in the West Philippine Sea.  He has consistently attacked the Court and there is no evidence that Kaufman can submit to prove that he is now willing to follow the orders of the Court. He has the motive and the resources to escape and go to another country or even go back to the Philippines.  The Prosecution and the Court cannot trust Pres. Duterte.”  pahayag pa ni Colmenares.

Nanawagan naman ito sa ICC at international community na manatiling matatag sa pagsusulong ng hustisya,

dapat aniyang masiguro na magkakaroon ng hustisya at mabibigyang boeses at proteksyon ang mga biktima at kanilang pamilya. (Vina de Guzman)

Gabriela Women’s Partylist, dismayado sa kabiguan ng 19th Congress na maipasa ang mga panukalang reporma

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DISMAYADO si Gabriela Women’s Partylist Rep. Arlene Brosas sa kabiguan ng 19th Congress na maipasa ang mga panukalang reporma at kontrobersiyal na paghawak ng senado sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Nag-adjourned sine die ang kongreso ng hindi naipasa ang dalawang panukalang batas, ang panukalang P200 daily minimum wage hike para sa private sector workers at Absolute Divorce Bill, kapwa ipinanukala ng mambabatas.

“Bilang miyembro ng bicameral panel, ipinaglaban namin sa Gabriela Women’s Party ang legislated wage increase na matagal nang hinihintay ng ating mga manggagawa. Ang kabiguang ipasa ito ay malinaw na kawalan ng malasakit sa mga minimum wage workers na patuloy na namumuhay sa kakarampot na sahod,” ani Brosas.

Isinusulong ng kamara ang panukalang P200 daily increase na doble sa panukalang P100 dagdag sahod ng senado, ngunit walang naganap na pinagka-isa o inamyendahang panukala na naisumite sana kay Pangulong Marcos para malagdaan.

Ikinalungkot din nito ang kawalang aksyon ng senado sa Absolute Divorce Bill, na nanatiling nakabinbin sa kabila ng malawakang suporta ng publiko at matagumpay na pagkakapasa sa Kamara.

“Ang pagtanggi ng Senado na ipasa ang Absolute Divorce Bill ay pag-abandona sa mga kababaihang biktima ng karahasan at mga pamilyang nangangailangan ng pangalawang pagkakataon sa buhay. Sa buong mundo, tayo na lang at ang Vatican ang walang divorce—isang malaking kahihiyan at inhustisya,” pahayag nito.

Dagdag pa ang pagkabinbin ng impeachment case laban kay Vice President Duterte na ibinalik sa kamara, isang aksyon na nakitan ng mga legal scholars na unconstitutional.

“Mahiya naman kayo. Hindi tungkulin ng Senado na ibalik ang mga artikulo ng impeachment. Maliwanag sa Konstitusyon na eksklusibong kapangyarihan ng House ang magpasimula ng impeachment, at ng Senado ang maglitis. Ang ginawa nila ay malinaw na paglabag sa proseso at sa Saligang Batas,” diin ni Brosas.

Halata aniyang minaniobra umano ng senado ang impeachment trial para hindi matuloy na isang paglabag sa due at panawagan ng publiko na accountability.

Nanawagan naman ang mambabatas sa papasok na ika-20th kongresso na iprayoridad at agad ipasa ang panukalang wage hike at divorce bill.

“Dapat kumilos ang parehong Kapulungan para hindi mauwi sa wala ang pinaghirapang ilaban ng taumbayan. Hindi puwedeng hayaan na manaig ang pulitikang makasarili sa halip na tunay na hustisya at kapakanan ng masa,” pagtatapos ni Brosas. (Vina de Guzman)

Preso na sentensyado, sinilbihan ng warrant sa loob ng NBP

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DINAKIP ng pulisya sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong rape ang isang sentensiyadong preso, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, nakapiit sa maximum security compound ng NBP si alyas “Popoy”, 40, makaraang masentensiyahan sa kasong panghahalay sa menor-de-edad na batang babae nang matuklasan ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan na may nakabimbin pa siyang warrant of arrest dahil sa hiwalay na kaso rin panggagahasa.

