• March 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

PBBM, bukas na magkaroon ng panibagong power provider sa Siquijor  

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BUKAS si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa posibilidad na magkaroon ng panibagong electric provider sa Siquijor.

Ito’y sa gitna ng power crisis sa lalawigan.

Sa isang ambush interview, tinanong si Pangulong Marcos kung posibleng magkaroon ng panibagong electric provider sa Siquijor. Ito’y matapos niyang ipag-utos ang masusing imbestigasyon hinggil sa operasyon ng Siquijor Island Power Cooperative (SIPCOR).

”Everything is on the table. We just have to examine what is the best solution. We have some very good ideas na. The NEA administrator is here and he has put out a framework on what we need to attend to, what would come first, etc. We will give you more detail after the detailed planning for that,” ayon sa Pangulo.

Winika pa ng Pangulo na may anim na buwan ang gobyerno para ipatupad ang short-term interventions para tugunan ang power crisis, kabilang ang paggamit ng generators.

Sa loob ng anim na buwan, binigyang diin ng Chief Executive ang pangangailangan na ”to repair damage that has been caused by the collapse of the power supply.”

”We have given ourselves a deadline of six months for the short-term solution. By six months from now, we will then impose whatever new arrangements that we have to do, so that six months from now, we do not have to resort to emergency genset,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo.

Dapat din aniyang tuparin ng SIPCOR ang kanilang pangako na magbibigay ng electric supply sa lalawigan.

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na ang dalawang generator sets ay darating sa lalawigan mula Palawan para magbigay ng power supply sa mga residente.

Ang provincial government ng Siquijor sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan nito ay nagdeklara ng state of calamity dahil sa lumalalang power crisis.

Ang inaprubahang resolusyon ay magbibigay ng kapangyarihan sa provincial government ng Siquijor para magkaroon ng access ang Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) nito, lalo na ang Quick Response Fund (QRF), upang kagyat na maipatupad ang interventions.

Samantala, in-inspeksyon naman ni Pangulong Marcos ang SIPCOR power plant sa Siquijor para tugunan ang paulit-ulit na power interruptions sa lalawigan at paigtingin ang pagkilos para matugunan ang kakulangan sa power supply. (Daris Jose)

P370K shabu, nasamsam sa HVI tulak sa Valenzuela

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM sa isang tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang mahigit P.3 milyong halaga ng shabu makaraang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela City Police Station OIC chief P/Col. Relly Arnedo ang naarestong suspek na si alyas “Bulag”, 52.

Ayon kay Col. Arnedo, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joan Dorado ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng suspek ng shabu.

Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-11:30 ng gabi sa NPC Road, Lamesa St., Ext., Brgy., Ugong.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 55 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P374,000, buy busy money na isang P500 bill at walong pirasong P1,000 boodle money at P200 cash.

Ani P/MSgt. Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11, under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampang kaso laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Pinuri naman ni Gen. Ligan ang Valenzuela City Police Station sa kanilang dedikasyon at pare-parehong pagganap sa paglabagin sa ilegal na droga. “This is a clear result of teamwork, persistence, and our commitment to rid our communities of illegal drugs,” aniya. (Richard Mesa)

KPA, sagot sa mabilis at murang bayad sa kuryente

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Navotas City Congressman Toby Tiangco na magiging mabilis at magmumura na ang bayad sa internet sa bansa sa ilalim ng Konektadong Pinoy Act (KPA).

“Hindi uunlad ang ating ekonomiya kung mabagal ang internet sa bansa. This law will not only make connectivity faster, but it will also help level the playing field for businesses across the country,” pahayag ni Cong. Tiangco na siya ring Chairman ng House Information and Communications Technology (ICT).

Ani Tiangco, hindi pagkakaloob ng espesyal na pribilehiyo sa mga bagong kumpanya ang KPA kundi tinitiyak nito na lahat ng Pilipino, lalo na ang mga nasa liblib na lugar, ay magkakaroon din ng mabilis, maaasahan at murang internet, bukod sa malulutas din ng batas ang alalahanin sa cybersecurity.

Magdudulot din aniya ang batas na ito ng malusog na kumpetisyon at makakaakit ng pagbabahagi ng imprastraktura na isa ring hakbang upang bumaba ang babayaran sa internet ng mga consumers.

Tiyak din aniyang madadagdagan ang mga internet service providers (ISPs) at mararating ang geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) na sa kasalukuyan ay umaabot sa 7,063 sa buong bansa.

“Ang reklamo ng marami, mahal pero sobrang bagal ng internet connection lalo na sa mga kanayunan. This law will open the doors to tremendous opportunities, especially as more government services are now being offered online,” pagtiyak ni Tiangco. (Richard Mesa)

Pagbibigay ng ayuda sa mahihirap mas maganda kaysa pagnanakaw ng pera ng bayan

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANDIGAN ng Kamara ang suporta kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na binabatikos dahil sa pagtulong sa mahihirap.

Ayon kay House Spokesperson Atty. Princess Abante, ang pagtulong sa mahihirap ay hindi kailanman dapat ikahiya.

“Kung ang pagtulong sa nagugutom at maysakit ay kalokohan para sa ilan, mas gugustuhin pa naming matawag na ‘Tambaloslos’—kaysa matawag na ‘kawatan’ dahil sa pagnanakaw sa kaban ng bayan,” pahayag nito.

Nilinaw ni Abante na ang tulong na ipina-aabot sa mga indigent na pinoy ay ipina-aabot ay dumaan sa malinaw na proseso, dokumentasyon at direkta sa mga benepisaryo.

“May resibo, may proseso, may diretsong patutunguhan. Hindi ito isinusubo sa personal na bank account,” sabi pa ni Abante.

Habang ang iba aniya ay abala sa pag-iikot abroad, sa media appearances, at tila maagang kampanya, si Speaker Romualdez ay patuloy na nagtatrabaho — naghahain ng batas, nagbabantay ng pondo, at nagdadala ng tulong sa nangangailangan.

Iginiit pa nito na walang inihayag na plano si Speaker Romualdez para sa 2028, o naghahabol ng media mileage o viral popularity.

Kinuwestiyon din nito ang motibong pulitikal sa pag-atake laban sa Speaker.

“Hindi ba kayo nagtataka kung bakit pinupuntirya si Speaker, gayong wala naman sa survey para sa 2028? Baka ginagamit lang siya para mang-intriga, manira, at makuha ang atensyon ng publiko,” dagdag ni Abante.

Mensahe nito sa mga kritiko, “Habang abala kayo sa pagpapatawa at paninira, kami po ay abala sa trabaho. Tahimik man kami — hindi kami bulag. At hindi kami pipikit sa harap ng katiwalian. Trabaho, hindi drama.” (Vina de Guzman)

NPC, nagsagawa ng Blood Letting Activity

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGSAGAWA  ng Blood Donations ang National Press Club (NPC) katuwang ang Philippine Red Cross (PRC) bilang  bahagi ng pagdiriwang ng “World Blood Day”, kahapon Biyernes, June 13.
May tema itong “Dugo Alay sa Buhay” “Bloodletting Activity” na nilalayon ng blood donation drive sa pagtiyak na may sapat na suplay ng dugo para sa ospital at pasyente lalo na sa mga medical emergencies.
Hindi lamang sa pagsagip ng buhay ang layunin ng nasabing aktibidad kundi upang magkaroon ng kamalayan ang publiko sa kahalagahan ng pag-donate ng dugo at hikayatin ang regular na pagbibigay at mapanatili ang kalidad at kaligtasan ng suplay ng dugo.
Kabilang sa mga nakiisa sa blood donation activity ang mga kawani mula sa Philippine Coast Guard (PCG) , Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Navy (PN), Philippine National Police (PNP), Marines, Metro Manila Development  Authority (MMDA) kasama na rin ang mga nasa hanay ng media.
Noong nakaraang Enero , nakapangolekta na rin ang NPC ng 263 blood bags mula sa 270 donors na nakiisa sa aktibidad .
Ayon naman kay NPC President Boying Abasola, umaasaa silang mas marami o malalagpasan ngayon ang bilang ng nakolektang dugo noong Enero kung saan halos 200 mga kawani ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang nakiisa sa aktibidad. (Gene Adsuara)