Kaagad na nakipag-ugnayan si BGen. Ligan kay Bureau of Correction (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. upang maisilbi ang panibagong arrest warrant na inilabas noong Nobyembre 4, 2021 ng Caloocan City Family Court Branch 130 na kaagad tinugunan ni Catapang.

Dakong alas-6:00 ng gabi nang isilbi nina P/Col. Renante Pinuela, Force Commander ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng NPD ang warrant of arrest laban kay alyas Popoy, gamit ang alternative recording device (ARD) bilang hakbang upang matiyak na malinis ang proseso ng isinagawa ng mga pulis. (Richard Mesa)

Panukalang P200 dagdag sahod sa mga manggagawa, tinabla ng Senado  

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINULIGSA ng mga mambabatas ang kabiguan ng Senado na maipasa ang panukalang P200 dagdag sahod.

“This is a monumental betrayal of workers,” ayon kay Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando.

Bukod sa Senado, binatikos din ng mambabatas ang Malacañang kasunod na rin sa kabiguan ng Bicameral Conference Committee na maisapinal at maipasa ang ₱200 legislated wage hike bago nagsara ang ika-19th Congress.

Ayon pa sa mambabatas, pinagkaitan ng Senado at Palasyo ang manggagawang Pinoy.

“The ₱200 wage hike could have brought immediate relief to millions of workers barely surviving on starvation wage Instead, what we got was delay, disregard, and excuses. Sa lahat ng drama at palabas ng mga nasa kapangyarihan, ang mga manggagawa na naman ang naiwan sa ere,” ani San Fernando.

Ang panukala ay inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa dalawang kapulungan ng Kongreso, sa Kamara nitong Hunyo habang ang Senado ay ipinasa noong Pebrero 2024 ang panukalang ₱100 wage increase.

Nabigo ang dalawang kapulungan na ma-reconcile ang kani-kanilang bersyon ng panukala bago magtapos ang 19th Congress.

Sinisi rin ni San Fernando si Senate President Francis “Chiz” Escudero, na inilihis umano ang responsibilidad sa pamamagitan ng pagkuwestiyon sa kabiguan naman ng Kamara na buksan ang isyu sa LEDAC.

“Senate President Escudero spent more time blaming the House than fighting for workers. He had the power to act swiftly and decisively. Instead, he chose to delay. Ang tanong: sino ba ang tunay niyang pinaglilingkuran? Mga manggagawa ba o mga negosyante at oligarko?” pagtatanong nito.

Inihayag naman ni House of Representative Spokesperson Atty. Princess Abante, na kinondena ng mga House bicameral conferees ang pagtanggi ng senado na mag-convene bilang bicameral conference committee para sa panukalang legislated wage hike.

“Let’s not sugarcoat it — the Senate killed the ₱200 wage hike bill. Last night was the final session of the 19th Congress. No bicam. No compromise. No wage hike. And the reason is simple: Ayaw ng Senado makipag-usap. Gusto nila, tanggapin na lang nang buo ang ₱100 nila. Bakit? Bakit binabarya ng Senado ang mga manggagawa?'” pahayag ni Abante.

Sinabi nito na pinaghandaan ng House bicameral conferees ang pagsasagawa ng bicam upang ma-reconcile ang magkaibang bersyon ng panukala ngunit hindi nagkaroon ng pagpupulong.

“Tumaas ang kilay ng bicam conferees namin nang tanungin kung ano ang nangyari. They were ready to sit down, defend the ₱200 proposal, and fight for labor — only to find out the Senate had no intention of meeting at all,” dagdag nito. (Vina de Guzman)

Pagpapalaya sa mga may sakit na bilanggong nakatatanda, tutukan ni Tulfo

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BIBIGYANG prayoridad ni  incoming Senator Erwin Tulfo ang proposed bill na magpapalaya sa mga may sakit na mga nakatatandang bilanggo.