PBBM, hindi kontra sa wage hike

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI kontra si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umento sa sahod.
Sa press briefing sa Malakanyang, hiningan kasi si Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro ng reaksyon sa pahayag ng Kabataan party-list na si Pangulong Marcos Marcos ang ‘pumatay’ sa panukalang batas na itaas ang sahod ng mga manggagawa ‘dahil pinaboran di umano nito ang ”rich boys club.”
”Diktador ba ang Pangulong Marcos Jr.? Hindi naman po. Hayaan na lang po muna natin ang usapin na ‘yan sa Kongreso at ang Pangulo naman po ay hindi tutol sa increased wage hike dahil ito po naman ay makakabuti sa mga manggagawa,” ayon kay Castro.
Gayunman, sinabi ni Castro na mayroong proseso na dapat sunduin sa pagtataas ng sahod ng mga manggagawa.
Sa ulat, bigo ang Kongreso na aprubahan ang umento sa minimum wage earners sa pribadong sektor.
Ito ay makaraang hindi maisalang sa bicameral conference committee ang magkaibang bersyon ng Senado at Kamara para sa dagdag na sahod sa huling araw ng sesyon ng 19th Congress.
Ito ay nang magmatigas ang Kamara na hindi i-adopt ang ₱100 daily minimum wage hike bill na unang inaprubahan ng Senado.
Sa kanyang manifestation, inamin ng may-akda ng panukala sa Senado na si Sen. Migz Zubiri na nalulungkot siya para sa mga manggagawa pero ipinaalalang ginawa ng Senado ang lahat para ipaglaban ang kanilang karapatan para sa dagdag na sahod.
Patuloy aniyang ipinipilit ng Kamara ang ₱200 dagdag na sahod na alam namang hindi kakayanin ng mga maliliit na negosyo at kung ang Senado ang mag-a-adopt sa panukala ng mababang kapulungan tiyak na mave-veto lamang ito ng Pangulo.
Sinabi naman ni Senate Committee on Labor chairman Joel Villanueva na sa kabila ng pagpapahayag ng intensyon ng mga kongresista na ia-adopt ang bersyon ng Senado ay wala silang natanggap na komunikasyon mula sa Kamara hanggang sa huling oras ng sesyon.
Ipinaalala ni Villanueva na February 2024 nang kanilang aprubahan ang panukalang dagdag na sahod sa mga manggagawa dahil batid nilang kailangan ito ng mamamayan.
(Daris Jose)

PBBM, nagpaabot ng taus-pusong pakikiramay matapos bumagsak ang Air India passenger plane

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPAABOT ng taus-pusong pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa India matapos bumagsak sa hilagang-kanlurang siyudad ng Ahmedabad ang isang Air India passenger plane na may sakay na 242 katao ilang minuto lamang makaraang mag-take off ito.
“Filipinos are deeply saddened by the tragic crash of Air India Flight AI-171 in Ahmedabad,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang post sa X.
“On behalf of the Filipino people, I extend our most heartfelt condolences to Prime Minister Narendra Modi, the Government of India, and especially to the families and loved ones of all those who lost their lives,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.
“The Philippines stands in full solidarity with the people of India following the tragedy,’ aniya pa rin.
“Our thoughts are with every family, across India and beyond, grieving this profound loss,” ang winika ng Pangulo.
Sa ulat, ang flight ay patungong London kasama ang mga pasahero mula sa India, Britain, Portugal at Canada.
Mayroon namang isang Canadian citizen ang sakay ng naturang eroplano.
Sinabi ni Faiz Ahmed Kidwai, ang director general ng directorate ng civil aviation, sa The Associated Press na ang flight AI 171, isang Boeing 787, ay bumagsak sa isang residential area na tinatawag na Meghani Nagar limang minuto pagkatapos mag-take off bandang 1:38 p.m. local time.
Ang bidyo sa lokal na mga channel ng telebisyon ipinakita ang usok mula sa crash site malapit sa paliparan ng Ahmedabad.
“May the victims be remembered with dignity, and may the ongoing efforts to understand this tragedy bring comfort and clarity to those left behind,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos.
Sinasabing nasawi isa lamang ang nakaligtas na pasahero ng Air India plane na nag-crash sa Ahmedabad, ayon sa mga pulis sa India. ( Daris Jose)

Sa talumpati ng Pangulo sa ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan… Fake news, kasinungalingan salot sa kalayaan – PBBM

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA talumpati ng Pangulo sa pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan na ginanap sa Quirino Grandstand sa Luneta, sinabi niya na kung titingnan ang nagaganap sa buong mundo ay nasobrahan na ang kalayaan.
Itinuturing ng Pangulo na salot sa kalayaan ang mga balitang salat sa katotohanan, maling impormasyon at walang tigil na kasinungalingan na maaaring makasira sa pamumuhay, kultura at sistema ng kaayusan.
Nagpahayag din ng kalungkutan ang Pangulo na may ilang Pilipinong ipinipilit ang maling paniwala para sa interes ng iba sa halip na mas dapat isaalang-alang ang kapakanan ng nakararaming Pilipino.
Tila nagparinig naman ang Pangu­lo sa mga personalidad, mga indibidwal at mga kumpanyang sa halip na magbigay ginhawa sa mga Pilipino ay dusa ang ipinaparanas tulad ng nararanasang hirap sa mahal na pagkain, kakulangan ng kuryente at tunay na serbisyo.
 (Daris Jose)
 (Photos by: Boy Morales Sr.)

Bago magbukas ang klase sa susunod na linggo:  PrimeWater, nangako na aayusin ang problema sa water supply sa Bulacan

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BAGO pa ang pagsisimula ng klase sa darating na Lunes, Hunyo 16 ay nangako ang Villar-owned PrimeWater Infrastructure Corp. na lulutasin ang problema sa suplay ng tubig sa lalawigan ng Bulacan.

Ang nasabing pangako ng Villar-owned PrimeWater Infrastructure Corp. ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Local Water Utilities Administration (LWUA) na magsagawa ng agarang imbestigasyon hinggil sa kakulangan ng pirmihang water supply sa mga pampublikong paaralan matapos na inspeksyunin ng Pangulo ang mga bayan ng Malolos at San Miguel sa Bulacan.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang PrimeWater at ang City of Malolos Water District (CMWD) ay nagpulong para tugunan ang kabiguan sa water service sa lalawigan.

Magkakaroon aniya ng pagkukumpuni sa dalawang apektadong bayan simula sa araw ng Biyernes, kasunod ng dayalogo sa pagitan ng PrimeWater at CMWD.

“Nangako po ang PrimeWater na ire-repair ang pump station by June 13, 2025 at makikipag-coordinate po sila sa drainage contractor para po maisaayos din po. Ito po ay sa pagitan ng CMWD at PrimeWater para marestore po ‘yung damage mainline,” ayon kay Castro.

“Water is expected to return to normal levels upon completion of the repair and restoration of damaged pipelines before school opening. So, abangan po natin ang magiging trabaho ng PrimeWater kung tutupad sila sa kanilang pangako,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, nanawagan si Castro sa pubiko na bigyan ng pagkakataon o tsansa ang PrimeWater para tugunan ang usapin.

“Tingnan po muna natin. Bigyan natin sila ng chance. Although marami nang nagrereklamo sa PrimeWater, bigyan muna natin ng chance dahil ang sabi naman po nila ay sila’y naglilingkod sa bayan,” ang dagdag na wika ni Castro.

Ang LWUA, sa naging direktiba na rin ng Pangulo ay binigyan ng 48 na oras na magsumite ng kanilang initial report para tukuyin ang dahilan ng pagkabigo sa suplay ng tubig at mga opisyal na responsable sa usaping ito, at binalangkas na hakbang para maibalik ang serbiso bago pa magsimula ang klase sa susunod na linggo. (Daris Jose)

 

Protesta sa ginawang pagbinbin ng impeachment complaint, panawagan ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares

Posted on: June 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Bayan Muna Chairman Neri Colmenares sa publiko na mag-protesta sa ginawang pagbinbin ng impeachment complaint at iginiit sa senado na mag-convene sa June 21.

Ayon kay Colmenares, kahit naka-adjourned ang ang senado bilang legislative body ay maaarin itong mag-convene bilang Impeachment court dahil hindi naman legislative body ang korte.

 “Clearly, not only the Constitution but even their own rules differentiated the impeachment court from the legislative function of the Senate even suspending the Senate’s legislative business during impeachment trials.  Additionally, Rule 3 of the same Senate Rules commanded that “Upon presentation of the articles to the Senate, the Senate shall specify the date and time for the consideration of such articles. Unless the Senate provides otherwise, it shall continue in session from day to day xxx until final judgment shall be rendered, and so much longer as may, in its judgment, be necessary.” pahayag ni Colmenares na nagsilbing public prosecutor noong impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona.

Dahil inatasan na rin ang OVP ng Impeachment Court nitong June 11, 2025 na magsumite ng sagot sa loob ng non-extendible period na 10 araw, ay dapat na mag-convene ang konrte sa June 21 upang tanggapin ito at simulan ang trial.

Hinikayat naman ni Colmenares ang kamara na agad sagutin ang kautusan ng impeachment court.

“The House should immediately reply to the order of the impeachment court asserting that the complaint did not violate the Constitution and that it is willing and ready to prosecute it and appear before the impeachment court on June 21,” payo ni Colmenares.

 Kung hindi aniya ito gagawin ng kamara ay baka sabihin ng ilang senador na ang malaking kapulungan ang siyang nagdiskaril sa impeachment sa pamamagitan ng hindi pagtugon at pagsunod sa kautusan.

“The House should throw the ball back to the Senate challenge the Senators to convene as an impeachment court on June 21”.,”pahayag nito.

Hinikayat pa ni Colmenares ang mamamayan, hindi lamang sa Metro-Manila kundi maging sa probinsiya sa buong bansa na magsagawa ng protest actions upang hikayatin ang senado na mag-convene sa June 21 upang magsimula na ang trial.

(Vina de Guzman)