Ito ang pahayag ni  Tulfo sa kanyang pagbisita sa Minimum Security Compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City kung saan siya nagpahayag ng suporta sa Department of Justice at sa Bureau of Corrections sa pamamagitan ng reporma sa correctional system ng bansa.

Pagtitiyak pa ng incoming senator kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na maghahain siya ng proposed legislation na pag-isahin o pagsamahin na ang penology at correctional system na ngayon ay pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology at ng Bureau of Corrections.

Nais din niyang mapalaki ang budget para sa mga kinakailangang pagpapaunlad ng mga pasilidad, palakasin ang pagsasanay ng mga tauhan at matulungan ang mga bilanggo.

Ayon kay Catapang, napakahalaga ang mga plano o mga pangakong ito sa pagpapalakas sa buhay ng mga persons deprived of liberty na nahaharap sa mga hamon tulad ng overcrowding, kakulangangan sa mga resources o mga pangangailangan at mga lumang imprastraktura o mga pasilidad. (Gene Adsuara)

Rehab ng EDSA gagamitan ng bagong teknolohiya

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISANG bagong teknolohiya o paraan ang gagamitin sa gagawing rehabilitasyon sa

EDSA kung kayat hindi na gagamitin ang conventional na paraan ng pag-aayos nito.

Ito   ang   naging   pahayag   ng   Department   of   Transportation   (DOTr)   ni   DOTr Secretary Vince Dizon matapos na suspendihin ni President Ferdinand E. Marcos, Jr. ang

gagawing rehabilitasyon na sana ay sisimulan ngayon kalagitnaan ng buwan.

“We cannot do the project in a conventional way. The rebuild as presented will not

be followed. It will be scrapped, the President ordered us to change the whole plan to final a better way,” wika ni Dizon.

Suspendido ng isang buwan ang gagawing rehabilitasyon na sana ay sisimulan ngayon buwan ng June.

Pinahinto  mismo   ni   Marcos   ang   nasabing  rehabilitasyon   at   nagbigay   siya   ng kautusan na humanap ng paraan upang mababawasan ang pagkakaron ng mahirap na

kalagayan sa mga motorista at ng maiwasan rin ang masamang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

Ang P8.7 bilyon na proyekto ay dapat matapos sa loob ng 2 taon lamang subalit dahil suspendido, ito marahil ay tatagal pa kung  hindi gagamitan ng bagong teknolihiya.

“We need a better way to ensure that our people are not inconvenienced for two years. I want it done in six months or if possible, less than a year,” saad ni Dizon.

Ang proyekto sa rehabilitasyon ng EDSA ay pinangungunahan ng Department of

Public Works and Highways (DPWH) na naglalayon na magkaroon ng reconfigure and

EDSA   upang   ito   ay   maging   isang   green   at   walkable   highway.   Ang   DOTr   at   ang Metropolitan   Manila   Development   Authority   (MMDA)   ay   ang   mga   ahensya   ng pamahalaan ang siyang naatasang tutulong sa nasabing proyekto. Sinigurado naman ni

Dizon na hindi na mababago ang halaga ng rehabilitasyon.

Sa   kabilang   dako   naman,  may   205   na   driving   schools   ang   nahaharap   sa pagsasara habang may 88 na local opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nahaharap sa paglilitis dahil sa mga iba’t ibang anomalya

na kanilang kinasasangkutan,

Isa sa mga offenses ay ang non-appearance issuance ng theoretical at practical driving  certificates sa  mga estudyante ng  mga driving schools. Kasama rin  sa mga paglabag ay ang tampering sa access ng Land Transportation Management System

(LTMS) upang makuha ang Theoretical Driving Course (TDC) at Practical Driving Course (PDC) certificates ng mga kanilang kliyente na mas marami kaysa sa tinalagang daily limit na binigay ng Land Transportation Office (LTO), at ang pagbibigay ng PDC at TDC certificates kahit non-completed ang mga kailangan oras dito. Ganon din ang pagbibigay

ng certificates na non-appearance para sa PDC at TDC.

“There will be 88 heads of the agency’s district offices will be issued with Notice to Explain (NTE) why they either tolerated or did not act on the anomalies involving the driving schools within their respective areas of responsibility,” ayon kay LTFRB chairman Vigor Mendoza.

Ang TDC at PDC ay mga certificates na kinakailangan upang ang isang motorista

ay mabigyan ng driver’s license.

Dagdag din ni Mendoza na sila

 ay nagbigay ng SCOs laban sa may 160 medical clinics dahil sa pagbibigay ng non-appearance certificates sa mga aplikante ng driver’s license.

“Our aggressive campaign against these people will continue. This should serve as

a stern warning to those who are still engaged in these kinds of illegal activities to do the right thing,” saad ni Mendoza.  LASACMAR

Quezon City LGU target zero child labor sa taong 2028

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng Quezon City LGU ang zero child labor sa taong 2028.

Ito naman ang binigyan-diin ni Matthew Valdeavilla ng QC PESO kaugnay ng paggunita sa 2025 World Day Against Child Labor kaya patuloy na sinisikap ng pamahalaang lungsod na matugunan ang problema ng child labor sa pamamagitan ng pagpapaigting ng child labor program at mahigpit na pagbabawal sa ‘child labor’.

Sa ginanap na pagdiriwang kasabay ng Araw ng Kalayaan, pinananawagan ang karapatan ng bawat bata na makapag-aral, makapaglaro, mangarap at hindi mabiktima ng ‘child labor’.

Ayon kay Valdeavilla, mula sa 10,000 child laborers na na-monitor ng QC LGU noong 2022, bumaba na ito sa 4,500.

Tinutukan din ng QC LGU ang mga ‘child laborers’ na makapasok sa  iba’t ibang programa kasama ang scholarship program.

Pinangunahan naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang solidarity stand kasama ang iba’t ibang opis­yales ng QC kaugnay nang panggunita sa Independence Day.

Ads June 14, 2025

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

14 – page 4-merged

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng Ikley Open

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PASOK na sa quarterfinals ng Women’s Tennis Association 125 Lexus Ilkley Open si Alex Eala.
Nadomina ng Pinay tennis star si Valentina Ryser ng Switzerland sa score na 6-1, 6-2 sa laro na ginaganap sa Great Britain.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na makapasok sa grass court na isang paghahanda para sa pagsabak nito sa Wimbedon na magsisimula sa huling bahagi ng buwan.
Mabilis na malusutan ni Eala ang 2-2 na tabla sa ikalawang set hanggang maipanalo nito ang apat na sunod na laro.
Magugunita na unang tinalo ni Eala si Lizette Cabrera ng Australia sa score na 7-6(4), 6-3.
Ang ranked 77 na si Eala ay unang hindi nagtagumpay sa French Open ganun din ang maagang pagtatapos ng kampanya niya sa Birmingham Open ngayong buwan.
Susunod na makakaharap ni Eala si Rebecca Marino ng Canada.

Tolentino bibili ng track bikes para sa velodrome

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KASALUKUYAN nang nag­hahanap si Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino ng mga track bikes para sa pagkumpleto sa Tagaytay City Velodrome ang unang indoor track cycling facility ng bansa na angkop sa International Cycling Union (UCI) standard.
Nakatakdang ilunsad ni Tolentino ang velodrome ngayong buwan kasabay ng pagdiriwang sa Tagaytay City Foundation Anniversary.
“It’s a dream, not only to make Tagaytay City as a cycling and sports hub, but to help bring back the glory the Philippines enjoyed in the past,” ani Tolentino na pangulo rin ng PhilCycling.
Nasa Bangkok, Thailand ngayon ang POC chief para sa Southeast Asian Games Fede­ration m­eeting.
Idaraos ang 33rd edition ng SEA Games sa Dis­yembre, at habang nasa Bangkok siya ay nakipag-usap si Tolentino kay Thai cycling federation president General Decha Hemkasri para sa pagbili ng track bikes na gagamitin sa velodrome.